webnovel

Chapter 7

Chapter 7

It's You

"I'm so happy today!" Masayang sabi ni Trix salubong sa akin ni Trix nang tabihan niya ako.

"Why? What happened? Your new crush noticed you?"

Her face scrunched. "No. Colton and Lexie broke up last night!" Bigla uli siyang sumaya nang basagin niya sa akin ang balita.

I remained as straight face. "Uh... what's new? Colton always end up breaking up with her girlfriends."

Where's the catch in there? That's Colton's norm. Kung makapagpalit talaga si Colton ng girlfriend ay parang nag ge-general cleaning lang siya ng bahay.

She rolled her eyes. "Oo nga pero that's Lexie we are talking about. I don't like her— we don't like her. Remember?"

"You've never liked the girls that Colton had dated."

Saglit siyang natahimik, my words trying sink in through her. "You're right." She crinkled her nose.

"So, how'd you find out?"

"I heard him talking to someone over the phone... Si Lexie 'yon! Nasa likod kasi siya ng bahay, nag s-smoke," she paused with an eye roll. "Narinig ko pinag-aawayan nila si Mona. I even heard Colton say in verb... verbalin... ver—"

"Verbatim." I cutted her off.

"Yeah, verbatim. I heard him say, 'My God, Lexie! You are being unreasonable! Mona and I are in the same class, you can't expect me to not breathe the same air as hers. Maybe we should call it quits, I'm so done.' Ayan! Ganyan na ganyan ang sinabi niya!"

Napatango-tango ako. "Let's watch out for Colton's next girlfriend then... I hope it's Mona."

Trix frowned. "You like Mona for my brother?" Hindi niya makapaniwalang sabi.

Ngumuso ako. "Kind of. I think she's brave. I heard her confessed her love for Colton."

"That's not bravery, that's stupidity! Ang sabi ni papa ko, hindi dapat ako ang unang umaamin na gusto ko ang isang lalaki, dapat siya ang umamin sa akin! He said that I must not chase boys because boys will chase me." Proud na proud niyang sabi, she even flipped her big natural curls.

Natawa ako.

--

"Alam mo, hanggang ngayon hindi ko pa kinakain 'yung chocolate na ibinagay sa'kin ni Cyprian..." Sabi ko kay Beatrix habang naglalakad kami paalis ng building.

Noong monday kasi pinuntahan pa talaga ako ni Cyprian sa classroom para bigyan ng chocolates kasi daw kakauwi lang ng pinsan niya galing ibang bansa. He gave me three kinder joy and three bueno! Ibinigay ko kay Trix yung isang kinder joy at isang bueno.

Tuwang-tuwa ako at maging ang best friend ko. Confirmed daw talaga, crush din ako ni Cyprian! Grabe, I'm just twelve! Paano nangyari iyon? I didn't know that it was possible for a an 18 year-old guy to have a crush on a 12 year-old like me. Pero ayoko pang mag boyfriend! I don't even know how that works.

Hanggang crush lang muna.

"Talaga? Bakit hindi mo pa kainin?"

"Wala, I just want to keep them. Remembrance."

"Dapat kainin mo na... I'm sure naman bibigyan ka niya uli sa susunod! Ayieeee!" Kinikilig niyang sabi saka ako sinundot sa tagiliran.

Hindi ko mapigilan ang aking mga ngiti sa tuwing naiisip ko na binigyan ako ni Cyprian ng chocolates. Sobrang bait niya at gentleman.

"Uy, yung dalawang bulilit!" Natigilan kami ni Trix sa paglalakad nang marinig namin ang boses ng isang lalaki. Pareho kaming luminga-linga ni Trix sa paligid, trying to find to whom that voice belong.

Mula dito ay nakita namin ang mga kaklase ni Colton. Si Ciel ay todo ngisi sa amin, sigurado ako siya ang tumawag na bulilit sa amin!

Apat silang magkakasama, si Colton, Ciel, Cyprian, at may isang bagong babae. Noon ay si Mona ang kasama nila nung nagpunta sila sa bahay ni Colton pero ngayon ay iba na. Todo ngiti ito sa amin, mahaba ang kanyang buhok at singkit ang mga mata at sobrang puti nito.

"Hi, Jess!" Todo ngiting bati sa akin ni Cyprian. Awtomatiko naman akong napangiti rin pabalik. Ang gwapo-gwapo niya talaga. May kani-kaniyang backpack na nakasabit sa kanilang likod pero mukhang hindi pa sila uuwi.

