webnovel

Chapter 6

Chapter 6

Handsome

"Bakit ba ang takaw parati ni Alice?" Nakanguso kong sabi habang nakatingin sa pet na rabbit ni Beatrix... well, namin pala. Ang sabi ni Beatrix sa'ming dalawa ni Alice.

Paano ba naman kasi parati namin siyang pinapakain. Sa tuwing ipapalinis namin ang kulungan niya ay bibigyan na namin siya ng pagkain pero parang isang oras lang ang epekto no'n sa kanya at gutom na naman siya.

Nagkibit balikat si Beatrix. "I don't know but it's better that way, don't you think? Dapat kumain siya nang kumain para tumaba siya! Ang cute-cute siguro niya lalo kapag tumaba!" May gigil sa tono ni Trix habang pinapanuod na kumakain si Alice.

Napangiti ako. "Oo nga..." My smile suddenly turned into a frown when I realized something.

"Bakit ganun, Trix? Kapag animals ang tumataba lalo silang minamahal ng mga tao pero kapag mga tao ang tumataba wala nang nagmamahal sa kanila?"

"Oo nga 'no? 'Di ba sa mga movies na napapanood natin laging lapatin ng tukso ang mga matataba?" Napaisip siya.

"What is wrong with being fat, anyway? Fat or skinny, white or black, we're are still created from the image of God and it's our rights to be treated equally..."

"Damn!" Sabay kaming napalingon ni Beatrix sa boses ng lalaking nagsalita and there we saw Kiel with Colton and Phil. Nakausot pa rin sila ng uniporme at nagsikanya-kanya ng upo doon sa may round table pwera kay Colton na nakatayo pa rin.

Ang mga bags nila ay nasa may round table na. Mukhang kakauwi lang nila galing school. Wednesday ngayon at half day lang kaming lahat including senior high. Pero mas nauna pa kaming umuwi ni Beatrix, magda-dalawang oras na nga kami dito.

Si Kiel ay may pagkamangha pa ring nakatingin sa akin.

"How old are you again? You're scaring me..." Aniya at natawa nang bahagya.

"Yeah right, Ezekiel. It's really scary to know that a twelve year-old girl is more mature than you." Sabat ni Phil at sumandal sa kanyang inuupuan.

Naningkit ang mga mata ni Kiel. "You're scaring me, too, Phil. I didn't know that pussies can talk."

Phil just smiled sarcastically before flipping his middle finger in the air.

"Will you two shut the fuck up? Anong gusto niyong kainin? Papaluto ako kay manang Sally." Sabi ni Colton habang isa-isang  ina-unbutton ang polo niya.

"Kahit Pancit Canton na lang... It's been a while since I ate that." Kiel suggest.

"Colton, kami rin ni Jess! Ayaw namin ng spicy, calamansi lang ang gusto namin." Nakangiting sabat ni Beatrix na tila ba nakalimutan na ang pinag-uusapan namin kanina.

Naningkit ang mga mata ni Colton. "Huh?"

Beatrix rolled her eyes. "Sabi ko pati rin kami ni Jess. Calamansi lang ang sa'min at hindi spicy." Ulit niya.

Umawang ang bibig ni Colton at inilapit ang palad sa tenga at sumenyas na wala itong naririnig. I know he heard her sister right and he's just being sarcastic.

Beatrix let out a defeated sigh.

"Please...." Dagdag niya sa sinabi kanina. That's what just Colton's waiting for Trix to say.

Tumango si Colton at ngumisi. "Gusto niyo din ng pandesal?" He suggested as he looks at me.

"That would be great. Thank you." Ako na ang sumagot, sa'kin nakatingin, e.

"Sige, pandesal ko na lang." aniya na naging dahilan upang matawa ang dalawa.

Kumunot ang noo ko. "Gumagawa ka ng pandesal?"

Lalong lumawak ang ngisi niya at umiling. "Hindi, pero pinaghirapan ko ang mga 'yon."

Lalong lumalim ang kunot ng aking noo. "I don't understand, Colton..." Sabi ko. Hindi niya ginawa pero pinaghirapan niya? May pandesal bang ganun?

"Gago 'to..." Natatawang sabi ni Kiel na nakatingin kay Phil habang itinuturo si Colton.

Sumimangot ako. "Pinagti-tripan mo lang ako." I accused.

Lumawak ang mga mata niya at kunwari pang nagulat. "Hindi kita pinagti-tripan. Gusto mo bang makita ang mga pandesal ko?"

"Nasaan?"

"Hindi pa pwede... You're too young. Palaki ka muna." Sagot niya. Napasimangot ako. Tatanungin niya 'ko kung gusto kong makita tapos ngayon naman sasabihin niya magpalaki muna ako.

