webnovel

Chapter 8

~Yu Su's POV

"Umamin ka binata, Ispiya kaba ng kalaban ha?! Pumarito kaba para saktan ang mahalaga sa buhay ko?!" –emperador

"H-hindi po kamahalan, hindi ako ispiya."

"Oh talaga?! Patunayan mong hindi!"

Biglang idiniin ng emperador ang kamay niya sa leeg ko na dahilan ng paghahabol ko ng aking hininga't mapatingkayad ako.

"Ahhhcck!! K-kama..halan."

~Yu Zhu's POV

Nabigla ako nang mapansin ko sa aking paglabas mula sa silid ni Li Ya ang ginawang pagsakal ng emperador sa binatang tumalo kay Li Ya.

Kaya walang alinlangan akong nagpabilis ng kilos patungo sa kanilang kinatatayuan at inawat ko ang emperador.

"Hm, ama huwag niyo po yang gagawin, di naman po malala ang natamo ni Li Ya."

Agad naman ding binitawan ng emperador yung binata at umubo ubo iyon dahil sa nangyari.

"Uhump! Uhump!"–Yu Su.

"Fang Er! Ikulong mo ang lapastangan na yan! At huwag mong palalayain yan hanggat wala siyang napapatunayang hindi nga siya ispiya ng kalaban!"

Utos ng emperador at kaagad naman ding sumunod si binibining Fang at inilayo bigla ng mga kawal yung binata.

"Ama, bakit niyo naman po yun sinakal? Isa lang naman po yung simpleng tagabundok." Sabi ko dito at tumingin naman ito sakin.

"Yu Zhu, hindi porket tagabundok yun, maniniwala kana kaagad na mabait siya, maaaring nagpapanggap lang naman yun, tulad ng mga kaso ngayon, marami na akong nababalitaang pagpatay sa iba nating mamamayan."

"Ngunit ama, ang binatang yun..."

"Tama na Yu Zhu, Huwag mo siyang kaawaan, Isa siyang lapastangan at sagot pa ng sagot sakin na akala mo di niya kilala kung sino ako."

Matapos sabihin sakin yun ng emperador ay umalis naman siya bigla sa harap ko at ako tila malakas ang pakiramdam na mabuting tao talaga ang binatang yun.

~Yu Su's POV

Ang sama ng emperador na yun, talagang sinakal niya pa ako, Hayyst ang sakit tuloy ng leeg ko,akala mo naman pinatay ko na ang prinsesa nila,sobra talaga.. tsk.

Habang nasa labas pa ako't dinadala ng mga kawal sa kulungan ay bigla naman sa di inasahan dumating ang mga tauhan ni ama at pinatulog nila bigla ang mga kawal sabay dinukot pa ako't naglaho pabalik sa aming teritoryo na patago talaga sa bundok at malayo sa kahariang Shandian.

Hayyyst, bakit nangingialam pa sila? Lalo akong pagdududahan ng emperador na yun.

"Pinuno, narito na po si Yu Su."–tauhan 1

Humarap si ama sakin dahil sakatunayan ay nakatalikod siya habang sinasabi yun ng isang tauhan niya at nakatago pa sa likuran niya ang dalawang kamay niya.

"Hm, Yu Su anong nangyari sayo? Saan kaba nagpupunta, bakit dika kaagad umuwi rito?!"

"Uhm, ama.. patawad." Payuko kong sabi at di nagtagal ay bigla naman siyang lumapit sakin sabay inangat niyang ulo ko at sinilip ang napansin niya sa leeg ko.

"Anong nangyari sa leeg mo? Bakit namumula Ito?!"

"Ah..w-wala po toh ama, k-kagat lang po toh ng mga langgam, hehe masyado kasi akong gala eh.. nagutom ako saking paglalakbay, kaya nagawa kong mamitas nun ng prutas pero diko inasahang marami palang langgam sa punong pinitasan ko."

Mahigpit ang aking ama pagdating saking kaligtasan kaya naman pinili ko nalang magpalusot,ngunit di tumalab yun sa kanya nang dahil sa madaldal na tauhan, isinumbong niya bigla kay ama ang nangyari sakin.

"Pinuno, nagsisinungaling lang po siya, ang totoo po niyan galing po siya sa kahariang Shandian at naabutan po namin siya doon na hinuhuli ng mga kawal."–tauhan 1

"Hinuli? At anong dahilan? Tsaka Paano siya napunta sa lugar na yun?!"–ama

"Ah.. tungkol po diyan, wala na po akong alam, siya nalang po ang tanungin niyo."–tauhan 1

"Yu Su, Anong nangyari? Magsabi ka sakin ng totoo!"–ama

"Ehem, O Sige ngunit huwag po sana kayong magagalit,napunta lang naman po ko sa lugar na yun dahil sa prinsesa ng kahariang Shuijing, kinuha po'ko ng kanyang ama kahapon bilang tagapaglingkod nun, at nagpasya siyang isama ako sa kahariang Shandian kaya ayun..wala na akong magawa..tsaka h-huwag na po nating pag usapan ang sunod na nangyari ama, ang mahalaga nandito na ako."

