webnovel

THE ONE I USED TO LOVE PHR

Second Chances are given to deserving people. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat bigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga taong nakagawa ng kamalian sa atin. Lalong lalo na kung ang taong iyon ang sumira sa sa buhay mo. Basahin ang kwento nina Ruthie and Lay Raven. Patutunayan nila na ang pag-ibig ay kusang dumarating. Na ang pag-ibig ay may nakatakdang "timing." Will fate give them another chance to love? ALL RIGHTS RESERVED TO PRECIOUS PAGES CORP

EX_DE_CALIBRE · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
19 Chs

CHAPTER FOUR

"MA'AM, may bisita ho kayo."

Kunot noong napabaling siya sa private phone niya. Si Lou iyong nagsalita, secretary niya. Wala siyang inaasahang bisita. Kapag dumadalaw naman ang parents niya ay nagpapasabi ang mga ito. Isa pa, it was nearly lunch time. Sino ang dadalaw sa kanya ng ganong oras?

"Sino?" nagtatakang tanong niya.

"A-asawa ninyo raw ho."

Napasinghap siya. Ano ang ginagawa ni Lay Raven sa opisina niya? Kinakabahang inayos niya ang pag-upo. "L-let him in." Hindi naman nagtagal ay tumambad na sa kanya ang tila naliligaw niyang asawa. "H-hey, what brought you here?"

Noong nakaraang araw ay naghalikan sila. Kahapon naman ay nagyakapan sila. Tapos ngayon ay bigla itong bumibisita sa opisina niya. Hindi na niya alam kung ano ang gusto nitong palabasin o kung ano ang balak nito pero kung anuman yun, hindi niya nagugustuhan ang ginagawa nitong paglapit sa kanya. She must not put her guard down.

"I'm pleased to see you too."

Umalis ito sa pagkakasandal mula sa pintuan at nagsimulang maglakad palapit sa kanya. Mula sa likuran nito ay nakita niya ang hindi makapaniwalang tingin ni Lou. Alam sa buong opisina niya na matagal na silang hiwalay nito. Kaya tiyak niyang magtataka ang lahat dahil sa pagdalaw nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang papalapit na ito sa kanya.

"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" ulit niya.

"Hindi mo man lang ba ako pauupuin?"

"Ngayon ka lang pumunta sa opisina ko," kunwa'y wika niya. "Kaya alam kong importante ang dahilan kung bakit ka nagpunta rito. Just get straight to the point, will you?"

Napasulyap ito sa suot nitong relo. "I haven't eaten anything yet. Would you mind if I ask you to have lunch with me?" kaswal nitong tanong.

Nagdududang napatitig siya rito. "I can't. Madami pa akong trabahong kailangang gawin."

"May pag-uusapan tayo tungkol kay Crystal. I want you to clear your afternoon schedule and come with me," maartoridad na turan nito.

Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Hindi ako basta basta nagka-cancel ng schedule ko."

"Kahit na tungkol kay Crystal ang pag-uusapan natin?"

"You really won't give up, would you? Fine. Just give me a minute. Mag-aayos lang ako."

Ano'ng ginagawa niya sa sarili niya? Bakit niya ito hinahayaang muling makalapit sa kanya? She must really be crazy dahil imbes na matakot ay tila na-eexcite pa siyang makasama ulit ito. Ngayon lang, habang hindi pa kami tuluyang naghihiwalay, piping kumbinsi ng isip niya. Tumayo na siya at mabilis na inayos ang mga files sa ibabaw ng table niya.

NAPATIKOM ang bibig niya nang ipaghila siya ni Lay Raven ng upuan. Kanina ay ipinagbukas rin siya nito ng pinto ng kotse. Lagi rin siya nitong inaalalayan sa siko kahit pa makailang beses na niya itong inangilan at sinabihang huwag na siyang hahawakan. She warily sat on the chair. Pinukol niya ito ng isang naiiritang tingin, to which he ignored again. Mabilis itong umupo sa kaharap niyang upuan. Kunwa'y itinaas nito ang isa nitong kamay.

"What do you want to eat?" tanong nito matapos abutin ang menu na ibinigay ng waiter.

"I want to eat something light."

"Give her the most delicious meal you have here. I'll have steak."

Magalang na nagpaalam ang waiter matapos nitong makuha ang order nila. She crossed her arms in front of her chest and stared squarely at him. Her eyes narrowed.