I don't understand Colton and his logic.

"Ang arte naman niyang pandesal mo!" Bwisit kong sabi. Para pandesal lang hindi pa pwedeng matingnan. Sabi niya palaki daw muna ako, edi inamag na 'yon kapag lumaki na 'ko!

"Palaki ka na kasi, Jess. Hindi na rin 'yan makapaghintay..." Sabat ni Kiel nang may ngisi sa mga labi. Tiningnan ko si Colton para malaman kung ano ang reaksyon niya.

Tinaasan niya lang ako nang dalawang kilay bago na siya tuluyang naglakad papasok ng bahay.

"Gusto ko tuloy ng pandesal..." Nakangusong sabi ni Beatrix.

"Bili ako?" sabi ni Phil.

Umiling si Trix. "Hindi na, papagalitan lang ako ni Colton sasabihin niya inuutusan kita..."

Natawa nang bahagya si Phil. "It's okay, gusto ko din ng pandesal. Masarap iyon sa pancit canton..."

Mabuti pa talaga si Phil ay mabait. Kaya siguro gustong-gusto siya nung Caline Alfieri na sinasabi nila Kiel. Siguro hindi lang yung Caline ang nagkakagusto sa kanya, for sure marami pang iba. Parang siya si Cyprian, ang bait-bait. Hindi katulad kay Colton na parati akong pinagti-tripan.

Lumawak ang ngiti ni Beatrix. "Talaga? The best ka talaga Phil!" Trix exclaimed.

Napailing si Phil habang nakangiti. "I'll be back in a bit..." Aniya at kinuha ang susi na nasa round table.

"Hindi ka sasama?" Tanong niya pa kay Kiel.

Umiling ito. "Ang init-init..." Reklamo pa niya. He just nodded before exiting out of the garden's entrance.

Ilang sandali pa ay nag-aya na si Jess na pumasok na. Sumang-ayon naman ako dahil mainit na, hindi na kami nagpaalam kay Kiel dahil abala na ito sa phone niya. Hindi na nga niya kami kinausap pag-alis ni Phil.

"I'm thirsty. Don't you want to drink some fresh pineapple juice?"

I smiled. "Sure."

Nagtungo kaming dalawa ni Beatrix sa kitchen nila at nadatnan namin doon si Colton na walang t-shirt at tanging black slacks lang ang suot habang dine-drain ang water ng noodles ng pancit canton. May mga pawis pa na tumutulo sa kanyang likod. His back muscles and bulky arms are flexing gracefully with every move he make.

Mukhang naramdaman yata niya ang mga yabang namin kaya ikiniling niya ang kanyang ulo sa kinaroroonan namin ni Beatix.

Tinaasan niya ako ng isang kilay nang magtama ang mga mata namin. Nag-iwas na lang ako nang tingin at ibinalik ang atensyon ko kay Beatrix na kasaluluyang kinukuha ang fresh pineapple juice sa loob ng ref.

"Bakit ikaw ang nagluluto, Colton?" Trix asked her brother while pouring the juice on my glass.

"Kaya ko naman kaya hindi na kailangang abalahin pa si manang Sally..." Sagot nito.

"Kaya pala hindi mo na binalikan si Kiel doon." Sabi ni Trix.

"Thanks." I muttered nang mapuno na niya ang baso ko. Sumimsim ako doon habang pinakikinggan ang dalawa na mag-usap.

Muling napalingon si Colton na may kunot sa kanyang noo. "Bakit si Kiel lang? Umalis si Phil?"

He's in the middle of cutting the small sachet of condiments open. May dalawang bowl sa harapan niya na may parehong laman na noodles. Mukhang ipinagseparate niya kami ni Trix.

"Oo, bumili ng pandesal at hindi ko siya inutusan huh! Siya ang nagpresinta, baka pagalitan mo 'ko." kaagad niyang depensa habang ang kanyang baso naman ang sinasalinan.

"Good. You actually know how to listen." Anito sa mababang tono, halos pabulong na nga iyon dahil mukhang abala na siya sa paglalagay ng condiments sa bawat bowl.

Trix just rolled her eyeballs. "I don't want another pep talk from you... Sapat na nga 'yung kay mama dadagdagan mo pa."

"That's my duty as your big brother. Gusto ko lang turuan ka sa kung anong dapat sa hindi dapat."

I suddenly felt envious... in a kind of way of course. I always wanted to have a big brother. The one who will protect me and correct me if I'm doing something wrong.

"Gusto ko din ng kuya..." Wala sa sariling nasabi ko.

"Ayan, si Colton! Pwede natin siyang maging kuya na dalawa since we're like sisters!" Masayang sabi ni Trix.

