webnovel

The Strange Forest (Filipino)

A circle of friends agree to go to Libyong Falls. Unknown to them, where the waterfalls are situated, the strange forest they have to encounter awaits them. Will it be a joyful experience? Or a horrible adventure? Or maybe an evil death?

Blueophiudus · Kinh dị ma quái
Không đủ số lượng người đọc
13 Chs

Chapter 4

Vaness's POV

"Sssss!" Natigilan ako sa paglalakad dahil sa narinig ko habang ang tatlong kasama ko ay patuloy pa rin.

"Sino 'yon?" Takang tanong ko. 'Di naman siguro 'yon sa tatlong kasama ko dahil kita ko naman silang nag-uusap habang naglalakad.

Nang mapagtantong wala naman akong narinig ilang segundo lang eh naglakad na lang ako ulit.

"Sssss!" Nakarinig ulit ako ng tinig. Ahas ba 'yon?

"Hoy! 'Di niyo ba narinig 'yon?" Tanong ko sa tatlo kaya napalingon sila sa 'kin.

Nanlaki naman ang mga mata nila sa takot pagkakita sa 'kin. Napatakip pa ng bibig si Erika.

I creased my forehead. "Bakit gan'yan kayo makatingin?" Takang tanong ko.

"Van, 'wag kang gagalaw. May malaking ahas sa likod mo!" Pahayag ni Keith na natataranta.

"What? OMG! Ano'ng gagawin ko? Takot ako sa ahas! Help me!" 'Di mapakaling sigaw ko. Nangangatog din yata ang mga paa ko.

"It's so big, Van. Kahit tayong apat, 'di natin makakayang patayin 'yan!" Sabi ni Erika. Sana pala siya na lang 'yong narito sa posisyon ko.

"Sssss!" Narinig ko ulit 'yong tunog. Nasa likuran ko nga. Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko na may gumalaw nang kaunti.

"'Wag kang gumalaw, Van!" Muling paalala ni Roy sa 'kin. Nag-alala rin siya sa 'kin. Tulungan mo 'ko, Roy.

Subalit sa 'di malamang dahilan ay dahan-dahan kong ginalaw ang aking ulo papunta sa likuran at nilingon ang ahas na sinasabi nila. Kaya nagkaharap kami ng ahas na isang metro lang ang pagitan sa 'kin.

Napakalaki at napakahaba ng ahas na nasa harap ko. Kulay itim lahat kaya nakakatakot nang sobra. Nakataas pa ang ulo sa ere at ilang parte ng katawan nito na karugtong ng ulo. Leeg yata 'yon. Lumalabas pa ang dila nito na wari'y natatakam na makatikim ng ulam.

"Sssss!" Muling tinig ng ahas. Napasigaw naman ako nang malakas at dahil sa takot ay napatakbo ako sa tatlo kong mga kaibigan. Ganoon din ang ginawa ng tatlo. Mabilis naman akong tumakbo kaya mas nauna ako sa tatlo.

Narinig namin na sumisigaw si Keith kaya napalingon kami nina Roy at Erika.

"Keith!" Sigaw namin sa nakita at wala nang magawa dahil hawak na ng ahas ang aming kaibigan.

Inikut-ikotan ng ahas si Keith habang ito ay nagsisigaw at pilit pumapalag at kumakawala pero hindi nito magawa sa sobrang higpit ng pagkakatali ng ahas. Nang tanging ulo na lang ang makikita kay Keith ay napahinto sa pag-ikot ang ahas at nakatitig ito saglit sa taong kaharap niya na animo'y sinusuri ang masarap na pagkain.

"Tumakbo na kayo!" Sigaw ni Keith sa amin. Ilang sandali lang ay binuka na ng ahas ang bibig nito at pinasok dito ang ulo ni Keith at isa-isa itong napapalunok na parang umiinom ng tubig. Ano mang sandali ay makakain na rin nito nang buo si Keith.

"Keith!" Malakas na sigaw namin na napapaiyak na sa nangyari sa aming kaibigan.

