webnovel

TJOCAM 2: The Authentic Love

The tragic incident had finally ended but now that Haley Miles Rouge lost all of her memories and became a different person. Magagawa bang maibalik ng mga kaibigan niya ang kanyang alaala? How about her feelings? Nagbago ba o nanatili? Magagawa nga ba ni Reed sabihin ang kanyang nararamdaman lalo na't ngayong ibang-iba si Haley sa kanyang nakilala?

Yulie_Shiori · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
65 Chs

Kei and Haley's ARC Part 1

Chapter 57: Kei and Haley's ARC Part 1 

Kei's Point of View 

Pumailanlang ang ungol ko nang bigla akong hindi makagalaw sa kinahihigaan ko. I was sleeping peacefully and suddenly. Nagising ang diwa ko, but at the same time, hindi. "Mmh…" 

I can't… breathe… Is this sleep paralysis? 

Ramdam ko 'yung paglipat ng ulo ko sa kaliwa't kanan nang mapasinghap ako kasabay ang pagmulat ng aking mga mata. Bumungad sa akin 'yung pusa ni Haley at nakaupo sa dibdib ko. 

"Meow."

[Hooman, it's time for my meal.]  

B-Bakit parang naiintindihan ko 'yung sinasabi ni Chummy? 

Bumahing ako. 

*** 

BUHAT BUHAT ko si Chummy ngayong papunta ako sa kusina para kunin 'yung pagkain niya sa food cabinet, binuksan ko 'yung ilaw noong maabutan kong madilim, anong oras pa lang kasi talaga. 

Tiningnan ko 'yung wall clock sa kusina. Alasingko pa lang ng umaga. 

Naglabas ako ng hininga saka ibinaba si Chummy para kunin ang lalagyan niya't ilagay ro'n ang cat food. 

Isang linggo na rin 'yung lumipas. Nakabalik na kami sa Smith Mansion kaya balik normal nanaman kami. Ngunit wala pa ring nakakaalam sa nangyari nung nakaraan kasama ang mga magulang namin. 

Bagama't 'di rin kasi magandang ideya na pag-alalahanin sila. Kaso hanggang kailan kaya namin 'to matatago? Habang-buhay? 

Nakakuha na ako ng cat food at kasalukuyan akong naglalagay sa lalagyan ni Chummy nang tingnan ko ang benda sa aking siko. 

'Di pa gano'n naghihilom ang sugat ko kaya hanggang ngayon ay may naka-wrapped pa ring bandage sa kanan kong kamay. Pinapalitan naman ito kapag naliligo ako, si Haley 'yung nagtatapal sa akin nung gamot kung nasa'n 'yung sugat ko at siya rin 'yung naglalagay at nag-aayos sa akin nung benda. 'Di ko nga rin inaasahan na alam niya 'yung tamang paraan ng paglalagay ng benda, eh. 

Ngunit naipaliwanag naman niya na hindi rin talaga niya alam. Sadyang tinuruan lang daw siya ng school nurse para matulungan ako, mabilis lang din siyang makasunod sa tinuturo sa kanya. 

Natawa ako nang maalala ko 'yung flustered na mukha ni Haley sa tuwing inaasar ko pero napabuntong-hininga rin pagkatapos. 

Nanghihinayang lang din kasi ako sa balat ko dahil 'di naman din ako madalas magkapeklat. 

Even though the doctor already told me na mawawala rin 'tong peklat ko 'pag nagtagal, basta tuloy-tuloy lang 'yung pagpahid ko nung gamot sa sugat ko. 

"Oh, Kei. Ang aga mo." Napatingin ako kay Reed. Nakasuot siya ng sports uniform at dala-dala ang mga gamit niya. Mukhang may kukunin lang din siya sa refrigerator kaya siya nandito. 

Humarap ako sa kanya't ngumiti. "Morning, Reed. Pinapakain ko lang si Chummy. Mukhang nagugutom kasi." Tugon ko sabay lapag sa baba ng pagkain ni Chummy na kaagad naman niyang inatake. 

