webnovel

chapter 5

shamille's POV

Naglinis na ako ng katawan pagkatapos kong maghapunan hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi ni nash napakabata pa pala ni lord archer para makamit nya ang ganoong tagumpay!

nandito ako ngayon sa paliguan at nagbababad ng katawan sobrang sakit na kasi ng likod ko napagod na sa kakabasa hahaha

"pero-tama ba ang narinig ko na sinabi ni nash na ready to mingle?"bulong ko

kung ganon ay wala pang kabiyak o sinisinta ang lord archer?! ano kayang itsura nya wala pa kasing nakakaalam ng itsura ni lord archer at sa itsura naman ng king of all ay hindi rin namin alam dahil nakasuot ito ng takip sa muka na ang tanging makikita lamang ay mata na kulay abo...

hindi bat ganoon din ang kulay ng mata ni nash?

"teka bat ko ba sila pinagkukumpara!?"

hindi ko dapat sila ikinukumpara lalo na't hindi ko naman sila gaano kilala.... bukas ay tatanungin na ko tungkol sa mga binasa ko kaya kailangan ko nang magpahinga... nagayos na ko at natulog dahil alam ko marami pa kong malalaman bukas..

paggising ko ay nag ayos na ko kaagad at nagtungo sa silid kung saan nakahanda na ang hapag ngunit wala si nash kay nagtanong ako sa isa sa katulong na narito

"nasaan si nash? " tanong ko

"umalis po saglit si Lord Nash, lady shamille" sagot nito

"ganon ba salamat" sagot ko

'saan naman kaya sya nagtungo? '

di bale na nga... pumunta agad ako sa library at doon ko nakita si nash na madilim ang mukha na tipong kayang pumulbos ng isang mangkukulam ngayon..

"may problema ba?" tanong ko at napunta ang madilim nitong tingin sakin

"may gustong umagaw nang pagmamay ari ko" sabi nya

"kung ganon hindi mo dapat sya hayaang agawin ang pagmamay ari mo lalo na't kung sayo ito diba? " sabi ko

"tama ka kaya bukas na bukas ay magpapadala ako ng sulat para doon" sabi pa nito

"di bale sisimulan ko na ang tanong"sabi naman nito

" base sa book 44 anong edad nagkakaroon ng kakayahang maglaho ang isang mangkukulam? "tanong niyo

"ayon kay Edward polx ito ay sa edad na 256 kadalasang nakakamit ito ng mangkukulam" sagot ko

"base naman sa book 22 saan unang nagmula ang lahi ng mangkukulam? "tanong nya uli

" ito ay nagmula sa lahi ng mga Wedron at Qophe noong 1libong taon na ang nakakalipas"sagot ko

marami pa syang tinanong at buti na lang ay nasagot ko itoh ng tama lahat at ngayon ay hinihintay ko na lang ang susunod na pagsubok

"para maging estudyante ng Lord archer kailangan mo munang maging maalam sa iba't ibang potion kaya ang susunod mong pagsubok ay itoh" sabi nya sabay pitik ng daliri at nasa isang lugar na kami na tiyak ko ay silid na puno ng iba't ibang potion

"huhulaan mo lahat ng 300 potion na itoh kung ano anong potion yan nang walang gamit na mahika"sabi nito sinimulan ko na agad ang pagsubok at gumamit ng isang kwaderno na mapagsusulatan at doon ko nilista lahat ng nahulaan ko inabot din ako ng anim na araw sa pag alam ng mga potion at iniabot ko na lahat ng sagot ko kay Nash may dalawa na araw na lang akong natitira dito kaya kailangan kong pagbutihan

at nang sabihin sakin ni Nash ang resulta ng aking mga sagot ay laking tuwa ko dahil wala akong naging mali!

" ang ikatlong pagsubok ay ang mismong paglalaho na walang nakakagawa pero dahil alam kong nagagawa mo na itoh kaya ikaw ay nakapasa sa lahat ng pagsubok... nakita ko ang iyong tyaga at kahusayan sa loob ng maikling panahon nakita ko rin ang pagiging matapat mo lady shamille.. maraming pagkakataon na kaya mong dugain ang pagsubok pero hindi mo ginawa bagkus ay nagsumikap ka kaya humahanga ako sa iyong katatagan at kahusayan... binabati kita"sabi ni Nash

"salamat Nash ngunit ilang araw na ako dito huling araw ko na sa isang araw ngunit hindi ko pa nakikita ng personal si Lord archer" sabi ko

"hindi mo kailangang makita sya upang matuto lady shamille dahil alam kong sa pagsubok pa lang ay marami ka nang natutunan ngunit may mga araw na magpapadala ako ng gawain saiyo na kailangan mong maihatid saakin ngunit hindi sa personal kung hindi gamit ang nagliliyab na papel" sabi nito hindi ko pa masyadong gamay ang ganitong uri ng pagpapadala ng sulat pero susubukan ko parin

"sa tagal ko rito hindi pa rin kita lubusang kilala Nash" sabi ko

napangiti na lamang ito at inaamin ko sa tinaggal ko rito unti unting nahuhulog ako kay Nash pero alam kong kokontra ang aking ama sa ganitong bagay kapag umalis ako sa lugar na ito maaring hindi ko na sya makitang muli...

naputol ang aking pagiisip ng lumapit saakin si Nash at biglang hinawakan ang aking bewang at binatak ako papalapit sa kanya sobrang lapit namin...

"ako ang mapapangasawa mo lady shamille... dahil sa mga panahon na ito ay nakapag desisyon na ang iyong ama na ipakasal ka sakin dahil nakarating na sa kanila na magkasama tayo sa iisang coven at alam mo kung anong ibig sabihin nito sa mga mangkukulam" sabi nya pilit akong lumalayo pero mahigpit ang kapit nya saakin...

"ngunit bakit mo yon ginawa? " sabi ko naguguluhan pa rin ako bakit?

"sabi mo ay wag kong hayaan na makuha ng kung sino ang pagmamay ari ko" sabi nya

anong pagmamay ari?

"at sinong may kakayahang tanggihan ang mas nakakataas sakanila?" sabi nya

"ano pagmamay ari? Nash kailan pa at sino ang naghahangad na makuha ako? " tanong ko

"ang mahal na prinsipe, shamille gusto ka nyang mapangasawa" sabi nito si Prinsipe Tobias?!

"akin ka lang mahal ko, akin lang" bulong nito sa tenga ko sabay dila dito na nagdulot nang matinding kilabot saakin

'mahal!? ' kung ganoon ay gusto nya rin ako?

"at paano mo naman nasabi yan? " sabi ko gusto kong malaman kung ano ang kaya nyang gawin

"dahil kaya ko... kaya kong bakuran ka sa lahat.. dahil ako si Lord archer shamille.. " sabi nya na nakatitig sa mga mata ko

"Lord archer? paano? hindi bat si Nash ka? "tanong ko gulong gulo na ko

" ako si Lord Kaiser Nash Archer Villanixz.. mahal ko"sabi nya na ikinanganga ko at mas lalo pa kong nagulat ng halikan nya ko!