webnovel

Prologue

"Another three points from Abrigo!"

Isang malakas na tilian ang narinig ko mula sa mga babaeng nasa bench at pinapanuod ang game nila Cyprian Abrigo. He's really popular from the girls here in Holy Angel University, huh? Naglalaro lang siya ng basketball ay parang may giyera na dahil sa mga tilian. Ngayon kasi ang intrams ng mga senior high at napasakto yata ang recess namin sa game nila Cyprian.

"Uyy, si Cyprian naglalaro!" Beatrix exclaimed. She tiptoed to see the players behind those benches. Ako naman ay nagta-tiyaga na lang na sumsulyap sa mga siwang. Sakto kong nakita ang pawisan at gwapong mukha ni Cyprian. Nakaawang pa ang kanyang bibig at namumula ang mukha.

Ngumiti ako. "Narinig ko nga, naka three points siya." Sabi ko.

Trix shot me a malicious look. "Tara panuorin natin!"

Nakaramdam ako ng excitement dahil sa sinabi ni Trix pero kaagad din iyong humupa nang maalala kong five minutes na lang at mag-uumpisa na ang klase namin.

"Papagalitan tayo ni Ma'am Guzman."

She frowned. "Come on, Jess. Grab the opportunity. Si Cyprian Abrigo yan oh!" Panunulsol niya pa. She took a sip of her lemonade while waiting for my response. Ano ngayon kung mapapagalitan kay Ma'am Guzman, right? Kayang-kaya namang lusutan.

I shrugged. "Okay, let's watch." Sabi ko. She shrieked in excitement before dragging me to go inside the covered court. Umupo kami sa unang row ng bench at doon kami sa bandang sulok. Mukha kaming outcast dahil lahat ng mga nanunuod dito ay naka civilian at mga senior highschool na. Kami na lang ni Beatrix ang natatanging Grade 6 students.

May mga iilang tumingin saamin pero nang may maka score nanaman ay tila ba nakalimutan na nila na nandito kami ni Beatrix.

"What a nice rebound from Ponce de Leon!" The announcer exclaimed. Pinukulan ko ng tingin ang lalaking naka jersey na color blue na mayroong number 17 sa likod. Seryoso ang mukha niya sa paglalaro pero nang marinig niyang isinigaw ng mga babae ang pangalan niya ay bigla siyang napangisi. Another popular from the girls in this university.

I saw Beatrix, who's sitting beside me, frowned as she took another sip of her lemonade. She finds it disgusting when someone is fangirling over her brother and I highly agree to that.

"I can't believe Colton have fangirls!"

Nakangiwing sabi ni Beatrix. Natawa na lang ako dahil sa reaksyon niya. His brother is now jogging inside the court and as he unconsciously ran his fingers through his quiff hair. Although Beatrix and Colton are siblings, magkaiba sila nang pinagmanahan sa buhok. Beatrix's inherited her curly hair from tita Helen while Colton has their father's hair.

Muli kong itinuon ang atensyon ko sa nag-iisang dahilan kung bakit pinili kong manuod dito kaysa pumasok sa subject ni Ma'am Guzman, kay Cyprian. Tumatakbo siya habang dini-dribble ang bola at ganoon din ang bantay niya. God, his muscles are flexing!

Nang hindi na siya makalusot ay ipinasa niya ang bola kay Colton. Siya  naman ngayon ang inaagawan nila ng bola, sa kabila ng pag-aagawan nila sa gawi niya ay muli kong itinuon ang pansin ko sa nakatalikod na si Cyprian habang naghihintay siyang mapasahan ng bola. I can see his back clearly because he's infront of us! He's just few feets away! Abrigo number 7 ang kanyang jersey.

Sa kalagitnaan ng pagtitig ko kay Cyprian ay bigla ko na lamang narinig ang malakas na sigaw ni Beatrix sa pangalan ko. Kumunot ang noo ko at nilingon ko siya, paglingon ko sakanya ay bigla ko na lang naramdaman ang pagdapo ng matigas na bola saaking ulo at nagbounce iyon pababa sa hawak-hawak kong chocolate drink na naging dahilan upang mabitawan ko iyon at mabuhos saaking uniporme.

