" ANG PAMUMUNO NI ALPIA "
Sa mga nag antay ng matagal sensya na. Medyo busy ako last week. Kasi nga Kadayawan Festival dito sa Davao so, ayun nga kaliwat kanan ang Inuman at Lakwatsa. Kaya heto medyo pagud padin. Anyhow ito na ang Karugtung. Wag Kalimutang bomoto at mag iwan ng komento sa Ibaba.
PREVIOUSLY..
Napagdesesyunan nina Alpia, Raven at Mia na bumalik na muna sa Dalaket upang maghanda sa Labanan.
" Magbabalik kami dito pag oras na nang Digmaan..." Sabi ni Alpia kina Theo, Ian, Tyler, Jenna, Katalina, at Charlie.
Habang si Faith naman ay, natuklasan nyang nakokontrol na ni Alice ang kanyang katawan.
" Hayaan mo Tutulungan kitang mabawi ang katawan mo sa Ngayon.. Kelangan mong magpalakas." Sabi ni Faith kay Alice.
RIGHT NOW...
Sa Dalaket....
" Sa wakas ay naibalik na din natin ang dating anyo nang ating lugar. " Sabi ni Raven.
" Dahil ito sa Krystalya ng Dalaket. Nasaan na ba si Mia ?" Tanong ni Alpia.
" Nasa Harden sila nagsasanay, kasama ng mga kawal. At si Guro Ofelia naman ay nasa Silangang bahagi. " Sabi ni Raven.
" Salamat sa Ulat mo raven, ngunit? Kamusta na kaya sila Tyler ngayon?" Sabi ni Alpia.
" Kung nanaisin mo mahal na reyna magtutungo ako sa mundo nila.." Sabi ni Raven.
" Wag raven.. kelangan tayong mag isip nang paraan kung papano makakalaya ang kanilang mundo sa papanakop ni Sitan. " Sabi ni Alpia.
" Papano ba Mahal na reyna? " Tanong ni Raven.
" Yan ang Di ko alam, sa ngayon Raven may ipapagawa ako sayo. Nais kung hanapin mo ang mga tao na dinukot ng mga kalahi nating Engkanto. Nais kung ibalik mo sila sa mundo nila.." utos ni Alpia
" Masusunod mahal na reyna, ngunit papauwiin natin Sila sa mundo nila? Hindi pa bumabalik sa dati ang kanilang mundo.. nangangamba akong baka mas mapapahamak pa sila doon." Sabi ni Raven.
" Tama ka nga. Kelangan ko silang kausapin at ibalita mo ang mga Kautusan sa Kaharian. Lalong-lalo na ang Pagdukot sa mga Mortal!" Sabi ni Alpia.
" Masusunod mahal na reyna... " Sabi ni Raven at nagpalit anyo sya bilang isang Uwak.
Habang si Mia naman ay sinusubukan pa ding ibalik ang kanyang kapangyarihan.
" Bakit Hindi ko pa din magawa!" Sabi ni Mia habang tumatagaktak ang kanyang mga pawis.
" Mia ayus ka lang ba?" Tanong ni Alpia.
" Mahal na reyna Ikaw pala..." Sabi ni Mia.
" Kamusta na ang pagsasanay mo?" Tanong ni Alpia.
" Hindi ko pa din nagagawang magpagalaw ng mga bagay. Kahit ang natural kung kakayahan Di padin.. " Sabi ni Mia.
" Heto... Gamitin mo!" Sabi ni Alpia sabay abot kay Mia ang isang Napakagandang bato.
" Ang Krystalya ng Dalaket?" Gulat na Sabi ni Mia.
" Oo Mia, gamitin mo baka sakaling magbalik ang kapangyarihan mo!" Sabi ni Alpia.
" Sge Susubukan ko..." Sabi ni Mia.
"Focus Mia.. Focus..." Sabi ni Mia sa sarili nya. At pinalutang nya sa kanyang harapan ang Krystal na ibinigay ni Alpia.
" Anong nararamdaman mo?" Tanong ni Alpia.
" Kakaiba, parang gumagaan ang katawan ko! At tsaka... " Salaysay ni Mia kay Alpia nang bigla nalang umiihip ang napakalakas na hangin sa Paligid.
" Anong nangyayari? Ikaw ba ang may gawa nito Mia..." Sabi ni Alpia na biglang napatayo sa gulat.
" Anong pinagsasabi mo? Hindi ko kayang gumawa nang Hangin... " Sabi ni Mia.
" Kung ganun sino ang may gawa?" Tanong ni Alpia at bigla nalang may nagsalita sakanilang likuran.
" Reyna Alpia... " Sabi ng napakahinhing boses.
" Olivia Ikaw ba yan?" Tanong ni Alpia.
" Ako nga... Kinakausap kita gamit ang hangin.. sa tulong ng diwatang si Amihan." Sagot ni Olivia.
