webnovel

CHAPTER TWO (Battle of the fittest)

(Alex's Fight)

Kung titignan, matulis at mahaba. Mabilis at malakas ang bagay na sumalubong sa akin. Muntikan na rin akong matamaan ng bagay na iyon. Mabuti na lamang at nasalo ko ito. Sabay lumabas sa aking mga pisngi ang mala mais na butil ng tubig dahil sa kaba at takot ko na baka ito na ang huli kong hininga.

Tinignan ko kung ano ang bagay na ibinato sa akin. Isa pala itong pana, Nagmumula sa di kalayuang babae na may hawak nito. Malaki siya at matapang. Sa aming dalawa sigurado na wala akong laban. Maya't-maya pa ay umulan na ng mga pana. At para mailigtas ang buhay ko, kailangan kong tumakbo. Tumakbo ako sa gilid ng iba kung mga kalaban. Pero ni isa sa kanila hindi tinamaan ng babaeng may pana. Kaya para makalusot, tinulungan ako ng aking mga kasamahan.

Wala akong panlaban sa kanya. Dahil wala ring sandata na ibinigay sa amin. Mabuti na lang at nakita ko ang isang kadina na nakatiwangwang sa ibabaw ng gusali. Mas minabuti ko nang kunin agad ito kaysa sa mauna pang tumama sa akin sa pana ng kalaban. Inihagis ko ang kadina na iyon sa kalaban at pumulupot ito sa kamay niya. Para rin mabitawan niya ang bitbit niyang sandata. Nagalit siya ng husto sa ginawa ko. Kaya tumalon siya mula doon sa kinaroroonan niya at pinuntahan ako.

Parang nawalan ako ng buhay noong bumagsak ako sa sahig dahil sa lakas na tama ng sipa nito. Sinundan naman ng mainit na tama ng kanyang kamao na naging sanhi upang dumilim ang paningin ko.

Nilabanan ko siya. At sa daming tama ng paa at kamao ko sa kanya ay bigla na rin siyang nanghina. Pero hindi pa pala. Nahuli niya ako sa likod at pinulupot ang mga kamay ko, sinakal at inurong papunta sa dingding. Hindi ko kayang kumawala dahil sa lakas niya. Nakawala ang isa kong kamay, pero hindi kaya nito ang lakas na ipinapakita ng kalaban. Unti-unti na ring nandilim ang paningin ko dahil sa wala akong makuhang hangin upang huminga. At saka ko naman nahawakan ang Hairpin ng Cattleya Orchid na siya pang ibinigay ni ate Leya sa akin. Sinaksak ko ito sa lalamunan ng babae na siyang ikinamatay niya. Nakawala man ako sa kamay niya pero hindi pa rin tapos ang laban.

Sumugod sa akin ang isang babaeng may dalang samurai. At dahil nasa gilid na ako dali dali akong umakyat sa dingding kung saan ako sumandal, saka naman ako tumambling sa likuran niya. Humarap siya sa akin pero huli na nang na unahan ko siya saksakin sa dibdib.

(Dannielle and George's Fight)

Sanay na sanay siyang magkarate, Dati kasi siyang student ng karate school kung saan naman ang papa niya ang teacher niya. Ang papa niya ang nagturo sa kanya upang depensahan ang sarili. Pero pinatay nila ang Papa ni Danielle sa walang kadahilanan.

Parang kidlat kung makipaglaban ang babaeng kalaban niya. Mabilis ang kamay at malakas. Isang bagay na hindi niya pa nararanasan sa pakikipaglaban. Pero hindi na siya nakatayo pa noong sinipa siya ni Danielle sa binti at inunang puruhan ang ulo. Bagay na hindi na siya nakalaban pa. Pero sunod sunod naman ang atalke ng iba sa kanya. Pero wala sinang binatbat sa angking galing na depensa ni George laban sa kanila. Pinuruhan sila ni George ng archer na may marka ng lily na hawak nito mula sa kalaban.