"Hello, Cyprian!" Masigla kong bati sa kanya.

"Hi din sa'yo, Beatrix!" Bati ni Cyprian.

"Hello."

Muling ibinalik sa akin ni Cyprian ang kanyang mga tingin. "Pauwi na kayo?" Tanong niya.

Nakangiti akong tumango. "Oo, pauwi na kami."

"Ayun, all smiles naman pala yung isang bulilit! Ang cute-cute! Bakit iyong kapatid mo Colton hindi palangiti?" Ani Ciel.

"Nakikita niya kasi pagmumukha mo, nababadtrip tuloy siya." Colton answered with a straight face.

"Ulol ka talaga!" Napailing na lang si Ciel.

Pumalatak lang si Colton at tiningnan kami ni Beatrix. "Umuwi na kayong dalawa... Sabihin mo kay mama na hindi ako kaagad makakauwi kasi ipa-practice namin 'yung presentation namin sa Immersion."

Trix face scrunched. "Tapos hindi man! Mag s-smoke ka lang!"

"Beatrix!" Pinandilaan ni Colton ng mga mata ang kapatid. Narinig ko naman ang pagtawa noong babaeng kasama nila. Kanina ay pangiti-ngiti lang siya pero ngayon ay tumawa na.

Pati sina Ciel at Cyprian ay natawa din.

"Totoo naman ang sinasabi ni Trix, Colton... Hindi naman kasi 'yun healthy ginagawa mo pa." Gatong ko pa.

"Uh-huh." Tumatango-tangong pag-sangayon ni Beatrix at namewang pa.

Bumuntong hininga siya. "I'm not gonna smoke... magpa-practice nga lang kami. Umuwi na kayo."

"Don't worry, Jess and Beatrix, babantayan namin si Colton para sa inyo." Marahang sabi ni Cyprian sa amin. Colton just frowned and flashed his bored look after.

Sumigla ako. "Ang bait mo naman!"

"Ang cute niya..." Sabi no'ng babae at natawa nang mahina. Cyprian looked at her with a smile on his face.

"Oo, siya 'yung ikinukwento ko sa'yo parati..."

Pasimple kaming nagkatinginan ni Beatrix. Ikinukwento niya ako! Mas lalong lumawak ang aking mga ngiti dahil sa narinig.

"No wonder why you like her so much..." The girl said.

Tumango lang si Cyprian at mahinang tumawa. Omg! He likes me so much?! Like sooooo much?

"Ah, Jess ito nga pala si ate Missy mo— girlfriend ko."

"Hello, Jess. I'm ate Missy! Ang cute-cute mo pala talaga..."

Pakiramdam ko sa mga oras na 'yon ay nasira ang pinaka paborito kong laruan. Nakakainis, nakakaiyak.

"G-Girlfriend?"

Naramdaman ko ang paghawak ni Trix sa aking balikat.

"Yes, girlfriend... Isn't she as lovely as you?"

"Oh, Cyprian you..." Hinampas niya ito sa balikat.

"Pero... pero ang sabi mo you like me so much!"

"Yeah, I do. You're the sister that I never had that's why I like you so much..."

Umiling-iling ako at naramdaman ko na ang panginginig ng mga labi ko dahil sa nagbabadya kong pag-iyak.

"Hindi! Akala ko ako yung crush mo tapos ige-girlfriend mo si Missy!"

Nakita ko ang gulat sa mga mukha nila at ang pag-iling ni Colton na para bang hindi niya nagugustuhan ang nangyayari.

"Ayoko na! Niloloko mo 'ko! Paasa ka, Cyprian! Paasa ka!" Humagulgol kong sabi saka ko na sila tinalikuran.

"Putangina..." Narinig ko pang mura ni Colton.

"Jess!" Narinig kong tinawag ako ng best friend ko ngunit hindi ko siya pinansin. Maging sina Cyprian, Missy at Ciel ay narinig ko rin ngunit hindi ako lumingon. Naiinis ako!

"Jessica Claire! Stop running!" I heard Colton's voice and I can feel that he's chasing after me kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo.

"Jessica! Jessica!" I heard horror in Colton's voice kaya natigilan ako sa pagtakbo. Natigilan ako sa dulo ng pavement, iyong isang hakbang na lang ay nasa mismong daan na ako.

Sakto naman na may dumaang kotse sa harapan ko, biglang bumilis ang tibok ng puso ko!

