webnovel

Chapter 10

Chapter 10

Karma 

"Good morning, my, dy..." I greeted both of them pagkababa ko. Isa-isa ko silang nilapitan upang bigyan ng beso bago ako umupo sa aking pwesto.

"Morning, sweetheart..." Dad said.

"How was your sleep?" Mom asked who's currently putting some jelly on a piece of toasted bread.

"I had a good sleep..." Casual kong sagot habang naglalagay ng omelette sa aking plato.

Ngumiti si mommy. "Great... By the way, can you take a half day today, sweetheart?"

Kumunot ang noo ko habang tinutusok ng tinidor ang maliit na portion ng omelette na hiniwa ko.

"Why, my?"

"You have an appointment today with your dermatologist... Have you forgotten?"

Saglit akong natigilan ngunit ibinaba ko na lamang ang tingin ko sa plato ko at pinaglaruan ang omelette na nasa plato ko gamit ang aking tinidor. I chew my bottom lip while still looking down on my plate...

I wanted to laugh hopelessly. I'm tired of seeing my dermatologist. Wala namang nangyayari. Kung ano-ano lang naman ang sinasabi niyang inumin ko o ipahid sa mukha ko pero wala namang nangyayari, I'm still ugly.

That's why I've decided to stop taking the pills that my dermatologist prescribed pati iyong mga kung ano-anong creams na ibinigay niya ay tinigilan ko na rin.

"Jess?" Untag ni mommy. I was sucked back into the reality when I heard my mom's voice.

I cleared my throat before looking up at her. "Uhm... Sobrang dami kasi naming ginagawa ngayon, my kaya hindi ako pwedeng mag absent o kahit mag half day man lang..." Pagsisinungaling ko.

"Ganoon ba? I will just reschedule your appointment then."

"Hindi pa ba ubos ang mga pinrescribe sa'yo ng dermatologist mo, anak? Mag ta-tatlong buwan ka nang hindi nagpapa-check up..." Si Dad naman ngayon ang nagsalita.

"M-May konti pa naman..." I lied again. God, this is making me feel awful. My parents have been nothing but good to me.

Napaka-understanding nila at ano mang gustohin ko ay kaagad nilang ibibigay iyon.

"Mayroon pa? Baka naman tinitipid mo ang gamit kaya hindi kaagad ume-epekto..." Mom said before taking a sip of her fresh squeezed pomelo juice.

I felt a pang of sadness on my chest ngunit hindi ko naman ipinahalata iyon. I know she didn't mean to offend me but when my flaws are involved, I really get very sensitive.

Para kasing pakiramdam ko ay nafu-frustrate na din si mommy dahil kahit anong gawin niya ay pangit pa rin ang anak niya. That's how I interpreted her words...

Yes, I'm grateful for her efforts to get rid of these pimples but I just want them to make me feel that even though I'm not one of those beautiful teenagers, I am still enough. That I can still fit to be their daughter.

I want someone to make me feel that I don't have to be literally beautiful just to be beautiful.

Pasimple kong tiningnan ang wrist watch ko.

"My, Dy, I'm going to be late. I have tl go..." Pagdadahilan ko na lang at saka na ako kaagad na tumayo mula sa kinauupuan ko.

I didn't let them speak, I just frantically gave each one of them a cheek to cheek kiss before zooming out of the dining area.

"Oh, Jess, careful ha! Baka madulas ka!"

"Yaya! Yaya Bebeth!" Nabuhayan ako nang makita ko ang yaya ko. She's now in her mid 30's.

"Bakit ba nagmamadali kang bata ka? Oh, heto ang bag mo..." Iniabot niya sa'kin ang bag ko at tinanggap ko naman iyon. Isinabit ko ang mga straps sa magkabilang balikat ko.

"I almost forgot my bag, ya! Buti na lang ibinigay mo..." I said in relief.

She wiped the invisible sweat on her forehead using her palm. "I'm excited to go to school, yaya Bebeth!" I said with a sarcastic enthusiasm.

"Yaay! Go, bebe Jess!" Pakikiride naman niya. Napangiti naman ako sa ginawa niya. Sobrang magkasundo talaga namin ni yaya Bebeth, bukod kay Beatrix ay siya rin ang napagsasabihan ko talaga ng mga sama ng loob ko.

