The continuation...
ANG NAKARAAN...
Sinubukan nilang eexorcist si Alice, upang mabawi nya ang kanyang katawan. ngunit di sila nag tagumpay dahil sa sobrang lakas ni sitan.
" Hindi nyo ako mapapaalis sa katawang ito.. mga baliw hahahha!" sabi ni sitan.
" Alice, kung naririnig mo kami.. Labanan mo si sitan. ikaw ang nagmamay-ari nang katawan mo. hindi si sitan." Sabi ni Jenna.
Habang si Mia naman ay nahihirapan na sa pagpigil kay Sitan.Hanggang sa makita sya ni sitan. At sumigaw nang napakalakas si Sitan. Isang napakalakas na Pwersa ang lumabas sa katawan ni Alice at lahat sila tumilapon sa ibat ibang bahagi nang palasyo. Sa pagkakataong yun ay nawala na ang mahiwagang Kidlat na tali na nakagapos kay Sitan.
" Inuutusan ko ang itim na hangin sa aking palasyo, Kunin ang kanilang hininga..At ang sumpa nang Anim na demonyo sa impyerno dinggin ang aking kahilingan... " Sabi ni Sitan kasabay nyan ay Naging itim ang mga mata ni Alice.
Habang sina Jenna, Katalina, Jake, tyler, Ian at Charlie nakaramdam sila nang kakaiba.
" Bakit di ako makahinga.." Sabi ni Jenna.
" Ako rin.Pa-parang naninikip ang dibdib ko..! " Sabi ni Katalina. Habang sina Theo at Tyler naman ay nawalan na nang malay.
Samantala sina Alpia, Raven, At Mia naman ay naging isang maitim na Ibon
Akala ni sitan na panalo na sya, ngunit di nya alam, nakaligtas si ang prinsesa nang aydendril.
" Naloko na mukhang matatalo pa kami.." Sabi ni jessel.
" Tama nga ang hinala ni Reyna alpia, kung sumama pa ako sakanila Malamang di ako nawalan nang malay. baka naging Ipis ako. Kadiri!" Sabi ni Jessel.
" Ngunit bago paman nahuli ni Sitan si Reyna alpia nakakabit na ang mahiwagang Sinulid sa paligid nang palasyo kelangan ko muna silang tulungan.. " Sabi ni Jessel.
ANG KARUGTUNG...
" Kelangan kung puntahan ang mga diwata..." Sabi ni Jessel at agad syang naglaho.
Samantala, Si Diwatang Burigadang Pada Sinaklang Bulawan hinanap nya padin ang isang kristal.
" Dapat nandito lang yun!" Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan. At tyempo namang nakita sya ni Jessel.
" Diwata? mabuti naman may nahanap akong kakampi. Thank you lord." Sabi ni Jessel sa kanyang sarili.
" Nasaan ang mga tagalipon? sina Alpia? nasaan sila?" tanong ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
" Yun na nga po.. Naloko na! sinubukan nilang e exorcist si Alice, ngunit parang sila ang na exorcist.. " Sabi ni Jessel at ikinuwento nya ang lahat nang nangyari.
" Mabuti pa.. tulungan mo akong hanapin ang kristal. " Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
" Anong kristal ba yun?" tanong ni Jessel.
Sa kanlaon..
" Di maari..delikado sila." Sabi ni Magayon.
" Pupuntahan ko sila.." Sabi ni Makiling.
" Hindi pwde, di pa nasisira ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan ang kristal na harang. Kung magtutungo kayo doon. tyak na manghihina lang kayo." Sabi ni Bulan.
" Hindi yan kung meron kayong Diwata ng pagpapagaling!" Sabi ni Alunsina.
" Hindi ko kayo papayagan, bumalik kayo sa inyung mga silid.." Utos ni Bulan.
" Pansensya na pinuno. iginagalang namin kayo ngunit kelangan naming gumawa nang paraan." Sabi ni Lalahon.
" Ikaw pala lalahon..kanina kapa ba dyan?" Tanong ni Makiling.
