webnovel

Allysabeth's Loviary #2

To: Zevin Allearda

Hoy crush! Alam mo ba sa tuwing tinitignan kita feel ko nasa langit ako, may maipagmamalaki na ako kay mama sa tuwing kukunin niya card ko kasi nandiyan ka at ikaw inspirasyon ko yiieee! Huwag kang kiligin! Crush tae, seryoso niyayaya mo akong kumain? Like omegash kung panaginip lang 'to pwede bang araw-araw na lang ako managinip para maging akin ka lang!?

Luckiest girl,

Allysabeth Ramsey-Allearda

-------------------

Napatayo ako bigla nang may tumalsik sa akin na White Board Eraser at tumama iyon sa may noo ko. Seriously?!

"Sino 'yon?" tanong ko. Tumingin ako sa teacher kong galit na galit.

"Pumasok ka lang ba dito para tignan si Mr. Allearda? Iha? Kung gusto mo umalis ka na dito sa klase ko!" Sigaw ni Mrs. Feungsha.

*Ayiiee*

*pumapag-ibig*

"Sorry po ma'am masakit lang ulo ko. Hindi po kasi ako nakatulog, nag-aaway sila mama." Pagdadahilang sabi ko. Tumango lang siya at pina-upo ako. Ang galing ko magsinungaling hahaha just kidding.

Nakinig na lamang ako sa teacher ko hanggang sa dumating na 'yong Break time at wala na naman akong kasabay kasi sila sila Caleanne absent at magkasabay talaga sila ni Victoria.

Kinuha ko na 'yung coin purse ko sa may bag at umalis mag-isa. Napagdesisyonan ko na doon ako pupunta sa may Main Canteen para bumili ng ulam at kanin. Malapit na ako sa tindera nang bigla akong kalabitin nong tao sa may likod ko.

"Ally, kain tayo." Nagtaka naman akong lumingon dito dahil wala naman akong maging kaibigan dito maliban kanila Victoria at Caleanne.

"Sino ka---" Gulat akong lumingon sa kaniya at dahan-dahan kong sinampal ang aking sarili. Sheet! I'm dreaming ba lord?

"May pagkain na ako doon for two, huwag ka na bumili."

P*taaaaa! Seriously crush! Si Zevin Allearda na crush ko nagyayang kumain?!

------

- hakdog.