webnovel

Chapter 1

"Hey, where are you? Akala ko sasama ka?" Inip na tanong ko sa kaibigan ko.

"Eto na, Andrianne. Medyo traffic lang," sabi niya atsaka pinatay yung tawag.

Ngayon ay papunta kami sa fan meet up. Simula teenager palang ako ay adik na adik na talaga ako sa mga kpop, at eto ako ngayon iniistan ang Dream Girls.

Naka suot ako ng maikling palda, na kadalasang sinusuot ng mga kpop kapag nag peperform sila. At naka suot din ako ng blouse na puti. Longsleeve ito at parang may ribbon sa manggas.

"Kizzy, dito!" sigaw ko sa kaibigan ko ng makita ko siya na naglalakad.

Naka suot naman siya ng floral na dress nahanggang baba ng tuhod niya. May bitbit din siyang bag na nakasabit sa likod niya, as usual kulay violet ito.

"Tara na, mukhang late na tayo eh." salubong niya ng makalapit saakin habang humahagikhik.

Naku, kapag usapang late talaga itong si Kizzy ang panalo.

"Hindi ka nanaman pumasok sa trabaho no?" tanong niya ng nasa taxi na kami.

May sasakyan naman ako, pero ayokong masundan ako ng mga guard ni dad. Tiyak, sesermonan nanaman niya ako pag nalaman niya to.

"Uhmmm, pumasok ako no! 2hrs nga lang, hehe." sabi ko at nag peace sign.

Saaming dalawa siya ang pinaka matured mag isip. Ako kase puro takas nalang ata ang ginagawa ko.

"Hays, sayang talaga yang pagiging graduated mo bilang architect. Eh kung hindi mo naman pala ginagamit sa maayos no duh," sabi niya at umirap nalang.

Hindi ko nalang siya pinansin, I know naman kasing hindi ako mananalo pagdating sakanya no. Maganda si Kizzy, yun nga lang may jowa na. Maikli yung buhok niya na hanggang balikat niya lang, at kulay almond ito. Mas matangkad lang ako sakanya ng konti, at medyo maputi ako. Yun buhok ko ay kabaliktaran ng sakanya, na hanggang bewang. Ang kulay naman ng buhok ko ay itim lang, ayaw iyon pakulayan ng dad ko.

"Kizzy Torealles, at Andrianne Daime Martinez po" sabi ni Kizzy doon sa isang staff ng harangin kami.

Ang alam ko ay inarkila nila yung buong cafe, para lang sa fan meet-up.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad na bumungad ang malakas na tugtog ng kantang Dream Catcher.

"Uy! Ayan na pala sila Andrianne at Kizzy" rinig kong sabi ng Presidente namin, na siyang nag plano ng lahat ng to.

Mababait naman sila at magandang pakisamahan. Umupo kami ni Kizzy sa isang mesa na wala pang naka upo.

"Guyss! Its 3:00 na mag s-start na tayo!"

sabi ng President namin na si Thea, na nasa harap ngayon.

Ang unang ginawa nila ay nagpalaro ng kung ano ano, halimbawa ng bring me at iba pa. Pagkatapos ng masayang laro ay nag dance off naman sila, at syempre ang lahat ay sumali.

"Guys! Kumain na muna tayo," sabi ni Thea at hininaan ang tugtog.

"Ano inorder mo?" tanong saakin ni Kizzy.

Kaya inangat ko ang tingin ko at naabutan ko na nakatingin sa menu's.

"coffee jelly, at spaghetti ang akin. Alam ko may kasamang cup sleeve yun eh," sabi ko na ngayon ay abala sa pag seselpon.

Pinicturan ko ang kabuuan ng lugar, para mamaya ay mapost ko ito.

"Dreamers! Maraming maraming salamat sa inyong pagpunta. Sana ay natuwa at nag enjoy kayo ngayon, hope na magkaroon ulit ng ganitong event. Salamat nga din pala kila Andrianne at Kizzy dahil sila ang nag pareserve nitong cafe. At salamat din saating vice president na si Elissa, dahil sa mga pa prize na natanggap niyo ngayon. Ingat kayo sa pag uwi"

Sabi ni Thea atsaka nasiuwian na ang lahat. Tutal mag gagabi na rin kaya ayos lang, nagenjoy din naman kami.

"Di na ako sasabay sayo Andra, ah" sabi ni Kizzy saakin pagkalabas na pagkalabas namin ng cafe.

Minsan ang tawag niya saakin ay Andra, dahil ang haba haba daw ng pangalan ko at wala naman daw tumatawag saakin Diem.

"Bakit? Susunduin ka ba?" tanong ko sakanya na ngayon ay tutok na tutok sa cellphone niya.

"oo, salamat sa pag sama ah!" masiglang sabi niya bago ako sumakay ng taxi.