Lalo na kapag ina-away ako ni Colton. Naalala ko pa noong grade six ako, the day when Cyprian introduced her girlfriend to me. Nakasimangot akong umuwi noon at nang mapansin ni yaya Bebeth ay kaagad niya akong tinanong kung anong nangyari.

"What happened to my bebe gurl? Bakit ka sad?"

"Yaya Bebeth..." Lalong humaba ang aking nguso.

"Oh, anong nangyari? May nakaaway ka ba?" Nag-aalala niyang tanong.

"Do I really look ugly when I cry? Sabi kasi ni Colton ang pangit ko daw kapag umiiyak ako! Nakakainis siya, yaya Bebeth!" I ranted with a long face.

"Hala! Hindi totoo 'yun! Ang ganda-ganda kaya ng alaga ko! Itong si Colton talaga kahit kailan... pasalamat talaga 'yung batang 'yon at gwapo siya dahil kung hindi naku talaga!"

I frowned. "You think Colton is handsome, too? Majority of the girls in Holy Angel University thinks that Colton is handsome! Isn't it that's the thing they call 'bandwagon'?"

"Anong dragon naman ang sinasabi mo diyan, Jess? Hindi naman mukhang dragon si Colton..."

Napakamot ako sa aking ulo. "Yaya, it's bandwagon! Meaning, uso. It's when majority of the people are doing it kaya gagawin mo na rin..."

"E, gwapo naman talaga kasi ang kuya ng best friend mo... Hindi ka rin ba naga-gwapuhan sa kanya?"

"He's arrogant! Hindi nabubuo ang araw niya hangga't hindi niya nasisira ang akin!" Tiningnan lang ako ni yaya Bebeth nang may ngisi sa mga labi.

My conorted brows slowly softens. "Pero sige, gwapo na siya. Nilibre niya kasi kami ng milktea..."

--

I was walking alone in the hallway, every step I make towards the elevator is frantic. Kailangan kong magmadali because I'm worried sick about my best friend. Nilalagnat kasi siya at iniwan ko siya sa classroom sa pwesto namin sa likuran para ipanghingi ng gamot sa clinic.

Sinabi ko naman sa kanya na sabihin na namin sa teacher ngunit ayaw niya kahit anong pilit ko kaya sinabi ko na lang na bababa ako para magpunta sa clinic at ikukuha na lang siya ng gamot.

Nang makarating na ako sa harapan ng elevator ay pinress ko ang down button at aligagang hinintay iyon na bumukas. Gosh! Waiting for this damn elevator to open is the longest five seconds of my life!

Nang sa wakas ay bumukas na ito ay aktong papasok na ako ngunit may mga babaeng humarang sa akin. They're the same grade as me at kung hindi ako nagkakamali magkatabi lang kami ng room. Madalas ko silang makita pero kahit ganoon ay wala pa rin akong pakialam sa kanila.

"Excuse me..." Sabi ko ngunit imbes na tumabi sila ay humalukipkip lamang sila at tinaasan ako ng kilay. Wow, very synchronized. Parang praktisadong-praktisado at mukhang silang tanga, by the way.

"Hello..." Sabi no'ng babaeng nasa gitna. Ah, this must be the stupid leader.

"Hi."

"I'm Katrina and you are..." Mataray niyang pakilala sa akin at tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa and the way she stares at me seems like she's trying to intimidate me. Gagang 'to! Mukha lang siyang nagpipigil ng tae.

"I'm in a hurry.... so, excuse me." I sassed.

Kitang-kita ko ang pagsilay ng iritasyon sa kanyang mukha.

"Tingnan mo naman ang pangit na 'to. Kinakausap mo na nang matino, namimilosopo pa!" She said to her friends as if I wasn't here.

"Tingnan niyo naman ang tangang 'to. Excuse me lang hindi pa maintindihan." Ganti ko habang nakatingin sa dalawa niyang alipores.

Umawang ang bibig no'ng Katrina dahil sa pagkapikon.

"Anong sinabi mo?"