Napanguso ako at tiningnan si Colton. Humarap siya sa amin bitbit ang dalawang bowl na may naka mix na na pancit canton.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang malapad niyang dibdib at ang pawis na tumatagaktak mula doon. I even saw some small humps on his stomach! Nawili ako kaya binilang ko ang mga iyon sa aking isipan.

I saw six humps! That's too many. Gano'n ba talaga ang tiyan ng mga lalaki? I thought men have only two types of stomach. The flat and round one, hindi ko alam na may mga may humps din pala.

"Ito ang sainyo..." Ani Colton at inilapag sa mesa sa harapan namin ang isang bowl niyang hawak.

"Oh, 'di ba ang bait? Papasa na ba si Colton sa'yo para maging kuya mo?" Excited na sabi ni Trix.

Umawang ang aking bibig ngunit bago pa man may salitang makalabas mula doon ay inunahan na ako ni Colton.

"Hindi kita gustong maging kapatid..." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

"Colton! That's rude!"

The desire that I felt a while ago to treat Colton as my big brother suddenly died down. My face turned into a big scowl. Ang arte-arte naman!

"I don't want you to be my brother either!" Asik ko at inirapan siya.

Ngumisi siya. "Well, that's damn fantastic. Enjoy your meal." Sabi niya at tuluyan nang nagmartsa paalis ng kusina.

Nanggagalaiti ko siyang sinunandan nang tingin. Kung ayaw mo edi h'wag. Si Phil na lang ang ituturing kong kuya! Mabuti pa siya mabait.

"Oh, hayaan mo na... parang hindi ka na nasanay. You know how Colton is, mahilig talaga siyang mang-inis."

Mukhang napansin yata ni Trix na nairita ako bigla.

"Let's just eat! Hihingi lang ako ng pandesal sa labas if ever na nakabili si Phil, I'll be back..." Paalam niya sa'kin at tumango naman ako sabay simsim ng pineapple juice.

--

Kakatapos lang naming manood ng TV ni Trix. Tiningnan ko ang wrist watch ko. It's already 4:23 in the afternoon at mamayang 5 o'clock ay darating na ang sundo ko.

"Let's go check on Alice!" Beatrix suggested. Sumangayon naman ako kaagad dahil gusto ko ding makita ang pet namin.

Tito Ron gave it to Beatrix since gusto niya daw ng rabbit and we decided to name it Alice since it looks like the rabbit in Alice in wonderland.

Nang magtungo kami sa garden para tingnan si Alice ay nakita naming hawak-hawak ito ni Colton. Our poor Alice was layed on its back on Colton's palm and its tiny legs are quite spread.

Beatrix and I stared at each other in horror.

"What are they doing to our Alice?!" Trix whispered in shock.

"I don't know!" I whispered back before drawing my attention back to the three Ponce de Leons.

"See, this is his penis." We heard Colton said while pointing at Alice's genital area. Trix and I both know that Alice is a buck but we think that it doesn't make him less of a buck if we named him Alice.

"But we heard the two called this rabbit Alice." Kiel said.

"Syempre, abnormal ang dalawang 'yon." Sagot ni Colton habang nakatingin kay Alice na may kasamang amuse na ngisi.

"It must suck to have those two crazy young ladies as your owner, huh?" Nakangising sabi ni Colton kay Alice.

Nakahinga kami nang maluwang ni Beatrix. Akala naman namin gustong pag eksperimentuhan ni Colton ang Alice namin, gusto niya lang palang ipakita sa dalawa na lalaki ito.

"Let's get you back to your cage, shall we?" He said while petting Alice.

"Abnormal ka rin pala, Colton..." Kunot noong sabi ni Kiel.

"Huh? Bakit?"

"Kinakausap mo kasi yang rabbit. Kapag sumagot 'yan, uuwi na 'ko sa'min." Nakakunot pa rin ang noo ni Kiel at tila ba seryoso siya sa kanyang tinuran.

Nagtawanan ang dalawa. "Bobo, as if naman sasagot 'to."

"I'm serious, bro! Hindi mo ba narinig ang isang kwento? One time daw may isang itim na pusa na nasa harapan gate ng isang babae, tapos pilit niya itong tinataboy. Ayaw umalis nung pusa kaya binato niya, tapos biglang nag transform yung pusa ng isang matandang babae. Shit!"

Nanlaki pa ang kanyang mga mata at at napangiwi nang tiningnan si Alice.

Parehong napahalakhak sina Phil sa ikinwento ni Kiel.

"Putangina mo, Ezekiel! Iba na talaga ang tama mo!" Humahalakhak na sabi ni Colton.