(Gabrielle and Dominique's Fight)

Isang nakangising babae ang sumalubong sa amin ni Nique, hawak hawak ang isang matulis at kumikinang na blade ng isang katana. She stared at our eyes with her monstrous smile. I smirked at her as response dahil alam ko sa sarili ko na dihado siya lalo na't hindi patas ang laban. Dalawa kami ni Dominique ang nagtulungan laban sa kanya. Pumasok kami dito na walang kadaladalang armas katulad nila, tanging self-confidence at talas ng isip na lang ang pinanghahawakan namin sa pagkakataong ito. Hinihintay ko na lang na siya ang unang sumugod sa amin dahil kaya ko namang iwasan ang mga tira niya kung saka sakali. Pero nag-aalala ako kay Nique. Dahil sa liit ng katawan niya siguradong titilapon siya sa isang sipa nito. Hindi nga ako nagkamali at iwinasiwas niya ang kanyang katana ngunit naiwasan ko ito at napunta ako sa bandang likod niya. Humarap na naman siya kay Nique at tumakbo sa kinaroroonan ko sabay tusok ng kanyang katana, ngunit naiwasan namin ulit ito. Nang nagkaroon ako ng pagkakataon, hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahawak rin sa katana. Pilit niyang inaalis ang mga kamay ko sa kanya ngunit mahigpit ang pagkakahawak ko dito. Inipit ko ang kaliwang paa niya dahilan upang mapatumba ito ngunit bago pa man siya tuluyang matumba, nasiko naman niya ang panga ko at naging dahilan upang mabitawan namin ang katana. Sapo sapo ko ang aking panga at nalasahan ko rin ang lansa ng dugo sa bibig ko, hindi pa ako nakatayo nang biglang kinuha niya ang katana at tumakbo sa kinaroroonan ko. Ngunit bigla namang napatigil ang babae at nabitawan ang dalang katana at tuluyan na itong humandusay sa sahig. "Wala pa ni isang nakaligtas sa sarili kong armas." Kinuha ni Nique ang katanang na nakabaon sa noo ng aming kalaban, hinagis niya kasi ito kanina habang papalapit siya sakin. Tiningnan at nilinis niya ang bakas ng dugo sa katana niyang may simbolo ng bulaklak na Bloody Rose, isang bulaklak na may angking ganda at tinik sa pakikipaglaban. Inabot naman ni Nique sa akin ang latigong may marka ng Daisy.

Tapos na ang pagsasanay naming lima.

At ako si Alexandra Timm. Hawak ko ang simbolo ng dangerous and attractive flower na Cattley Orchidaceae o mas kilalang Cattleya Orchid. Ang simbolo na iyon ang magbibigay daan kung papaano namin mapapatumba ang kalaban. Gamit ang ganda at husay, hiwaga at lakas nito.

STEVEN'S POV

Hindi ko na maaaninag ang mga taong nakapalibot sa'kin dahil sa kaliwa't kanang flash na nagmumula sa kanilang mga camera. Sinabayan pa ito ng samo't saring ingay na nagmumula sa iba't ibang reporter.

"Sir, meron na po ba kayong suspek sa pagkamatay ni Katrina Grey?" -reporter 1

"Sa tingin niyo po ba ano yung motibo ng suspek sa pagpatay sa kanya?" - repoter 2

"I'm sorry pero hindi pa po kami pwedeng magbigay ng statement ukol dito."

"Pero Si..." -reporter 3

"Detective McCoy! May kailangan po kayong makita dito." tawag ni Detective Perez sakin na kalalabas lang mula sa loob.

"Excuse me" sagot ko na lang sa kanila habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ni detective Perez.

"Pasensiya na po, pero bawal muna ang mga media dito." yun na lang ang narinig kong sabi ni Detective Perez dahil tuluyan na akong pumasok sa loob.

Pagdating ko sa pinangyarihan ng krimen, bakas parin sa loob nito ang mga sira sirang gamit, basag na salamin at kumakalat na mga lipstick, make up, at bakas ng dugo na nakakalat sa mesa, upuan at sahig kung saan nakahimlay ang isang duguan at walang buhay na modelong si Katrina Grey.

Di kalaunan ay kinuha rin ito ng SOCO upang siyasatin ang naturang bangkay.

"Sa tingin niyo Sir, Bakit kaya nakadapa ang biktima? Saan kaya nakapwesto ang suspek no?" Sabay iling ni Detective Perez na parang naguguluhan.

"Dito kaya?" habang naglalakad papuntang pinto.

"Ano kayang posisyon niya? Ganito kaya?" sabay aksyon na parang palakang nagtatae. Ang labo naman ng lalaking 'to. Mabatukan nga.

"tumigil ka nga jan. Para kang sira." sabay batok ko sa kanya na naging dahilan upang mapahawak siya sa kanyang batok.

"Seryosong usapan to Perez kaya umayos ka." at tinapik ko siya sa kanyang balikat na kinaseryuso naman niya.