" Oo, at sasama ako. Kaya ko kayong bigyan nang pamansamantalang proteksyon sa Sumpa nang harang ni sitan." Sabi ni Lalahon.
" Tayo na " Sabi ni Haliya. sabay sout nang kanyang maskara.
" Anong ibig sabihin nito?" Sabi ni Bulan.
" Sanay maintindihan mo mahal na pinuno.. " Sambit ni Makiling at sya ang naunang naglaho. sumunod naman si Magayon At Lalahon.
" Sandali gamitin nyo ang aking Kampangan.." Sabi ni Bulan sabay taas nang kanyang kamay at lumabas ang isang sandata.
" Gamitin nyo ito kung sa sandaling magka aberya. Alam mo naman kung papano ito gamitin." Sabi ni bulan.
" Oo umbo..salamat!" Sagot ni Haliya sabay yuko at nag laho na din ito.
Sa kuta ni Sitan.
Dahil nga nawalan na nang malay ang mga tagalipon, at naging uwak sina Mia, Raven at Alpia.
" Mga Kawal.. Ikulong ang mga yan bago pa sila magising.." Sabi ni Sitan.
" Mahal na reyna, papano ang mga dalaket?" sabi ng isang kawal.
" Edi ikulong mo sa Hawla. tanga!" Galit na sabi ni Sitan.
" Akala nila matatalo nila ang reyna nang kadiliman? nagkakamali sila. " Sabi ni Sitan sabay tawa nang malakas.
" Mahal na reyna papano yan kung wala na kayong matatapang na alagad? ' Sabi nang isa pang kawal na itim.
" Anong karapatan mong magsalita? di kita kinakausap, mag bantay ka sa mga bilanggo." Sabi ni Sitan.
" Mahal na reyna, natalo na ang mga hukbo sa dalaket, aydendril at ang papanakop natin sa mundo nang mga tao ay talo na din. na bawa na ng mga tao ang kanilang mundo. " Balita nang isang kawal ni sitan.
" Papano nangyari yun? pinatay na natin ang mga puting manggagaway sa mundo nang mga tao. ?" Tanong ni sitan.
" Hindi po lahat nakatakas ang ibang mangagaway sa mundo nila. at dahil na din sa tulong nang ng anak ni Pablo. ang sikat puting manggagaway sakanilang mundo. " Sabi ng kawal.
" Si jenna? papano nangyari yun kung nandito sya kasama nina Tyler?" Sabi ni Sitan.
" hindi ko po matandaan ang ngalan.. pero, magkasing tunog sila nang ngalan ni Jenna." Sagot nang kawal. At biglang rumihistro ang mukha ni Jessel sa isipan ni sitan.
" Si Jessel? walang alam ang babaeng yun papano nya napamunuan ang mga puting manggagaway ? Nakakainis! " Galit na sabi ni sitan. at sumigaw nang napakalakas si sitan.
" Mahal na reyna, wag na kayong magagalit tyak na ang inyong panalo dahil nahuli muna ang mga banta sainyong kaligayahan. " Sabi ng isang kawal.
" Infairness, may tama ka sasinabi mo ngayon!" Sabi ni Sitan.
" maraming salamat mahal na reyna" Sagot ng kawal.
" pero bantayan nyo ang mga bihag wag kayo dito.. putang ina! paulit-ulit nalang tayo?" Sabi ni Sitan.
Balik kina Burigadang Pada Sinaklang Bulawan..
" Nasaan ba kasi ang kristal na sinasabi mo Mahal na diwata?" Sabi ni Jessel.
" nandito lang yun, basta! " sagot ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan. At bigla namang dumating sina Makiling, Lalahon, Magayon, Alunsina at Haliya.
" Anong ginagawa nyo dito. hindi nyo kakayanin ang sumpa nang lugar na ito." Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
" Wag kang mag-aalala nandito naman sina Lalahon at Alunsina upang bigyan kami nang pansamantalang proteksyon. " Sabi Magayon.
" Nahanap nyo na ba ang kristal?" Tanong ni Alunsina.
