webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
110 Chs

CHAPTER 18 - MR. SMITH TO THE RESCUE!

CHAPTER 18 - MR. SMITH TO THE RESCUE!

-----------

PENELOPE THOMPSON POV

Sanay na talaga ako sa mga biruan namin ni Mr. Lee dahil napaka alaskador na talaga nya nuon pa man.

Medyo concern lang talaga ako kay Mr. Smith dahil nanginginig nga sya bago pa lang sumakay sa resort car. Mukha namang pogi tong si Mr. Smith kahit na balot na balot ang mukha niya yun nga lang ang pinag tataka ko na lagi siyang tinutukso ni Mr. Lee na kesyo allergic sa babae, hindi sanay mahawakan.

Hmm. Eh bat ko nga ba yun pinoproblema basta gagalingan ko nalang sa pag totour guide.

Nagsimula na kaming umakyat kasabay ko si Mr. Smith.

"Watch your step po sir ahh, at matarik po paakyat." pag papaalala ni Penelope kay Mr. Smith.

"Yup, salamat." nakangiting sinabi ni Ethan.

ETHAN SMITH POV

Eto na paakyat na kami at di pa din naalis ang mga mata ko sa kanya. Grabe sobrang namiss ko siya kada napapatingin siya sa akin inaalis ko ang tingin ko sa kanya para di nya ako mahalata.

At hayy sobrang bait niya pa din talaga. Grabe nya ako kung alalayan at lagi nya akong nireremind sa steps.

Hanggang sa..

"Aray!" wika ni Penelope na nakaapak ng bato habang umaakyat na nagresulta ng minor sprain.

Napahawak si Penelope sa may ankle nya pero nung lalapitan ko na sinenyasan niya ako na okay lang daw siya.

"No worries, natapilok lang. Kaya ko naman mag lakad. Tara akya na tayo ulit." wika ni Penelope kausap si Ethan na nag aalala sa dalaga.

"Sure ka Ms. Thompson?" tanong ni Ethan na sinisigurado na ayos lang ang dating kaibigan.

"Yes po, Mr. Smith. No worries. I am totally fine. Wag nyo na po akong alalahanin tuloy lang po tayo sa pag akyat." wika ni Penelope kay Ethan na patuloy ang pagtanong sa kalagayan nya.

Di ko maiwasang mag alala dahil kahit na sinasabi nyang ayos lang siya eh hindi naman maitago ng mga mukha nya ang totoo niyang nararamdaman.

----------

PENELOPE THOMPSON POV

Actually, medyo makirot pa yung ankle ko pero tinitiis ko dahil ayaw ko nang mag alala pa si Mr. Smith.

Kami lang kasing dalawang magkasama, yung beshie ko at si Mr. Lee mukhang nasa 150 steps pa lang.

Samantalang kami nasa....

295…296…297…298…299...

"300! Finally. At sir. welcome sa Eve's Garden." wika ni Penelope habang hinihingal kausap si Mr. Smith.

"Ms. Thompson ohh." wika ni Ethan habang inaabot ang tubig kay Penelope.

"Thanks, Mr. Smith" nakangiting sinabi ni Penelope.

---------

ETHAN SMITH POV

Buti nalang may tubig dito na binebenta sa taas at malamig pa.

Napaisip ako bigla at nanghiram ako ng gunting sa ale na nag bebenta ng malamig na tubig.

Ginupit ko yung tela ng sleeve ng polo ko sa kaliwa. At binili ang yelong nandun sa loob ng cooler.

Buti nalang crushed ice ang yelo sa cooler ng ale kaya madali kong naibalot sa tela na ginupit ko.

Buti nalang at naka upo si Penelope. Kaya nilapitan ko siya at idinampi ang telang may yelo sa may ankle nya.

Kita ko ang gulat sa mukha nya nung ginawa ko yun. Akmang gusto nya akong pigilan sa ginagawa ko. Dahil hawak ko ang paa nya.

"No, It's okay Ms. Thompson. Kailangan mo ito para hindi na mamaga pa yung na sprain mong ankle." wika ni Ethan habang dinadampi ang telang may yelo sa na injured na ankle ni Penelope.