"Oo na. Tinitingnan ko lang naman kung effective e." sabi pa niya habang nag aayos ng kanyang sumbrero. Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng bangkay ngunit bago pa man ako makarating dun ay may napansin akong kakaiba.

"Sandali lang Perez." tawag ko sa kanya. Dahil di talaga ako mapakali.

"Oh bakit? Narealize mo na natama yung posisyon ko?" tanong pa niya sa akin. Ang bobo talaga ng taong 'to. Palibhasa puro kalukuhan ang laman ng utak.

"Tumabi ka nga jan." sabay tabig sa kanya at pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa isang bintana kung saan bakas parin ang basag na salamin. Tumakbo akong palabas ng crime scene at doon ko na tanaw ang isang gusali na sentro sa bintana ng dressing room.

"Posible kayang sniper ang dahilan?" bulong ko sa aking sarili habang pabalik sa loob ng crime scene.

"And where have you been?" tanong ni detective Chan.

"Sir tingnan niyo to, posible bang sniper ang ginamit sa pagpatay?" sabi ko kay detective Chan.

"Posible nga Detective McCoy, dahil kung titingnan ang tama ng biktima. Hindi nga malabong isang sniper ang may gawa." sagot naman ni Detective Chan.

---

Kinabukasan.

"Sir, ito na po ang resulta ng autopsy sa kaso ni Miss Grey." sabay abot sakin ni Perez ng isang envelop. Kakarating ko lang din sa opisina kaya dumiritso agad ako sa desk at binuksan ko agad ito at sinasabi na hindi lang isang bala ang sanhi ng pagkamatay ng dalaga kundi isang di maipaliwanag na lason.

"Ito na rin pala ang mga ibang evidences na nakalap ng ating mga kasamahan Sir." saad na rin ni Detective Chan, sabay abot sakin ng sinasabing evidence.

Kinuha ko isa isa ang nasa loob ng isang envelop at pinag aralan ito. Nakita ko doon ang isang bala ng baril na ginamit sa pagpatay sa biktima.

"Perez, kindly check this bullet and also check if whose name was registered to that gun. That's the only way para mahanap natin ang suspect." pagbibigay utos ko sa kasama kong si Perez.

"As you ordered, Sir!" sabi niya at kinuha ang mga pinapagawa ko sa kanya.

"Please do it as fast as you can. I have to go." Sabi ko sa kanya habang sinuksok ang 9mm gun sa tagiliran ko at kinuha ang black leather jacket na nakapatong sa swivel chair at sinuot ito at tinungo na ang pintuan upang lumabas.

Nakita ko kaagad ang motorbike na palagi kong dinadala. Sumampa na ako at pinaharorot ito. Dahil nga occupied ang utak ko sa kaso ng Katrina Grey na yun, nabangga ko ang isang puting kotse na sinusundan ko. Hindi ko namalayan na Red light pala, signal upang huminto muna ang mga sasakyan.

"Ano ba, hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" galit na asta ng driver na kakababa lang sa nabangga kong kotse. siguro ito yung driver.

"Sorry Sir! Nagmamadali lang po! NBI!" pagpapaliwanag ko dito. Ang ayaw ko sa lahat, ang humingi ng paumanhin ngunit kailangan kong gawin dahil part ito ng trabaho. Ayaw ko namang maging masama ang tingin sakin ng mga tao.

"Mr. Yu. just go! Huwag niyo ng pag aksayahan ng oras yan." sigaw ng isang babae sa loob. Para namang na hypnotize ang isang lalaki at pumasok din ito sa loob ng kotse. Parang mala Diyosa naman ang tinig na iyon ngunit may pagkabosy, napaka authoritative. Lahat siguro ng lalaki sa mundo ay mapapalingon at magkakandarapa makarinig ng kasing ganyan kagandang boses at kahit sino ay mapapasunod niya sa isang salita lamang.

Pinaandar ko na lang ang motor ko at tumabi sa kotseng nabangga ko kanina. Gusto ko sanang silipin kung sino ba ang nagmamay ari ng kotse na yun, ang nag mamay ari ng boses na narinig ko. Ngunit nadismaya ako dahil hindi ko man lang masilip ang kanyang mukha dahil sa nakaharang na tinted glass ng kanyang kotse.

Umibis na ang kanilang kotse patunay na green light na ang signal pero bakit ko nga ba pag aaksayahan ng oras ang laman ng kotseng yun? Focus muna sa Mission mo Steven. Hindi pa tapos ang case kaya wala ka pang napatunayan. Pinaharorot ko na lang ang motorbike ko at pumunta sa aking tunay na pakay.