Nang makarating ako sa condo ko ay bumaba agad ako.

"Maam! Naku, saan po kayo nanggaling. Hinahanap po kayo ng daddy niyo kanina," salubong saakin ng driver na inassign saakin ni daddy.

"Ay, sige po tatawagan ko nalang po si dad" naka ngiting sabi ko kay manong.

Atsaka sumakay na ng elevator para makapunta ako sa unit ko.

"Dad!"

Masiglang salubong ko sakanya.

Shet, mukhang napapagalitan nanaman ako ah. Lagi kasi akong tumatakas eh.

"Ano? Tumakas ka nanaman. Saan ka nanaman nagpunta?" dirediretsong tanong niya saakin.

Niloud speaker ko nalang yung cellphone ko at nag umpisa ng mag bihis.

"Ahh, kase dad birthday nung boyfriend ni Kizzy. So, dahil mabait ako hindi na ako nakatanggi." Pagpapalusot ko, at may paawa effect ang tono ko.

Pagnalaman talaga ni dad na nagpapakabaliw nanaman ako sa kpop, papagalitan ako nun.

"Andrianne Daime Martinez!" Malakas niyang sigaw, na may pagbabanta sa tono.

Lagut!

Agad akong lumapit kung saan ko nilapag yung cellphone ko at kinuha iyon, kahit na hindi pa ako nakakapag bihis.

"yes dad, hehe" sabi ko na may pagpapa cute sa boses.

"Nung January sinabi mong birthday ng kaibigan mo. Tapos nung February dalawa sa kapatid ni Kizzy yung may birthday, ngayon boyfriend niya?" naiinis na sabi ni dad.

Kung nasa harap ko lang talaga si dad mukhang sasabog na ang kanyang ulo, dahil sa katigasan ng kokote ko.

"Don't worry dad, papasok ako bukas. Gusto mo pa mag overtime ako eh!" masiglang sabi ko para naman matuwa.

Ang boring kaya sa office, mas gugustuhin ko pang nasa bahay ako lesa makipagplastikan doon. Gusto lang naman akong kaibiganin doon dahil ako ang anak ng may ari ng kumpanya eh.

"No, hindi ka papasok bukas. Magkita tayo dito sa bahay bukas ng umaga," sabi ni dad na ikinagulat ko.

What?! Ayoko dun. Sana lang wala doon si tita pero napaka imposible non.

"Pero, dad naman-"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil bigla niya itong pinatay.

Pagkatapos kong mag bihis ang agad kong binagsak ang katawan ko sa kama. Pero hindi agad ako nakatulog, kaya nilibot ko muna ang mata ko sa kabuuan ng condo unit ko.

Maliit lang ang tinitirhan ko actually. Ay punong puno ito ng kpop merch at iba pa, kaya wala akong pinapapasok dito. Lahat ata ng kamag anak ko eh ayaw sa kpop. May mga standee din ako sa kwarto.

Ang Dream girl ay hindi ganun ka sikat na girl group sa korea. Meron itong apat na members. Since na mabuo yung group na yun ay inistan ko agad sila. Yun nga lang, kinailangan kong lumipat para lang makapag kolekta ng mga merch.

"Shit," sabi ko sa sarili ko.

Kaya agad akong bumangon, dahil nakalimutan kong may ieedit pa pala ako. At kailangan ko iyong ipost

Mabilis ko namang natapos ang pag eedit ko. Atsaka ko pinost n sa mga dummy account ko, gaya ng facebook, twitter, at instagram.

Kinaumagahan ay agad akong nagbihis. Nakasuot ako ng formal attire, pag nakita nanaman nila na inspired sa korea yung style ng damit ko magagalit nanaman yon. Kesyo ang tanda tanda ko na daw at yun pa ang inaatupag ko.

Naka dress ako na tube at dark blue ang kulay nito, hanggang tuhod ang haba. At pinatungan ko iyon ng blazer na parang suit, kulay puti ito at longsleeve. At nagsuot ako ng puting sandals.

"Maam, saan po tayo? Tanong nung body guard saakin, nang makapasok ako sa loob ng kotse ko.

"Sa bahay ni dad nalang po," nakangiting sabi ko at nag seatbelt na.

"Oh, bat ngayon ka lang ulit dumalaw iha." salubong ni tita nung makapasok na ako sa loob ng bahay nila.

Mabilis ang naging takbo ng byahe, kaya nakarating kami agad.

"Pasensya na po tita naging busy po kasi ako," naka ngiting sabi ko at tinugon ang yakap niya.

"naku, mommy nalang. Tutal malapit naman na kaming ikasal ng dad mo," sabi niya at nginitian ko nalang.

