webnovel

CHAPTER 36

" Ang Hiwaga ng Bundok Apo p2 "

Previously.....

- Nakilala na nila ang taga pangalaga ng Bundok Apo na si Diwatang Sandawa. Ligid sa Kaalaman nila hindi isang ordinaryong Diwata ang kanilang nakilala. Katulad ng Diwatang si Gassia ay nakikipag-halubilo ito sa mga tao. Samantala sa Aydendril naman ay naghahanda na sina Olivia, Rica, Lina at Sierra sa pagdating nila Theo At Tyler upang Iligtas at Bawiin ang Kaharian...

Right now ....

" Nandito na tayo guys..." Sabi ni Sandawa.

" Mawalang galang na Mahal na Diwata, Pero na saan yung Kubol nyo?" Tanong ni Jenna.

" Oh my Bathala... What's Kubol ba. Ang cheap pakinggan Darling. Pwde namang Bahay. Ito Talagang taga Kanlaon. Pati kayo sinasanay sa mga salitang Luma. But Infairness ha. Magaling kayo dun. " Sabi ng Diwatang Sandawa.

" Pasensya na po mahal na diwata " sagot ni Jenna sabay Yuko.

" Ay nako.. pasensya kana din Napakadaldal ko na. Let's go dyan sa Likud ng Punong yan dyan ang Magical House Ko. " Sabi ni Sandawa.

At agad silang pumasok kasunod ng Diwatang Sandawa.

Samantala Sa Aydendril naman...

Naghahanda na sina Olivia, Rica, Lina at Sierra sa pagdating nila Theo At Tyler.

Lumang Kastilyo..

" Kay Ganda padin ng Kastilyong ito Mahal na reyna " sabi ng isang Matandang Kasamahan nila.

" Nana Sela, nakatira na ho ba kayo sa Kastilyong ito?" Tanong ni Olivia.

" Nako, Oo matagal na Panahon narin nung ako ang nag aalaga sa inyong Ina noon. Habang ang Lola mo ay ang reyna pa." Sagot ng Matanda.

" Talaga ho? Bakit po kayo umalis ng Palasyo? " Tanong ni Olivia.

" Ay nako mahaba na ang oras kung Ikukuwento ko pa.. " sabi ng Matanda habang kinuha nya ang isang Kulay pulang Pamaypay sa kanyang maliit na bag.

" Ayus lang po.. makikinig ako. Nais kung malaman kung anong reyna si Lola Dati.. pakiusap po Nana Sela." Sabi ni Olivia.

" Sge na nga magkasing Kulit nga kayo ng Ina mo. Halika ka umupo ka dito." Sagot ng Matanda.

" At ganito ang mga Nangyari, Bigay saakin ng Lola mo ang Pamaypay na ito. At Mukhang Oras na ata upang Ibalik ko ito sa tunay na nagmamay-ari. "

**** F L A S H B A C K *****

- Kaarawan noon ni Reyna Bertha, habang nasa Kalagitnaan ng Kasiyahan ang Lahat.

Sinalakay ang Kaharian ng Aydendril ng mga Piling Tauhan ni Erol, ang mortal na kaaway ng Reyna Bertha.

" Mahal na Reyna, Sinalakay po tayo ng mga Tauhan ni Erol. " Sabi ng isang Kawal.

" Alam ko na ang pakay ni Erol..ipatawag mo si Celia. " Utos ni Reyna Bertha. At Yumuko lang ang Kawal sakanya.

Ilang Sandali pa ay Dumating na Si Celia..

" Pinatawag nyo ho daw ako Mahal na reyna?" Tanong ni Sela.

" Oo, Sela.. sumunod ka saakin. " Utos ni Reyna Bertha at Sumunod naman si Celia sakanya. Habang papalakad sila nag Tanong si Celia kung saan sila Tutungo.

" Mahal na reyna kung hindi nyo po mamasamain. Nais ko pong Malaman kung Saan tayo Tutungo?" Tanong ni Sela.