"Oh my God, Jess!" Beatrix gasped while looking at me with full of concern. Ako naman ay naestatwa habang nakaawang ang bibig na nakatingin sa uniporme kong punong-puno na ng mantsa. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang tumamang bola saaking ulo.

Nag-angat ako ng tingin at doon ko lang napansin na natigil pala ang game. Everyone is looking at me. Even Cyprian! Parang gusto ko ng bumalik muli sa sinapupunan ng mommy ko. Mas lalo akong nanlumo nang mag-iwas siya ng tingin at naglakad paalis. God! Cyprian Abrigo is my first ever crush at ngayon ko lang niya ako tinignan tapos ganito pa ang hitsura ko.

Ang pamumutla ko kanina ay napalitan ng pamumula. Lalo na nang balingan ko ng tingin ang gawi nila Colton. He's trying to control himself from laughing while looking at me.

He mouthed "Sorry." When our eyes met. Nag-igting ang bagang ko. He doesn't look sorry at all. Ang pamumula ko kanina sa kahihiyan ay napalitan ng pagkainis. I glared at him, itinago niya ang kanyang bibig sa leegan ng kanyang jersey para doon tumawa. Sa sobrang inis ko sakanya ay para na akong maiiyak.

Lord, give me strength for I might kill this beast!

"Oh my gosh, Jess I'm so sorry!" Si Beatrix na kanina pa aligaga at panay ang punas saaking uniporme. I looked at her and gave her a slight smile.

"It's okay, Trix. Let's just go." Sabi ko. Malungkot niya akong tinanguan at aalalayan na sana ako at inalalayan sa pagtayo.

"Miss! Miss!" Boses iyon ng isang lalaking tumatakbo papalapit saamin. Bigla ko na lang naramdaman ang pagpisil ni Beatrix sa kamay ko. Nang mapatingin ako sa harapan ko ay saka ko lang napagtanto kung bakit bigla-bigla na lamang akong pinisil ni Beatrix sa kamay.

I squeezed her hand back as I try to calm myself while looking at Cyprian Abrigo jogging towards us. Mayroon siyang dala-dalang dark blue na jacket. Tumigil ang pawisan na si Cyprian sa harapan namin at hinihingal na inabot saakin ang jacket niya.

"Here..." Napaawang ang bibig ko at saglit akong napatulala.

He sighed. "Tanggapin mo na, Miss. Kasalan ko naman kung bakit ka natamaan ng bola. Saakin dapat ipapasa 'yon ni Colton e." paliwanag niya at napakamot ng ulo. My jaw clenched when I heard the name of the guy who just put me through a massive humiliation. Nag-angat ako ng tingin sa gawi niya. Kung kanina ay tumatawa siya, ngayon naman ay ang sama ng mga titig na ipinupukol niya saakin.

Tikom ang bibig niya at dumilim ang kanyang aura. Tss. He's pissed because someone helped me, huh? Gustong-gusto niya talaga yung napapahiya ako e. Sinamaan ko rin siya ng tingin bago muling ibinalik ang titig ko kay Cyprian.

"Sorry..." Hingi niya ng paumanhin nang magtama ang mga mata namin. Now that's what sorry looks like! Hindi iyong nag so-sorry ka na nga ay tumatawa ka pa!

I gave him a slight smile before accepting his jacket. The girls around me looked at me with envy while I wear his jacket.

"Kaiinggit yung bata!" That's all I can hear from them. I frowned mentally. Bata.

"Thanks." I say my thanks to him after zipping his jacket up.

He nodded and grinned as he looked at his jacket. "Ayan, hindi na halata yung mantsa."

Bahagya akong tumango sakanya. Nagpaalam na siya saaming dalawa ni Beatrix na babalik na siya sa court at casual naman akong tumango habang si Beatrix ay mukhang hindi na makahinga. Nang mag resume na ang game ay umalis na kami ni Beatrix. Ramdam ko pa rin ang pagsunod ng mga tingin nila saamin at nawala lang nang tuluyan na kaming makalabas.