Sa sobra ring takot namin at wala rin naman na kaming magawa ay nagsitakbuhan na lang kami palayo sa ahas.

Hailey's POV

"Hoy! Johnny! Ikaw, ha! Ba't ako lang ang babae rito?" Pagsusungit ko. Kanina pa ako nakasimangot dahil wala kaming kasama na ibang babae.

"Syempre, may isang dapat mahiwalay sa inyo. Seven lang naman kasi kayo eh," he explained.

"Eh ba't ako? Sana sinama mo na lang ako kina Mica," reklamo ko.

"Pano kung may mangyari? Tapos tatlo kayong mga girls at isa lang 'yong lalaki? Kaya ba niya kayong ipagtanggol?" Sagot naman niya. Natahimik naman ako sa sinabi niyang 'yon. Oo nga pala, 'di ko naisip 'yon, ah!

"Tsaka, ayaw mo? Eh tatlo kami magtatanggol sa 'yo," sabi naman ni Josh na nasa tabi ko. "Lalo na 'yang isa riyan. Iaalay pa ang buhay niyan ipagtanggol ka lang," parinig niya kay Clifford yata. 'Di ako sure, ha? Baka isipin, assumera ako. Nakita ko namang napa-chuckle si Clifford.

"Tumigil ka nga," siniko ko na lang si Josh. Hindi ko narinig na nagsalita si Clifford pero narinig ko namang sumisipol si Johnny.

"Nasaan na kaya tayo ngay–Waaahh!" Nagulat na lang kami nang biglang sumigaw si Johnny pero 'di namin siya makita. Bigla na lang siyang nawala.

"Johnny? Where are you?" Malakas kong sabi. Nilibot pa namin 'yong tingin namin para hanapin siya.

"Hoy! Andito ako! Tulungan niyo ko!" Narinig naming sigaw niya. "Aray! Ang sakit ng puwet ko!"

Hayun! Nakita rin namin siya na hinimas-himas ang puwet niya. Napahalakhak naman ako nang tawa. Nakisabay na rin sina Clifford at Josh.

"Ba't ka napunta riyan, tol?" Tanong ni Clifford na natatawa. 'Di ko naman maiwasang mapatitig sa kaniya. Gusto ko ang tawa ni Clifford. Ngayon ko lang siya narinig na tumawa ng gan'yan. Napangiti naman ako. 'Di ko alam pero I found his laugh pleasant to the ears. Pero nang mapatingin siya sa 'kin ay agad ko ring iniwas ang aking tingin at tumingin sa baba. Gosh! Nahuli yata niya ako.

Nahulog yata si Johnny sa square na hukay na sa tingin ko eh dalawang katao ang lalim kung isukat.

"Nahulog ako! Ano pa ba? 'Di ko naman napansin 'yong dinaanan ko. May hukay pala rito. Tulungan niyo na nga ako!" Bulalas niya. Kinaway-kaway pa 'yong mga kamay niya sa ere na 'di naman namin maabot.

"Waahh! 'Wag kayong lalapit! Papatayin ko kayo!" Sigaw pa niya nang nag-kokak 'yong mga palaka na nasa tapat niya.

"Aba! Pare, may kasama ka naman pala riyan. 'Wag kang matakot!" Sabi ni Josh sabay tawa.

"Bilisan niyo na! Tulungan niyo na 'ko!" Muling sigaw ni Johnny.

"Sige, hahanap lang kami ni Clifford ng bagay na makakapitan mo," sabi ulit ni Josh. "Hailey, dito ka muna, ha?"

"Yes, boss!" I answered.

Umalis na sina Josh at Clifford. Binabantayan ko naman si Johnny na takot na takot pa rin sa mga palaka kaya panay ang asar ko sa kaniya. Well, ako rin naman, takot din. 'Di lang niya alam.

Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin sila kaya bigla akong inutusan ni Johnny. "Hailey, sundan mo nga sila. Ang tagal naman."

"Sige, babalik din ako," sagot ko at hinanap na silang Josh at Clifford.