---------

PENELOPE THOMPSON POV

Nagulat ako nang lumapit sa akin si Mr. Smith at biglang kinuha ang paa ko at dinampian ng telang may yelo ang na injured kong ankle sa pag akyat kanina.

Habang tinitignan ko ang ginagawa nya sa paa ko napansin ko yung sleeve ng polo nya.

OMG! Nakakahiya naman.

Talagang ginupit nya pa yun para lang mabawasan ang sakit ng injury ko? Grabe may ganito pala syang side. Mukha pa namang mamahalin yung suot nya.

At bigla namang dumating ang mga kantsawero.

"Ohh what happened Ms. Thompson?" nag aalalang tanong ni Lucas.

"Natapilok sya bro, naapakan nya yung bato at nadulas. Napabaluktot ang paa nya kaya nagresulta ito sa sprain."sagot ni Ethan habang nagdadampi ng telang may yelo sa paa ni Penelope.

"Buti nalang andyan si Mr. Smith to the rescue. At hala bakit nagkaganyan ang manggas ng polo mo Mr. Smith?" tanong ni Mica na gulat na gulat dahil kitang kita ang ginupit na manggas sa polo.

"Oo nga no, ayy parang alam ko na Mics kung bat nagkaganyan." nakangiting sinabi ni Lucas kay Mica at bigla nalang itong may binulong dito.

"Ayieeeeeh! Grabe naman kinkilig naman ako! " wika ng napahiyaw sa kilig na si Mica.

"Hoy napapano ka nanaman dyan beshie? Halika nga ikaw nga ang gumawa nito. Alam mo malapit ko nang kurutin yan singit mo talaga." sambit ng nabibwisit na si Penelope sa beshie nyang si Mica.

"At ikaw naman Mr. Lee ikaw na mag explain nitong lugar kay Mr. Smith. Eve's Garden ho ito hindi Tsismisan Garden."dagdag pa nito.

------

LUCAS LEE POV

"Ayy grabe ang sungit na ni Madam. Hahahah eto na po magtatrabaho na." pabirong hirit ni Lucas.

Lumapit na sa akin si Ethan dahil pinalitan na siya ni Mics sa pag dadampi ng telang may yelo sa injured na paa ni Ms. Thompson. Nagkamayan kami ni Ethan nang siya ay makalapit.

"Iba ka talaga bro, napahanga mo nanaman ako. Biro mo ginawa mo lang pang dampi yang mamahalin mong polo. Di ka nag dalawang isip na gupitin yang manggas mo.

Haha." nakangiting sinabi ni Lucas na manghang mangha sa ginawa ng kaibigan.

"Syempre bro, hindi pwedeng mainjured ang tour guide ko."

Kaya dapat agapan natin haha." masayang tugon ni Ethan.

"HOY MR. LEE INUULIT KO HINDI ITO TSISMISAN GARDEN, EVE'S GARDEN HO ITO!" sigaw ni Penelope

dahil nakita nya na nag uusap lamang sa tabi ang magkaibigan.

"OPO MADAM, ETO NA PO!" sigaw din na tugon ni Lucas.

"Haha. Anyway bro yung mga nasasaksihan mo sa amin between Ms. Thompson is just a part of lambingan namin as mag business partner. Matagal na kasi kaming magkakilala na yan kaya ganun na lang kami kung magbiruan.

Haha."pag explain ni Lucas sa kaibigan.

"Oh I see, tsaka kilala naman kita bro. Alam ko kung pano ka magbiro at mag seryoso kaya nga natutuwa ako sa inyong dalawa. Para lang kayong magkapatid na nagbabangayan." tugong ni Ethan.

"Exactly bro. Pero maiba ako. I'll explain to you muna about this place.

Etong Eve's Garden bro is a place kung saan madaming nakatanim na gulay at prutas.....

Wow, I really love this place especially na healthy living ako. Sabi sakin ni Lucas na feel free to pick up anything I want and naisip ko agad yung mixed fruit juice na tiyak magugustuhan ni Penelope!