webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
49 Chs

chapter 43

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG ANIM NA TORE:

NAGLIWANAG ang anim na tore ng teruvron at isa lang ang ibig sabihin nito,ang teruvron kingdom ay bukas na at may bago na silang pinuno.

"Dark lord! kailangan natin ang aklat upang mabuhay ang ating panginoon!" Saad ng isa sa mga summoners nito.

"Tinatago nila ang aklat gan'on din ang singsing! hindi nila sinira ang aklat bagkos tinatago nila ito dark lord!" Saad pa ng isa.

"Hindi ko nararamdaman ang kapangyarihan ng itim na aklat gan'on din ang nahating singsing!" Saad ng dark lord,nagtaka ang dark lord dahil kulang ang kanyang summoners.

"Anim?nasaan ang isa sa inyo?nasaan ang pinuno niyo?"sigaw ng dark lord sa anim nitong summoners.

"My lord!naglaban sila ng salamangkero ng zbiern at marahil kasama niya ito at pinapahirapan!"

Hindi alam ng dark lord at ng anim na summoners na nasa mga kamay ni aces tactirien ang salamangkerong si tamberow laurhrim. Binihag nila ang pinuno ng mga summoners.

"Muntikan na akong makuha ng kadiliman patungo sa empyerno!Buti na lamang nakontra mo aking kapatid ang kanyang salamangka!" Saad ni tamberow laurhrim sa kasama nitong salamangkero.

"Ang summoner na ito ay wala dapat na maglaho!"

"Bakit?ano ang gagawin mo sa kanya?"

Hinawakan ni aces tactirien ang tungkod nito at may hinugot siyang liwanag doon at binato niya iyon sa summoner.

Pumasok sa bibig ng summoner ang maliit na liwanag,ang kulongan ng summoner ay napuno ng usok.

"Ano ang ginagawa mo aces?" Pagsasaway ni tamberow laurhrim sa kaibigan nito.

"Malalaman natin kung ano ang binabalak ng dark lord sa pamamagitan niya!" Saad nito kay tamberow laurhrim.

Sumabog ang katawan ng summoner at kumalat sa buong paligid ang itim na usok. Nababalotan ang dalawa ng itim na usok at doon ginamit ni aces tactirien ang kanyang mahika upang makita ang binabalak ng dark lord.

Itinaas ni aces tactirien ang tungkod nito at lumikha iyon ng isang asul na liwanag na siyang humalo sa itim na usok.

Maraming mga paro-paro ang nagliparan sa paligid at mga ibon sa himpapawid.

Dahan dahang pumikit si aces tactirien at napansin ni tamberow laurhrim na ang asul na liwanag ay kinakain ang itim na usok hanggang sa matalo ng asul na liwanag ang usok na bumabalot sa paligid.

"Ang dark lord ay ang ama ni lord teraiziter!Wala siyang kamatayan maliban kung wawasakin natin ang teruvron!bukas ng umaga sasalakayin nila ang lupain ng reviin tur!" Wika ni aces tactirien sa matandang si tamberow laurhrim.

"Kailangan na nating bumalik sa white counsel upang ipagbigay alam sa mahal na diyosa ang tungkol dito!" Sagot ni tamberow laurhrim sa kaibigan.

Wala ng inaksayang oras ang dalawa bagkos nilisan ng mga ito ang balandor at nagtungo sa white counsel.

Mula sa labas ng kakahoyan ng balandor nakasilip ang isa sa mga summoner ng dark lord. Galit na galit itong pinagmamasdan ang dalawa habang nakasakay sa kabayo.

Hindi magawang makapasok sa gubat ang summoner dahil sa mahikang bumabalot dito na nilikha ni aces tactirien. May mga nilalang ding nagtatago sa balandor gaya ng mga pilandok,tamaraw at mga usa na siyang yaman nito.

Nagtungo sa harapan ng dark lord ang isa sa mga summoner at sinabi nitong patay na ang pinuno nila.