Tumayo na ako ng maayos at ibinaba 'yung tingin sa hawak niyang bola ganoon din sa kanyang mga gamit. "Ngayon ba 'yung 3 days provincial game n'yo?" Tanong ko. 

Binuksan niya ang refrigerator at kinuha 'yung tumblr niya. "Hindi ba kita nasabihan kahapon?" Tanong niya sa akin nang hindia ako tinitingnan. Ngumiti lang ako, baka kasi nasabihan na niya ako kahapon at nakalimutan ko lang. 

"So, wala kayong apat for three days straight?" Tinutukoy ko sila Mirriam dahil sa aming magka-kaibigan. Silang apat lang talaga 'yung naglalaro ng sports. 

Wala kaming club ni Haley. 

Well, p'wede namang sumali si Haley sa choir pero… 

Flash Back 

Naglalakad kaming dalawa ni Haley niyon sa hallway nang mapalingon siya sa akin. "Choir?" Taas-kilay niyang ulit sa binanggit ko dahil nag suggest nga akong sumali siya sa club dahil maganda talaga 'yung boses ni Haley. 

Tumigil siya sa paglalakad para humarap sa akin. "Ano'ng kakantahin ko? Religious song?" Nagpameywang siya't hinipan 'yung bangs na humarang sa mukha niya. "Wala naman akong boses pang madre." 1

"Haley!" Pasita kong tawag sa pangalan niya pero mataray lang siyang bumaling ng tingin at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. 

End of Flash Back 

Kahit kailan din 'yung babaeng iyon. 

"Doon daw kami mag I-stay sa rest house ng E.U sa Baguio. Gusto mo ng crinkles?" Ngiting tanong sa akin ni Reed na ikinahagikhik ko. 

"Sure. Pero kung may makikita kang pudding, iyon na lang." Ngisi ko namang sagot kaya nag salute siya't kumaway sa akin bilang pagpapaalam na aalis na siya. 

Sinundan ko naman siya na nakaalis na sa kusina. "Wala kang balak magpaalam kay Haley?" Tanong ko. 

Napatigil naman siya 'tapos pulang pula ang mukha na lumingon sa akin. "B-Bakit naman?" Nauutal niyang tanong 'tapos inilayo ang tingin. "Baka iba isipin no'n sa 'kin, eh." 

Pilit akong napangiti. Wala ka bang balak umamin?

 

"Oh, siya. Aalis na ako, huwag mo masyadong itama 'yang sugat mo sa kung saan." Patakbo na siyang umalis. Kumaway lang ako kahit hindi na niya nagawa pang lumingon sa akin. 

Naghihintay na siguro 'yung bus nila sa E.U. kaya nagmamadali na rin siyang umalis. 

Isinandal ko ang gilid ng katawan ko sa katabi kong pader at napahawak sa aking braso. Umalis na rin kaya si Harvey? 

 

Napakapit ako ng mahigpit sa braso ko't napatungo. May karapatan ba talaga akong itanong 'yan sa sarili ko? 

We didn't get a chance to talk, dahil madalas ay wala siya rito sa bahay gano'n din sa E.U dahil palagi siyang may practice para sa provincial match game nila. 

Medyo pabor din iyon sa akin pero hindi ko maipagkakaila na naghihintay akong I-approach niya ako dahil umaasa rin akong matatapos na 'tong gumugulo sa utak ko. 

I have no plans na makipagbalikan kay Harvey even though I love him. Hindi naman nagbago 'yung rason ko noon na baka mas mapahamak pa siya kapag ako 'yung na sa tabi niya. Na hahayaan lang niya 'yung sarili niyang mag holdback just to protect me. 

 Saka naisip ko, 

 Gusto ko ring maging masaya si Harvey kasama ako, but if being with me isn't what's best for him? And even though I want to make him happy, pa'no kung 'di pala ako 'yung taong gagawa no'n para sa kanya? 