" sa kasamaang palad hindi pa alunsina. pero sabi nang kambal nang diamante ko. nandito lang. " sabi Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
" mabuti pa, dumito na muna kayong dalawa alunsina at Magayon upang hanapin ang kristal. at kami naman nina lalahon, at makiling ang magtutungo sa loob upang tulungan sina theo." Sabi ni Haliya.
" Sige mag iingat kayo haliya.." Sagot ni Magayon.
" Magagamit namin ang kapangyarihan ni lalahon." Dagdag na sabi ni Makiling.
At nag laho na sila. Habang sina, Jessel, Burigadang Pada Sinaklang Bulawan, Magayon at alunsina ay patuloy pa din sa paghahanap. Hanggang sa Makita na nila ito.ngunit may kakaibang sumpa ang nakabalot dito.
" mukhang ito na nga" sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan sabay hawak sa kristal.
" Sandali mahal na diwata may nararamdaman akong kakaiba. " Sabi ni Jessel ngunit huli na nang masabihan nya ang diwata dahil na hawakan na nya ito. At naging isang butiki si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
"naloko na... " Sabi ni Magayon.
" Sandali huhulihin ko si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan, Baka makaalis.." Sabi ni Jessel.
" May garapon kaba mahal na diwata?" tanong ni jessel kay alunsina, habang hawak nya si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan na naging butiki.
" Wala pero pwde mo syang ilagay dito sa energy ball." Sabi ni Alunsina at galing sa kanyang kamay lumabas ang isang puting liwanag.
" Anong gagawin natin?" Tanong ni Magayon.
" Gamitin nyo ang kambal diamante kung dala.." Sabi ng isang maliit na boses.
" Sinong nagsalita?" tanong ni Magayon.
" ikaw ba yun alunsina?" tanong ni jessel.
" hoi porket maliit yung boses ko ako na agad?" Sabi ni alunsina.
" Ako to si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.." sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
" Ay ikaw pala.. nasaan ang kambal diamante mo mahal na diwata?"tanong ni jessel.
" Nasa damuhan Hanapin nyo dali.." Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
"Narito na, anong gagawin namin?" sabi ni Alunsina.
" Itapat nyo sa Kristal upang mahigop nya ang negatibong sumpa.." Sagot ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
Samantala Habang papasok na sina, Makiling, Lalahon, at Haliya. Nakita nilang marami ang nakabantay papasok sa silid nang pinagkulungan nang mga Tagalipon at mga itinakdang engkanto.
" Maraming bantay, Makiling anong gagawin natin?" Tanong ni Haliya.
"Ako na ang bahala dyan.." Sabi ni Lalahon, at ginaya ni lalahon ang itsura ni Sitan.
" Dyan lang kayo.." Sabi ni lalahon at lumapit ito sa mga Kawal.
" Mga kawal, bakit kayo natutulog.. gumising kayo. " Sabi ni lalahon na nasa anyo ni Alice o Sitan.
"Pasensya na mahal na reyna.." Sabi nang isang kawal.
" Mabuti pa't iwan nyo ako dito dahil may gagawin ako.." Sabi ni Lalahon, at yumuko naman ang mga kawal malapit sa pintu.
" Pati rin kayo, umalis kayo. bantayan nyo ang bulwagan. "Utos ulit ni Lalahon sa mga kawal na nag babantay sa paligid. Tiningnan ni Lalahon kung may mga kawal pabang nagbabantay sa paligid. at nang wala na. agad nyang tinawag sina, Makiling, at Haliya.
"Magmadali kayo.. baka mahuli tayo ni sitan. Bilis!" Sabi ni Lalahon.At agad namang sumunod sina haliya at Makiling.
Nang makapasok na sila sa Loob, agad nilang ginising sina Theo at Tyler.
" gising mga antukin.. " Sabi ni Makiling at gumawa sya nang isang bola na gawa sa Tubig, At itinapon nya ito isa-isa sa mga tagalipon.
" Anong gagawin natin sa mga itinakdang engkanto? maibabalik pa ba natin sila sa dati." Sabi ni lalahon.