"Why are you being like this?" hindi niya napigilang itanong.

He was giving her the creeps. Habang lumilipas ang oras na kasama niya ito ay mas lalo siyang nalilito sa ipinapakita nitong kabaitan sa kanya. Ano ba'ng intensiyon nito?

"Mali bang tratuhin ko ng maayos ang ina ng anak ko?"

"Para sa'kin oo lalo na kung alam kong sampung taon na tayong hiwalay."

Mataman siya nitong tinitigan. Even how he stared at her made her heart flutter. Siguro ay kailangan na niyang ibalik sa dati ang relasyon nila. Hindi niya ito dapat hinahayaang tratuhin siya ng ganon. Hindi niya ito dapat hinahayaang maging mabait sa kanya. She must make him feel that nothing has changed. Hiwalay na sila. Dapat niyang ipaalala iyon rito. He was cold before, right? Dapat niyang ipaalala na malamig pa rin dapat ang trato nito sa kanya. That way, everything would be back to normal. She has to protect herself from him. But then, he smiled at her.

She crossly sighed. How could her knees tremble with just one smile from him? It's frustrating! Dahil ayaw niyang humaba pa ang diskusyon nila ay nagpatianod na lamang siya. Mas mabilis siyang matapos kumain, mas mabilis siyang makakauwi. Hindi naman naglaon ay dumating na ang inorder nila. Pagkalapag ng pagkain ay agad niyang sinimulang kainin iyon. All her worries and pent up anxiety went directly into her fork and into her mouth.

"Relax, bakit ang bilis mong kumain? Baka mabulunan ka," puna nito.

"I want to finish this meal. Para mapag-usapan na natin si Crystal," aniyang ni hindi man lang nag-abalang tumingin sa gawi nito.

"Yeah, eat well."

Noon siya napaangat ng tingin at sinalubong ang matiim nitong tingin. He wasn't eating. Abala ito sa panonood sa kanya habang nilalantakan niya iyong vegetable salad. Hindi niya naiwasang pamulahan ng mukha. Inayos niya ang pag-upo at napatigil sa pagkain.

"B-bilisan mong kumain para makapag-usap na tayo agad."

"You've never changed. Magana ka pa ring kumain. And you still don't care about your poise whenever you eat," ngiti nito. "Take your time. Kumain ka lang."

"I didn't come here to eat with you. Sumama ako rito para—"

"Para kumain. This is a restaurant, Ruth. Hindi ito isang conference room para magconduct ka ng isang meeting," amused na agap nito sa pagsagot niya.

"Alam mong sumama lang ako dahil kay Crystal," angil niya. "Pero kung nagpunta lang pala tayo rito para kumain ay aalis na lang ako."

"You wouldn't do that. Unang una, alam ko kung gaano kaimportante para sa'yo ang pagkain. The floor may crack open but you'd never leave your food unfinished. You always value your food. Pangalawa, importante ang pag-uusapan natin tungkol kay Crystal."

Napatitig siya sa pagkain. Nawalan tuloy siya ng gana. She felt like she was seeing red. Parang gusto niyang kumuha ng tirador at ibala ang kanyang vegetable salad sapul sa mukha nito. Oh God, please forgive her. Magkakasala lang siya kapag kasama niya ito.

"Just eat. Then we'll talk."

"K-kumain ka na din. Baka mamaya paghintayin mo pa ako dahil hindi ka pa tapos," ingos niya. Muli niyang sinimulan ang pagkain kahit na naiilang siya dahil sa pagtitig nito. She felt like crying. How dare he make her remember those things? She bit her lower lip. He used to do that. Lagi ay pinapauna siya nitong kumain dahil gustong gusto raw nitong pinapanood siya habang kumakain. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang tinidor.

"Fine, I'll eat," mayamaya'y wika nito.

Nakahinga siya ng maluwag. "Bilisan mo para matapos tayo agad."

Muli siyang napatigil sa pagkain nang mapansin ang mabagal na pagkilos nito. It would take him more than a minute just to cut the steak and another bloody minute to chew his food! Aba't! Inaasar talaga siya nito. He was grinning while he ate his food.

"Ang sabi ko, bilisan mong kumain! Are we shooting a commercial here?"

"Ninanamnam ko lang ang pagkain. Isa pa, kapag ba nabulunan ako, handa kang i-mouth to mouth recucitation ako para magkaroon ako ng hangin?"

