webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
110 Chs

CHAPTER 64 - THE GREAT ADVENTURE AT STAR KINGDOM

CHAPTER 64 - THE GREAT ADVENTURE AT STAR KINGDOM

--------

ETHAN SMITH POV

Since merong driver si Penelope kaya nandito kaming tatlo sa loob ng sasakyan.

Nabanggit ko din kay Penelope na nirentahan ko na muna yung buong park para masolo lang namin. Tsaka para hindi nakakahiya.

Nagsimula na kaming bumyahe. As usual traffic.

Nakatulog na nga si Bethina sa akin. Naka kandong siya tapos nakasandal ang ulo sa balikat ko.

Samantalang si Penelope, bagamat na magkatabi kami eh naka harap naman sya kabila. Di ko nga malaman kung tulog ba o naka tingin lang sa labas.

Hanggang sa maya maya's napasandal na ang ulo nya sa balikat ko. 

Di ko na din mapigilan ang antok ko. Medyo naduduling duling na sa antok kaya hindi ko namalayan na nakasandal na din pala ako sa ulo-nan ni Penelope.

At di namin namalayan na na nakarating na pala kami sa pupuntahan namin kung hindi lang kami ginising ni Bethina. 

"Tito Ethan, Tita Ninang wake up! We're here!" pang gigising ni Bethina sa tulog pa din na sina Ethan at Penelope.

Magkasabay lang kaming namulat ni Penelope at parehas din kaming nagulat na magkasandalan na pala kami sa pagtulog.

"Finally the couple is awake! Let's go inside!"

Nagkatinginan nalang kami ni Penelope ngunit di nalang pinansin ang mga nangyari at lumabas na kami ng kotse. 

Nakapasok na kami sa loob ng Star Kingdom. Tuwang tuwa si Bethina. Grabe kung makatakbo. Dumeretso agad kami sa may wishing well as she promised nung nagpaalam siya kay Tito Harvey.

Pagkatapos doon ay hinanap naman namin ang carousel. Tag isa isa kaming kabayo. Sobrang enjoy!

Sunod namin na pinuntahan ang bump car. Silang dalawa ni Penelope ang magkasama. Grabe sobrang saya. Maski kami ni Penelope nag eenjoy. Nagbalik kami sa pagkabata namin. Nung malaya din kaming nag lalaro noon.

Sumunod na pinuntahan naming ay yung Realto 4D Theater. At grabe parang dinala kami sa ibang dimension. Parang totoo talaga ang mga nangyayari sa 4D theater nay un. Kahit ang sigaw ni Penelope parang nasa totoong eskena din. Naka tili lang sya hanggang matapos ang palabas.

Matapos ang mga rides na yun, nasa isip ko na baka ulitin lang namin yung carousel, o  yung bump car. Nagulat ako sa sinabi ni Bethina.

"Kiddie rides are enough. I am tired. Tita Ninang and Tito Ethan, let's go to the space shuttle!"

Naglinis muna ako ng tenga dahil parang nagkakamali ata akong dinig.

"Again Bethina, where we will go again?"

"There po." pointing at the space shuttle.

Napalunok ako nang tinignan ko.

"Really Bethina? You wanna ride the space shuttle? Not a roller coaster but a space shuttle?"

"Yes! Tito Ethan. One of my favorite rides. Let's go!"

At tumakbo na sya patungo sa ride na yun. Hindi ko pa nga napaprocess sa sarili ko na sasakay ako ng space shuttle talagang dumiretso kana agad dun?

I can't imagine kung ano pa ang mga sunod naming saskyan pagkatapos ng space shuttle na to.

Nakapasok na din kami sa loob at pinipilit ni Bethina ang Tita Ninang nya na sumakay din. Pero hindi ko na pinasama si Penelope dahil alam ko kung gaano siya katakot sa rides. 

Samantala bigla naman hiniram ni Bethina ang phone ko. At sinabi nya sakin na I video call ko daw muna ang Mommy nya bago kami umandar. Kakaiba talaga ang bata na ito, sobrang adventurous. Kaya pala ganun na lang yung iyak niya kanina nung ayaw pa siyang payagan dahil ganitong extreme activities pala ang mga gusto nya. 

"Hello Mom, Look at me and Tito Ethan. We're here at the space shuttle."

Umandar na ang space shuttle at..

"Woooooooooooooh! Oh my gosh! The air! I love it! We're so fast mommy look."

"Ahhh!! Ayoko na! Ahhh! Ayoko naaaaaaaa" putol litid na sigaw ni Ethan.

Yan na lang yung mga salitang nasambit ko habang nakasakay sa ride na yun.

Nakababa na kami pero feeling ko yung kaluluwa ko naiwan sa ride na yun. Inalalayan pa nga ako ni Penelope pababa.

Inalok ako ni Penelope ng water at mukhang concern talaga siya kahit na tawa ng tawa habang umiinom ako ng tubig.

Napasabi nalang ako kay Penelope na.

"Parang ayaw ko nang tanungin si Bethina ng "what's next" pagtapos ng ride na yun. Pero di naman pwedeng mag isa lang si Bethina."

"Haha, sorry ha. Pano kung sumama din ako edi wala kang tubig pag baba. Hayaan mo ako bahala sa tubig mo."

Tumakbo nanaman si Bethina. Tinuturo yung anchor's away.

And this time sumama na si Penelope dahil sabi ko sa kanya na parang isang see saw lang ito at mabagal din ang takbo. 