Muli kong tiningnan ang dalawa niyang kasama habang natatawa at matalim na titig ang mga nakuha ko mula sa kanila ngunit hindi ko inalintana.

"Tingan niyo, hindi lang tanga. Bingi pa." Natatawa kong sabi sa kanila.

"Look, I don't really want to talk to someone like you. I'm just here to warn you that if Paul get expelled, ako ang makakalaban mo."

"Who the hell is Paul?"

Ni hindi ko nga kilala 'yun! I don't know who she's talking about.

She rolled her eyes exaggeratedly. "Paul! Paul Montemayor! My boyfriend!" Nage-eksaherada niyang sabi na para bang ang tindi ng kasalanan ko dahil hindi ko kilala ang Paul na sinasabi niya. Dang! Ano naman ang pakialam ko sa boyfriend niya?

I stared at her boredly. Hindi ba talaga aalis ang atribidang 'to? Naiirita na 'ko! I have to go to the clinic immediately!

"Isa siya sa mga lalaking pinagbantaan mo na isusumbong mo sa papa mo dahil binu-bully ka!"

Kumunot ang noo ko, trying to remember who she's talking about. Sa dami nang nambu-bully sa'kin ay hindi ko na maalala kung sino ang iba.

"Ah... I remember." I muttered to myself. Baka iyong mga lalaking parang nagpo-prosisyon sa hallway ang sinasabi niya.

"Buti naman naalala mo. I'm warning you, kapag talaga malaman ko lang na nagsumbong ka..." Puno nang pagbabanta ang kanyang tono.

"Ooh, scary..." Bored kong sabi. Hindi ko naman talaga isinumbong ang mga iyon kay Daddy. Aksaya lang sila ng oras... Ang mga walang kwentang bagay hindi na dapat pinagtutuonan ng pansin.

Mas lalong sumilay ang iritasyon sa kanyang mukha.

"Ikaw ang mas scary! Tingan mo naman 'yang mukha mo! Ano 'yan? Pimples na tinubuan ng mukha? I get that you're rich pero anong magagawa ng yaman mo kung pangit ka naman?" Sunod-sunod niyang sabi habang namumula ang kanyang mukha dahil sa iritasyon.

Totoo nga ang sinasabi nila na ang lata, kapag walang laman... maingay. I was in hurry, yes but maybe I should give this bitch a taste of shame before walking out.

My face is not hers to insult. Ako lang ang may karapatang insultuhin ang sarili ko.

Natawa ako nang matabang at humalukipkip. "Well, I can buy a lot of authentic and expensive things. I can even buy you! I'm a walking cash... Ikaw, what can your average beauty do? Kaya ba nitong palitan ang fake Gucci bag mo? O di kaya'y ang iPhone mo na dual sim naman?"

"You don't try to fight with me, baka gusto mong mag goodbye na rin sa university na 'to?" I challenged her.

That's how you should shrug the bullies off. We uglies don't deserve all the insults in this world, what we deserve is to be respected and treated fair.

She looked at me in disbelief. "You ugly witch!"

Nginisian ko siya at humakbang papalapit sa kanya. I leaned a little to and whispered, "Hindi lang mukha ang pangit sa'kin, Katrina. Try me and you'll see what I'm capable of."

Inilayo ko ang aking mukha malapit sa kanyang tenga at nginisian siya nang matamis. "Have a fantastic life, Katrina..."

Binalingan ko nang tingin ang mga walang kwenta niyang back up, kita ko ang takot sa kanilang mga mukha.

That's right, matakot kayo.

"Calm your friend down, she looks like a volcano that's about to erupt." Ngisi ko saka na sila iniwan doon.

Mga epal! I'll just take the stairs at baka masampal ko pa sila isa-isa.

"Nakita mo 'yon?! She's such a bitch!" I even heard Katrina said. Hindi ko na lang pinansin kahit kanina pa kating-kati ang palad ko.

I wasn't taught to be scandalous... Don't slap them with your hand, slap them with your words. Mas masakit iyon.

--

"Jess, I wanna go home..." Umiiyak na sabi ni Beatrix sa akin habang nakahiga siya sa bed ng clinic. She looks pale at ang init pa rin niya!

