webnovel

The one you love

Isang simpleng dalaga na girlfriend ng isang mayamang lalaki ang mapapalapit sa isang pangkaraniwang binata. Sa huli sino kaya ang mananaig sa dalawa. Sabi nga sa isang kanta. Are you gonna stay with the one who loves you or are you going back to the one you love?

rhedd · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
15 Chs

Chapter 14

Alas sais ng gabi ng tumunog ang cellphone ni Daisy.

" Hello Fatima bakit napatawag ka?"

" Ate hindi na makakarating si Kuya Francis dyan."

" Bakit Fatima nag back-out na ba?"

" Hindi ate napanood ko sa balita ngayon lang, nabangga ang kotseng dina drive nya."

Dahil sa aksidente lumabas sa TV ang nangyari kay Francis. Nagmamaneho daw ito sa Batangas at masyado daw mabilis ang takbo nito, nagkataong nakainom pa, kaya ng umiwas ito sa kasalubong na truck ay nabangga ang kotse nito sa poste. Labis ang pag-aalala ni Daisy at Matt sa nangyari sa binata kaya agad silang pumunta sa hospital na pinagdalhan dito pero dahil hindi naman sila kaano ano ay hindi sila pinahintulutan na maka lapit sa binata. Makalipas ang ilang linggo ay nabigyan na sila ng pagkakataon na makalapit sa binata, dinalaw nila ito sa bahay nito. Naabutan nila ito sa garden na naka upo sa wheelchair habang itinutulak ng katulong, hindi mapigilan ni Daisy na maiyak ng makita ang dating nobyo sa sitwasyon nito ngayon.

" Oh bakit ka umiiyak?" tanong ni Francis kay Daisy.

" Nahihiya ako sayo, dahil sakin nangyari sayo to." Wika ni Daisy.

" Ano ka ba ako nga dapat ang mahiya sa itsura ko ngayon, kasalanan ko din naman to."

" Francis sorry talaga." Paghingi ng paumanhin ni Daisy habang umiiyak.

" Okay lang narealize ko na nagkamali din ako."

" Kumusta ang paa mo?" tanong ni Daisy naka benda ang kanang binti ni Francis.

" Nabali ang binti ko mabuti pa siguro namatay nalang ako." Sagot ni Francis.

" Francis wag ka nga magsalita ng ganyan." Suway ni Daisy sa dating kasintahan.

" Daisy for sure kapag nakita ako ng mga empleyado ko pagtatawanan nila ako, masyado ko silang inargabyado noon." Malungkot na pahayag ni Francis.

" Hindi naman, ginawa mo lang ang trabaho mo bilang Boss namin." Wika ni Daisy.

" Daisy patawarin mo ko." sabi ni Francis at umiyak din ito, niyakap ito ni Daisy. Andun lang si Matt at tahimik na nakikinig sa kanila.

" Natatakot ako Daisy paano kung hindi na ako makalakad." Wika pa ni Francis.

" Francis naalala mo ba dati nung namatay si Papa, hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko. Pinatawag mo ako nun sa opisina mo at pinagalitan moko. You can conquer any fear if you will only make your mind to do so, ayun yung isa sa mga sinabi mo na tumatak sakin. Gusto ko sanang gawin mo din yun ngayon. Hindi ba galit ka sa mga taong mahihina ang loob dahil malakas ka, yun ang meron ka na wala ang iba, kaya patunayan mong malakas ka." Pang eencourage ni Daisy kay Francis.

" Daisy balak ko sa Amerika ako magpagaling tutal andon naman parents ko, gusto mo bang sumama? Ipapaasikaso ko agad ang papers mo." Wika ni Francis. Naiinis na si Matt kay Francis, inisip nalang nya na may kapansanan ito kaya inintindi nalang nya.

" Hindi pwede Francis hindi ako nababagay sayo. Masyado kang mataas nalulula ako pag kasama kita ipagdadasal ko nalang na makahanap ka ng babaeng babagay sayo." Wika ni Daisy natuwa naman si Matt sa narinig nya.

" Naintindihan ko." malungkot na wika ni Francis, for the first time natuto syang magparaya.

" So this is goodbye." Wika pa ni Francis.

" Eh di wala ng manlalait sakin, wala na ding Francis na magagalit pag palpak ako. Mamimiss kita." Nakangiting wika ni Daisy napangiti na din si Francis naalala nya kasi yung mga pang aaway nya at pang lalait nya kay Daisy noon.

" Matt ingatan mo si Daisy ha? Minahal ko tong iyakin na babae na to." Pang-aasar din ni Francis at nagtawanan sila.

" Oo Francis akong bahala sa babae na to hindi ko papaiyakin to." Nakangiting sagot ni Matt.

" How sweet naman." Asar ng bagong dating na babae.

" Janna napadalaw ka." Wika ni Francis. " Matt and Daisy meet Janna." Pagpapakilala ni Francis sa tatlo.

" Hello." Wika ni Janna at kinawayan ang dalawa. " Wag kayo mag-alala dito kay Francis I'll take care of him." Wika ni Janna at nginitian ang dalwa. Tinulak nito papasok ng bahay ang wheelchair ni Francis.

" Janna dahan dahan naman!" sigaw ni Francis sa babaeng nagmamadali ipasok sya sa bahay.

" Sweetheart wag mo nga ako sinisigawan, sisipain ko yang paa mo eh." Mataray na sagot ni Janna. Nagtawanan lang ang naiwan na si Matt at Daisy.

" Mukhang nakakuha ng katapat si Francis." Wika ni Matt kay Daisy at umalis na sila.

To be continued...