" Sandali gagamitin ko ang sandata ni Bulan.." Sabi ni Haliya at itinaas nya ang kanyang kamay. At ilang segundo lang ay lumabas na ang sandata na pinagamit ni Bulan sa kanya.
" Tabi Makiling.." Sabi ni Haliya at itinutok nya ang sandata kina Mia, Raven at Alpia.
" Bilisan nyo na.. dahil mukhang natutunugan na ni sitan na may kalabang nakapasok." Sabi ni Makiling.
" Ang tagal ba kasing mabasag ng kristal na harang.." Sabi ni Haliya.
" Malapit na sila.. " Sabi ni Makiling. Unti-unting nagbabalik sa dating anyo sina Mia, Raven at Alpia. kasabay naman nun. Binasag ni Lalahon ang mga hawla at pinutol nya ang mga kadena na nakagapos sa paa at kamay ng mga tagalipon.
" Bilisan nyo.. nandito na sila.." Sabi ni Makiling at gumawa sya nang harang na tubig sa buong kwarto.
" Nakapasok ang mga diwata.. Patayin sila.." Sigaw ni Sitan sa labas nang kwarto.
Habang ang mga tagalipon at unti-unti na silang nagigising.Naunang nagkamalay si Jenna.
" Anong nangyayari?" Tanong ni Jenna habang nahihilo pa.
" Mabuti naman at gising kana.." Sabi ni Lalahon.
" Nanghihina na ako.." Sabi ni Makiling.
" Ako din..." Sabi ni Haliya.
" Sandali.." Sabi ni Lalahon at gumawa sya nang dalawang bolang apoy at pinasok nya ito sa katawan nina Makiling at Haliya. hanggang sa mawala na ang harang sa loob.
" Ang harang na tubig makiling..." Sigaw ni Lalahon.
" Hindi ko na kaya.." Sagot ni Makiling at nawalan din ito nang malay. agad naman syang sinalo ni Jenna. at sang sumunod naman nagising si Theo hanggang sa sila nang lahat ang magising.Ngunit ang tatlong diwatang sumaklolo sa kanila ay nawalan na nang malay.
" Diba ? bawal silang pumasok..?" sabi ni Mia.
" Oo. pero nagpumilit pa din sila upang iligtas tayo.. " sabi ni Alpia.
" Protektahan ang mga diwata.." Sabi ni Theo. Akay-akay nina, tyler, jake at Alpia sina Makiling, Haliya at lalahon na ngayon ay nanghihina na.
" ke-kelangang mabasag na ang kristal na harang upang magbalik na ang aming lakas. Ngunit bago paman mawalan nang malay si Lalahon nang tuluyan. ay napagtagumpayan naman nina Jessel na basagin ang Kristal na harang.
" Hindi ako papayag na saktan mo ang aking mga kaibigan. " Sabi ni Jessel. Gulat naman si Sitan dahil nahahawakan sya ni Jessel.
" Papano mo ako nahahawakan.." Sabi ni Sitan. Di sumagot si Jessel, bagkus itinulak nya si sitan sabay Hila pabalik sakanya. at dahil doon, nakalabas sa katawan ni alice si sitan.
" papano mo nagawa yun?" tanong ni sitan na ngayon ay isang kaluluwang itim.
" Dahil sa Vinya ko.." Sagot ni Jessel sabay hawi sa kanyang mataas na buhok sa likud. at may kulay berdeng ugat ang gumagalaw sa bandang batok nya.
" Isa kang Aydendrilyan? nasayo ang dugo nang puting manggagaway at dugong ginto nang aydendril. " Sabi ni Sitan.
" lagyan nyo na nang harang ang katawan ng babaeng yan upang di na sya makabalik. " Sabi ni Jessel. Hinubad ni Jenna ang kanyang kwentas.
" Ikaw muna ang gumamit nito. di ka mapapasukan nang anumang masamang elemento. " Sabi ni Jenna, at pinasuot nya ito kay alice.
TO BE CONTINUATION...