Do not cross the line...

Nakalagay sa isang yellow tape na nagpapahiwatig na bawal pumasok ang sinumang hindi kasama sa imbistigasyon. Pumasok ako doon sa loob sabay kuha ng aking I.D..

"Detective McCoy, I am holding this case!" pagpapaliwanag ko doon sa mga police na nagbabantay ng crime scene sabay pakita ng I.D. ko. Dito kasi ang mga Police na yan para maghanap pa ng evidence baka sakaling may makalap pa sila. Sinuyod ko ang buong lugar baka may makalap din akong evidence na pwedeng gamitin sa pag solve ng case. Sa pagparoo't parito ko sa lugar. Napansin ko ang isang drawer na nakabukas at kalat ang laman nito. Hinalukay ko ang laman at wala akong tinira doon at naiwang empty ang loob nito. Hindi ako nakuntento at sinira ko ang sahig ng drawer na iyon. Double purpose pa pala dahil sa ilalim nito ay bumungad sakin ang Isang abstract na painting kung saan may purpose talaga ang pagguhit nun. Kitang kita mo ang desinyo ng isang cattleya orchid sa painting pero Kung titingnan mo ito, hindi mo mapapansin na isa itong bulaklak. Ang ganda kasi ng pagkagawa. Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa at kinunan ng picture ang desinyong iyon. Ngunit pag flash ng aking camera, may napansin akong kumikinang sa bandang bulaklak na design. kinapa ko ito at napansin kong isa itong ipit na gawa sa steel at may desinyong kapareha ng desinyong nasa painting sa loob ng drawer. Kung sino man ang may gawa ng ganitong desinyo, ay may kinalaman ito sa pagkamatay ng biktima. kinuha ko ang ipit na yun at tinago sa bulsa ng Jacket ko.

---

"Please prepare yourself detective McCoy. We will be meeting a new client today at Villa Ysabelle restaurant. Please be there at 2:00 P.M. Exact. 'wag kang late. Doon na lang kita kikitain." sabi ni Chief Cortez sakin.

"Yes Sir!" Napatayo agad ako sa upuan ko at sumaludo sa kanya.

---

"Thank you for coming Detective Cortez" saad ng isang matandang babae ngunit kita mo sa kanyang mukha na maganda ito ng kabataan pa. Halata rin sa itsura nito na mayaman siya ngunit bakas sa mukha ang kalungkutang kinikimkim.

"It's my pleasure to be here Madam." sabay abot ni Chief sa kamay ng babae upang makipag shake hands.

"This is detective McCoy, one of the most outstanding detective of our team." pagpapakilala ni chief sakin.

"Please to meet you Ma'am." sabay abot ng kamay ko.

"Mrs. Timm, Ysabelle Timm." pagpakilala nito.

"So, Mrs. Timm. What is it all about?" sabi pa niya at umupo na rin.

Inabot nito ang isang folder kay Chief at binigay naman ito ni Chief sakin. Binuklat ko ito para makita ang laman.

"She's my daughter and she's missing. It's been 13 years since it happened." pagpapaliwanag niya.

"Alexandra Timm?" sabi ko sa sarili.

"Yes" That's her name." dagdag pa niya.

"Ano po ba ang nangyari sa kanya, I mean why is she still missing until these days?" curious kong tanong ko sa kanya.

"It was a long story!" sagot niya

"I'm willing to listen!"

"Well, Thirteen years ago. My husband went home, sabi niya sa akin may isang tao na nagbigay ng death threats sa kanya. Hindi rin niya sinabi kung ano ang kasalanan niya kung bakit siya binabantaan. Ang sabi, kung hindi daw siya magpapakita ay papatayin nila ang pamilya niya. Naging sanhi iyon ng pag-aaway naming mag-asawa. Hindi pa umabot ng limang minuto na napag-usapan namin ang tungkol sa bagay na iyon at may tumawag sa kanya. Hawak daw nila ang anak namin. Kaya dali-daling umalis ang asawa ko upang puntahan si Xandra. Nauna siya umalis, iniwan niya ako sa bahay. At ng makarating ako sa kinaroroonan niya ay wala nang buhay ang asawa ko. Hindi ko rin mahanap ang anak ko. I love her so much, kaya hindi ako tumitigil sa kakahanap sa kanya. Dahil hindi ako nawawalan ng pag-asa na buhay pa ang anak ko." Hagulgol na iyak nito.

