webnovel

chapter 2

zachary POV

"eh kung ako ang pipili ng mapapangasawa sasali ka ba lady shamille?"tanong ni prinsipe tobias

pinagmasdan ko ang maamong mukha ng dalaga napaka ganda nya nagulat sya sa tanong ng prinsipe

"ipagpaumanhin nyo po kamahalan..ngunit hindi ko po nais na kuyugin ng inyong mga tagahanga"sabi nito na ikinatawa ng prinsipe

"saan ka nga tutungo?"tanong ko

"sa sorrow forest po kamahalan"puno ng paggalang na sabi nya

"binabalaan kita binibini ngunit delikado sa lugar na iyon"sabi ko

"tama kayo kamahalan ngunit nais kong matuto ng bagong kaalaman mula sa pinakamagaling na mangkukulam..ayon sa nabasa ko ay wala pang nakakalabas ng buhay dito marahil ay mali ang kanilang ginawa kaya sila nakulong sa loob ng gubat"sabi nito

"sabi na nga ba anong aasahan eh ikaw ang pinakamatalinong estudyante ng wizard academy alam kong marami ka nang alam..alam na ba ito ng ama mo?"sabi ng prinsipe tobias

'pinakamatalino huh'

"opo kamahalan..."sagot nito

"at kung inyo pong mamarapatin ay aalis na po ako"sabi pa nito

"sige maaari ka nang tumuloy sa iyong pupuntahan"sabi ng prinsipe

nagbigay galang ulit ito at laking gulat namin ng prinsipe ng bigla itong maglaho sa paningin namin

"did she just?"nagkatinginan kami

"im interested in her..pwede ko bang mameet ang pamilya nya"sabi ko

"no way bro..."sambit nya

"don't tell me gusto mo?"tanong ko

"well sinong hindi magkakagusto sa nagiisang babaeng jyfev?"sabi nito

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

shamille's POV

Lumitaw ako sa bungad ng gubat masyado itong mahamog..

tama nga ang sabi sa nabasa kong libro

pumikit ako at dimama ang paligid bago nagsimulang maglakad ng nakapikit isa ito sa nakaligtaang gawin ng nagtangkang pumunta dito tanging pandinig lang ang aking ginagamit at pangamoy tsaka pandama..

"tulungan nyo ko..."

"kaya lang naman tumaas ang pamilya nila dahil ang sasama nila"

"wala kang halaga"

"hindi ka nababagay dito!"

nagsisimula na sila isa ito sa paraan ng gubat para hindi ka na makalabas..pero sapat ang aking kaalaman tungkol dito..

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Third person's point of view

Kamangha manghang babae nga naman

pinagmamasdan ko sya gamit ang aking kawa..

"tunay nga na magandang babae ang anak ng marquess at matalino..."

"tignan natin kung hanggang saan ka tatagal"

"mahal ko..."

patuloy ko itong pinagmamasdan