Kulang na lang ay tusukin niya ng tinidor ang mga mata nito sa sobrang inis. "Bakit, kailangan kong higupin iyong naibarang steak sa lalamunan mo?" sarkastiko niyang asik.

Natawa ito. "Kung sakali bang kailangan, gagawin mo?"

"Ano ako, bale? Hahayaan kitang mangisay mag-isa diyan!"

Hindi na ulit ito sumagot pero naiinis pa rin siya dahil sa nakakalokong ngising nakapaskil sa mukha nito. Dahil sa sobrang inis ay halos lunukin niya ng buo ang pinggan sa harap niya.

"I told you to slow down, didn't I? Tignan mo tuloy iyan, ang kalat na."

Nagtatakang napatigil siya sa pagsubo at napabaling rito. Gone was his teasing smile. Mataman itong nakatitig sa kanya. Bawat pagdantay ng nagbabagang mga mata nito sa namumula niyang mukha ay tila pumapaso sa balat niya. His stare was so intense that she found it hard to breathe and stay calm. Parang may malaking tubong bumabayo sa dibdib niya habang nakikipagtitigan siya rito. Tahimik niyang hinintay ang susunod nitong gagawin.

Ibinaba nito ang hawak na fork at knife. Mayamaya'y dumukwang ito palapit sa kanya. Dahil hindi niya inasahan ang ginawa nito ay hindi na siya nakailag nang bigla nitong punasan ang gilid ng labi niya. Napalundag ang puso niya. Napalunok siya nang maramdaman ang paghaplos ng hinlalaki nito sa kanyang mga labi. Her lips automatically trembled.

Parang may mahikang biglang umihip at dinala siya sa isang panahong kay tagal rin niyang pinilit kalimutan ilang taon na ang nakakalipas. Her body never forgot how to react whenever he touched her. Lalong hindi nakalimot sa pagtibok ng eratiko ang puso niya sa tuwing napapalit ito ng ganoon sa kanya. Her body never failed to tremble whenever he was near.

Hindi niya alam kung gaano na katagal silang nasa ganoong posisyon—ito habang hawak pa rin ang mga labi niya at siya naman habang tulalang nakatitig rito. When his thumb moved and caressed her slightly parted lips, her stomach squeezed and her breathing became heavy.

"May mayo ka sa labi," namamaos na bulong nito.

Mariin siyang napapikit. His husky voice only made matters worse. Lalo lamang niyong pinabilis ang pagtibok ng puso niya. Lalo lang lumalim ang paghugot niya ng kanyang hininga at lalo lamang nanginig ang katawan niya. God, he could still control her.

Pero hindi na niya ito dapat hinahayaang kontrolin siya. If she would let him do that, everything that she's put around her heart would crush and God knew what would happen to her. She hastily opened her eyes and pushed his hand away from her face.

"Y-You should've just told me!"

Mabilis siyang napaiwas ng tingin. Inayos niya ang pag-upo at natatarantang kinuha ang isang basong tubig na nasa harap niya. Sa nanginginig na kamay ay ininom niya iyon. He cocked his head and gave off a triumphant smile. Kinuha nito ang sariling baso at sumimsim ng wine roon.

"I'm going home," she said through gritted teeth.

"We haven't talked yet."

"I'm really going," aniya bago tumayo.

"Crystal's teacher called me a while ago."

Napatigil siya sa pag-alis at kunot noong binalingan ito. "W-why did she call you?"

"It seemed like Crystal told her to."

Muli siyang umupo. "Ano ang sinabi niya sa'yo?"

"You wouldn't believe it. May ginawang gulo si Crystal sa school. She was put into detention for three hours. Kaya tumawag sa akin ang teacher niya ay dahil gusto niya akong kausapin." She gasped. "You know what? Sa tingin ko ay may gustong palabasin ang anak natin."

"W-what do you mean?"

"I don't know. Bakit hindi natin kausapin si Crystal?"

"Sasama ako sa'yo sa school."

"That's why I asked you to cancel everything. Let's go?" Tumayo ito. Pagkunwa'y yumuko. "After you," he gestured.

She rolled her eyes but smiled. For every minute she spent with him made her crazier. At hindi niya nagugustuhan ang kakaiba niyang nararamdaman sa tuwing nginingitian siya nito.