Sa bandang huli ay sa clinic rin ang bagsak ni Trix. Hindi ko na natiis, sinabi ko na sa teacher dahil half day naman ngayong wednesday, wala naman siyang mga iba lang subjects na hindi mapapasukan. Our adviser insisted to call her parents but Trix refused she said that her brother is on the way to the clinic after his class kahit hindi naman.

Hindi pa nga alam ni Colton na nilalagnat na ang kapatid niya. Siguro iyong jowa na naman niya ang inaatupag niya.

"I'll call tita Helen, okay?" I coaxed.

"No... Please. She's going to overreact, s-si Colton na lang p-please Jess, I want my brother." Humihikbi niyang sabi. Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang panyo na hawak ko.

"I will look for him... Iiwan muna kita saglit ha? I'll try to come back as soon as I can." I said, softly.

Tango lang ang isinagot niya sa akin. I left my hanky for her to use saka na ako lumabas ng clinic. I don't know where to start looking for Colton. Ang laki nang unibersidad na 'to at hindi ko alam kung nasaan siya.

Nagpunta ako sa canteen ng building naman. I tried looking for him ngunit hindi ko siya nakita doon pero nabuhayan ako nang makita ko si Kiel na kasalukuyang nasa iisang table kasama ang mga kapwa niya civil engineering. Tahimik lang itong nakaupo habang pinapakinggan ang mga kasama niya, kung minsan ay napapangisi pa siya.

Naglakas loob na akong lapitan sila sa table nila kahit na nahihiya ako at lalo nakakaramdam ng panic sa tuwing napapadako ako sa mga grupo ng mga lalaking may mga hitsura.

"Kiel..." Pagkuha ko sa atensyon niya ngunit hindi lang atensyon niya ang nakuha ko kung hindi pati ang mga kasama niya.

Hindi ko na lang pinansin ang mga ito.

Focus on Kiel, Jess.

"Oh, hey..." He greeted.

"Alam mo ba kung nasaan si Colton?"

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

Napanguso siya at tiningnan ang mga kasama niya. "May mga lumabas na ba na mga Aero?" Tanong niya sa mga ito.

"Oo, kanina napansin ko." Sagot nung isa. Muli akong tiningnan ni Kiel.

"Probably he's at the back of the Bartmall building... Pero h'wag mo na lang puntahan, i-text mo muna o di kaya'y tawagan..."

Kumunot ang noo. Ano bang meron sa likod ng Bartmall?

"Why?"

"Basta. Colton wouldn't want you to be there."

"Ah, okay... I-I'll just text him first then." Pagsisinungaling ko at kunwari'y inilabas pa ang phone ko sa aking bulsa.

"Thank you, Kiel!" I said.

Tinanguan niya lamang ako.

Mabilis akong nagmartsa paalis ng canteen. How will I text him e hindi ko nga alam ang number niya? Ayoko namang bumalik pa sa clinic para lang kunin ang number niya kay Trix. Lumalakad ang oras and my best friend needs to go home!

Dali-dali akong naglakad papunta sa main gate at doon na lumabas. Magkaharap lang kasi ang main gate ang ang Bartmall. Bartmall is the building where the students usually go for printing services, mas mura daw kasi kumpara sa loob mismo ng university.

Pagpasok ko sa building ay sa iba't-ibang mga stalls ng pagkain ang bumungad sa akin sa kabilang side, at sa right side ko naman ay iyong kung saan sila madalas magpa-print.

May mga iilang estudyante akong nakita sa loob. Luma na ang building at hindi gano'n kalakawak kaya nagsisiksikan talaga kapag umaga dahil maraming nagpapa-print. Iyon ang napapansin ko sa tuwing napapadaan ako.

"Excuse me..." Kuha ko sa atensyon ng isang lalaking grade 9 na kasalukuyang nakapila sa may nagpi-print.

"Saan ang daan papunta sa likod nitong Bartmall?" I asked.

"Ah, diretso lang po kayo ate tapos may makikita kayong bukas na gate tapos doon na kayo lumabas at makikita niyo na ang likod..."