" Ganun ba Mahal na reyna Olivia. Nais ko sanang ibalita saiyo na bukas na ang mga lagusan sa pagitan ng ating mga mundo kayat maari nyo akong bisitahin dito sa Dalaket. " Sabi ni Alpia.
" Kung ganun natutuwa akong malaman yan ngunit may ibabalita ako saiyo.. Nakuha na ang Libro ng Liwanag. Balita saakin ni Susmihta. " Sabi ni Olivia habang patuloy pa din ang paglakas ng Hangin sa Paligid ay dinig na dinig naman nina Alpia at Mia ang boses ng reyna ng Aydendril.
" Kung gayun.. nawalan na nang kapangyarihan si Jenna. Papano ang mga Oroskopyo? May chansa ba silang makawala ulit... Tahimik na ang Ating mga mundo. " Sabi ni Alpia.
" Tama ka Reyna Alpia..." Dagdag Sabi ni Sierra.
" Ang isa sa mga reyna nang Oceana ay narito... " Sabi ni Alpia.
" Naririnig mo ba kami Sierra...!" Sabi ni Olivia.
" Oo malinaw na Malinaw... " Sagot ni Sierra
" Reyna Alpia.. alam natin ang kaharian o ang mundo ng Dalaket ang maraming kaalaman sa mga Oroskopyo. Yun ang turan nang Aking Ina noon... " Sabi ni Sierra.
" Humihingi nang Pabor ang mga diwata na kung maaring Itago sa iyong kaharian ang mga Oroskopyo. Pati na rin ang mga Sandata ng sinaunang mandirigma. " Salaysay ni Olivia.
" Oo alam ko iyon Sierra at Olivia.. ngunit papano kung matuntun ni Sitan ang mga Sandatang iyon." Sabi ni Alpia.
" Mawalang galang na po.. nais ko lang itanong kung anong meron ang libro ni Jenna at anong sandata ba ang sinasabi ninyo?" Tanong ni Mia. At Ikinuwento naman ni Alpia ang kanyang nalalaman.
" Ang Libro ni Jenna, Ang totoong ngalan nang sandatang ito ay Bilro. May kakayahan itong gawing Dalisay ang Nilukuban ng kasamaan ang ano mang bagay o nabubuhay. Ang Bilro lamang ang may kakayahang Kontrolin ang Anim na Sandata. Gamit ang Bilro... Ipapakita nito kung saan itinago ng Tatlong mundo at ang mga diwata ang Anim na Sandata. " Salaysay ni Alpia..
" Anong mga Sandata iyon mga Mahal na reyna..." Tanong ni Mia.
At samantala sa Kuta ni Sitan ay Ikinuwento nya sa mga alagad nya ang tungkol sa Anim na Sandata.
" Adjil, isa itong Uri nang sandata na may kakayahang Protektahan ka sa bawat atake ng iyong kalaban, may kakayahan din itong ibalik sa Kalaban ang Atake na kanyang ibinigay. " Salaysay ni Sitan.
" Kumbaga mahal na reyna Reverse Power?" Sambit ni Nica. At tumango lang si Sitan.
"Kung ganun ito ang Hinahanap ni Miguel?" Sabi ni Bea.
" Oo... At alam kung walang ka Malay Malay ang mga hunghang na Tagalipon ukol sa bagay na ito.." Sabi ni Sitan.
Samantala sa Bahay nang mga Adonis.
" Napadalaw ka mahal na diwata? " Sabi ni Tyler nang biglang sumulpot si Magayon kasama si Mariang Sinukuan at Maria Cacao.
" Magaling Tyler.. nararamdaman mo na ako... " Sabi ni Magayon.
" Ang galing naman ni Bunso..." Sambit ni Ian.
" Anong nangyayari mahal na diwata bakit kayo napasugod.? " Sabi ni Jenna.
" Wala naman Jenna. Narito kami dahil may mahalaga kaming sasabihin sainyo at nais kung Hindi dito. Mag uusap tayo sa Kanlaon." Sabi ni Magayon.
" Oo nga, importante ito.. " dagdag na Sabi ni Sinukuan.
" Excuse me po Mariang Sinukuan. Nais ko lang pong macheck ang kalagayan ng Aking Anak.. at ang aming kaibigan na si Jessel. ?" Tanong ni Katalina.
" Si Jessel... Wag kayong mag aalala, nagtatagumpay na sya sa kanyang misyon. At alam kung pilit nyong bumabalik sa Bayan na binabantayan ko. Hayaan nyong maging matatag na mandirigma si Jessel. At ito ang nakatadhana sakanya. " Salaysay ni Mariang Sinukuan.
" Katalina ang anak ninyo ni Theo ay nasa Pangangalaga ng diwatang si Alunsina. Maayus ang Iyong anak.. " Sabi ni Magayon.
" Maraming Salamat po mahal na diwata.." Sabi ni Katalina.
" Kung ganun tayo na... " Sabi ni Sinukuan.
At sa isang iglap ay naglaho sila.
Abangan ang Karugtung mga mahal..