webnovel

TIERRA DE DESEO

Dahil sa isang hiling mababago ang lahat.

ARNAMELESSY_02 · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
10 Chs

CHAPTER 6

Hindi alam ni Alicia kung kakatok ba siya o papasok nalang basta sa kubo ni Sixto, Maaga pa lang ay naghanda na siya at maaga ring umalis ng bahay nila.Nakakatuwa lang dahil gusto pa siyang samahan ni Aling nilda para daw mabantayan siya pero hindi siya pumayag.

Dala dala din niya ang mga palel at pluma na pinabili pa niya sa kanyang kuya na parang baliw nanaman na nakangiting nagbabasa ng mga sulat galing maynila at hindi naman siya naniniwala sa mga sinasabi nitong galing iyon sa school nito hula pa niya ay may kasintahan ito duon.

Nagbuntong hininga siya at pikit matang kumatok sa kubo nito."Tao po sixto"Tawag niya pero walang nasagot kaya inulit niya ito.

"Sixto"Pero wala pa rin kaya naman dahan dahan niyang binuksan ang kubo nito at nagulat naman siya ng mabuksan iyon agad.Naglakad siya ng bahagya at tinitingnan ang mga paligid baka nagtatago lang si sixto o nang paprank.Pero wala siyang sixto na nakita kaya naman naglakad siya papuntang kusina para sana tingnan duon baka nagluluto lang yun.

Pero wala siyang naabutan kaya naman tiningnan nalang niya kung may pagkain, napakunot siya ng makita ang nag iisang laman ng aparador duon.

Isang pirasong patatas na malaki.Tiningnan pa niya ang iba lamesa pero walang pagkain at wala ring kahit itlog man lang.Dahil nga maaga siyang pumunta dito ay kaunti lang ang nakain niya kanina hindi nga rin niya maintindihan ang sarili kung bakit excited na pumunta dito.

Napangiti siya ng may maisip.Dali dali siyang gumawa ng apoy at hiniwa ng maninipis ang patatas.Hibdi uso ang mamahaling pampalasa dito kaya naman nilagyan niya iyon ng asin at pinirito.

Hindi naman siguro masamang mangialam siya sa kusina nito.Napangiti siya ng makita ang prisentasyong ginawa niya.Tinuhog niya sa stick ito at inilagay sa plato.

Nakangiti siyang pumunta ng sala pero bigla iyong nawala ng makita niya si sixto at may kasama pa ito.Oo ng pala sinabihan niya ito na magsama para hindi ito mailang,hindi naman lunos akalain na babae ang isasama nito,akala kase niya ay lalake ito o hindi kaya bata.

"Si Binibining Rosario nga pala"Pakilala nito sa kasama.Nginitian niya ito.

"Alicia ang aking ngalan ikinalulugod nkong makilaal ka binibining Rosario"Pakilala niya dito.

"Ikinalulugod ko ring makilala ka binibining Alicia"Nakangiti din ito ngumit ramdam niyang hindi ito totoo.

Sa madaling salita napaka plastic nito. Halata naman dito na ayaw nito sa kanya pero dahil nasa harapan siya ni sixto ay peke nalang din siyang ngumiti.

Ang ganda nito sa totoo lang ito nga ata ang totoong definition ng Maria Clara sa panahon niya pero sa nakikita niya dito ito yung tipong kunwari Maria Clara nasa loob naman pala ang kulo.

"Tamang tama yung dating niyo may ginawa akong almusal"Ipinakita naman niya ang hawak niyang plato na may lamang patatas na pinirito.

Kunot noong napatingin sa kanya ang dalawa.Siguro ay wala pang ganito sa panahon na ito patawarin nalang siya ng unang nang imbento ng pritong patatas.

"Paumanhin ginoo kung aking pinakialaman ang iyong kusina ako lamang ay nagutom sa kaka antay sayo"Paawa effect niya dito.Gusto niya masuka.Ewan niya ba kung bakit naiinis siya sa prisensya ng babaeng kasama nito.Nakulo ang dugo niya dito naiirita siyang makita ito.

"HINDI ganyan ganito"Hawak kawak niya ang kamay ni Sixto at inaalalayan itong magsulat ng pangalan nito. Ngayon lang din niya nalaman na Sixto Gonzales pala ang buong pangalan nito hindi pa nga nito ibinibigay pero dagil tinatakot niya ito at isa pa paano ito matutuo kung hindi nito simulan sa pinaka mahalaga na dapat nitong malaman.

Namomroblema pa siya dahil kanina pa masama nag tingin sa kanya ni Rosario habang nasa tapat nila ito at nakatingin sa ginagawa niyang pagtuturo.

Halos sigawan pa nga siya nuto dahil sa kalapastangan daw gagawin nilang paghawak sa kamay ng isat isa nilinaw naman niya na kung hindi nila iyon gagawin hindi ito matututo isa pa wala naman itong magagawa dahil nagbabantay lang ito sa kanila.

Dahan dahan niyang inaalalayan ang mga kamay nito sa pag guhit at hindi nakatakas sa ilong niya ang humahalimuyak niyang amoy kaya wala sa sarili siyang napapikit.Naaadik siya sa amoy na iyon parang nagbibigay iyon ng kakaibang pakiramdam.

"Binibini"Napamukat siya at makita ang sariling malapit ang mukha kay sixto. Hindi niya alam ang gagawin ng maramdaman ang kakaiba nanamang pakiramdam.Nakabog ang dibdib niya.

Nasa likod pa rin siya at hawak hawak ang kamay nitong may pluma.Nakarinig sila ng parang may nahulog kaya dali kaya siyang tumayo ng tuwid at nag iwas ng tingin.

"Rosario"Napatingin siya ng bangitin iyon ni sixto.

"A-ayos lang ako ginoo"Mahina nitong sabi. Lumapit siya dito st nakita siya sa sahig ang nahulog na parang vase.Tumingin sa kanya si Sixto na hindi maipinta ang mukha.

"Maaari bang iyong tingnan ang binti ni Binibing Rosario?"Nag aalala nitong sabi na nagpabago ng mood niya.

Hindi niya alam kung bakit sa ilang araw pa lang niyang kilala ito ay nasasaktan na kaagad siya sa inaakto nito.Pilit siyang ngumiti.

"Aking titingnan ang kalagayan ng kanyang binti ginoo, maari na lamang kami ay iyong iwan muna."Nag aalangan pa itong tumingin sa kanya at sa basag na vase na hindi pa nalilinis peeo binigyan niya ito ng sign na okay lang may bubog duon tyaka lang ito bumuntong hininga.