That's why, I realized that,

…may mga bagay na hindi pa naaayon sa panahon kahit sabihin nating na sa harapan mo na 'yung tamang tao para sa 'yo. Marami pa kaming kailangang gawin at matuklasan, hindi lang ako, kundi siya. Kung ihihiwalay ko muna ng panandalian ang sarili ko kay Harvey para hayaan siya na matuklasan 'yung mga bagay na hindi niya nagawa noong magkasama kami dahil sa nakaraan niya, better. 

I know I'm being selfish. At baka nga pagsisihan ko pa itong naging desisyon ko kung may makita si Harvey na mas ikasasaya niya bukod sa akin. Pero iyon 'yung choice niya, at choice ko rin ito. Para sa kanya, at para na rin siguro sa akin. 

Humikab ako ako kaya bumalik na nga ako sa kwarto ko. Hinayaan kong nakabukas 'yung ilaw dahil kumakain pa si Chummy. 

Binuksan ko 'yung pinto ng kwarto ko at naabutang tumutunog pala ang cellphone ko na nakapatong doon sa study table ko. 

Kaagad-agad ko namang kinuha ang phone ko at tiningnan ang tumawag. 

"Dad?" Basa ko sa caller. 

*** 

KINAUMAGAHAN. 

Nakabihis na kami ni Haley ng mga school uniform namin at handa na ring pumasok, bale na sa labas na kami't hinihintay na lang 'yung paglabas ng sasakyan. "Pasensiya na, kuya. Hindi rin kasi ako makakapag drive, eh." Ngiti kong paumanhin nang makatapat na sa amin 'yung service namin. 

Umiwas naman ng tingin si Haley. "At 'di ako marunong mag drive." Paanas na sabi ni Haley pero maririnig mo naman kahit papaano. 

Pumasok na nga kaming dalawa sa loob ng sasakyan. Doon kami sa likod umupo. 

"Naku, wala namang problema, Miss Keiley. Ako nga dapat ang humingi ng pasensiya dahil hindi ko nagagawa ang tungkulin ko bilang driver n'yong apat." Magalang na sambit ni kuya saka pinaandar ang sasakyan. 

Iwinagayway ko ang dalawa kong kamay sa tapat ng aking dibdib. "I-It's fine, ayaw rin namin masyado ng special treatment. Saka ikaw naman 'yung service sa assistant ni Dad na pinagkakatiwalaan niya sa Meng Di Li Ya's company." Ngiti kong sabi 'tapos tiningnan si Haley na naka-crossed legs habang malayo ang tingin sa labas ng bintana. 

"Nami-miss mo kaagad si Reed?" Pang-aasar ko kaya mabilis siyang nag react. Lumingon siya kaagad sa akin na may mapulang mukha dahil sa hiya, pareho talaga sila ni Reed. 

Gusto naman nila 'yung isa't-isa pero ayaw talaga nilang umamin. 

"I-I'm not!" Deny ni Haley. Hanggang kailan 'yang pagiging in-denial n'yo?

Ngumiti ako. "Siya nga pala, Sis. Free ka ba this coming weekend?" Tanong ko kaya umamo naman 'yung mukha niya. 

"Yeah, why?" Sagot niya. Sasabihin ko ba? 

Ipinatong ko 'yung dalawang kamay ko sa kandungan ko at ibinaba ang tingin doon. "Tumawag kasi si Dad kanina at nasabi niyang uuwi raw siya, magle-leave siya ng mahigit one week. He wants to spend his time with u--" 

"Ayoko." Mabilis na sagot ni Haley kaya tumingala na ako para makita siya. 

"Pero--" Hindi ko na nagawang ituloy 'yung sasabihin ko dahil nakikita ko na 'yung galit sa mata niya habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakasalong-baba rin ito at makikita mong 'di sang-ayon sa sinabi ko. 