HABANG patungo sila ni Lay Raven sa principal's office ay hindi niya mapigilang kabahan. Ano kayang kabulastugan ang nagawa ni Crystal? They were about to talk to Crystal's teacher not her principal! Pagkapasok na pagkapasok nila sa principal's office ay tumambad sa kanila ang isang isang may katandaan nang babae. Sa tapat nito ay nakaupo si Crystal.

"Please come in," bati ng principal nang masulyapan sila nito sa may pintuan.

"Thank you, Mrs. De Vera," bati niya sa principal. Kilala niya ito dahil sa paaralang iyon din sila nag-aral ni Lay Raven ng highscool.

"I'm glad you came too, Mr. Sy," baling nito sa asawa niya. "Please have a seat," muwestra nito. Naupo siya sa tabi ni Crystal. Tinabihan naman siya ni Lay Raven. Binalingan niya ang principal. "Ipinatawag ko kayo dahil sa ginawa ni Crystal," umpisa nito.

Nagkatinginan sila ni Lay Raven.

"Alam ko kung gaano kabait itong si Crystal. Maging ako ay nagulat sa mga ginawa niya. Una, hindi siya pumasok sa first subject niya. Kaya nga siya napunta sa detention room, lalo pa at binalak niyang mag-cut ng klase. Pangalawa, nag-vandal siya sa pader ng restroom. Pangatlo, naglagay siya ng ipis sa bag ng math teacher niya. At nitong huli nga ay sinira niya yung faucet sa restroom. I am shocked when I learned about this too," apologetic nitong paliwanag.

Magkapanabay silang napasinghap ni Lay Raven. She flushed. Nag-aakusang binalingan niya ang kanyang anak. She's going to talk to her daughter later. Naramdaman niya ang marahang paghawak ni Lay Raven sa balikat niya. Kahit paano'y nakalma niya ang kanyang sarili.

"I am really sorry about that, Mrs. De Vera," nahihiya niyang sabi.

"Ito ang kauna-unahang may ginawang hindi maganda ang anak ninyo. I would have spared her kung isang beses lang nangyari. Ang kaso ay nakagawa siya ng madaming kalokohan sa loob lamang ng isang araw. This disturbed me, kaya ipinatawag ko na kayo."

"We understand. And on behalf of my daughter, we apologize about it," wika ni Lay Raven.

"No, let Crystal apologize herself," mariin niyang wika.

Lahat sila ay napabaling sa dalagita. Crystal didn't even look apologetic! Kung anuman ang gusto nitong palabasin ay hindi niya alam. Una, nagpakalasing ito kagabi. Ni hindi na nga ito nakauwi ng maayos. Pangalawa, bigla naman itong nagwala sa eskwelahan nito. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa anak niya. Then it hit her. Napasulyap siya kay Lay Raven.

He too was looking at her. At sa tinging iyon ay agad niyang naunawaan ang nangyayari sa kanilang anak. Crystal was trying to prove a point. Ginagawa nito ang mga bagay na iyon dahil sa iisang rason—ang tungkol sa nakatakdang annulment nila ng daddy nito.

"I'm sorry," walang kabuhay buhay na wika ni Crystal kapagdaka.

Nahihiyang napabaling siya sa principal. Ilang minuto rin silang nag-usap tungkol sa mga ginawa ni Crystal. Hanggang sa sinabi ni Mrs. De Vera na kahit ayaw nitong gawin ay kailangan nitong bigyan ng isang araw na suspension ang anak nila para maturuan ito ng leksiyon.

"I'm really sorry, ma'am. Don't worry, we will talk to her."

"Please do, hija. Hindi ako sanay na ganito si Crystal. She is a very bright kid."

Tumayo na sila. Lumapit siya sa principal at nakipagkamay rito. "We will definitely talk to her. Aayusin namin ang lahat," paninigurado niya. "Can we go now?"

"Sure. You can go."

Nahihiyang ngiti lang ang naisagot niya sa principal. Magalang silang nagpaalam bago tuluyang lumabas ng office. She shot Crystal a dangerous look as soon as they got out of the office. "And you, young lady, we have so much talking to do!" she hissed.

"I'm excited," sarkastiko nitong sagot.

"This is too much, Crys."

Lay Raven's growl shut Crystal up. She sighed. Hindi niya inaasahan ang gulong ginawa ng kanyang anak. She felt Lay Raven's hand on her shoulders. Again, instead of shoving it away, she smiled and moved closer to him. It's going to be a tough day for her.