"Oh my gosh, Jess! You are such a lucky gal!"

I chuckled at Beatrix. "Did you just called me 'lucky'?" sabi ko at akmang ibaba ang zipper ng jacket ni Cyprian para ipakita ang mantsa sa uniporme ko.

"Okay, I got it." pagsuko niya at itinaas ang dalawa niyang kamay. Hindi ko na itinuloy ang pagbaba ko ng zipper. Nagpatuloy na lang kaming dalawa sa paglalakad.

"Pero pagpasensyahan mo na si Colton, ha? Hindi naman niya siguro sinasadya iyon." Sabi ni Beatrix. My jaw slacked and looked at her in disbelief.

"Sinasadya niya 'yon, Trix! Nakita mo ba kung paano siya magpigil ng tawa!" Depensa ko at medyo naiirita na dahil pinagtatanggol niya pa ang kapatid niya. I mean, I know blood is thicker than water but Beatrix and I were friends since grade one!

She let out a heavy sigh. "Calm down, Jess. I'll talk to him. Don't worry." She coaxed and placed her arm around me. "H'wag ka ng mainis, please? Kahit na may disaster na nangyari napansin ka naman ni Cyprian. Plus may jacket ka pa from him!"

Dagdag pa niya. Napailing naman ako pero hindi ko pa rin mapigilan na mapangiti.

Bagamat 20 minutes late na kami ay pinasukan pa rin naman yung subject ni Ma'am Guzman. Napagalitan kaming dalawa ni Beatrix pero hindi pa rin kami naglaglagan. Nang bumalik na kami sa upuan namin ay halata sa mga kaklase ko na napansin nilang naka jacket ako. Some girls are even making a face at me. I just glared at them and Beatrix did too. May kasama pang irap ang sakanya. That's the good thing about my bestfriend. Kapag inaaway ako ay siya pa ang mas affected at nakikipag-away.

Mga bandang tangghali ng sabado ay nagtaka ko nang bigla-bigla na lang tumawag si Beatrix. Kaagad ko namang sinagot iyon.

"Oh my gosh, Jess, you won't believe this!" bungad niya mula sa kabilang linya.

"Why? What happened?"

"Si Cyprian! Nandito siya! I think they're up for a project but whatever, at least he's here!" Mahina niyang tili. Bigla akong nabuhayan dahil sa sinabi niya.

"Really?" I can't hide the excitement in my voice.

"Yeah! Pumunta ka na dito!"

"Wait... Ano naman ang idadahilan ko sa bigla-bigla kong pagpunta diyan?"

"Kunwari sabay tayong magre-review para sa quiz natin sa lunes!" Kaagad naman siyang nakaisip ng alibi.

"Okay, okay. Got it. Maliligo na ako."

"Okay. I'll wait for you. Dalian mo!"

Nagmadali akong naligo at nagbihis. My dad is on a business trip kaya si Mommy lang ang nandito at ang mga maids namin.

"And where are you going, little miss?" Mommy noticed me while spraying some water on the red roses that my Daddy gave her last night. Naka bouquet iyon at inilagay niya sa vase.

"Kina Beatrix lang, my. Magre-review kaming dalawa." I bit my lower lip. Liar, Jessica. Liar!

"Oh," aniya at napangiti. "Bakit hindi na lang siya ang imbitahan mo rito? You can use our library." suhestiyon niya.

"Uhm... Hindi kasi siya pinayagang lumabas ngayon, My, kaya ako na lang ang pupunta." Another lie escaped from my mouth. The things I'd do for Cyprian.

"Ohh... That's bad. Sige, magpahatid na lang sa driver at magte-text ka ha?" Bilin niya. Ngumiti naman ako at tumango.

"Bye, My!" Paalam ko at tumakbo palapit sakanya para bigyan siya ng halik sa pisngi.

"Mag-iingat ka Jess..." Bilin niya ulit saakin.