Haley's Point of View 

 Malayo ang tingin ko at hindi na sumagot kay Kei pagkatapos. Naiinis lang ako sa rason ng magaling naming ama na gusto n'ya kaming makasama pero ayon sa kinu-kwento ni Kei sa akin noon, halos hindi nga magawa ng lalaking 'yun na umuwi sa Pinas lalo na kapag may importanteng ganap sa buhay ni Kei. 

 'Tapos ngayon, ang kapal lang ng mukha na umuwi rito dahil sa gusto n'ya kaming makasama? Para saan? Kausapin ako? Makabawi sa pagkukulang niya sa aming dalawa? Ang unfair naman yata sa part 'yun ni Kei? 

 Kinuyom ko ang aking kamao at mas inis na napatingin sa malayo. 

*** 

 

PUMASOK NA KAMING pareho ni Kei sa classroom. 

"Ang aga n'yo ngayon, ah?" Bungad ng isa sa lalaki naming kaklase habang papunta kami ni Kei sa mga pwesto namin. 

Ngumiti naman si Kei sa lalaking 'yon. "Talaga? 'Kala ko late na kami, eh." aniya. 

Sinimangutan ko naman siya. "Magdala ka na kasi ng sarili mong relo." Humagikhik lang siya. 

Umupo na ako sa upuan ko gano'n din si Kei. Huminga ako nang malalim at mabigat iyon na ibinuga, at napasinghap na lang nang maramdaman ko ang presensiya ni Rose sa aking likuran. That's why, when I glanced over my shoulder. 'Di na ako nagdalawang-isip na tumakbo para makalayo sa kanya pero nagawa n'ya akong hablutin at masahiin nanaman 'yung dibdib ko. "HOY!" 

Napatingin nanaman 'yung mga kalalakihan sa amin. 

"Rose! Tigilan mo--" Pinutol niya 'yung sasabihn ko. 

Inilapit kasi ni Rose 'yung pisngi niya sa akin. "Haley, pa'no matutuwa si Reed niyan kung wala kang kinabukasan na ibibigay sa kanya?" Namula ako sa sinabi niya 'tapos nginisihan ako. "Kaya habang wala pang aminan na nagaganap, ako muna ang magpapalaki di--" 

Hinila ako ni Kei at niyakap ako. Lumingon siya kay Rose pagkatapos. "Rose, stop it. You're already scaring her." 

I'm not scared or anything, but-- 

Humalakhak naman si John na papalapit sa amin ngayon. "Wala sila Reed, gusto n'yong sumabay sa amin mamaya kumain?" Aya ni John kaya napabitaw na si Kei sa akin para humarap dito. 

"Pwede ri--" Hindi nanaman naipagpatuloy ni Kei 'yung sasabihin niya dahil marami sa mga kaklase namin ang lumapit sa amin para ayain kaming sumama sa kanilang kumain ng break time at lunch. 

Umatras ng hakbang si Kei habang 'di nawawala 'yung ngiti sa kanyang labi. "Uhm… 'D-Di bale na lang kaya?" Mahinang wika ni Kei na narinig ko samantalang bumuntong-hiniga lamang ako. 

*** 

ORAS NG KLASE. 

Kasalukuyan akong kumokopya ng notes mula sa white board nang mapatingin ako kay Kei na malayo ang tingin habang hinahayaan lamang na dumaan 'yung hangin sa kanyang balat na nagmumula sa nakabukas na bintana. While I'm staring at her, Na-mesmerized ako sa ganda nung buhok niya habang sumasayaw ito sa ere. 

"Alam mo dati? Madalas akong mapag-iwanang mag-isa kapag may mga sports competition sila Reed." Biglang pagsasalita ni Kei na pinakinggan ko lang. 

Bumaling na ang kanyang tingin kung sa'n patuloy pa rin sa pagsusulat 'yung guro namin. "I was lonely. Kahit gusto kong makisama sa ibang estudyante before, I couldn't do it. Dahil ayokong isipin ng iba na sumasama lang ako sa kanila kapag mag-isa lang ako. But right now, kahit 'di ko hilingin sa sarili ko," Lumingon siya sa akin na may matamis na ngiti sa kanyang labi. Makikita mo rin 'yung totoong saya sa mata niya. 