"Oh, okay! Salamat!" Sabi ko at nagmadali nang naglakad dire-diretso. May isang salon pa akong nadaanan hanggang sa makita ko na ang gate na sinabi no'ng grade 9.

May mga malalaking staircase muna akong binabaan bago ako napunta sa destinasyon ko. I was flabbergasted when I saw the actual place.

May walk in store sa na nasa harapan ko at sa labas ng store ay may isang bench at iilang monoblock chairs at doon sa side naman ay may nagpi-prito ng hindi ko mawari kung ano but I'm certain that it's not fishballs dahil sa side kung saan ako naka tayo ngayon ay kung saan naroon ang mga vendors ng fishballs at nagbebenta ng buko juice.

And the people here are mostly men. Senior high and college men.

Kanya-kanya ang mga pwesto ng mga lalaki habang may sigarilyo sa kanilang mga bibig at daliri. Mayroon sa labas ng store at mayroon din sa gilid ng poste.

I felt uneasy at hindi ko alam kung kaya ko pa bang ihakbang ang mga paa ko para tuluyang sumulong sa kuta ng mga chainsmokers. Kinakabahan ako, it feels like I will catch a lung cancer here if I'd stay for another five minutes!

Pero naalala ko bigla si Beatrix. She's sick and she wants her brother... Napabuntong hininga ako as I cheered for myself.

You can do this, Jess. Mukhang harmless at wala namang pakialam ang mga ito sa'kin. Hindi nga nila ako titititigan, they were just too busy puffing their cigarettes.

Tuluyan na akong lumakad sa direstong daan habang lumingi-linga sa paligid, baka sakaling makita ko si Colton.

I noticed a black truck parked on the side and the wall on his side was painted by different kinds of Jeepneys that you can ride here in Angeles City. Nando'n iyong kulay violet, yellow, green, pink, and blue. Different colors and different destinations.

I was amused for a second, this place is inhospitable and barren but it has a touch of art in it. It's bad but not that bad.

"Ano, gusto ka daw nung isa sa mga kaklase mo? Bakit hindi mo 'ko sagutin!" Naibalik ang atensyon ko sa realidad nang makarinig ako nang inis na tinig ng isang babae.

"Will you fucking stop, Aira?! Kanina pa tayo diyan. Paulit-ulit na lang!" I heard the familiar firm and husky voice. Nabuhayan ako! It's Colton's!

"Hindi mo naman ako sinasagot nang matino!"

"E sa hindi ko nga alam! Bakit 'di 'yung kaklase ko 'yung tinanong mo kung gusto niya 'ko? Laki ng problema mo..." 

Nagpatuloy lang ang mga ito sa pagsasagutan. The voice of the woman sounded whiney and annoyed pero sa boses ni Colton ay halata roon ang pagtitimpi at pinipigilang mapalakas ang boses nito.

Dinala ako ng mga paa ko sa likod ng itim na truck and there I saw Colton with a cigarette between his lips while his girlfriend is on her side, trying hard to get his attention.

Lumawak ang mga mata ni Colton nang makita ako at napaawang ang kanyang bibig. He frantically caught the cigarette in between his index and middle finger out from his mouth.

His features hardened.

"Anong ginagawa mo dito?" Mahina ang kanyang pagkakasabi ngunit may diin bawat salita.

Natigilan iyong girlfriend niya at saglit akong tiningnan. Tinaasan pa niya ako ng kilay at akala ko'y pati ako ay aawayin niya pero nagkakamali ako dahil muli lang niyang ibinalik ang tingin kay Colton.

"I'm asking you, Colton! Sagutin mo ang tanong ko!" Galit na galit na sabi nito but Colton's onyx eyes remained staring at me. Lumipat ang tingin ko sa girlfriend niya, she was still trying to argue kahit nandito na 'ko.

The girl is beautiful but I don't like her attitude... Para siyang bata. Now I wonder kung ito ba talaga ang nagtitiis kay Colton o si Colton ang nagtitiis?

"Get out of here, Travieso..." Mariin niyang utos sa akin na naging dahilan upang makuha niya ang atensyon ko. Nagbaba ako nang tingin sa kamay niya na nakababa.

