webnovel

Chapter 9

"Ako ang gigising." presinta ko ngunit sa una ay pingilan ako dahil baka daw magwala na siya kapag ginising.

Pabagsak kong binuksan ang pintuan ngunit hindi pa rin ito nagigising. Hinampas ko na nang unan at lahat lahat ay wala pa ring epekto.

Kaya naman ay naisipan ko ulit bumaba.

"Nagising mo na?" Tanong nito ngunit ang paningin ay nasa Tv.

"Hindi pa, may ice cube ka ba diyan?" Nagugulat nya akong nilingon ngunit sa bandang huli ay natawa ito at tumango.

"Nasaan ang parents nyo?" Paninimula ko.

"States" Simpleng sambit nya

"Business partner pala talaga ang magulang natin."

"Yeah."

Umakyat ulit ako at kinuha ang maliit na timba sa kanyang kwarto. O diba effort ko, umakyat pa talaga ako para kunin iyon eh may cr din naman sa ibaba psh.

Tatawa tawa naman akong pinanood ni Clin mabuti na lamang at mukhang bagong bili ang ice cubes kaya madali kong binuksan ito at kumuha nang labing tatlo at ibinalik sa freezer ang natira.

Tumango ako sa kanya at kinindatan bago buhatin at pumasok sa kwarto nya at naghihilik pa. Hmm tingnan lang natin kung saan aabot ang tulog mo.

Dahan dahan akong pumasok sa cr at unti unting binuksan ang gripo. Nang matunaw lahat nang yelo ay chineck ko ito. Grrr lamig.

Binuhat ko na muli ito at dahan dahang lumapit sa kanya at tiningnan pa ang maamong niyang mukha. Dahil parang may sumapi sa akin ay itinapon ko nang deretsahan ang tubig sa katawan nya na agad nitong kinabangon.

Wala sa sariling napahalakhak na lang ako at natanaw ko ang panlilisik nang mata nito sa akin. Ngunit nagulat na lang ako nang kumuha ito nang brief, sando, short at damit at towel bago pumasok sa banyo.

Wala man lang siyang sinabi?

Nang makababa ako ay tatawa tawa akong dumeretso nang couch at nakinood sa kanya.

"Anong nangyari?"

"Wala siyang sinabi, dumeretso agad siya nang ligo." sambit ko at napatulala naman siya sa akin. Kaya naman kinunootan ko siya nang noo.

"Unbelievable." Huh?

"What?" Ngunit umiling iling na lamang ito.

Ilang minuto pa ay hindi pa rin siya bumababa.

"Akyatin ko lang kambal mo ha." Hindi ko na hinintay ang sagot nya at umakyat na ako.

Binuksan ko ang pinto ngunit naabutan ko siyang nagbabasa. "Hindi ka man lang ba kakain or bababa?" Ngunit hindi ako nito pinansin.

Nakailang sabi na ako ngunit parang hangin lang ako sa kanya.

"Uyy" Kulbit ko na ikina inis nito kaya agad akong napalayo

"Makaka uwi kana."

"Magkapit bahay lang tayo. Ayaw mo ba akong nandito?" Nagugulat na lang ako nang tumango ito.

"O sige uuwi na ako, basta kumain ka ha?" Hinalikan ko siya sa cheeks na ikinagulat nya kaya naman dali dali akong lumabas nang kwarto at tumakbo pababa nang hagdan.

"Una na ako."

"Sige."

Abot langit ang ngiti ko hanggang sa maka pasok ako nang bahay. Ngunit agad din itong nawala nang may seryosong naka tingin sa akin.

K-kuya

I gulped.