"Okay, My!" Sigaw ko habang tumatakbo na palabas ng bahay. Nadatnan ko si kuya Mon na pinupunasan ang windshield ng pulang chevy. We have five cars on the garage. Yung Mercedes ang laging gamit ni Daddy at yung pulang chevy naman ang madalas ipaghatid-sundo saakin ni kuya Mon.

"Ma'am Jess. Aalis kayo?" Aniya nang mapansin niya ako.

Tumango ako. "Kina Beatrix lang, kuya Mon." Sabi ko.

"Sige, ma'am." Pinagbuksan na niya ako ng pintuan sa backseat at kaagad naman akong sumakay doon. Maliit na bag lang ang dala ko. Sinadya ko talagang h'wag dalhin yung jacket ni Cyprian. Masyado akong magiging halata kapag ganon.

While we're on our way I texted Trix immediately.

Me:

I'm on my way.

Nang mai-send ko na iyon ay muli ko ng ipinasok sa maliit kong bag ang phone ko.

Isang oras yata ang biyahe bago ako nakarating sa bahay ng mga Ponce De Leon. Napaisip pa ako kung may madadatnan pa ba ako doon dahil baka umalis na sila sa tagal kong dumating.

Nang pindutin ko ang doorbell ay isang maid ang lumabas at pinagbuksan ako ng gate.

"Si Beatrix, ate?" Tanong ko.

"Nasa taas. Tatawagin ko. Halika pumasok ka na." Aniya at tumango lang ako at sumunod. Pagpasok ko sa bahay ay wala akong nakitang Cyprian at maging si Colton na kinaiinisan ko ay hindi ko rin nakita. Ang nadatnan ko lang ay si tita Helen na abalang may kausap sa telepono.

"Sige, sige mamaya na lang... Ipinagluluto ko pa ang mga bisita ni Colton." dinig kong sabi niya. Bigla naman akong nabuhayan doon. So ibig sabihin ay nandito pa sila?

Nang maibaba na niya akong telepono ay dumako ang tingin sa gawi ko. Bahagya siyang nagulat nang makita ko ngunit kalaunan ay ngumiti rin siya.

"Oh Jess! Nandito ka rin pala." Aniya at binalingan ng tingin ang maid nila na kasalukuyang naglilinis sa sala.

"Tawagin mo si Beatrix. Sabihin mo nandito si Jess." Utos niya dito.

"Tita, h'wag na po. Tinawag na po siya nung isa." I interrupted. She draw her attention back to me and smiled.

"Ah ganoon ba? Osiya sige, maiwan muna kita ha? Itutuloy ko lang iyong niluluto namin ni manang Sally."

"Sige po, tita." I smiled.

"Jess!" awtomatiko akong napatingin doon sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Beatrix na excited na bumababa ng hagdan. Like me, she's just wearing a shorts and a T-shirt with Taylor Swift's face on it. Pero yung sakin ay walang mukha ni Taylor, kulay pastel lang siya na shirt.

"Saktong-sakto ang dating mo!" Mahina ngunit patili niyang sabi. "Lalabas na sila maya-maya para mag meryenda." dagdag pa niya.

Napangiti naman ako at bahagya pang napatalon dahil sa excitement.

Hinila niya ako sa pulso para umakyat na kami sa kwarto niya habang nasa tapat kami ng pintuan ay dinig na dinig ko ang iba't-ibang boses na galing sa kwarto ni Colton. Magkaharap lang kasi ang kwarto nila.

"Colton! Paano yung solving dito? Hindi ko alam i-explain 'to." It's a girl's voice.

"I'll take over it. Pumili ka na lang ng iba diyan." I heard Colton's low and solid voice. So the jerk's good in math?

"But I want to know how to solve this." ang high pitch masyado ng tono niya.

"Ako rin, Colton. Paturo na lang mamaya para may maisagot ako sa exam." Now that's Cyprian's voice. Nagkatinginan kami ni Beatrix na mukhang nakikinig din sa usapan nila sa loob.

She wiggled her eyesbrows at me. Natawa naman ako ng bahagya.