webnovel

Chapter 3

Chapter 3

Chance

School sucks, isn't it? I mean, not just because every student thinks that it does but it sucks in so many aspects. In school, gossips are everywhere and walls have ears. Iba't-ibang mga chismis ang aking naririnig. Kesyo yung isa niyang kaklase ay napaka parasite at pabuhat lang tuwing mayroong group projects. Out of all these morning gossips, may isang nakakuha ng atensyon ko. Two senior highschool girls who are talking about Lexie and her snapchat update last saturday night. These two were running late pero nakuha pa nilang pag chismisan iyon.

"Hindi ba yung boyfriend niya iyon na kaklase mo?"

"Besh! Alam ko yung hubog ng katawan ni Shawn kaya hindi siya 'yon!"

Shawn? Oh my gosh! Naalala ko tuloy si Shawn Mendes. Anyway, back to reality.

"Talaga? E sino naman kaya?"

It's fun to watch people dying because of curiosity if you yourself already knew the answer to the thing that they were curious about.

It's just Colton Hale Ponce de Leon, you people!

"Ewan, basta hindi si Shawn iyon. Tsaka kaka-break lang nila last two weeks ago."

I didn't even gasped of what I heard. I know that. Dati ko silang nakikita palagi sa canteen noong boyfriend niya tuwing recess namin. Nagagandahan pa nga ako noon sakanya e, kaya nga nang in-add niya ako sa snapchat ay in-add ko rin siya pabalik.  Pero nakakadismaya siya dahil mabilis pa siya kay flash kung mag move on.

Hindi ko na lang pinakinggan pa yung dalawang senior high at binilisan ko na lang ang paglakad ko at dumiretso ng canteen. 7:30 pa naman ang klase ko at gusto ko at hindi pa ako nakapag-almusal kaya bibili na lang ako ng burger sa canteen. Pagdating na pagdating ko sa canteen ay likod ng isang pamilyar na lalaki ang bumungad saakin na bumibili rin ng burger.

Biglang bumilis ang pintig ng puso ko at nabuhayan ang dugo ko sa katawan. Oh. My. God! It's Cyprian Abrigo! Hindi ko alam kung aatras ba ako o magpapatuloy lang sa paglalakad dahil nagsisimula na akong pawisan. Kung minsan ay ayoko na lang na magka-crush e! Lumalaki kasi ang posibilad na makagawa ako ng katangahan at ipahiya ang sarili ko sa harapan mismo ng crush ko.

Calm down, Jess. Chin up! Act cool. Plano mo na talagang mag-almusal bago mo pa siya nakita kaya bakit ka aalis gayong nakita mo lang siya? I breathe in and breathe out before walking casually towards the stall.

"Anong sa'yo, ganda?" Tanong noong lalaking nagkokolekta ng pera. Naramdaman ko bigla ang paglingon saakin ni Cyprian at nagpatay malisya na lang ako habang kumukuha ng pera sa wallet ko.

"Burger with bacon po…" sagot ko at iniabot ang bayad. Inulit niya yung order ko doon sa nagluluto.

"Hi, Jess! Nandito ka pala." Cyprian greeted me, flashing his perfect white teeth. Dang! Nasilaw ako doon!

"Uhm… Hello, Cyprian!" Bati ko palabalik at awkward na ngumiti. Ibinigay na ang order niya kaya saglit niya akong tinalikuran pero kaagad din naman niyang ibinalik ang atensyon saakin matapos niyang makuha yung burger niya.

Nagulat ako nang bigla niyang iabot saakin iyon.

"U-uy! B-bakit mo binibigay saakin?"

"Kunin mo na, parehas lang tayo ng order." Aniya. My cheeks reddened instantly.

"Ha? Edi maghihintay ka pa? 7 ang klase niyong mga senior hindi ba?"

"Nasa university library sila at may group work na ina-accomplish. Kaya na ng mga ka group ko iyon." He grinned. Natawa ako at bahagyang napailang bago tinanggap ang inaalok niyang burger.

"Salamat!" Sabi ko sakanya. Tinanguan niya lang ako. Lumipat ako doon sa kabilang side para bumili ng inumin ko tapos ay umupo na ako doon sa bakanteng table. Well, most of them are vacant. Umaga pala lang kasi kaya wala pang tao masyado. Kung meron man ay iilang lang.

Sinulyapan ko si Cyprian na bumibili na rin ng inumin habang hawak-hawak ang burger niya na dapat saakin. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang namumuong kilig saaking sistema. Mas lalo lamang nagawala ang kung ano man ang nasa loob ko nang bigla niya akong balingan ng tingin. My world began to spin as he walks towards me.

Pigil hininga ako hanggang sa makaupo na siya sa bakanteng upuan sa tapat ko.