Kung hindi siguro ako tumigil sa pagtakbo ay baka nahagip na ako!

I felt a pair of hands wrapped around my arms, spinning me to face the other direction.

"Shit! Are you hurt?" Colton said as he inspects my arms and legs.

Umiling ako, still shocked. I almost died! Naitampal niya ang kanyang palad sa kanyang noo saka nagpakawala nang isang buntong hininga.

"Jesus Christ, Jessica! Why can't you fucking listen?! Paano kapag nasagasaan ka?" Galit na galit niyang sabi sa akin.

Frustrated niyang naipunas ang kanyang palad sa kanyang bibig bago ako matapang na tiningnan.

"I will not die because of cigarettes, Jessica. It's you who would be the cause of my death!" He thundered. I even saw veins popping on his neck and his face from pale has turned into crimson red.

I don't understand him. One second he's worried sick and now he's scolding me. My lips began to shake again as for I'm still sensitive to what happened to me a while ago.

"Bakit naman ganyan ka, Colton? Muntik na nga akong mamatay sinisigawan mo pa 'ko." Humihikbi kong sabi.

Napapalatak siya at marahas na naisuklay ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok. Umawang ang kanyang bibig ngunit hindi niya mahanap kung ano ang mga salitang kanyang gustong sabihin kaya sa bandang huli ay dinilaan na lamang niya ang kanyang pang-ibabang labi.

He let out a harsh sigh. "Sa susunod kasi h'wag mo nang uulitin 'yon..." Sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili niya ngunit nandoon pa rin ang iritasyon sa kanya.

"Ewan ko sa'yo, Colton! Sawi na nga ako tapos ginaganyan mo pa 'ko!"

He harshly palmed his forehead.

"What the hell, Jess! Muntik ka na ngang mapahamak at lahat hindi mo pa rin matanggal 'yang kaartehan mong 'yan!"

My mouth hanged in disbelief. "You don't know how I feel! Hindi mo alam kung anong pakiramdam ng mapa-asa!" Humihikbi kong sabi sabay punas ng aking mga luha.

"It's your fault... What's gotten into your brain that made you think that Cyprian is into you?"

"He's so nice to me! He gave me a jacket and chocolates!"

"Not because a guy is nice to you doesn't mean that he likes you... and just because a guy is mean to you doesn't mean that he's not into you..."

Kumunot ang noo ko habang patuloy pa rin sa pagsinghot. "Lalo mong pinapasakit ang ulo ko, Colton..." Reklamo ko.

Napangisi sabay dila sa kanyang pang-ibabang labi. Bahagya siyang umiling at tumingin sa taas.

"Let's go..." Muli niyang ibinalik ang tingin sa akin at saka tumayo mula sa kanyang pagkaka squat.

"Saan tayo pupunta?"

"Ililibre ko kayo ni Beatrix..."

Muli kaming bumalik ni Colton sa may gazebo kung nasaan kami kanina. Namataan ko sina Cyprian na nakaupo na doon sa may kulay green na gazebo sa bandang gitna kasama si Beatrix. Nanatili ako sa likod ni Colton dahil ayaw kong makita nila ako.

Maya-maya ay tumuro si Ciel sa may direksyon namin, may sinabi siya at napatingin na rin sa amin ang lahat. Isa-isa silang tumayo mula sa kanilang pagkakaubo at sinalubong si Colton.

Ako naman ay nanatili pa rin sa likod at halos magtatakbo na naman ako nang silipin ako ni Cyrprian ngunit naalala ko bigla ang nangyari kanina. Baka pagalitan na naman ako ng masungit na si Colton.

"Jess..." Tawag sa akin ni Cyprian ngunit lalo lang akong nagtago sa likod ni Colton. I felt Colton streched his arm backwards, shielding me.

"Hayaan mo muna siya, Cyprian. Ako na ang bahala sa kanya. Trix? Let's go."

"S-Sige..."

"Is she okay?" I heard Missy asked and I rolled my eyes. Mang-aagaw!

"Oo, nag-iinarte lang. Alam mo na..."

Colton said. Sinamaan ko siya nang tingin mula sa likod niya. Akala ko naman ipagtatanggol niya 'ko sa Missy na 'to! E lalo pa niya akong pinapahiya!

"Hindi ka na ba sasama sa'min, Cols?" I heard Ciel asked.

"Hindi na muna. Just send me the powerpoint tapos sabihin niyo na lang kung anong slide ako at aaralin ko na lang sa bahay."

