webnovel

Love 3:

Everyone was happy dahil finally Xylie Rae Lopez will face the people again with a smile. Everyone was excited as the celebrant. Xylie's smile can make others smile too. But that smile faded when a tragedy happen to the Lopez Family.

 Pero ano nga ba ang rason sa likod ng pagkawala ng ngiting iyon. Iyong ngiting tipong magpapaganda na ng araw mo. 

Lingid sa kaalaman ng lahat ay maliban kay Xylie ay may isa pang Lopez na kilala ng lahat. Siya ang dahilan ng magagandang ngiti ng dalaga noon ngunit ng mawala ito ay doon din nawala ang ngiti ng dalaga at doon na nagsimulang manahimik ang mga Lopez.

Maliban sa mga negosyo nilang namamayagpag sa industriya ng negosyo ay wala nang ibang alam pa ang mga tao.

And here we are with the guests and waiting for the debutants appearance but what caught everyones attention was what the Host announce but when we look at the Host she also look surprised on what she said.

But its already too late para bawiin pa niya ang kanyang mga sinabi dahil lumabas na ang taong dahilan kung bakit naistatwa sa kanyang kinatatayuan ngayon si Xylie.

Nang lumabas ang mga taong ito at makompirmang tama ang aming mga narinig ay siya ring pagkawala ng ngiti ni Xylie.

Kasabay noon ay siya ring pagtakbo nito palabas ng venue at tila naglaho ng parang bula ang kaibigan nila. 

Natataranta ang lahat lalo na ang magulang ni Xylie dahil sa ginawa niyang pag alis ngunit sa huli ay tinapos din nila ang programa at pinakain na lamang ang mga bisita.

Samantalang si Xylie naman ay patuloy ang takbo habang nakasuot ng gown at heels. Wala man lang kasi siyang idea na mangyayari iyon.

Baka iyon na ang surprise sa kanya ng kanyang mga magulang.

Surprise na kaylan man ay hindi niya kayang tanggapin.

Nakarating ako sa isang childrens park malapit doon sa venue ng debut ko. Sa tingin ko may subdivisiong katabi ang park na ito.

Umupo lang ako doon sa may swing at doon ko ibinuhos ang lahat ng luha ko. 

"Ito na ang huling beses na iiyak ako ng ganto. At iyon na rin ang huling beses na makita ng mga tao ang ngiti ko....pangako ko sa aking sarili."

At siyang ikinagulat ko ng may magsalita sa tabi ko. Doon ko nakita ang isang batang nasa 11 na yata ang edad. Mukha rin siyang malungkot at may pinagdaraanan sa mura niyang edad.

"Hindi mo po maipapangako na hindi kana ngingiti pa sa iba dahil darating rin po sa buhay mo ang isang taong sasandalan mo ng lahat ng problema at mapapangiti sayo sa oras na mawalan ka ng rason para ngumiti.....sabi niya sa akin"

"Saan mo natutunan iyon....tanong ko sa kanya"

" Sinabi ko na rin po kasi iyon sa Kuya at ang mismong mga salita po na sinabi ko sa inyo ang mismong mga salita rin pong sinabi sa akin ng Kuya ko....sabi nito"

"Teka nga, Gabi na bakit nandito ka pa sa park?"

"Lumabas po ako para makapag isip. Ate pwede po ba ako magtanong sayo?"

"Sige lang magtanong ka lang."

"Ano po bang mararamdaman mo kapag ayaw sayo ng magulang mo?"

Tanong ng bata at tila natamaan ako sa tanong niya dahil yon mismo ang nararamdaman ko ngayon at nasa isip ko kanina.

"Depende siguro pero syempe masasaktan ka magulang mo iyon ehhh sila ang gumawa sayo tapos aayawan ka nila. Pero kung talagang ayaw nila sayo wala tayong magagawa kung hindi tanggapin na lamang iyon kasi kung patuloy kang maghahangad na sana gustuhin ka nila ulit ay mas masakit kapag tinaggihan ka nila ulit. Pero sa tingin ko naman ay nandyan pa naman ang Lolo't Lola mo at ang Kuya mo para tanggapin at mahalin ka.....Sabi ko sa kanya."

"So tama po ang Kuya ko na tanggapin ko na lamang na hindi nila ako gusto at tanggapin rin ang pagmamahal at pag aaruga na binibigay nila sa akin...sabi nito."

"Oo, tama sila...sabi ko"

" Ako po pala si Xaviera Mae"

"And ako naman si Xylie Rae"

And with that the kid left dahil baka hinahanap na ito. At doon naiwan ako ulit pero aminin ko man o hindi sa sarili ko tama ang bata. 

Tumayo ako at inihanda na ang sarili ko para bukas.

Hindi ako papayag na basta basta na lamang nila baguhin ang takbo ng buhay ko. Dapat rin na matutunan kung pakawalan ang sarili ko mula sa nakaraan.