" Nandito na Tayo. Pumasok ka dali." Sabi ng Reyna. Pagkapasok ni Celia sa Loob ng Ipinagbabawal na kwarto. Namangha si Celia sakanyang Nakita napakaraming Mahiwagang Sandata ang nakalagay doon.

" Mahal na reyna. Nakakamangha ang Loob ng Kwarto Kay daming sandatang pandigma." Sabi ni Celia.

" Oo Celia.. iniingatan ito ng aking mga ninuno ang mga sandatang pandigma na nandito. Mula sa mga Setro ng mga nagdaang Reyna sa Aydendril. Ito ang Setro ni Reyna Anna at Setro pa ng mga ibang naging Reyna. Kaya ko ipinakita saiyo ang Silid na ito dahil Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan kung Dama dito sa Kaharian. At ito ang nais Makuha ni Erol kaya sumalakay sya Ulit sa Kaharian. " Sabi ni Reyna Bertha sabay Turo sa Kulay pulang Pamaypay.

" Isang Mapaypay ?" Gulat na sabi ni Celia.

" Hindi lang yan isang ordinaryong Pamaypay Celia. Taglay ng maypay ang Kapangyarihan na kayang Patagin ang mga Kabundukan. hatiin ang mga Puno o nais mong Paggamitan. Sa oras na mapasakamay ito ni Erol hindi ang Mundo natin ang masisira kundi pati na sa mga ibang Mundo. Kaya nais kung itago mo ito Celia.. " salaysay Ni Reyna Bertha.

" Maraming Salamat mahal na reyna isang napakalaking karangalan.. " sagot ni Celia at Yumuko ito sa Reyna.

" At ngayon itatago ko ang sa ibat ibang Demensyon ang mga Sandatang ito. Upang mapangalagaan ito at di magamit sa kasamaan..

Ako si Reyna Bertha ng Aydendril, ang tagapangalaga ng mga Mahiwagang Sandata. Inuutusan ko kayong magtungo sa ibat ibang Mundo upang iligtas ang inyong Sarili sa Panganib. " Engkantasyon ni Reyna Bertha. Agad nagsilutangan sa Ire ang mga Mahiwagang Sandata sa Loob ng Silid. At lumapit sa Reyna Bertha ang mga Mahiwagang Sandata sakanya. Isa na dito ang mga Oroskopyo.

" Mga Oroskopyo ng mga Mundo magtungo kayo sa Mundo ng mga Tao at maghanap ng Bagong Tagapangalaga. " Utos ni Reyna Bertha at ilang Sandali pa ay naglaho ang nasa kahong mga oroskopyo at napadpad ito sa Bundok Yayaisa na kasalukuyang pinangangalagaan ng Diwatang si Makiling.

" Trident ng mga Sirena sa Oceana.. nais kung Ikaw ay Magbalik sa iyong tunay na tagapangalaga. " At ganun rin ang Nangyari biglang naglaho ang nasabing Sandata.

" Libro ng Karunungan, Ikaw ay nais kung magtungo sa Mundo ng mga Tao upang maghanap ng Bagong Tagapangalaga at ang nais ko ay mapunta ka sa isang Mabuting Babaylan ng mga tao. " Utos ulit ng Reyna at naglaho ang nasabing Libro na kasalukuyang nasa pangangalaga ito ni Jenna ngayon.

" Espadang Yelo.. Ikaw ay Nangaling sa oroskopyo na taglay ang Kapangyarihan ng Yelo. Nais kung Ikaw ang Sumunod sa oroskopyong gumawa sayo upang sa Sandaling may mahanap na bagong tagapangalaga ang gumawa sayo. Magagamit ka niya. " At naglaho nga ang Espadang Yelo na ngayon ay nasa pangangalaga ito ni Ian.

" Pana ng Panahon at Apoy.. galing sa diwatang si Lalahon. Nais kung Ikaw ay Sumunod sa Mundo ng mga Tao at hanapin mo ang karapat dapat na magmamay-ari sayo. " At Kasunod nun nag laho din ang Pana ng Panahon at Apoy na nasa pangangalaga na ito ngayon ni Katalina. ( Which is Sa Book one lang nya nagamit)

Nakita ni Celia na nanghihina na si Reyna Bertha. Agad nya itong inalalayan.

