webnovel

THE RUN AWAY WIFE

Hindi madaling mabuhay kung ang pakiramdam mo ay nag-iisa ka na lang... Dahil nawala na ang lahat sa'yo at walang naiwan. Kun'di mga sugat sa iyong puso... Ngunit ito rin ang naging dahilan para maging matatag ka at matapang. Upang hindi ka na nila muli pang masaktan. =GIVENEA ALCANTARA= ______ Bakit kahit may kasama ka ang pakiramdam mo nag-iisa ka pa rin? At kahit anong gawin mo hindi ka niya magawang pansinin. Pakiramdam mo palagi ka na lang namamalimos ng kanyang pagmamahal. Dalawang bagay lang naman ang gusto mo ang makasama siya at mahalin niya. Dahil doon ka lang magiging masaya. =DANIEL KEIFFER SOLMERAZ= Si Givenea Alcantara isang simpleng babae na sa kabila ng lahat. Naging matatag at matapang.. Handang gawin ang lahat para sa iisang hangarin. Si Daniel Keiffer Solmeraz: Gwapo, matalino, mayaman at tagapagmana. Handang gawin ang lahat para sa kanyang minamahal. Pero paano kaya sila pagtatagpuin ng tadhana? Kung magkaiba ang kanilang ginagalawan at lagi nang may hadlang at dahilan... Ngunit paano ba nila hahamakin ang lahat para sa pag-ibig na sapat na walang pinipiling pagkakataon o maging ng panahon... * * * A/N: ANO MANG PARTE SA ISTORYANG ITO ANG MAY PAGKAKAWIG SA IBA GAYA NG PANGALAN, KARAKTER, LUGAR, SALITA, MAN O PANGYAYARI AY HINDI PO SADYA. ANG LAHAT NG NILALAMAN NG ISTORYANG ITO AY BUNGA LAMANG NG IMAGINASYON NG MAY AKDA. HINDI RIN PO ITO MAAARING KOPYAHIN O GAYAHIN NG SINO MAN... MARAMING SALAMAT PO!? BY: MG GEMINI 05-14-2020 @LadyGem25

LadyGem25 · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
13 Chs

Chapter three

"Kat! Siya talaga 'yung nakita ko sa mall kanina!" Umiiyak na sabi niya kay Kat. Nadatnan siya nitong nakahiga at mugtong- mugto ang mata.

"Okay, kung siya talaga ang nakita mo! Bakit hindi mo siya nilapitan? Para nalaman mo 'yun totoo! Kahit umiyak ka diyan! Kahit maubos pa 'yang luha mo! Hindi parin natin malalaman ang totoo, kung hindi mo siya kokomprontahin!" Sagot nito sa akin.

"Anong gagawin ko, natakot ako? Paano kung asawa nga niya 'yun at mga anak. Basta ko na lang ba sila lalapitan at tatanungin?" Tanong niya.

"Nalaman mo naman, ang dapat mong malaman. Para malaman din ng asawa niya ang kalokohang ginagawa niya!" Sabi nito sa naiiritang tono.

"Paano na ngayon, ano bang gagawin ko?!" Akala ko tapos na ang kamalasan ko? Hindi pa pala, malas ba talaga ako?" (Sob)

"Ano ka ba, Given? H'wag mo ngang sabihin 'yan! H'wag ka ngang parang tanga, hindi ka malas. Dahil hindi siya kawalan sayo! Alam mo rin, kung anong dapat mong gawin? Hiwalayan mo siya kung kailangan. Unless gusto mong maging kabit?" Pasigaw na suhest'yon nito sa kanya.

"Paano kung mali ako? Baka kasi kaanak niya lang, kapatid o kaya pinsan?" Pangongonsola niya sa sarili. May pag-aalinlangan pa rin naman siya at umaasang nagkakamali lang siya ng akala.

"Okay sige, h'wag muna tayo mag-isip ng kahit ano ngayon. Magkikita naman kayo bukas di ba? Alamin mo kung ano ang totoo? Kung gusto mo siyang bigyan ng pagkakataong magpaliwanag sige bigyan mo! Para fair na rin sa kanya. Pero kung totoo ang hinala mo? Pls. lang!! H'wag mo ng pag-aksayahan ng luha ang walanghiyang 'yon! Okay?"