"Sige. Send na lang sa group chat."

--

Pagkatapos kausapin ni Colton ang driver namin na nag-aabang sa akin sa loob ng university ay ito na ang nanghatid sa amin palabas hanggang sa may harapan ng 7 eleven.

Inalalayan kami ni Colton patawid sa may pedestrian lane.

"Saan ba tayo kasi pupunta, Colton?" Ani Beatrix.

"Stop talking." Saway niya sa kapatid.

My best friend just made a face. Ako naman ay nanatiling tahimik ay sumunod kay Colton. Tumigil kami sa may stairs na gawa sa bakal at itim ang pagkakapintura nito. The gap per stairs are kind of spacious pwedeng-pwede kaming lumusot ni Trix doon.

"Why are you two still standing there? Go!"

Wala naman kaming nagawa ni Trix kung hindi umakyat habang mahigpit na nakahawak sa railings. Pagdating namin sa taas ay sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin. There's a huge tree sa may lipat at may mga dahon na nalalaglag mula dito.

"Wow..." Sabay naming nasabi ni Trix. Tumingin kami sa may right side at may pintuan doon at kitang-kita namin mula dito sa labas ang mga tao sa loob.

"Nasaan tayo?" I asked looking up to Colton.

"Juice X Brews." Tipid niyang sagot at binuksan ang pintuan. He looked at us before nodding his head towards inside. Walang sabi-sabi ay pumasok kaming dalawa ni Beatrix at mas lalo kaming na amaze sa nakita namin.

The color of the walls are green apple peel and the place isn't spacious but it isn't crampled either. Just enough.

I roamed my eyes around the place. May mga iba't-ibang action figures na nakasa display sa right side ng entrance... They're inside the black painted shelf at sa bawat section ay iba-ibang action figures ang nandoon.

"This place is awesome, Colton!" Trix said.

"Yeah, right..." I whispered in amusement.

"Upo na." Ani Colton at inginuso ang isang bakanteng table sa tapat ng clear glasswall. Mula doon ay tanaw na tanaw ko ang nasa baba.

Umupo kami ni Beatrix doon at ako ang pumwesto sagad sa glass wall. Tumingin ako sa labas at kitang-kita ko ang parking lot ang 7 eleven, at pati iyong maliit na tindihan na nagbebenta ng candies at cigarettes. Pati ang mga sasakyan ay natatanaw ko rin mula rito. Hindi ko alam na may ganito pala sa Angeles.

"Anong gusto niyo?" I was sucked back in reality when I heard Colton's voice. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya na nakatayo pa rin sa side ni Trix.

"What do they serve here?" Trix asked.

"Milktea and fruit teas. You have two choices of consistency when it comes to the milktea. You can have the normal consistency or the smoothea that they call."

Trix and I exchanged an amuse glance before looking back at Colton.

"Oh! Can I have a coffee flavored smoothea?"

"Nice try but no. You know mama doesn't want you to drink coffee at this young age."

"Ugh. Why not?"

"Basta, hindi pa pwede..." Colton said firmly. Sumimangot naman si Beatrix.

"How about you try Straberry-oreo?" He suggested.

Trix face lit up. "Sounds good!"

Lumipat ang tingin sa akin ni Colton. "How 'bout you? No coffee..."

"Strawberry-oreo na rin." I said.

"Sige, I'll be right back." Sabi niya bago kami tinalikuran at nagpunta doon sa may counter.

"What's with Colton? Bakit siya nanlilibre ngayon?" Nagtatakang tanong sa'kin ni Trix nang makaalis na ang kanyang kapatid.

Nagkibit balikat ako. "I don't know... Maybe... Maybe he won the lottery?"

"Hindi naman tumataya ng lotto si Colton."

"Eh? Ewan ko. Basta ang sabi niya lang kanina sa'kin ililibre niya tayo."

Biglang lumungkot ang mukha ni Trix na parang may naalala ito. "Oo nga pala, okay ka na ba ngayon?"

Napasamingot ako. "I'm still annoyed... Pinaasa ako ni Cyprian!"

"I'm sorry, Jess. Parang kasalanan ko din kasi masyado akong naexcite, akala ko talaga crush niya— I mean he's really nice and all! Tapos malalaman natin na may Missy na pala siya."

"Nakakainis! Kakainin ko na talaga yung mga chocolates na binigay niya pagkauwi ko!"

