webnovel

The Prosecutor

Isang malaking pag kakamali ang ginawa ni Kieper sa mag kapatid na si Lee Hyung Joon at Lee MIn Joon. Nang dahil sa kanya nag kahiwalay ang mag kapatid at lumaki si Min Joon na may sama ng Loob sa kapatid nito na si hyung Joon.. Ang buong akala ni Min Joon ay ina banduna siya ng kanyang kuya dahil sa pag lalason ni Kieper sa utak ni Min Joon ang bunsong kapatid ni Hyung Joon.. Sa huli, umaasa parin si Hyung Joon na mababago niya ang kapalaran ng kanyang kapatid dahil sa ginawang pag papalaki sa kanya ni Kieper.

Daoist805344 · Võ hiệp
Không đủ số lượng người đọc
20 Chs

Hinala

Katotohanan

Ang katotohanang hinahanap, muli nang matutuklasan sa hindi inaasahang pag kakataon.. Matagal din ang lumipas bago pa malaman ni david Lee na ang kanyang kapatid ay si Attry. Lee seon Jie.

Pumunta si Dr. Lee Yeon sa opisina mismo ng binata(David Lee) para siya mismo ang mag abot ng mga dokumento na nag papatunay na si Attry. Lee Seon Jie ang kanyang matagal na hinahanap at nawawalang kapatid na nawalay sa kanya ng matagal na panahon.

''Ohh! Dr. Lee bakit nag mamadali ka ata? tanong sa kanya ni Cha Jin Ho.''

''Ahh oo, papunta nga pala ako kay David Lee, ikaw ba? tanong din niya sa dalaga..''

Sumagot naman agad sa kanya ang dalaga at sinabi din kung saan ang punta nito.. Nag dalawang isip ang ginoo kung tutuloy ba siya sa pag unta sa opisina ni David Lee ganong parang mali ang timing nang kanyang pag punta dito.

''Dr. Lee? Dr. Lee.. paulit ulit na tawag ni Cha Jin ho sa doktor na para bang wala sa sarili dahil nakatanaw ito sa malayo habang nag iisip.''

Nagulat ang dr. sa tawag ni Cha Jin Ho sa kanya kaya parang bumalik ito sa kanyang ulirat.

''Ahh, ano yon? tanong muli ni dr. Lee kay Cha Jin ho ng mag balik ito sa kanyang ulirat.''

''Ahh!! sabi ko sabay na tayo papunta sa kanya.. may sasabihin din naman kase ako ii, sabay na tayo.. tugon ni Jin Ho sa kanya.''

'' Ahh hindi, sige na mauna kana, may dadaanan pa pala ako, muli nitong pag aalibay para makaiwas na makasabay sa kanya sa pag punta sa opisina ni david Lee.''

''Ahh sige, mauna na ako''

Muli niyang iniwan ang dalaga at nag tungo sa isang coffe shop para uminom ng kape at mag isip ng ibang paraan kung paano makakausap si David Lee at maibigay sa kanya ang mga dokumento.

Dr. Lee: Hayy, buntong hininga nito.. Parang ang hirap naman nito'' muli niyang bulong sa sarili.

hindi alam ang gagawin kaya muli itong nag balik sa bahay niya at doon nag simulang mag isip ng mabuti para sa kanyang plano.

-----------------------------------------------------------------

Nang maiwan ni Jin Ho si Dr. Lee sa kanilang pag uusap ay agad na angtungo ito sa opisina ni David para kausapin ito.

David: oh napasyal ka, anong meron..?'' tanong nito sa dalaga ng pumasok ito sa kanyang opisina''

Jin Ho: ahh, nais ko sanang yayain kang kumain sa labas may sasabihin lang akong importante.'' anyaya niya kay David''

David: oh sige, mamaya nalang dinner..'' tugon niya sa dalaga.

Jin Ho:.. ohh paano mauna na ako, mamaya nalang..