Nagalit ang dark lord sa nalaman nito kaya't inutusan niya ang isang pangkat ng mga orcs na salakayin ang reviin tur bago sumikat ang araw.

"Kayong anim magtungo kayo sa nether land at kunin ang hukbo nito!"

"Uro rin nanarer dark lord!"

Inabot ng umaga ang paglalakbay ng dalawa patungo sa white counsel.

"Buksan niyo ang tarangkahan dahil may paparating!"

"Ang salamangkero ng balandor!matutuwa ang mahal na diyosa nito!"

Tinungo ng isa sa mga kawal ng white counsel ang silid ni lady qenhrin upang ipagbigay alam ang pagdating ng dalawang salamangkero.

"My lady!ang salamangkero ng balandor at ang salamangkerong si tamberow laurhrim ay naririto po!"

"Ang tatlong salamangkero ng zbiern!"

Nagmamadali ang dalawang salamangkero na inakyat ang hagdan patungo sa bulwagan ng diyosa. Nakapaa ang mga ito kaya't mabilis silang nakarating sa kunseho ng white counsel.

"My lady!kasama ko ang aking kaibigan na si aces tactirien ang salamangkero ng balandor!"

"Pagbati lady qenhrin diyosa ng buwan na mula sa lahi ni mayari!mga elves na may kakayahang manipulahin ang liwanag ng buwan!natutuwa akong makita kayo ng harap-harapan!" Saad ni aces tactirien sa punong diyos ng white counsel, nakatayo ang diyosa habang nakatalikod sa dalawa.

"Maupo kayo!ano ang inyong mga nais sabihin?"

"Pag-uusapan natin ang tungkol sa pagsalakay ng teruvron sa reviin tur! magpapadala ang dark lord ng mga mandirigma sa reviin tur upang sakupin ito!"

Mahabang saad ni tamberow laurhrim sa punong diyos ng kunseho.

"Pinakiusapan kona ang mga hari na maghanda sa posebling pag atake ng kalaban!alam nila ang kanilang gagawin!" Sagot ng diyosa sa matandang salamangkero.

Inilapag ni aces tactirien ang suot nitong sumbrero sa mesang bato at dahan dahang tumayo. Naglakad ito patungo sa altar ni lord airin enirin at sinindihan nito ang lampara.

"Mahusay at matapang na elves!hinirang na bayani noong mga kapanahonan niya,natalo man ang kadiliman ngunit nabigo siyang kontrolin ito dahil sa padalos-dalos na pagpapasya!"

Wika ni aces tactirien sa dalawa habang nakatingin sa rebulto ni lord airin enirin.

"Ano ang ibig mong sabihin aces tactirien?aking kapatid?"

"Kailangan nating magkaisa upang matalo ang alagad niya! kailangang magpadala ng hukbo ang punong diyosa sa reviin tur bago sumapit ang hating gabi!"

"Hindi!!ang hukbo ng white mountain ay hindi papayagan ng white counsel na magtungo sa reviin tur upang makipagdigma at protektahan ito!ang hukbo ng mga elves ay magsisilbi lamang para sa kanilang hari!" Sigaw ni lady qenhrin kay aces tactirien,nauuwaan ni tamberow laurhrim na iniisip ng diyosa ang kapakanan ng kanyang nasasakupan kaya't gan'on na lamang ang ginawa nitong pagpapasya.

"Kung gan'on tamberow laurhrim nakapagpasya na ang punong diyos! umalis na tayo at magtungo sa lupain ng mga dwarves!wal tayong maasahan sa kunsehong ito!"

Nakayukong naglakad patungo sa bintana si lady qenhrin at tinignan ang paligid.

"Paalam my lady! paumanhin sa aming ginawa!"

Nilisan ng dalawa ang white mountain na walang nakuhang tulong, ngayon ay maglalakbay sila papunta sa toretirim upang humingi ng tulong sa hari nito.

-BATTLE OF TWO KINGDOM-