~Yu Su's father's POV

"Sa susunod kung aalis ka, magpasama ka palagi sa mga tauhan, maliwanag ba?!" Saad ko sa aking anak na sakatunayan hindi ko tunay na anak.. naging anak ko lang siya nang magdesisyon akong ampunin siya matapos namin siyang iligtas ng mga tauhan ko mula sa kamay ng kadiliman noong sanggol siya.

"D-di naman po'ko, babae para samahan pa nila ama, lalake po'ko, at kaya kong sarili ko." Nagbabalak niyang pagsuway..

Kahit kailan talaga gusto niya ang gusto niya talagang masunod. Habang tumatagal lalong tumitigas ang ulo ng batang toh.

"Pumasok ka sa loob, at pag aralan mo ang mga aklat na inilagay ko sa silid mo,huwag mong susubukan pang tumakas ulit, dahil sa oras na sumuway ka pa, parurusahan na kita!" Pagdidisiplina ko.

"P-paano yung prinsesa ng kahariang Shuijing? T-tagapaglingkod niya na ako, sa akin siya ibinilin ng kanyang ama, hindi po pwedeng iwanan ko nalang siya dun ng wala pa talagang paalam."

"Magsulat ka ng liham para sa kanya, at ipapadala ko yan sa kanya sa aking mga tauhan."

"P-pero ama.."

"Walang pero pero,pumasok kana dun sa loob at magsimula kana!"

"Hayyst..kainis."

Di nagtagal ay sumunod naman siya sa sinabi ko pero talagang padabog pa siyang pumasok sa loob..Hayyst alam naman niyang mapanganib at maraming nambabanta sa kanya, talagang nagawa pang gumala gala.

Siya nga pala ako nga pala si Du Jiao Feng, kakambal ni Du Jin Feng at anak ni Chen Mei Zen. Apatnapu't limang taong gulang.

Tsaka isa ako sa pamilya Chen kaya may taglay rin akong kapangyarihang kidlat. Labing siyam na taon na ang nakararaan nang hindi ako nagpapakita pa sa aking pamilya mula nung malaman kong buhay pa ang panginoon ng kadiliman na nagnanais wasakin ang mundong Ito at pagharian ang kalangitan.

Pinili ko noong lumayo at ilihim na lamang sa kanila ang natuklasan ko tungkol sa panginoon na yun, bagama't hinahangad kong sundan ang yapak ng aking inang si Chen Mei Zen bilang isang bayani.

Hangad kong ako naman ang magligtas, hangad kong ako naman ang kumilos para sa kanila bago pa ako tuluyang lamunin ng aking malubhang sakit sa puso't ikamatay ko pa. Habang ako'y humihinga pa at nakakakilos, hinding hindi ako basta manahimik nalang at manood sa katapangan ng aking pamilyang ipaglaban ang mundo.

Hindi ako pakakaapekto nalang sa sakit na'to, Hanggat kaya ko pang lumaban, lalaban ako at hindi ako susuko.

Ngayon ay namumuhay ako bilang si Dao Lian Chen na kilalang ama ni Ying Su O mas kilala bilang si Yu Su.

Noong nakaraang labing siyam na taon, sa unang kaarawan ng kambal na anak ng pinsan kong si Chen Ying Jun, nangyari ang biglang pasalakay ng palihim ng mga kadiliman sa palasyo, tagumpay nila noong nakuha ang sanggol pa noong si Ying Su, ngunit bago pa sila noong makabalik sa kahariang Shen se zhouyu ay hinarangan ko naman sila sa gubat kasama ang aking binuong pangkat upang bawiin ang kinuha nilang sanggol.

At sa wakas ay pinalad rin naman ako, nabawi ko sa mga kadiliman na yun ang sanggol, ngunit imbes na ibalik ko ang sanggol sa palasyo ay pinili ko nalang na ilayo iyon alang alang sa kanyang kaligtasan tsaka alang alang narin sa utos ng nilalang sa puting maskara na lihim kong gabay sa pagpigil sa kadiliman.

Pero minsan nga lang nagpapakita sakin Ang nilalang na yun hanggang ngayon at diko parin alam kung sino talaga siya, pagkat nakatago lamang ang kanyang pagkatao sa puting maskara.

Kaya bukod sa misyon kong magligtas ng karamihan ay isa narin dun ang pagtuklas ko sa pagkatao ng nilalang na yun, balak ko talagang alamin kung sino siya at bakit niya ako tinutulungan.

"Ughh, nagsisimula na namang kumirot ang puso ko! Ahh!!"

"Pinuno!"–tauhan 2

"Hinaan mong boses mo, baka marinig ka ni Yu Su, Ugh.. yung gamot ko, akin na."

"Opo, kukunin ko lang po sa loob."–tauhan 2

Akma akong napaupo dito sa may upuan sa labas ng kwebang tinutuluyan namin habang hinihintay ko ang tauhan kong kumuha ng gamot ko. At sakatunayan nililihim ko lamang ang sakit kong toh kay Yu Su, para di na siya mag alala pa at maituon lamang niya ang kanyang sarili sa pag aaral ng mga kapangyarihan at taktikang magagamit niya sa pagtanggol niya sa kanyang sarili kung sakaling mawala man ako sa kanyang tabi.