Lalabas na sana si Jin Ho ng maalala niya na nakasabay niya kanina si Dr Lee at tila may sasabihin ito kay david.

Jin Ho: ohh siya nga pala, nakasabay ko nga pala si Dr. Lee kanina.. may sasabihin daw sayo pero hindi ko lang alam kung ano.. iniwan ko siya kanina tila balisa kanina at hindi ko alam kung bakit..

DAVID: ahh sige ako na ang bahala.. tatawagan ko nalang mamaya pag labas ko dito.

JIN HO: ohh sige mauna na ako.. kita nalang tayo mamaya..

DAVID: sige, bye bye!!

Inisip ni david kung ano ang pakay sa kanya ni Dr. Lee at kung bakit hindi ito natuloy na pumunta sa kanyang opisina, napa isip din siya sa sinabi ni Jin Ho kung bakit balisa ito ng makita ng dalaga. Makalipas ang ilang oras ay tumunog ang telepono ni David pag kalabas labas lang ni Jin Ho ng wala pang minuto ang nakalilipas..

telephone conversation...

DAVID: ohh Dr Lee.. bakit napatawag ka?

DR. LEE: ahh may sasabihin sana ako sayo kanina.. pero naisip kong dito nalang..

DAVID: ahh.. nabanggit nga kanina ni Jin Ho, ano ba iyon?

DR. LEE: may pinadala akong regalo, tiyak na magugustuhan mo iyon,

DAVID: ahh, talaga ba? maraming salamat.. sanay di kana nag abala pa.

DR. LEE: ahh wala iyon maliit na bagay, ahh nga pala sa bahay mo nalang ko iyon pina address.. naisip ko kaseng doon nalang kesa naman padaanin ko pa sa opisina mo.. masyado kaseng especial ang regalo mo..

DAVID: ikaw talaga.. sige titingnan ko nalang mamaya sa mailbox ko mamaya.. salamat nga pala..

DR. LEE: sige, sanay magustuhan mo ang aking regalo..

At naputol na ang kanilang pag uusap ng mga sandaling iyon. Napaisip si David kung ano ang regalong ipinadala ni dr. Lee at bakit direkta pa nitong ipinadala sa kanyang bahay ang nasabing regalo.

Tapos na ang oras ng kanyang trabaho at nagtungo agad ito sa sinasabing coffe shop na napag usapan nila kanina ni Jin Ho.

JIN HO: dumating ka?

DAVID: oo naman, lalake naman akong kausap..'' ang tugon niya sa dalaga na nakaupo sa isang silya at may dalawang baso ng kape.''

JIN HO: maupo ka!!'' at umupo naman si david sa bakanteng upuan''

DAVID: ano bang sasabihin mo at dito mo pa ako dinala, pwede namang sa bahay nalang.. importante ba?'' tanong nito.''

JIN HO: exited lang.. maupo ka at uminom muna tayo ng kape.

Habang nag uusap silang dalawa ay, napunta na sila sa pinakang topic, ang dahilan ng pag imbita ni Jin Ho kay David.

DAVID: anong pag dududa ang sinasabi mo?'' tanong nito''

JIN HO: naisip ko lang naman, pero kahina hinala naman talaga si Dr. Lee hindi ba?'' sagot na tanong nito kay David''

DAVID: tama ka naman, sa totoo niyan ay may regalo siyang ipinadala sa akin kanina at sa bahay ko iyon naka address,ang nakapag tataka lang ay bakit dinirekta niya iyon sa bahay ko at hindi nalang sa aking opisina o kaya ay dinala nalang niya sa akin ng personal.

JIN HO: ang wierd talaga ng mga ikinikilos niya ngayong mga nakalipas na araw.. nakapag tataka.

Lumipas pa ang ilang oras at natapos na ang kanilang pag uusap.. umuwi na agad si david sa kanyang bahay at agad na tiningnan ang mailbox para alamin ang sinsabing regalo sa kanya ni Dr. Lee.