"I'm just wondering, bakit hindi nabigyan ng pansin ang case na ito since matagal na pala itong nangyari?" habang sinusuri ang other information.

"Andami ng humawak ng case na yan. Ngunit ni isa sa kanila ay hindi magawang ma solve ito. Karamihan sa kanila ay sinukuan ang kaso at iniwan ito na hindi man lang nabigyang paliwanag kung bakit." pagpapaliwanag niya punas ng kanyang mga luha sa mukha.

"So, what's your plan Ma'am?" tanong ko sa kanya.

"I want Detective Cortez to re open the case. Not only to find my daughter but to give justice for my husband's death. Dahil kahit ang kaso ng asawa kong yun ay ni hindi ma solve." then she sighed. "I believe that maybe this time, maybe, Detective McCoy will do it. And I'm more confident that your team will make it. Pakiusap. Nagmamakaawa ako." pagpapaliwanag niya kay Chief.

"We can't promise but We will do our best Madam." yun lang ang sinabi ni Chief sa kanya.

Pagdating ko naman sa office ay sinalubong ako ng ...

"Detective McCoy, ayaw ko munang hawakan mo ang kasong ito dahil hindi pa tapos ang kasong hawak mo. Ipagpaubaya mo muna to sakin. Understand?" paliwanag ni Chief sakin.

"Yes Sir!. As if naman na kukunin ko yan sa kanya. Ayaw ko talagang humawak ng kasong yun. Sa paghahanap pa lang ng isang bata e mukhang kahit sino ay mahihirapan diyan. Mas mabuti na ngang ganoon."

ALEX POV

Medyo naiinip na rin ako, Samo't saring kaba ang aking nararamdaman ngayon. Maaring dahil sa unang araw ko para sa mission o dahil hindi pa rin nagpaparamdam sa akin si Ate. Isang oras na akong naghihintay kay Ate pero hindi pa rin siya bumabalik. Kinakabahan na rin ako sa kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya. Alam kong delikado ang bawat operation na pinapasukan namin, Hindi mo alam kung makababalik ka pa ba ng buhay o hindi na. Nauna sa akin si Ate Leya sa Tower nang halos isang taon, siya ang naging ate ko simula noong napunta ako sa Diminish Building hanggang ngayon. Siya ang naging pamilya ko. Siya ang dumadamay sa akin everytime na nasasaktan ako sa training. Siya ang pumuno ng pamilya sa buhay ko. Alam din niya kasi ang gusto kong mangyari.

Makalipas ang ilang oras. Ipinalabas kami sa tower na iyon, nakapiring ang mata at walang nakikita. Isang bagay na dapat hindi namin malalaman. At kung sakali man na isa sa amin ang tumiwalag hindi sila basta basta mahahanap. Umalis man akong hindi nakapaalam kay ate Leya, masaya na rin ako dahil sa mga nagawa niya para sa akin. Habang nakasakay sa isang sasakyan, nararamdaman kong dahan-dahan kami umalis sa lugar na iyon. Maya't maya pa unti-unti ko nang naririnig ang ingay ng mga sasakyan. Iba't-ibang ingay ng mga tao at mga hayop. Saka naman kami kinuhaan ng piring sa mata noong nasa gitna na kami ng kalsada papunta sa kung saan kami titira. Habang kami nasa daanan. May biglang sa sumabog na tunog na parang hindi.

"Ano ba, hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" galit na asta ng driver sa nakabanggaan.

"Sorry Sir! Nagmamadali lang po! NBI!" tinig ng isang lalaki.

"Mr. Yu! Just go. Wag mo nang pag-aksayahan ng oras yan!" Sabi ko naman sa kanya.

At biglang tumabi sa kotse ang isang mamang nakamotor. Di ko rin maaninag ang mukha dahil sa nakahelmet ito.

Hanggang sa ibinaba kami sa isang bahay o Liberty Operation kung saan kami maninirahan habang kami ay nasa misyon. Doon kami sinalubong ni Madam Striker. Si Madam Striker ang nagbibigay ng misyon namin. Kung sino ang susunod na target naming mga Legions.

"Girls, Tomorrow morning your mission will be Gen. Del Torre. He and his men is on a special mission. Sila ang magdadala ng mga armas para sa Digmaan sa Mindanao. Ang misyon ninyo ay ang kunin ang mga armas sa kanila. Nagkakahalaga ang dala nilang mga armas ng 2.5B pesos. Gagamitin natin ang mga armas na iyon para sa Elysium Tower. Ayon sa source, they will bring the weapon right away in Mindanao's open areas where there is no war. " sa mataas, malambing pero nakakatakot na boses ni Madam Striker.