" Ayus Ka lang Mahal na reyna?" Pag aalang sabi ni Celia.

" Ayus lang ako Celia.. ngayon ang panghuli ang Mahiwagang Rosas ng Dalakit. Inuutusan kitang Magbalik ka sa Mundo ng mga Engkanto. Hanapin mo si Ofelia upang iyong bagong tagapangalaga. " At agad namang naglaho ang Rosas at nasa pangangalaga na ito ni Alpia.

" Ngayon Celia Itakas mo ang Pamaypay na yan. Upang mapangalagaan natin. Umaasa ako sayo Celia. Sa Sandaling magka anak na ang anak ko. Ibigay mo sakanya ang Mapaypay nayan. " Utos ni Reyna Bertha.

" Opo, Pero papano Wala na po kayong magamit sa Labanan. " Sabi ni Celia.

" Meron pa ang mga Setro ng mga Dating Reyna. " Sagot ni Reyna Bertha.

" Celia.. gagawa ako ng Kastilyo. At nais kung malito si Erol. Ang Kastilyong ito ay papalibutan ko ng mahika upang di mahanap ng ibang taga Aydendril lalong lalo na si Erol. " Sabi ni Bertha.

" Mahal na reyna nauubus na ang inyong Lakas.. " alalang sabi ni Celia.

" Ayus lang ako Celia.. Nais kung Ilihim mo ito sa lahat gagawa ako ng Huwad na Kastilyo. At doon ko susubukang Pigilan si Erol. " Sabi ni Reyna Bertha.

" Pero Mahal na reyna.." sabi ni Celia.

" Wala ng oras Celia Itakas mo ang anak ko at ang Mahiwagang pamaypay.. " Utos ni Reyna Bertha.

" Sandali... Inumin mo ito Celia.." sabay abot Kay Celia ang isang Kulay gintong Sisdlan.

" Ano po Ito mahal na reyna.? " Tanong ni Celia.

" Inumin mo ang dugo ng Minukawa.. may taglay itong kakaibang mahika. Di ka tatanda kapag ininum mo ito. Alam kung matagal pang mangyari ang aking mga balak nais kung maging Buhay ka para maibigay mo ito sa Aking Apo. " Salaysay Ni Bertha.

Back to Present....

" At yun nga ang Nangyari mahal na reyna.. Tumanda lang aking Mukha pero mahigit dalampung dekada nakong Buhay hanggang sa naging Reyna na ang iyong Ina at ngayon Ikaw.. at ang Kastilyong ito napakarami kung ala-ala dito. " Sabi ni Celia.

" Napakatapang ni Lola.. ibigsabihin ang mga Oroskopyo ay nangaling sa Aydendril?" Tanong ni Olivia.

" Naging tagapangalaga ang Aydendril Olivia.. at si Lola Bertha mo ang Pinakamalakas na Reyna sa ibat ibang Demensyon. Kaya napagpasyahan ng mga Diwata na ang Aydendril ang mangangalaga sa mga Mahiwagang Sandata." Sagot ni Celia.sabay abot Kay Olivia ang Pamaypay.

" Maraming Salamat Nana Sela.." sabi ni Olivia Sabay Yuko Kay Celia.

Balik sa Bundok Apo...

" Okay, nandito na tayo..heto ang aking Bahay." Sabi ni Sandawa.

Namangha silang Lahat dahil sa sobrang kinang at lahat ng makikita nila ay Kulay ginto at diamante.

" Kay Ganda naman.." sabi ni Jake

" Katulad ko diba.. hahaah " birong sabi ni Sandawa.

" Mahal na Diwata nais naming malaman kung nasaan ang Lagusang Papuntang Dalakit. " Sabi ni Katalina at Jenna.

" Ay oo nga Pala I forgot. Hmmnn kelangan ko Muna kayong bigyan ng pagsubok o pagsusulit.." sabi ni Sandawa.

TO BE CONTINUE...