Pero sa loob loob ko ay napapangiwi ako. Hindi naman kasi ganyan ang tunay niyang ugali no. Kaya ganyan siya kabait saakin dahil nandidito ngayon si dad.

"Maupo ka Andra," sabi saakin ni dad nang makarating ako sa dining area.

Mabuti nalang hindi ako nag almusal sa condo, ayaw na ayaw pa naman ni dad na tumatanggi ako na sumabay sakanila.

"What is it dad?" diretsyang tanong ko.

"Simula ngayon ay hindi kana papasok sa kumpanya natin-" seryoso at may otoridad na sabi ni daddy.

Nakita ko naman kung paano ngumiti si tita Mirakel, tss.

"What? Bakit dad, pinagtatabuyan mo na ba ako?" sabi ko na may pagmamaka awa sa tono.

Duh, sa kumpanya lang ako nakakatakas no.

"Patapusin mo nga muna ako. Ang sinasabi ko, ay matatrabaho ko sa ibang kumpanya at hindi saatin. Para namang magtino tino kana don. Eto ang adress, ibigay mo nalang yan sa driver mo." Sabi ni dad at may nilapag na papel.

Actually I don't want to work naman talaga eh.

I pouted my lips "But dad! Alam mo namang hindi ko din gusto magtrabaho,"

pagmamaktol ko.

I don't know if I would work, pero ayoko talaga.

"Stop, Andrianne wala na rin akong magagawa.Tiyak iniintay ka na nila don," sabi ni dad at tiningnan ako.

"Maam, nandidito na po tayo" Sabi ni manong

Atsaka ako bumaba sa tapat ng isang malaking kumpanya. Ilang beses kong pinilit si dad na wag akong ipasok dito, pero hindi naman siya pumayag. Isa pa andun kasi si tita at kinukunsinti pa si dad na kailangan ko daw ng disiplina.

"Saan po ang opisina ni Mr. Clevente?" tanong ko sa guard habang naka ngiti.

Baka kung sa loob ako magtanong eh walang pumansin saakin, ngayon pa lang din naman ako nakakapunta dito.

"Ah, nasa 3rd floor po maam. Pero baka wala pa po siya dyan ngayon eh, silipin niyo nalang po." Naka ngiting sabi naman ni kuyang guard.

Pagka thank you na pagka thank you ko ay pumasok agad ako. Pagpasok ko palang ay pinagtitinginan na ako sa loob, at mukang pinag uusapan pa ako!

"Yan ba yung fiancee ni sir?" rinig ko sa babaeng kasabay ko.

Tss ang chismosa niyo naman ghorl, nandito lang ako para magtrabaho no. As if naman may balak akong mag asawa.

Hindi ko nalang pinansin iyon atsaka dumiretso ko 3rd floor na sinasabi nung guard, pero agad na may humarang saaking matangkad nababae. Sobrang puti niya kung titignan, yun nga lang grabe kung maka lagay ng make-up

"Excuse me, saan po ang opisina ni Mr.Clevente?" tanong ko dun sa babaeng nakaharang.

"Why? Meron ka bang appointment sakanya?" Aniya.

Agad naman akong napaisip, meron ba? I don't know? Haha.

"Uhm, check if there's Ms. Martinez or Mr. Martinez" Sabi ko sakanya.

Agad naman niyang kinuha yung parang folder na may laman na kung ano anong papel. I don't know kung may usapan ba si Mr. Clevente at dad na magkikita ngayon.

"unfortunately, wala pong Martinez na naka appointment" Sabi niya at tiningnan ako simula ulo hanggang talampakan ko.

"Oh, okey"

Naka ngiting sabi ko atsaka tumalikod. Madali naman akong kausap, mas gugustuhin ko pang wag mag trabaho eh. Marami din naman akong pera sa bangko. Psh, bat kasi kailangan ko pang magtrabaho.

Nang bumukas ang elevator ay agad akong napatingin sa lalaking sakay nito. Pero hindi ko iyon pinansin at patuloy ako sa pangangalikot ko sa cellphone ko. Inaantay ko siyang lumabas pero hindi manlang siya kumilos kaya ako na ang pumasok.

Nang nasa loob na ako ay hindi pa din sumasara ang elevator kaya napatingin ako sa lalaki, at pipindutin na sana yung close pero laking gulat ko ng bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko at hinila ako palabas

"What the hell! Let go of me!" sigaw sigaw kong sabi.

Damn it.

Pilit kong binabawi ang kamay ko at nagbebend na din ako ng tuhod para mapabagal ang pag lakad niya. Pero bigla niya akong binitawan kaya napa upo ako sa sahig.

"Yaaaahhhh!" malakas kong sigaw at tumayo.

"So, it's you. Ikaw ang magiging personal assistant ko right?" tanong niya saakin.  Napa kunot naman ako ng noo.

What? Personal assistant eh?