Clifford's POV

"Ito na lang. Okay na siguro 'to, pare," sabi ko na hawak-hawak ang isang kahoy na medyo mahaba-haba at sapat na para maabot si Johnny.

Hindi sumagot si Josh kaya nilingon ko siya pero nagulat na lamang ako nang makitang nakaupo ito sa isang puno. Muntik naman akong masuka sa nasaksihan.

Duguan ang tiyan at nakalabas pa ang mga lamang-loob ng kaibigan ko. Ang ilan sa mga lamang-loob ay nasa bibig pa niya na parang pinakain mismo ang sariling laman at pumapatak pa ang ilang dugo.

"Oh! Clifford, ang tagal niyo naman. Inutusan ako ni Johnny na sundan kayo. Nasa'n na pala si–Oh my gosh!" Napatakip naman ng bibig si Hailey sa gulat pagkarating niya kung saan kami at pagkakita niya sa sinapit ni Josh.

"What happened to Josh? Ba't nagkagan'yan siya?" Naluluha na si Hailey at napansin ko pa ang mga kamay niyang nanginginig sa takot.

"Tara na!" Hinila ko siya agad at binalikan namin si Johnny na naroon sa hukay.

Pagkarating namin ay lalo pa kaming natakot sapagkat kita ng mga mata namin ang kaibigan na nakahandusay sa lupa habang pansin din ang parang matandang babaeng mahaba ang puting buhok na nakatalikod sa 'min at kinakain ang lamang-loob ni Johnny.

Huminto ito sa ginagawa niya at ilang saglit lang ay lumingon ito sa amin ni Hailey dahilan para mapaatras kaming dalawa at mapasigaw sa gulat si Hailey. Nagulat din ako pero pinipigilan kong sumigaw dahil ayokong matakot. Kailangan kong ipakita na matatag ako. Kailangan kong bantayan si Hailey dahil masyado siyang matakutin. At least, kasama niya ako. Sa ganoon, may kasama siyang taong matatag at kaya siyang ipagtanggol.

Tumakbo at umalis na kami. Mangiyak-ngiyak na nakahawak sa laylayan ng damit ko si Hailey dahil sa takot. Kaya nagreklamo naman ako.

"Tsk. Ang sungit mong babae ka pero matakutin ka pala!" Sabi ko at hinawakan ang kamay nito. Aasarin ko na lang siya para hindi mahalata ang takot ko.

"Tumigil ka nga, Clifford!" Sabi niya sa 'kin at hinayaan na lang na magkahawak kami ng kamay. "Pero 'di ba, siya 'yong nakatira roon sa isang bahay na nadaanan natin papunta sa Libyong Falls?"

"Oo, tama ka," sagot ko sa tanong niya. "Siya nga. Kaya pala kakaiba rin ang matandang 'yon. Alam na kaya ng iba ang tungkol do'n?"

Denisse's POV

Naiiyak na ako. Mas napaluha pa ako nang makarating ako sa kung saan kami magkikita-kita. Ba't ako pa lang mag-isa ang nakarating dito? Nasa'n na silang lahat? Tsaka, ano'ng nangyayari sa mga gamit namin? Mas lalo pa akong kinabahan dahil nag-iisa lang ako. Baka makita ako ng nilalang na 'yon.

'Di ko naman inasahan na magkaibang direksyon pala ang tatakbuhan naming apat nina Will, Max at Denisse. Nagkahiwalay tuloy kami. Nasa'n na kaya sila ngayon? Ano na ang gagawin ko? Nanginginig pa ako sa sobrang takot. Jusko! 'Yon na yata ang pinakanakakatakot na nilalang na nakita ko in my entire life.

"Denisse!" Narining kong may tumawag sa 'kin sa 'di kalayuan kaya nilingon ko ito.

Lexi's POV

"'Di ba si Denisse 'yon, Lex?" Biglang sabi ni Will sa 'kin. Napatingin naman ako sa tinitingnan niya.

"Siya nga," sagot ko kaya pinuntahan namin siya agad.

"Denisse!" Tawag ko sa kaniya.