"Pero talagang mahal ko na siya Kat!" I feel so helpless and dismay by that time.

Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone! Bahagya itong natigilan at sabay pa silang nagkatinginan ni Kat!

"Si Mathew!" Ito agad ang naisip niyang nagtext! At hindi siya nagkamali.. "Itinext na niya ako kung saang lugar kami magkikita bukas.." Sunod kong sinabi kay Kat.

"Okay, makipagkita ka! Para malaman mo ang totoo?" Sabi nito.

"Oo, gusto ko ring malaman ang totoo? Para malaman ko kung niloloko nga niya ako O kung nagkakamali lang ako?!"

Muli nakaramdam na naman ako ng awa sa aking sarili at hindi mapigilang pakiramdam na gusto ko na namang umiyak! Pakiramdam ko ang tanga-tanga ko. Pero ipinagpatuloy ko lang ang pagsasalita!

"Dahil kung totoo ang hinala ko? Hindi ko siya hahayaang, patuloy akong lokohin, na parang tanga na umaasa, ga'yung matagal na pala niya akong niloloko!" Tuluyan na akong napa-iyak.

"Coz! Ano ka ba? Tumigil ka nga d'yan!" Sabay yakap niya sa akin upang aluin ako. "Hindi pa na man tayo sigurado! Tahan na.. Okay?"

Pero patuloy lang ako sa pag-iyak!

"Mabuti pa matulog na tayo. Itigil mo na 'yang pag-iyak mo. Gusto mo bang samahan kitang makipagkita sa kanya bukas?" Tanong nito..

Nakahiga na kami at handa na sanang matulog! Muli nag-angat ako ng ulo upang muling magsalita..

"Okay lang ako, kaya ko naman siyang haraping mag-isa! May pasok ka pa bukas, ayokong um-absent ka pa dahil lang do'n!" Sabi ko.

"Sigurado ka? Okay lang naman sa akin, kahit um-absent ako!"

"H'wag na! Gusto ko rin namang harapin siyang mag-isa.. Para mas magkaintindihan kami, h'wag kang mag-alala kakayanin ko ito.." Buo ang loob kong sagot.

"Ganyan nga, Couz! Alam ko namang kaya mo 'yan! Maaayos din ang lahat makikita mo!" May paghangang pagpapalakas-loob nito sa kanya na sadyang itinaas pa ang hinlalaking daliri.

Tumango na lang ako at bahagyang ngumiti. Nagpanggap na gusto ko na ring matulog.. Para matulog na rin siya! Maaga pa ang pasok niya bukas. May nakipagpalit kasi sa kanya sa morning shift. Pero pilit pa ring idinidilat ang mata. Kahit alam ko na kanina pa siya inaantok! Para makinig lang sa drama ko! Yan ang bestfriend ko at pinsan in one!

After a few minutes. Naramdaman ko na lang na unti-unti na rin akong hinihila ng antok. Ahhh! Gusto ko na ring kasing magpahinga, pagod na kasi ako.

Pagod na pagod na ako...

___________

KINABUKASAN ..

Sa isang Italian cafê and dessert house sa Alabang Town Center. Malapit ito sa mga kilalang University sa Alabang Muntinlupa. Kaya marami na rin ang mga istudyanteng nadatnan niya sa loob nang Cafe' house.

Dito sila magkikita ni Mathew ngayong araw.

Pagpasok niya sa pinto agad niyang inilibot ang kanyang paningin sa paligid.

Pero ang taong inaasahan niyang makita sa lugar na iyon ay wala pa rin. Isang staff ang sumalubong sa kanya at bumati. Pagkatapos ay sinamahan siya patungo sa isang bakanteng mesa. Pinaupo siya nito sabay abot ng isang menu.

Mas maaga siyang dumating kaysa sa napag-usapang oras. Malapit lang kasi ang parañaque dito sa Alabang. May sampung minuto pa bago ang takdang oras. Alas 3:00 ng hapon, ang oras na magkikita sila ni Mathew..

Bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa isiping nauna pa siya dito. Kahit paano kasi umasa siya, na maaga itong darating. Kung excited man itong makita siya? Pero hindi pala..