"He gave you chocolates?" Sabay kaming napatingin kay Colton na ngayon ay nakaupo na sa harapan namin at inilapag ang isang tupperware sa table na may lamang jenga blocks.

"Yes at anim pa! Binigay ko nga kay Trix iyong dalawa."

"Really? Anong chocolates? Yung tig pi-piso?" Kunot noo niyang tanong.

"No! Cyprian is not cheap. Kinder joy at Bueno ang ibinigay sa'kin!" Pagmamayabang ko.

Noong una ay napaawang ang kanyang bibig ngunit bigla naman siyang natawa. He even raised his fist towards his mouth to hide his laugh there.

"Kinder joy? Bueno? E, baon ko 'yun nung grade one ako." Natatawa niya pa ring sabi.

"Huh?"

"What I'm trying to say is he's not really into you. He only see you as kid..."

"But I'm not a kid no more!"

He looked at me ridiculously. "Yes, you are. With the way you act and talk? You're definitely still a kid."

"Well, what if I change the way I talk and act? Will he realize that I'm not a kid anymore?"

"There's no use... you still have no boobies."

"Colton!" Trix and I both said.

"Colton?" Sunod namang tumawag sa kanya iyong lalaki sa may counter. Nginisian niya lang kami bago tumayo para kunin ang order niya.

Sinundan ko siya nang tingin at napansin ko ang pagsunod ng tingin ng mga ibang babae na naglalaro ng boardgames sa kanya. Suot nila ang uniform ng HAU at base sa patch nila sa may bulsa ay mga grade 11 na sila.

Bumalik siya na may dala-dalang tray na mayroong tatlong large milktea at dalawang bowl ng fries. Ibinigay niya sa amin ang strawberry-oreo.

I checked my cup, nakasulat ang pangalan ni Colton doon gamit ang isang marker.

"Is that a jenga?" Trix pouted at the tupperware before handing her smoothea and straw to Colton.

"Yeah." Colton replied as he dipped the straw on Trix's drink.

"Wow, they also provide different kinds of boardgames? This is really cool!"

"I know. We'll play jenga later."

Kinuha ko ang straw at sinubukang itusok iyon sa taas ng sealed cup habang nag-uusap sina Beatrix ngunit dumudulas lang ito.

"Akin na..." Bago pa man ako makapag protesta ay kinuha ni Colton ang cup at ang straw mula sa akin at siya na ang tumusok doon. Ang effortless nang pagkakagawa niya.

"See, you can't even feed yourself properly tapos kung ano-ano pa ang mga inuuna mo." Sabi niya habang iniaabot sa akin yung drink.

"I can feed myself properly!" Depensa ko saka sumisipsip sa smoothea. Hmm... I love this!

"Do not rush yourself to grow up. You two should enjoy your childhood now because one day you'll realize that adulting is not cool. It's stressful."

"Ako gusto ko na lumaki. Sabi mo Colton, hindi naman ako ang ma s-stress kasi sa'kin sila ma s-stress... Hmm. This is so good!"

Napangisi si Colton at napailing sa sinabi ng kapatid.

"Really? Stressful? Ayoko na atang lumaki." I said while chewing the small bits of oreo.

"H'wag naman gano'n. What I'm saying is you shouldn't rush yourself in growing up, just let it be... Pero hindi ko sinabing h'wag ka nang lumaki."

"Sabi mo stressful! Ngayon pa lang stress na 'ko hindi ko na gusto ang feeling. I'm so brokenhearted!"

"What do you know about being brokenhearted? You're just twelve."

"Basta! Brokenhearted ako!"

"Can you feel you chest tightening? Does your heart hurt?"

I placed a palm on my chest.

I frowned. "No. But my feet do from all the running that I did." Sabi ko.

Natawa siya. "Then you can't consider that as heartbreak..."

"E, bakit ako umiyak kanina?"

"It's because you're a brat and you're used in always getting what you want and when you found out that Cyprian doesn't like you, you throwed fucking tanrums because that's what you usually do when your dad doesn't give you what you want."

"OMG! That's what I do to! Best friends talaga tayo!" Trix squealed.

"Yeah, no doubt." Colton agreed.

"You're right, Colton... Thank you for the treat anyway. Bakit mo nga pala kami nilibre?"

"Because I don't want to see you crying."

Pareho kaming natigilan ni Beatrix. Napanganga ako sa sinabi niya and I felt something warm on my heart.

"Really?" Ilang beses akong kumurap.

He smiled. "Yes. Because you look so fucking ugly when you cry it annoys me."