"Paupo muna ha?" Aniya at inilapag ang juice niya sa mesa.

I shrugged, keeping my cool. "Nandiyan ka na e." sinamahan ko iyon ng ngisi.

Tumawa siya bigla dahil sa naging sagot ko. God! Is he aware that he's making all the butterflies on my stomach go wild everytime that he laughs? And I'm just a grade six student for pete's sake! What he's making me feel should be considered illegal.

"Mabuti at hindi mo kasama yung kapatid ni Colton?" Tanong niya at kumagat sa burger niya. Ako naman ay hindi maka-kilos dahil naiilang ako sa mga tingin niya saakin. I don't want to embarrass myself infront of him.

"Mamaya pa ang dating no'n e…" Sagot ko. "Ikaw? Hindi ka pa papasok niyan? Hindi ba't cutting classes ang ginagawa mo?" I said as I took a sip of my ice cold drink.

He chuckled. "This isn't cutting classes, this is just taking an early recess." He winks at me. Bigla akong nasamid dahil doon sa ginawa niya. Oh my God! This guy is not aware of what he's capable of. I don't want a to die at the age of 12 just because my crush winked at me!

"Oh, ayos ka lang?" Kaagad niyang sabi at inabutan ako ng tissue. Tinanggap ko pa rin iyon kahit meron na ako.

"O-oo, ayos lang ako."

"Abrigo!"

Sabay kaming napatingin ni Cyprian doon sa lalaking tumawag sakanyang apelyido. Nakita ko sina Colton at Ciel (base sa pagkaka-alala ko) na papalapit saamin. Dang! What's with their names starting with letter 'C'? What kind of sorcery is this?

"Uy! Colton! Ciel!" Kaswal na bati ni Cyprian sa mga kaklase niya. Dumako ang tingin saakin ni Colton at tinaasan niya ako ng kilay at dahil ayokong magpatalo ay tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Gago ka! Kanina ka pa hinahanap ng mga kagrupo mo! Nasaan na daw yung RRL na pinapa-search nila?" nakuha ni Ciel ang aking atensyon. Iniwas ko ang pakikipag sukatan ko ng titig kay Colton at binalingan ng tingin sina Ciel at Cyprian.

"Talaga? Galit ba?" medyo nahihiyang tanong ni Cyprian. Tila ba mas lalo lang nadagdagan ang paghanga ko sakanya dahil may hiya pa rin siya kahit na gumawa siya ng kalokohan. Hindi katulad ng iba na nakagawa na nga ng kalokohan ay sila pa yung matapang at walang pakialam.

"Galit?" tumawa ng sarkastik si Ciel. "Umuusok na ang ang mga tenga at ilong ni Mona!" Saad niya.

Bumuntong hininga si Cyprian. "Sus, e hindi naman yata ako ang dahilan ng pag-init ng ulo ni Mona e. Kanina pa siya ganyan. Pero, paki sabi ay nakahanap na ako ng mga RRL at naka-save na sa phone ko."

"Paki sabi? Ibig mong sabihin ay hindi ka pa susunod doon?" Biglang sabad ni Colton. Napatingin ako sa wrist watch ko. Sampung minuto na lang at magsisimula na ang klase ko pero itong mga 'to ay hindi nauubusan ng mga pinag-uusapan. And by the way, epal talaga si Colton kahit kailan. Alam naman niyang kasama ko si Cyprian pero parang gusto na niya itong isama sakanila pabalik.

"Tatapusin ko lang 'to, tapos ihahatid ko lang si Jess sa classroom niya."

Natigilan ako doon at laking pasalamat ko na lang dahil hindi ako kasalukuyang umiinom dahil kung hindi ay baka nasamid nanaman ako. Did I heard it right? Ihahatid ako ni Cyprian sa classroom namin! Omg!

Colton snorted. "Bakit mo pa ihahatid? Ano pang silbi ng mga paa niyan? Tsaka, nagwawala na si Mona kanina pa."

Kontrabida. Kontrabida ka talaga sa buhay ko Colton Ponce de Leon! I grit my teeth while glaring at him. Alam ko namang nararamdaman na niya ang nakakamatay kong mga titig pero pinili na lang niya akong h'wag pansinin.

"Kahit magpakita pa ako kay Mona ay hindi huhupa ang inis no'n. Alam naman natin pare-pareho na ikaw ang dahilan ng PMS no'n." pangangatwiran ni Cyprian. Bahagya akong nagulat sinabi niya. Bakit si Colton ang dahilan kung bakit naiinis si Mona? LQ ba ang dalawa? Last time I checked, Colton visited Lexie's house last saturday night.

Hay nako, ang landi talaga.