"…nandiyan ka. And I'm happy that there's someone who will stay with me maging kailangan man o hindi." Sabi niya na 'di ko kaagad inimikan. Ewan ko, pero napatitig lang din ako sa kanya dahil parang nag glow 'yung asul niyang mata. Same color with my twin sister. 

For some reason, nalungkot ako nang kaunti. 

Tumawa naman si Kei bigla. "In love ka na sa 'kin, Haley?" 

May pumitik sa sintido ko 'tapos iniharap na nga lang 'yung tingin sa white board. "Ano'ng pinagsasasabi mo?" Inis kong sabi na ikinahagikhik niya. 

"Gusto mong pumunta mamaya sa KMLH's Ice Cream?" Yaya niya sa akin kaya muli akong napatingin sa kanya't mabilis na napatango. 

"Yeah! I'll go." 

*** 

MABILIS NAMING INAYOS 'yung mga gamit namin para pumunta ro'n sa paborito kong Ice cream shop. 

Nag text na kami kay manong na huwag na niya kaming sunduin dahil medyo magtatagal din kami sa labas. 

"Ingat kayo, Keiley and Haley!" Pagkaway nung lalaki na patakbong dinaanan kami. Mukhang freshman 'yun ayon doon sa suot niyang necktie na kulay Yelow. 

Kumaway lang din pabalik si Kei bago ibinaling ulit 'yung tingin sa harapan. 

"Wala pang nakakaalam na magkapatid tayo, ano?" 

"Hindi naman kasi natin sinasabi." Tugon ko kaya lumingon siya sa akin na tiningnan ko rin naman. 

"Pero pa'no kung malaman nila? Okay lang sa 'yo?" Paninigurado niya na parang gusto niya ng assurance ayon sa ginagawa niyang mukha ngayon. 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ba't hindi?" Taka kong sabi kaya lumapad 'yung ngiti sa kanyang labi. Iyan ba 'yung inaalala niya? 

Iniharap ko na 'yung tingin. "Pero kung malalaman din nila na magkapatid tayo, makakarinig tayo ng mga nonsense issue against us. Is that okay to you?" Tanong ko. 

Tumango siya ng walang pag-aalinlangan. "Yes!" Masigla niyang sagot 'tapos kumapit sa braso ko. "I love you!" Panlalambing niya sa akin na 'di ko rin kaagad nagawang imikan. Ngumiti lang ako. 

*** 

KINUHA NA ni Kei 'yung ice cream na in-order niya 'tapos naghanap ng mauupuan. Hindi naman gano'n karami ang tao ngayon kaya nakaupo rin naman kami. 

Doon kami umupo sa dalawang upuan. Ibinaba lang namin 'yung mga gamit namin para kumportable kami saka kami nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari kanina sa school. 

Ngayon ko lang napansin na ngayon na lang ulit kami nagsama ni Kei na kaming dalawa lang. Pero wala naman din kami masyadong napag-uusapan tungkol sa buhay namin at palaging sa ibang tao o sa labas lang madalas. 

Inangat ko ang tingin kay Kei 'tapos tinitigan ito. Kung titingnan ko siya nang maigi. Nakikita ko rin sa kanya si Lara, lalo na sa kulay ng mata at sa paraan ng paggalaw nila.

Siguro kung na sa tabi ko pa 'yung kambal ko, magkakasundo rin talaga sila ni Kei. 

I-imagine-in ko pa lang, napapangiti na ako. 

"Mmh ~! Ang sarap." Paungol na kumento ni Kei ro'n sa Ice cream niya na halos isubsob ko na 'yung mukha ko sa aking bag sa sobrang kahihiyan. Napatingin kasi 'yung mga tao sa 'min. 'Yung mga lalaki naman na nandito sa shop, parang namangha pa't namula pa 'yung mga tainga. T*ngina ng mga 'to. 