Dahil maaga pa.. Naisip niyang mag-order muna ng isang cafe cappuccino. Halos hindi pa rin kasi siya nakakain mula pa kaninang umaga. Pagkasabi ng kanyang order agad din umalis ang waiter. Muling niyang inilibot ang paningin sa paligid. Napako ang paningin niya sa kabilang mesa, malapit lang ito sa kanyang kinauupuan. May tatlong lalaking istudyante ang naroon, na sa tingin niya nasa senior high school. Narinig kasi niya na pinag-uusapan ng mga ito ang tungkol sa Graduation. Nasa last quarter na kc ng pasukan. Ang panahon kung kailan naghahabol ang mga estudyante kaya marahil kahit sabado may pasok pa rin.

Bigla tuloy niyang naisip si Cheska..

Kung sana hindi niya ginawa iyon. Sana graduation na rin nila next year.

Nagulat pa siya ng magsalita ang waiter, nasa tabi na pala niya ito at ibinababa sa mesa ang inorder niyang kape. Tinatanong nito kung may iba pa siyang kailangan umiling lang siya, pagkatapos agad na rin itong nagpaalam at umalis. Sandaling tiningnan niya muna ang oras sa kanyang relo. The time is.. 3:05 pm.

Lagpas alas tres na pala, pero wala pa rin si Mathew.

Hindi naman niya siguro ako balak paghintayin ng matagal?

Tanong sa isip niya.

Saglit na binuksan niya ang kanyang bag upang kunin ang kanyang panyo. Ang panyong regalo sa kanya ni Cheska last Christmas. Bahagya siyang napangiti ng maalala..

Ang saya-saya pa nila noon na tila walang problema. Nagpalitan sila ng mga regalo. Kahit silang tatlo lang at ang kanyang tita Adela at pinsang si Katrina. Hindi man lang niya naisip na, may dinadala na palang problema ang kanyang kapatid at iyon na pala ang huling pasko nila na makakasama. Muli siyang napatingin sa hawak niyang panyo. Bigla tuloy siyang nag-alangang gamitin ito. Nakasulat dito ang kanyang buong pangalan, na sadyang pina-embroidered pa.

Patunay na sa kanya lang ito. Ito lang yata ang masasabi niyang kanya lang! Wala ng pwedeng umangking iba. Alam kasi ni cheska kung saan siya magiging masaya. Kahit sa maliit na bagay lang na tulad nito.

Habang naghihintay sinimulan niyang inumin ang kape. Naalala niya ang sulat ni Cheska. Binasa niya ito kanina bago pa s'ya umalis ng bahay. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala.. Kung bakit nagawa nitong tapusin ang sariling buhay, ang lahat-lahat idinamay pa nito ang sana'y magiging pamangkin n'ya? Hindi tuloy n'ya maiwasang makaramdam ng matinding kalungkutan at sama ng loob. Dahil lang sa isang napaka walang kwentang lalaki..

Sino ba ang lalaking 'yun? Ipinapangako ko sayo kapatid ko! Kapag nagkaharap kami ng lalaking 'yun! Pagbabayaran niya ang lahat ng ginawa niya sayo! Kahit sino pa siya?

Magbabayad siya!!

She was full of anger by that time, in mixed emotions and feeling devastated.

Gusto niyang magalit, sumigaw. Dahil sa sama ng loob sa mga taong dahilan kung bakit s'ya nasasaktan ngayon?

Una ang kanyang ama na nang-iwan sa kanila at nanakit sa kanyang ina. At ang lalaking 'yun na dahilan kung bakit nawalan siya ng kapatid. Ahhh! At ngayon mukhang may dadagdag pa?

Bakit ba nu'ng magsabog ng walanghiya sila pa yata ang nakasalo? Ganu'n ba talaga sila kamalas sa mga lalaki?

H'wag lang sanang magkatotoo ang hinala ko sayo.. Mathew? Dahil hindi kita mapapatawad..

Walanghiya ka?!

"Hello, Honey! Kanina ka pa ba? Sorry I'm late.."

Bigla siyang napalingon sa pinanggalingan ng tinig..

Nang makaharap na niya ito..

Hindi n'ya naiwasang tingnan ito ng matatalim na tingin.

Si Matthew..

* * *

By: LadyGem25