webnovel

Chapter 3

Habang hinihila niya ako papasok ng foodcourt bigla kong nakita sa Gabriel kasama ang bago niyang gf or should I say bago niyang lolokohin, papaasahin at papaiyakin.

Ano ba naman to puso ko kahit manloloko si Gabriel hindi pa rin talaga maiiwasan na masaktan ito kasi hanggang ngayon siya pa rin talaga yung nagpapatibok na puso ko hayayayayy buhay...

"By!! Hello to the earth?! Nakikinig ka ba?? Kanina pa kita kinakausap pero parang wala ka na naman sa iyong sarili..." concerned na sabi sakin ni adrian.. mabuti pa tong isang to kahit may kalog sa utak neto okay lang mabait naman siya at marunong makisama sa mga babae.

"Okay lng ako drey medyo may nakita lng akon masama sa mata or should I say masakit sa mata.." sabi ko sa kaniya habang pinipigilan ko pumatak ang mga luha sa mata ko.

"Hayyyssss kayo talagang mga babae mahilig magsabi ng okay lang kayo kahit deep inside na sasaktan na kayo, by okay lang naman umiyak ka sakin para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo..." habang sinasabi niya ito ay niyayakap niya ako ng mahigpit kung hindi lang kami magkaibigan neto bibigyan ko eto ng malisiya pero dahil kilala ko talaga si adrian alam kong natural lang siya mag approach sa mga babaeng kagaya ko na nasasaktan.

At dahil hindi ko na mapigilan ang aking sarili umiyak na lamang ako habang nakaupo at nakayakap sa kaniya " drey *sobs* ano pala yung sasabihin mong plano natin *sobs para makipagbalikan na satin *sobs* sina bestie at gabriel??"

"Bago ko sabihin sayo pakalmahin mo muna yung sarili mo at eto panyo punasan mo yang mga luha mo at teka lang muna oorder muna ako at dahil umiyak ka ngayon ako na lang yung maglilibre." Agad ko namang kinuha ang panyo at pinunasan ang luha ko at mga ilang minuto lang ay naging okay na ako.

Sa di kalayuan ay nakita ko ng papalapit sa na lumalakad sa aking harapan ang bestie ko walang iba kundi si Aeriela.

"Bestie!!!! Uyyy kamusta ka na?? Madami akong ichichika sayo tungkol kay Brent!!!" Bungad niya sakin na para bang ang saya saya niyang iniwan na lang ng basta basta si Adrian medyo nakaramdam ako ng sama ng loob sa kaniya dahil dito pero hindi ko rin maiwasan na hindi siya kausapin dahil mahal na mahal ko itong bestie ko.

"Okay lang ako bes ganun pa rin. Bestie hindi mo man lamang ba kakausapin si Adrian at iexplain mo ng mabuti sa kaniya ang nangyayari sa inyo? Kasi kawawa naman siya bigla mo na lamang siyang iniwan..." sabi ko sa kaniya na walang kabuhay buhay

"Bestie alam mo naman ang motto ko di ba? "Just go with the flow!" Ehh kung wala ng flow edi wala na rin love! Diba gets mo naman bestie?! Wala na akong may nararamdaman sa kaniya at may mahal na akong iba!" Hayysss kawawa talaga si drey yung kaibigan ko talaga medyo may kalandian to ehh

"Bes ano ba naman yang sinasabi mo?! Hindi ka ba nakokonsensiya ha?! Iniwan mo yung tao ng walang pasabi sabi tapos bigla na lang kitang makikita na may kasamang iba! Ang landi mo!"sabi ko sa kaniya na may dalang galit at diin ang bawat salita

"Clarisse for your information wag kang makialam sa naging relasyon namin ni Adrian! Alam kong mas gusto mo para sakin si Adrian dahil hindi mo pa nakikila si Brent! " Sinigawan niya ako atsaka umalis, haysss ngayon na nga lang kaming nagkita tapos nagkasamaan pa kami ng loob.. Ano ba yan?! Ang sama na talaga ng araw na eto ka sumpa sumpa !!!

Nakita ko ng pabalik na si drey dala dala ang tray na napuno ng pagkain.. ok may foods na atleast makakalma na ako ulit

"By okay ka lang ba?? Narinig ko kasi kanina na medyo nagsigawan kayo ni Aeriela..." agad na bungad sa akin ni drey habang nilalagay ang mga inorder niya sa lamesa

"Medyo nagkasamaan lang kami ng loob, wag kang mag alala maayos din namin yun" agad kung tugon sa kaniya at ngumiti ng mapait

"Okay okay basta ayusin niyo yan. By ready ka na bang marinig yung gagawin nating plano?" Sabi niya habang ngumingiti ngiti

"Oo, sooo what's the plan?? Wag ka ngang magpabitin Adriano!" At dahil sa sinabi ko agad siyang sumimangot ohhh dba ang pikon?! HAHAHAHAHA

"Alam kung medyo matagal tong maaabsord ng utak mo pero alam kung papayag ka rin..." omayghasshhh mukhang hindi ko to magugustuhan!!

"Drey deritsuhin mo na nga yung gusto mo!! Wag kang pabitin please!!" Reklamo ko sa kaniya dahil ang tagal niyang sabihin yung plano namin!

"Magkukunwari tayong mag jowa!"

"Ahh yun lang naman pala! Ahh sure no problem go ako diyan!"agad ko pag sang ayon sa kaniya at nagpatuloy siya sa pagsasalita ng bigla kong narealize yung sinabi niya!

"So yun na nga by magkukunwari tayo paseselosin natin silang dal----" hindi niya na natapos ang sinabi niya dahil pinagalitan ko siya at tutol ako sa planong ito hindi talaga maganda ang planong ito

"Drey nag iisip ka ba?! Sure ka?! Tayong dalawa?! Mag jowa?! Mag gf?! Mag bf?! What the f?! Drey ang ba yang pinagsasabi mo?!!! Wag ka ngang magbiro HA HA HA HA" Agad kung reklamo sa kaniya! Bwesit na lalaking ito magbibiro na lang yung hindi pa nakakatawa

"By totoo to please naman makinig ka kailangan ko cooperation mo! Madali lang naman ang gagawin nati---" hindi ko na naman siya pinatapos at agad na naman aking nagreklamo

"Adriano hindi ka na talaga nakakatawa! MYGOSSSHHH HINDI TAYO BAGAY! At ano na lang ba sasabihin ng mga kaibigan namin ni Aeriela na malandi ako dahil ang ex na ng bestie ko ang naging bf ko rin?!"

"By pasensiya na yun talaga yung plano ko ehh, sige na nga bibigyan kita ng oras para mag isip. Punta na tayong room baka malate pa tayo.."

TOTOO BANG SINABI NG LALAKING ETO?!