webnovel

the waiter's warrior

RILL_CRUZ · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
13 Chs

chapter 3

kinabukasan ay muling nga pumasok si bryan sa kapeterya katulad ng araw araw nyang ginagawa. mula sa loob ng kapeterya ang makikilala ang apat nya pang mga kasama..

ang kahera na si jade. si sam at anti jude na nakatuka sa kusina at si irene at bryan naman ang mga waiters na syang nag sisilbi sa lahat.

" nasan si bryan" tanong ni sir kon. nasa kusina po kumakain" sagot ni irene. " kumakain.. napakaaga pa.. para mag break sya" wika ni sir kon bago puntahan si bryan. " oi ikaw.. bryan.. sinong may sabi sayo na pwede kanang kumain ngayong oras.. hindi bat may break ka" wika ni sir kon. " aihhh yan ka nanaman eh..ang pag kain na nga lang ang pinakamasarap ng gagawin ng isang tao pipigilan mo pa" sagot ni bryan. " at nangangatwiran kapa.. ikakaltas ko ang lahat ng yan sa ipapasahod ko sayo" wika ni sir kon. "kakaltasan mo pa talaga ako alam no naman na"naputol na wika ni bryan. " na ano na kulang pa ang lahat ng sahod mo para ng upa ng bahay mo sa pangbili ng pangangailangan mo sa pagpapadala ng pera sa magulang mo.. ai nako inocentes paulit ulit ko nalang yan na naririnig" pabarang wika ni sir kon. " ok.. ok..tapos na kong kumain.. pupunta na ko sa labas at mag tratrabaho na ko" wika ni bryan. " bilisan mo" wika ni sir kon. "oo naman kase di naman totoo na kakaltasan mo ko tama" pabirong sagot ni bryan habang tumitig ng matagal kay sir kon. " oo na .. oo na.. ai nako bakit ba kit napakatigas ng ulo mo" pilit na sagot ni sir kon. bago mag simulang magtrabaho ang lahat.

mula sa dulong lamesa sa unahan ay muling napansin ni bryan ang lalaking kanyang nakita kahapon. kakaiba ang itsura ng lalaking iyon kung iyong titignan sa malapitan. makapal at makintab ang kanyang buhod na aabot lamang sa kanyang balikat. maganda ang tindig at porma ng pangangatawan nito. may maamong mukha at matapang na wangis. ngunit bukod doon ay napansin din ni bryan na tila kakaiba ang taong iyon. " irene halika nga" aya ni bryan

" anu iyon" sagot ni irene. " ung lalaki sa likod ayon sya oh... wala kabang napapansin sa kanyan nawewerduhan kase ako sa kanyan eh ..ang totoo nyan kahapon ko pa sya nakikita" paliwanag ni bryan. " saan.. bryan di ko makita ang lalaking sinasabi mo" sagot ni irene. " irene naman.. di ako nagbibiro" wika ng bryan bago mapansin na umalis na palabas ang lalaki kaya agad nya itong hinabol. " san dali.. oo ikaw sandali lang" wika ni bryan ngunit patuloy lamang sa pag lalakad ang lalaki. " oi alam naririnig mo ako.. saldali lang" wika muli ninbryan na nag pahinto sa lalaki. " bakit ka umalis.. may di ka ba nagustuhan na pag kain namin.. o gusto mo bang kumain..oh baka naman wala kang ibabayad .. sabihin mo lang tutulungan kita" wika ni brayn bago tawagin ni irene. " oyyy!!! bryan anu bang ginagawa mo dyan at sino ang kausap mo" pagtataka ni irene. " ito kaseng lalaking to.. nais kong...." sa pag kakataong iyon ay nag taka si bryan dahil agad na nawala ang lalaking kayang hinahabol. " halika na dumadami na ang tao baka magalit nanaman si sir ko" aya ni irene bago pumasok si bryan