"You believe in that? What are you? A three year-old kid?" Bakas pa rin ang tawa ni Phil sa kanyang boses.

"My sister told that story to me you dimwit! Syempre maniniwala ako!"

"Brielle is just seven..."

"I know and she's adorable..." Sabi ni Kiel na naging dahilan upang mapangisi na lang sina Phil at Colton. Napanguso ako. Parang gusto ko ding maging kuya si Kiel. Kung si Colton ang magiging kuya ko aasarin lang niya 'ko na panget.

Trix held me by the hand and pulled me towards the fancy cage of Alice. I felt the gazes of the three pero hindi na lang namin pinansin.

"Omg! Alice pooped again!" Trix exclaimed.

"Oo nga! We should clean it." I suggested.

Trix frown. "Ew. Si yaya Tising na lang, I don't want to touch Alice's poop."

"Right, I'll call yaya Tising!" Sabi ko at tumalikod na ako kay Beatrix para tumakbo papasok sa loob ngunit natigilan ako nang magsalita si Colton.

"Hey, hey, bakit mo tatawagin si yaya Tising?" Kunot noo niyang sabi habang hawak-hawak pa din si Alice.

"Para linisin niya yung cage ni Alice and can you please hold him while yaya Tising is cleaning his feces?"

"No." Sagot niya.

My face scrunched at inirapan siya. "Edi wag!"

Tiningnan ko si Kiel at nakangiting humakbang papunta sa kanya. "Kiel... I just noticed that your hair wavy and shiny! Bagay pala sa'yo!" Sabi ko.

Napangisi siya at dinilaan ang pang-ibaba niyang labi. "Sweetheart, I know what you're doing and that's not gonna work for me."

"Why not? Saglit lang naman." I pouted.

"You're cute but still no... baka mag transform siya."

"Ulol, ano 'yan? Transformers?" Iling-iling na sabi ni Phil at inilapat ang tingin kay Colton. "Akin na, Cols. Ako na." Sabi ni Phil. Nagliwanag ang aking mukha.

"Really? Ang bait mo talaga Phil! Can I hug you?"

Ugh! Gusto ko talaga maging kuya si Phil. Mabait na ang gwapo-gwapo pa!

"No." Matigas na sabi ni Colton.

"Bakit ang arte mo? Hindi naman ikaw ang yayakapin ko ah!"

"Exactly..."

Nangunot ang noo ko.

Bumuntong hininga siya at tiningnan si Alice. Bigla siyang tumayo at maingat na inilagay si Alice sa cage niya.

"What are you doing, Colton?!" Inis na sabi ni Trix. Nag squat si Colton sa harapan ng cage ni Alice at ipiniling ang ulo sa direksyon ko.

"Halika dito..." Sabi niya sa akin at iginaya ang kamay niya para lumapit ako and so I did. Lumapit ako sa kabilang side niya at ngayon ay nakapagitna na siya sa amin ni Trix.

"Look at Alice..." utos niya sa amin. His voice is baritone at walang halong kalokohan kaya napasunod niya kami kaagad.

"He's thin and always hungry kasi hindi nakukumpleto ang digestive cycle niya...  Hindi porket nakita niyong dumumi siya sa cage niya ay ipapalinis niyo kaagad. Alice still needs those feces to complete his digestive cycle and to get the nutrients that he needed..."

Napaawang ang bibig namin ni Trix at nagkatinginan kami. "Alice is eating his feces?!" Trix and I said in chorus.

"Yes," Kaswal niyang sagot at wala man lang halong pandidiri. "Rabbits are pseudo-ruminant and that's how their digestive cycle works..." Dagdag niya pa.

"What? Pseudonym?" kunot noo kong sabi.

A low chuckle rose from his throat. "Pseudo-ruminant, silly. Mapag-aaralan niyo rin 'yan sa Biology."

"Colton, Alice is disgusting..." Halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Trix.

He caught Trix chin between his index finger and thumb. I was amused for a moment, I like what he did. I like seeing his soft side when it comes to Beatrix.

"For the same species as him, he's not. That's their norm. Ayaw mo na ba kay Alice?" Colton said.

"G-Gusto... He's like a celebrity bunny! Kamukha niya 'yung rabbit sa Alice in Wonderland! Pati ba 'yung rabbit sa Alice in Wonderland pseudo-contaminant?"

Natawa ulit siya at naisuklay ang mga daliri sa kanyang itim na buhok.

"It's pseudo-ruminant..." The left over smile from his chuckle still hasn't left his lips.

My eyes widened in amusement.

"Colton, you look handsome when you're saying pseudo-ruminant..." Hindi ko napigilang sabi.