"Lexi! Will!" Umiiyak si Denisse. Niyakap ko naman siya. Gano'n din ang ginawa ni Will.

"Salamat naman at nagkita tayo," sabi nito na nanginginig ang boses pati mga kamay at pinunasan din niya ang luha sa mga mata niya.

"Okay ka lang? Si Max?" Tanong ni Will.

"Hindi ko alam eh. Ako lang mag-isa," sagot ni Denisse. "Sana naman ligtas din siya."

Napabuntong-hininga na lang kaming tatlo.

"Nakakatakot talaga ang nilalang na 'yon. Ano kaya 'yon?" Wika ni Denisse.

Habol pa rin namin ang aming hininga dahil sa bilis ng takbo namin palayo sa nakita namin kanina.

2PM. Nakabalik na rin kami kung saan kami magkikita-kita. Expected na namin ni Will na may nangyari rito sa mga gamit namin. 'Di nga kami nagkamali.

Nakabukas ang mga bags at nagkasira-sira ang mga damit namin. Nakakalat lahat. Maging ang mga pagkain ay 'di ko maintindihan sa sobrang kalat. May mga bakas pa ng mga dugo ang mga damo at ilang mga dahon ng mga halaman. Parang dinaanan ng bagyo ang itsura rito.

"Buti naman at narito kayo!" Muntik na kaming mapalundag sa gulat nang may nagsalita sa likuran namin. 'Di namin napansin ang pagdating niya dahil sa likod siya ng puno bumungad.

"Max!" Sabay naming tawag sa kaniya.

"Dumaan ako sa ibang direksyon pabalik dito," sabi niya. "Sinwerte naman ako dahil hindi ako naligaw at narito rin pala kayo."

Narinig naman naming napabuntong-hininga si Max.

"Kamusta na kaya 'yong iba? Ano na kaya ang nangyari sa kanila? 'Yong kapatid ko kaya? Kahit masungit 'yon, grabe naman 'yon matakot," malungot na banggit ni Max na may halong pag-aalala sa kapatid niyang si Hailey.

"Don't worry, Max. Okay lang sila." I tapped his shoulder to comfort him. "Kasama rin naman ni Clifford si Hailey kaya alam kong safe 'yon. He won't leave her."

"Ano na ang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Will. "Sigurado akong mahahanap tayo ng nilalang na 'yon."

Bago pa man may makasagot sa 'min ay tanaw namin ang pagdating nila Erika. Gaya namin kanina, habol din nila ang kanilang hininga. Sinalubong naman namin sila ng yakap.

"Si Keith!" Umiiyak na sambit ni Vaness.

"Ha? Nasaan si Keith? Ano'ng nangyari sa kaniya?" Nag-alalang tanong ni Max.

"Wala na siya," naluluhang sagot ni Erika.

"Ano?" Sabay naman kaming nagulat.

"Bakit? Paano?" Dagdag na tanong ni Denisse.

"Kinain siya ng malaking ahas," sagot ni Roy na medyo nahimasmasan na mula sa kakatakbo kanina. "Sobrang laki ng ahas. Malaki pa sa 'tin. Kaya nitong kumain ng tao nang buo. Gaya ni Keith."

Tila parang gulat na lang yata ang palaging reaction namin sa mga pangyayari tuwing may isang magsasalita sa 'min.

"Anyare rito?" Tanong naman ni Vaness nang masilayan ang mga gamit sa paligid.

"Ganito na rin pagdating namin dito eh," paliwanag ni Denisse.

"Dapat hindi na tayo maghiwa-hiwalay. Alam niyo ba ang nangyari sa 'min?" Tanong ni Will. "Aray! Ito naman!" Binatukan ko naman kasi siya.

"Syempre, 'di nila alam. Tayo ang magkasama. Ano ka ba?" Sabi ko.

"May kakaibang nilalang do'n sa napuntahan namin," Max explained. "Sobrang nakakatakot 'yong itsura. 'Di ko alam pano ilarawan pero 'pag sa oras na makita niyo 'yon, halos hihimatayin kayo."

