webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
154 Chs

Gusto Rin Naman Nya Kasi

"Adrian, what exactly is happening to my son?"

Tanong ni Eleanor sa kaibigang duktor.

Kinausap nya ito ng sarilinan para hindi madinig ni Ethan.

"Well, sa kwento ng anak mo, lumalabas na magpahanggang ngayon feeling nya nasa isla pa sya."

"Nasa isla?"

"Lagi nyang sinasabi that Elise needed him, kaya kailangan nya itong makita at mapuntahan agad. But the truth is, sya ang may kailangan kay Elise. It seems na he can not live without the girl."

"What do you mean?"

Naguguluhan tanong ni Eleanor.

"Masyadong traumatic ang nangyari sa kanya sa isla at si Elise lang pinanghahawakan nya sa araw araw kaya sya nakatagal. Nakakaramdam sya ng takot everytime na maiisip nya na maiiwan syang magisa sa isla kaya inalagaan nyang mabuti si Elise.

Sa totoo lang milagrong matatawag ang nangyari kay Elise, pero nagdulot ito ng matinding responsibilidad sa part ni Ethan kaya sa tingin nya sya lang ang may kakayahan na maprotektahan si Elise but the truth is, hindi sya makatagal na malayo kay Elise dahil sa ngayon sya ang buhay nya."

"Naguguluhan pa rin ako! Bakit mo sinasabi na feeling nya nasa isla pa rin sya?"

"Dahil ayaw nya pa rin umalis sa ganuong sitwasyon! Sitwasyon na siya ang nagaalaga kay Elise! But the truth is, si Elise ang nagbibigay ng lakas sa kanya, pag nawala si Elise may posibilidad na manghina sya at mag dulot ito ng mental problem in his part."

"Juskolord!"

Nakaramdam ng panghihina si Eleanor.

"Adrian is it possible na ma in love si Ethan kay Kate?"

"Sinong Kate?"

"Si Elise! Yun ang real name nya pero hindi matanggap ni Ethan na sya si Kate kaya hangggang ngayon Elise pa rin ang tawag nya dito."

"That make sense. Pagtinanggap nya ang true identity ni Kate, maglalaho na si Elise at yun ang ayaw nyang mangyari."

"Mom, matagal pa ba yan? Gusto ko ng makita si Elise, kailangan nya ako!"

Pangungulit ni Ethan sa ina.

Naiinip na ito kaya pinasok na ang dalawa sa silid.

"Wait Ethan, sandali na lang ito!"

"Adrian alam mo ba kung saan ang bahay ni Jaime?"

Nagulat si Adrian.

'Bakit nya tinatanong kung saan nakatira si Jaime? May pamilya na yun!'

"Si Jaime? Bakit mo tinatanong kung saan sya nakatira?"

Kita ni Eleanor ang pagaalinlangan ni Adrian at hindi nya maintindihan kung bakit.

"Sya kasi ang father ni Kate!"

"Anak ni Jaime yung iniligtas ng anak mo?

Gosh what a small world!"

Pero nagdadalawang isip pa rin si Adrian, sasabihin ba nya o hindi?

"Adrian please!"

"Eleanor, hindi kasi ganuon kadali ang pumasok duon, sobrang higpit ng security."

Pero ayaw talaga nyang sabihin kung saan nakatira si Jaime, ayaw nya na magkita ulit sila.

At saka gusto pa nyang makasama itong si Eleanor.

"So alam mo?"

Tanong ni Eleanor.

"Oo pero ... "

"Adrian, pwede mo ba kaming samahan?"

*****

Sa Little Manor.

Kanina pa nakatayo si Kate, pinagmamasdan ang paligid ng silid nya.

Bawat sulok ng silid na ito ay nagpapaalala sa kanyang kabataan.

Mahal na mahal nya ang silid na ito at walang nakakapasok dito maliban sa kanya at sa Mommy nya. Na hindi nya maintindihan kung bakit.

'Bakit ala akong memory ng sinasabi nilang Daddy ko?'

"WifeyLabs, bakit dika maupo? Huwag mong pagurin ang sarili mo, maupo ka."