Nando'n pa rin ang sigarilyo niya, naka-ipit sa pagitan ng mga daliri niya at may lumalabas na usok mula roon at may nabubuo na ring abo na isang pitik lang ay mahuhulog na.

"Narinig mo ba 'ko, Jessica Claire? Umalis ka na dito!" Mariin bawat bigkas niya sa aking pangalan.

Umiling ako at humakbang papalapit sa kanya, sa kanila. Hindi ko na rin pinansin ang girlfriend niyang kinukulangan sa pansin.

"I need to talk to you..." I looked at him, pleading.

"Bastos ka ba o hindi ka lang talaga makaintindi? Hindi ba't pinapaalis ka na ng boyfriend ko?!" Mataray nitong sabi sa akin at binigyan pa ng diin ang salitang 'boyfriend ko'.

Tiningnan ko lamang siya saglit at hindi alam kung ano ang sasabihin. Ang nasa isip ko lang ay si Beatrix.

"Kailangan ko lang makausap ang boyfriend mo..." I finally found the voice to talk back.

Colton snapped at his girlfriend's direction. "Pwede ba tumigil ka na?! I'm warning you..." Madilim nitong sabi sa girlfriend niya at sunod akong tiningnan.

"Ikaw naman, umalis ka na dito..." Pinaningkitan niya ako ng mga mata.

"Colton, please... Importante 'to." Pakiusap ko sa kanya. Bakit ba ayaw niya akong pakinggan?!

This is not the right time to continue your petty LQ with your girlfriend, Colton! Gusto ko iyong idagdag ngunit pinigilan ko na lang ang sarili ko. Mas lalo kaming magtatagal kung papatol ako.

"You stupid junior, hindi ka ba talaga titigil? Kita mong nag-uusap kami ng boyfriend ko!" Galit na galit niyang sabi and then I felt like all the blood in body went through my cheeks because of embarrassment.

Bigla na lamang niya akong itinulak nang malakas na naging dahilan upang mapaupo ako sa maruming semento. Ramdam ko ang pagtitig ng mga taong kanina'y walang pakialam...

I was feisty, right? And I swear I want to yell a big 'fuck you' at this Aira but the embarrassment that I'm feeling is dominating me. 

"Damn you!" Angil ni Colton sa kanyang girlfriend at kaagad na binitawan ang sigarilyo niyang hawak sa semento bago marahas na hinawi sa kanyang harapan ang kanyang girlfriend saka niya ako kaagad na nilapitan.

The Aira girl's jaw dropped in disbelief.

He leaned towards me and then I felt his strong and muscular arms around my waist and forearm, supporting me to stand up. He immediately checked my elbows and knees with his jaw clenched and an expression that's ready to set someone on fire.

Lalong sumama ang kanyang aura nang mapansin niya ang maliit na galos sa aking siko. He even caressed the side of my wound, carefuly not to touch the actual wood.

Umigting ang kanyang bagang bago nag-angat nang tingin sa akin.

"Masakit?" Bahagyang lumambot ang ekspresyon niya.

Tanging iling lang ang naisagot ko.

"Colton ano ba?! Nag-uusap pa tayo! Get away from that junior! Ako ang girlfriend mo!" She tried to grab Colton on the shoulder but he shrugged her hand off before snapping at his girlfriend's direction.

Naningkit ang kanyang mga mata.  "Not anymore, Aira because we're over..." He said darkly through gritted teeth before drawing back his attention to me.

Umawang ang bibig nito sa gulat. "Colton!" Tawag niya dito ngunit hindi siya pinansin ni Colton.

"Are you sure that you're alright? Walang masakit?" He asked me instead when he failed to find another scratch on my body. He's too close. I can already smell him. He smells like cologne and cigarette. So manly and so perilous.

"I-I'm fine..."

He let out a harsh sigh. "Let's go, I'll take you home..." Seryoso niyang sabi bago ako inalalayan paalis sa lugar na iyon. I was still in shock.

Beatrix is sick, I got embarrassed in front of other people, and Colton just broke up with her girlfriend... in front of those people, too. She embarrassed me and Colton embarrassed her in return. Wow! So, this is how karma works...