Hindi rin ako papayag na may makuha sila mula sa perang pinaghirapan nila Abuelo't Abuela.

Umuwi ako ng bahay at naglinis lang ng sarili bago ako natulog.Ihahanda ko na ang sarili ko bukas dahil panigurado ay pupunta sila dito.

Kinabukasan tama ako dahil paggising ko ay aligaga ang mga katulong sa pagpasok ng mga bagahe at siya ring pagbukas ng pintuan at pagpasok ng siyam na tao.

Nasa gitna palang ako ng hagdan ng makita ako ng mga katulong kaya bumati ang mga ito.

"Saan niyo dadalhin ang mga bagahe na iyan"

"Ang sabi ho ng magulang ninyo ay iakyat namin sa mga Guest Room...sabi ng katulong"

"Hindi, ibaba ninyo iyan doon"

Mabilis naman silang sumunod at saka ako sumunod pababa sa kanila.

"Daddy yung mga maids binababa ulit nila ang mga maleta namin dito"sabi ng isang boses babae.

"Oo nga Mommy yung bags namin binababa ulit ng mga katulong dito"sabi ng isang boses lalaki.

Doon ko na nakitang lumabas sila Papa at Mama na galing yata sa kusina. Hindi pa nila ako pansin dahil hindi pa kita sa pwesto nila ang pwesto ko sa hagdan.

"Bakit ibinababa ninyo ulit yan?"tanong ni Mama

"Diba bilin ko ay dalhin ninyo ang mga gamit nila sa Guest Room"sabi ni Papa

"Pasensiya na po Sir, Maam pero utos po ni Maam Xylie na ibaba ulit namin.

"Utos ni Xylie?"tanong ni Papa

"Yes Pa. Utos ko"sagot ko.

"At sino ka para utusan ang mga katulong na ibaba ulit mga gamit namin alam mo bang mahal ang mga laman ng luggage ko?"sabi nitong mukhang impakto sa akin

"Marla!!!"saway ni Papa

" Ohhhhh sino ako? Bakit hindi mo ako kialala?"

"Magtatanong ba ako kung kilala ko?"sagot ni Marlang Impakta.

" How sad na hindi pala ako kilala ng mga bisita ko. Hindi ba kayo na inform ng magaling kung magulang kung sino ako? Pwes kung hindi ninyo ako kilala ako lang naman ang anak ng tinatawag ninyong Mommy at Daddy. Ako rin ang may ari ng bahay na ito."

" Ohhhh your that run away debutant"sabi ni Marlang Impakta.

"Marla enough!!!!"saway ng babae sa tabi ni Papa.

"This house is not your's Xylie. Nakapangalan pa rin ito sa Grandparents mo"sabi ni Mama

" No, your wrong Ma. Sa akin na itong bahay pati ang iba pang ari arian nila Abuelo simula kahapon ng pirmahan ko ang mga papeles. Kaya may karapatan akong paalisin kayong lahat dito"sabi ko.

" You can't do that"sabi ni Papa

" Ohhhh I can  Pa dahil ng sinira niyo ang party ko kagabi ay nawalan na rin kayo ng anak. Ohhh matagal na nga pala kayong walang anak. Kasi iniwan ninyo akong mag isa dito nung mga panahong nagdadalamhati ako sa pagkawala nila Abuela. Habang ako malungkot at nanghihirap na pagsabayin ang lahat nandoon kayo abroad nagpapakasaya na pala sa mga bago ninyong pamilya...sabi ko sa kanila."

" Xylie thats enought"saway ni Mama sakin.

" Bakit Ma? Diba totoo naman buti pa iyong anak ng iba nagpapamagulang kayo pero sa sarili ninyong anak ay hindi ninyo magawa. Kaya wag ninyong akong sabihan ng tama dahil ilang espesyal na araw ba sa buhay ko ang kinalimutan ninyo? Marami diba Ma, Pa? Ang dami dami kay wala na kayong karapatan na sumbatan ako. Alam niyo bang ang saya saya ko ng tumawag kayo at sabihin saking uuwi kayo sa debut ko. Walang paglagyan ang saya ko non kasi umaasa ako na baka maayos pa natin ang pamilya natin kaso mali ako kasi iniayos ninyo ang pamilya ng iba...umiiyak na litanya ko sa kanila.

"Kaya umalis kayo dito kasi wala na kayong anak dito."huling sambit ko bago tumalikod.

"Manang pakiutusan ho ang ibang katulong na tulungan silang ilabas ang mga gamit nila."

With that Xylie walk away on go to her room to cry alone. Wala na talagang pag asa pa na maibalik ang dati niyang masayang pamilya. Wala na rin sigurong pag asa pang maibalik ang kanyang ngiti. At higit sa lahat wala na rin yatang pag asang mapapaniwala pa siya ng Pag ibig.