"S-Sabi kong manahimik ka kapag kumakain, eh." Nahihiya kong suway pero itinabingi lang niya 'yung ulo niya't walang ideya sa sinasabi ko kaya napabuntong-hininga ako. Wala ka sa mukbang, Kei… 

Inangat ko na nga lang 'yung ulo ko nang tawagin niya ang pangalan ko. "Ayaw mo ba talagang makipagkita kay Dad?" Paninigurado ni Kei dahilan para mag-iba 'yung mood ko. "Wala ka bang gustong itanong sa kanya ngayong uuwi siya?" Dagdag niya kaya tumungo ako. 

"Itanong?" Banggit ko sa kanyang sinambit kasabay ang pagsalubong ng kilay ko. "Wala naman din akong kailangang itanong sa kanya, iniwan ko na lahat sa nakaraan. Ayoko ng balikan pa." 

Nakita ko ang pag furrowed ng kilay niya. "But you still have questions na gusto mo ring masagot, 'di ba?" Tanong niya kaya napakuyom ang mga kamao ko. 

Inangat ko ang tingin sa kanya ng hindi tumitingala. 

"Ano ba 'yung gusto mong mangyari?" Mainahon kong tanong. Kasi 'di ko rin gets ba't kailangan pa niyang sabihin 'tong mga 'to sa akin kung nasagot ko naman na nung una pa lang. 

Isa pa, ayoko lang ding maging unfair. Maybe may mga questions pa 'ko sa sarili ko pero kuntento na ako ngayon. Saka hindi naman na mapapalitan 'yung nangyari sa past. 

"I want you to meet our father" Hinawakan niya 'yung kamay kong nakayukom kaya ibinaba ko ang tingin doon na inilipat ko rin sa mukha ni Kei. She's smiling genuinely. "Together." Dagdag niya. 

Nag-alangan ako. "Kei… Pero--"

"Hindi ka matatahimik kung mayro'n ka pa ring questions sa past mo. It would be better na bago ka tumingin sa kung ano ang nasa harapan mo, I-accomplish mo muna 'yung dapat na ayusin sa nakaraan para maging mas masaya ka." Litanya niya at ipinag intertwine ang mga daliri namin. "This time, maging honest ka sa sarili mo. Kasi ayokong maniwala na wala kang pakielam sa nararamdaman ng nakaraan mo."

Humiwalay 'yung kilay kong magkasalubong kanina habang paunti-unting nanunumbalik sa alaala ko 'yung mga araw na umiiyak ako noong nawala si papa. 

Iyong tipong 'di ko alam ang gagawin ko, gusto ko siyang yakapin at tanungin kung ba't umalis siya ng walang pasabi, na sana sinabi man lang niya sa akin kung bakit. 

"Kasama mo 'kong babalikan 'yun, 'di lang ako kundi sila Reed." Kumbinsi sa akin ni Kei. 

Bumuka ang bibig ko, walang ideya sa kung ano ang sasabihin ko. 

Pero habang pinag-iisipan ko nang mabuti ay wala rin akong nagawa kundi ang mapatango na may tipid na pag ngiti. "Mmh." 

Humagikhik lang siya samantalang napatingin lang ako sa labas ng glass wall. Sinusundan 'yung tingin ng eroplano sa kalangitan.

Hi!

Baka matapos itong season 2 ng chapter 61. Pero dapat kasi hanggang 60 lang ito, sadyang naparami lang din itong word counts sa chapter na ito pero ibigay ko na 'yung mga titles sa mga susunod na updates.

Chapter 58: Kei and Haley's ARC Part 2

Chapter 59: Jasper and Mirriam's ARC

Chapter 60: Kei and Harvey's ARC

Chapter 61 (Last): Haley and Reed's ARC

Yulie_Shioricreators' thoughts