PENELOPE THOMPSON POV

Napilitan akong sumakay dun sa malaking barko na yun. Ni minsan hindi ko pa sinubukang sakyan ang ride na yun dahil ang dami kong naririnig na nakakahilo daw dun. Pero kung titignan mo para ka lang namang ginegewang ng pabalik balik. At parang seesaw nga lang daw sabi ni Ethan.

Pasakay na kami at medyo kinakabahan na ako dahil ngayon lang ako makakapag rides ulit dahil bata pa ako nung huli akong nakasakay sa mga rides at huling nasakyan ko ay yung maliit na ferris wheel pa. Grabe pa yung nginig ko nun. 

Nagsimula nang umandar. Nakita ko na naka video call pala itong si Bethina kila Mommy. Kaya ayun chika chika habang umaandar tsaka light pa lang ang pag galaw.

Hanggang sa palakas ng palakas yung tipong para kang hinahagis. Sh*t! nakakaramdam nako ng takot at pagka hilo. 

"Mama mama. Mamaaaaaaaa! Mamaaaaaaaaaaa! Ayoko na Mommmy!!"

"Yey! We're like a pirate mommy look oh! Waahh! A big wave is coming!"

"Hala si Ethan oh nakapikit nalang." Wika ni Tita Patricia  habang naka tawa kasama sina Patrick, Bella, at Tito Harvey sa may video call ni Bethina.

"Ethan! Baka nasa eroplano kana pag gising mo! Kaya mo yan hahaha." Panunukso ni Patrick

ETHAN SMITH POV

Natapos na yung ride. Buhay pa naman kami.

Nakababa na din kami at grabe iba din yung anchors away na yun.

Kakaiba sa feeling. Pero kahit na ganun inalalayan ko pa din si Penelope at Bethina pababa.

Kinausap ko na muna si Bethina na magpahinga at kumaen muna. Dahil pakiramdam ko naubos ang energy ko sa magkasunod na space shuttle at anchor's away. 

Habang nakaupo kami. Napansin ko na masama ang tingin ni Penelope sakin.

"Ohh what's that look?" tanong ni Ethan habang inaayos ang magulong buhok ni Penelope.

"Halika dito lapit." palihim na nagdutdot ng melted chocolate galing sa muffin si Penelope.

"Huh? Bakit? May dumi?" nagtatakang tanong ni Ethan.

At nung malapit na ang mukha ko.

"Ayy!! Aba, talaga naman. Hahaha."

Pinahidan ako ni Penelope ng melted chocolate sa pisngi!

Papahidan ko din sana siya e kaso tinakot na ako.

"Sige subukan mo, bayad lang yan. Sabi mo parang seesaw? Eh sa seesaw hindi ko naman pakiramdam na mamatay ako pero doon sa anchors away na yun kulang nalang ihagis na ako sa kabilang mundo e."

PENELOPE THOMPSON POV

Tawang tawa pa tong Ethan na to. Buti nga sayo may tsokolate ka sa pisngi. Hahaha.

Inaya na kaming kumaen ni Bethina. Nasawa na ata sa kalokohan namin ni Ethan.

Habang kumakaen tinanong  ko kung magkano binayad niya para marent itong park.

"Secret. Hahaha."

"Aba anong secret? Lalayas ako." pananakot ni Penelope kah Ethan.

"Uy wag naman. Hindi ko na kakayanin kung bigla ka pang mawala." banat na ikinagulat ni Penelope.

Tamang kwentuhan lang kami ni Ethan habang nag liliwaliw lang sa tabi si Bethina habang busy din sa pagkaen ng Muffin.

ETHAN SMITH POV

Ang saya lang na after naming mawalan ng kaluluwa panandalian eh mukhang ang mga puso naman namin ang kakawala.

Ngayon nalang kami nakapag usap ulit ng ganito. Ang sarap lang sa feeling.

Hanggang sa nagulat ako sa tanong ni Penelope.

"What's your plan?"

" My plan?"

"Oo birthday mo bukas diba?"

Napangiti ako..

"Yeah, mmm. Actually every birthday ko nag pupunta ako sa isang orphanage na malapit sa puso ko. Nag dodonate ako ng kung anu ano. Every month naman ako nagdodonate pero tuwing birthday ko dun ako nag lalaan ng malaking budget talaga. Nagbibigay ako ng groceries at clothes minsan inaabot ng dalawa or tatlong truck na punong puno ng pagkaen at damit. Kaya bukas dun ako, mamimigay ulit at sasabayan ko silang kumaen. Sobrang saya ko kasi sa tuwing nakikita ko silang masaya kaya naisip ko na tuwing birthday ko duon nalang ako magcelebrate ."

"Ohh that was nice."

"Yeah, I know. Mmm.. Do you wanna join me tomorrow?"

"Hmm. Pag iisipan ko. Baka may sched ako tomorrow e. I'll give you my number nalang para malaman mo kung tutuloy ba ako or hindi."

"Okay, and Thank you. At least may chance diba?" nakangiting sinabi ni Ethan.

"Nawawala."  wika ni Penelope.

Out of nowhere, nasabi ni Penelope yun. Di ko pa gets nung una.

"Huh? Anong nawawala? Pera?"

Habang titingin tingin sa paligid si Penelope.

Hanggang sa nag histerical na si Penelope!

"Oh no, Ethan si Bethina nawawala!!"