webnovel

Mga Pangunahing Karakter

*Lin Li Wei

–Isang bampira na may lahing diwata. Malakas, Wais at Matatag. Ang pansariling nais niya ay walang iba kundi ang patunayan sa lahat ng tao na mabuti siya't kakampi.

*Dao Yu Su

–Isang simpleng binata na mula sa patagong kabundukan. Matalino at Mahilig mamasyal. Ang nais niya ay alamin kung nasaan ang kanyang ina.

*Chen Yu Zhu

–Ampon na anak ng punong emperador at emperatris ng sentrong kaharian. Tahimik at Maunawain. Walang ibang nais kundi ang hanapin ang tunay niyang mga magulang.

*Chen Li Ya

–Isang prinsesa ng sentrong kaharian. Masungit, Selosa at Walang kinakaibigan. Ang nais niya ay mahanap ang kanyang nawawalang kakambal na prinsipe.

*Chen Wei Su

–Isang Prinsipe sa kahariang Jian Zhanshi,pinsan ni Chen Li Ya. Pasaway at laging pabida. Walang ibang nais kundi ang ipagmayabang ang kanyang sarili sa lahat.

*Xuan Xue Er

–Prinsesa ng kahariang Shuijing. Mabait at Palakaibigan. Ang tanging nais niya ay sumali sa pamantasan ng sentrong kaharian at maging mahusay na mandirigma.

*Feng Hua Jie

–Anak mayaman ng kahariang Jian Zhanshi. Responsable't Maasahan. Umiibig siya kay Lin Li Wei at ang tanging nais niya ay makasama ito habambuhay.

*Du Ping Xian

–Isang taong-ahas. Kamag-anak nina Chen Li Ya at Chen Wei Su. Seryoso't Matulungin subalit pagdating sa pag-ibig siya'y sakim. Umiibig siya kay Lin Li Wei gaya ni Feng Hua Jie at nais niya ay maangkin ito.

*Tian Sun Hu

–Prinsipe ng kahariang Bing. Kamag-anak nina Chen Li Ya at Chen Wei Su. Mayabang at Mapang-insulto subalit may tinatagong kabaitan. Palagi niyang gawain ay mang-insulto ng mga mababang uri.