"We will cross them over the border. Masyadong delikado ang mission na ito since militar ang kakalabanin ninyo. Pero I think sa heavy trainings ninyo malulusutan ninyo itong lahat. Bukas darating ang second batch ng mga legion para samahan kayo sa mission. Is that clear?"

"Yes! Madam!"

"Ngayon, kung may mga tanong kayo, speak it up before we dismiss. Mahalagang malaman ninyo ito, walang tatakas. Sa may planong tatakas, bala ang sasalubong sa inyo. The details of the mission will be sent through your phones."

"Okay, have a sleep ladies!"

YSABELLE 'S POV

Sabi nila nababaliw na raw ako, simula nang mamatay ang asawa ko at nang mawala ang anak kong si Alexandra eh hindi ko na alam kung makakaya ko pang mabuhay sa lungkot.

Maraming beses na akong pumalpak sa kakahanap sa anak ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na rin alam kung buhay pa ba siya o wala na. Pero alam ko sa puso ko na buhay pa ang anak ko.

Araw-araw kong tinitignan ang mga pictures namin noong buhay pa ang asawa ko. Matagal kong pangarap ang magkaroon ng magadang pamilya. Pero nawala ang lahat ng iyon. Parang isinumpa ako ng langit.

Marami pa sana akong pangarap para sa anak ko, pero kinuha siya sa akin. Parang isa akong inahing manok na kinuhaan ng lawin ng sisiw. Pilit mang labanan ito hindi niya magawa dahil mas mataas ang lipad ng lawin kaysa sa manok. Gusto kong mabawi ang anak ko sa kung sino man ang may hawak nito pero hindi ko alam kung saan ko hahanapin, saan sisimulan at kung makakaya ko pa bang umasa sa himala.

STEVEN'S POV

"Okay na ba yung pinapagawa ko sa'yo detective Perez?" tanong ko kay Perez saka umupo sa Swivel Chair sa Office ko.

"Eto na po Sir." sabay abot ng folder at bullet na nasa loob ng plastic.

"Good. Thank you!" binuklat ko ang folder at binasa ang laman.

Hinalukay ko ang case record ng isang matandang lalaki na namatay 13 years ago at binasa ito. Kinuha ko rin ang mga record ng evidences. Laking gulat ko na lang na iisa lang ang dahilan at kung paano pinatay ang mga biktima. Ngunit ano naman ang kinalaman ng kasong ito sa murder case 13 years ago? May connection ba ang dalawang 'to? lumabas ako sa office ko at pinuntahan si Chief.

---

CHIEF CORTEZ

"Sige po Sir. I'll go ahead!" then I hanged up the phone. Suddenly, I heard a knocked at the door.

"Come in!" saad ko na lang dito.

"Sir, I'm sorry to disturb you but we need to talk." pambungad sakin ni McCoy.

"Yes, McCoy? Ano bang dapat nating pag usapan? Please have a seat." paanyaya ko sa kanya.

"Thank you Sir. I need to talk to you about the Family Timm's case. Gusto ko sanang hawakan yun."

"Are you that paranoid Detective Mc? Hindi mo pa nga na solve ang case ni Miss Grey, hahawak ka naman ng panibagong case?" bulyaw ko sa kanya. Ano ba ang gustong patunayan nito?

"Sir, the reason why I wanted to hold that case is solve more case related. Yan din yung rason upang ma solve ko ang case ni Miss Grey."

"What do you mean?" tanong ko sa kanya. Parang nalito rin ako sa pahayag niya.

"Ibigay mo na kasi ang case sakin Sir. That's the only way to find more angles of this case solve it." sabi pa niya n parang nagsusumamo. Parang batang humihingi ng laruan na gusto niya.

"Detective McCoy, akala ko ba malinaw na sa atin ito!" pahabol kung sabi

"Pero sir! Please I promise to do my best!" pakiusap nito.

"Okay! Kung yan talaga ang gusto mo. Here!" sabay abot ko sa kanya ng folder.

"Thank you Sir! I need to go!" sumaludo siya sakin at pumuntang pintuan.

"Paalala lang detective Mc. Just fight for what do you think is right." saad ko sa kanya bago pa man siya makalabas ng office ko.

"Kagaya rin niya. Hindi basta basta sumusuko, kinukuha ang gustong makuha." pagmumuni ko at tuluyan ng umalis ng office at pumunta sa aking destinasyon.