Natawa si Ciel dahil sa pinunto ni Cyprian. "Oo nga naman, pare! Alam mo namang patay na patay sa'yo si Mona tapos makikita niya yung sa snapchat ni Lexie!" Tuwang-tuwa na sabi ni Ciel. Maging si Cyprian ay napangisi pero si Colton ay dumilim ang mukha at umigting ang bagang.

Tss. I feel sorry for Mona and Lexie. Kasi naman, pinag-aagawan nila si Colton! Seriously? Anong klaseng biro ng tadhana ito?

Tinignan ko ang wrist watch ko. I hate to leave Cyprian at kahit na gaano ko pa kagusto ang ideya na ihatid niya ako sa classroom ko ay kinakailangan ko ng umalis. Ayokong ma-late dahil istrikto ang una naming subject. Isinuot ko ang bag kong dala at tumayo mula sa kinauupuan ko bitbit ang burger na hindi ko pa nakakakagat at tumikhim.

"Bye, Cyprian! I have to go." Paalam ko sakanya. Hindi lang atensyon ni Cyprian ang bumaling saakin kung hindi pati ang kanila Colton at Ciel.

Biglang tumayo si Cyprian. "Hatid na kita, Jess…" Kaagad niyang sabi.

Tipid akong ngumiti sakanya at umiling. "Hindi na kailangan… Malapit lang naman ako. Sige, bye!" I said in frantic voice as I turn my back at them. Wala ng nagawa si Cyprian dahil pati mga hakbang ko ay mabibilis din.

"Sigurado ka na milk tea lang ang iinumin mo?" Tanong saakin ni Beatrix.

Tumango ako. "Oo, hanggang ngayon busog pa rin ako doon sa kinain ko kaninang umaga." Sagot ko sakanya. Makahulugan niya akong tiningnan.

"Sus! Ikaw ah! Porket nakasabay mo lang si Cyprian!" Pang-aasar niya saakin habang nakangisi. Naikwento ko kasi kanina sakanya na nakasabay ko si Cyprian at gusto pa niya akong ihatid. Alam ko, ang haba ng hair ko. Kanina pa nga kinikilig itong si Trix at syempre mas kinikilig ako dahil saakin iyon nangyari.

"Feeling ko talaga mas marami kaming napag-usapan kung hindi lang umepal si Ciel at si Colton."

Tumawa siya habang kinukuha yung binili niyang waffles.

"Hayaan mo na, at least pinansin ka naman ni Cyprian."

Bumuntong hininga ako. "Sabagay…" sabi ko at luminga-linga para humunap ng bakanteng table. Nakakita naman ako ng isa doon sa may bandang dulo at inginuso ko iyon kay Beatrix.

"Nga pala, anong sabi ni tita Helen pag-uwi ni Colton nung gabing ihinatid niya ako?"

She stopped sipping her lychee drink and placed it on the table. Napangisi ako. Bumubwelo na siya para sa kanyang matinding chika.

"Ayon napagalitan! Nadamay pa ang buong henerasyon nating mga kabataan ngayon. Kesyo daw bakit patago kung nanliligaw si Colton… Pwede naman daw niyang imbitahin yung babae sa bahay namin… Basta! Ang dami-daming sinabi ni mama!" pagkukwento niya.

"Oo nga naman… Bakit kaya hindi na lang dalhin ni Colton sainyo si Lexie? Feeling cool kids. Sneaking in the middle of the night ang gusto?"

"Ewan ko ba doon… Inaway nga rin ako no'n nung gabing 'yon kasi bakit ko daw sinabi kay mama? Ano bang gusto niyang sabihin ko? E nag wo-worry na nga si mama sakanya!" sumbong pa niya. Napailing na lang ako sa kwento ng best friend ko. Tsk. Hindi ko talaga alam kung may saltik sa utak si Colton o ano. Pati kapatid niya ay inaaway niya dahil lang sa kalandian nila ni Lexie.

"But do you like Lexie for Colton?" bigla kong naitanong. Kasi kung ako ang tatanungin ay ayaw ko. Ayaw ko kay Lexie para kay Colton.

Ngumiwi si Beatrix at nag thumbs down. "Ew, no!" Maarte niyang sabi at umirap pa sa hangin.

I grinned. "Well…" tanging nasabi ko na lang at uminom saaking milk tea.

"Kung sa ganda lang ay pasado na si Lexie pero duh! Kaka-break lang nila ng boyfriend niya at baka mapagbintangan pa si Colton na inagaw niya si Lexie!"

Lumawak ang mga mata ko at sunod-sunod na tumango. "That's what I thought too!" I agreed with her.

Akala ko ba matalino si Colton? Pero bakit hindi niya yata alam ang pinapasok niya. Sabagay, pareho naman silang mabilis mag move on. Mag paligsahan na lang sila kung sino ang mas mauunang magkaka nobyo o nobya kapag nag break na sila. Hmpp!