"Tama siya," I agreed. "Kaya kumaripas din kami ng takbo. Nagkahiwalay pa kami. Good thing we ended up here safe and sound."

"Just thinking about it, tumatayo talaga ang balahibo ko," Denisse added and she hugged herself.

"What should we do now?" Vaness asked.

Sa muling pagkakataon, bago pa man may makasagot ay may dumating na naman.

"Hailey! Clifford!" Salubong na tawag ko.

Pakiramdam ko, kaming lahat ay nakatingin sa kamay ng dalawa. Pano ba naman kasi? Magka-holding hands sila. Sabay na sinundan nilang dalawa kung saan kami nakatingin. Nang mapansin nila ito ay sabay naman silang napabitaw at hindi makatingin sa isa't isa.

"Uy! Kayo na pala, ha?" Tukso ni Will. Nakangisi pa ito ng nakakaloko.

"It's not what you think," pagde-defend ni Hailey.

Lumapit naman at niyakap bigla ni Max 'yong kapatid niya.

"Kuya." Umiiyak na si Hailey ngayon habang magkayakap sila ni Max.

"Buti naman at ligtas ka." Napaka-protective talaga nitong si Max kay Hailey. Dama namin 'yong love niya sa kaibigan namin. Mga bata pa lamang kami hanggang sa paglaki, 'pag napapaaway si Hailey sa iba, pinagtatanggol siya lagi ni Max. Gusto ko rin tuloy ng kuya gaya ni Max. Well, isang taon lang naman ang agwat nila ni Hailey.

Tsaka, parang dalawa na 'yong kuya ni Hailey ngayon dahil andyan din naman si Clifford. Minsan, naiisip ko ngang manhid ba 'tong babaeng 'to? Halata namang may gusto sa kaniya si Clifford eh pero parang 'di niya pansin. Or sadyang pansin niya lang pero 'di lang niya pinapakita sa 'min?

Bumitaw na rin sila sa yakapan at nagsalita si Clifford. "Wala na sina Josh at Johnny."

Nagulantang naman kami sa binanggit ni Clifford. Sobra 'yong lungkot na nadarama namin ngayon.

"Wala na rin si Keith. Tang*na talaga!" Galit na sabi ni Roy at sinipa pa 'yong maliit na kahoy na nasa tabi niya.

Nalungkot naman kami sa balitang nalaman namin. Syempre, kaibigan namin eh.

"Anyare kay Keith?" Tanong ni Hailey.

"Kinain ng malaking ahas," sagot ni Vaness. Lumaki naman 'yong mga mata nila Hailey at Clifford sa sinabi ni Vaness.

"Teka, ano ba ang nangyayari sa gubat na 'to?" Tanong muli ni Hailey. "Si Keith, kinain ng malaking ahas. Si Johnny naman, nahulog sa hukay at pagbalik namin, kinakain ng matandang babae ang lamang-loob nito at–"

"Ano?" Sabay naming pinutol 'yong sinabi ni Hailey.

"'Yong matandang babae roon sa bahay na nadaanan natin, siya 'yong pumatay kay Johnny kaya mag-ingat tayo," sabi ni Clifford.

Nagkatinginan naman kami nina Max, Will and Denisse.

"Naku! Buti walang nangyari sa 'min kanina!" Sabi ko. "Napadaan kasi kami sa bahay na 'yon kaya nagtanong kami kung saan 'yong tulay."

"Jusko po!" Bulalas ni Denisse.

"Si Josh naman, nakita namin sa puno. Parang kagagawan din ito ng matandang babae. Nakalabas din kasi mga lamang-loob niya eh. Pinakain pa 'yong iba sa kaniya," nandidiring sabi ni Hailey.

Sa kwento palang niya, parang masusuka na kami. Pano na kaya kung makita mismo ng mga mata namin?

"Kailangan na talaga nating makaalis dito sa gubat na 'to," desidido at determinadong banggit ni Max.

"Pero teka, nasan na ba sila Mica?" Tanong ni Erika.