At dinala sya ni Mel sa kama nya para maupo pero laking gulat ni Mel ng biglang hinawakan sya nito sa batok nya saka hinalikan ng mariin.

Isang mapusok at nagaalab na halik ang ibinigay ni Kate sa kanya kaya wala tuloy nagawa si Mel kundi sagutin ang halik na yun.

Kanina, sa baba, napansin na sila ni Nadine kaya inutusan na silang umakyat sa silid kahit nagpoprotesta si Jaime.

Natuwa naman si Mel dahil kanina pa sya nanggigigil sa asawa, pinipigilan lang nya.

Pero ngayon ....

Hindi lang pala sya ang nanggigigil, maging si Kate ay hindi na maikubli ang pagnanasa nya sa asawa.

Para silang uhaw na uhaw sa isa't isa.

Pagkatapos ng mahaba at mainit na halik na iyon, pareho silang hinihingal ng maghiwalay ang mga labi nila pero laking gulat ni Mel ng mapansing wala na pala syang saplot sa katawan. At ang ipinagtataka nya pa ay nagawa na nyang makatayo ng walang saklay.

'Haaay jusmiyo itong WifeyLabs ko ambilis ng mga kamay!'

Laking gulat ni Mel ng biglang hawakan ni Kate ang dalawang balikat nya at itulak sya sa kama patihaya at titigan sya na parang gusto syang kainin nito. Takam na takam.

'Jusmiyo 'tong asawa ko, hindi man lang ba sya napagod sa pinag gagawa naming dessert sa treehouse kanina?'

Maya maya, hinubad na ni Kate ang natitira nyang damit at saka dahan dahang ginapang ang asawa. At hinayaan lang sya ni Mel.

Gusto rin naman nya kasi.

At si Kate ....

Kahit na nahihirapan sya sa sobrang laki ng tyan niya at kumikirot pa ito dahil pakiramdam nya nagsisipaan ata yung kambal nya sa loob. Pero hindi ito naging hadlang para namnamin nya ang buong pagkalalaki ni Mel.

'Mga babies ko behave muna kayo, busy pa ko sa Daddy nyo.'

Matapos ang nangyari sa kanila sa treehouse, tila nanabik sya ulit at aaminin nyang gustong gusto pa nya ... ng dessert.

Isa lang ang nasa isip nya ngayon, ang mapasaya ang asawa.

Hindi nya ito naramdaman kay Ethan. Wala itong nararamdaman kay Ethan.

Hindi katulad ni Mel iba ang init na ibinibigay ng asawa nya sa kanya, nagaalab ito at pakiramdam nya mababaliw sya kung hindi nya maangkin si HubbyLabs nya.

"WifeeeyLaaabs.... Aaaaaahhhh!"

"Bakit HubbyLabs na miss mo ba ang dessert ko?"

"O-Oo! Aaaaaahhhh!"

"Huwag kang magalala buong magdamag nating gagawin ito!"

'Jusmiyo! Kaya ko ba?'

'Dapat pala kumain ako ng maraming balut!'

*****

Samantala.

Habang busy sa dessert ang magasawa, nagkakagulo naman sa baba.

Naroon pa kasi ang lahat ng matatanda, si Nadine at Jaime saka si Edmund at Nicole.

Pinaguusapan nila kung ano ang makakabuting hakbang para kay Jaime ng biglang may dumating na bisita na hindi nila inaasahan.

Si Eleanor kasama si Adrian at Ethan at nasa gate sila ng Little Manor, nagmamakaawang papasukin sila.

"Sino daw ang nagpupumilit pumasok?"

Tanong ni Edmund sa gwardya.

"Tatlo po sila Sir, Eleanor daw po yung isa tapos Adrian mga kaibigan daw ni Sir Jaime kasama din yung Ethan at kaibigan daw ni Ms. Kate! Papapasukin ko po ba?"

"Jaime, may mga kaibigan ka sa labas ng gate gusto ka raw makausap!"

"Sino?"

"Eleanor daw?"

"Anong ginagawa nila dito?"

"Huh?"

Kita ang pagkabalisa ni Nadine ng madinig nya ang pangalan ni Eleanor at hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Edmund.