webnovel

THE ONE I USED TO LOVE PHR

Second Chances are given to deserving people. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat bigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga taong nakagawa ng kamalian sa atin. Lalong lalo na kung ang taong iyon ang sumira sa sa buhay mo. Basahin ang kwento nina Ruthie and Lay Raven. Patutunayan nila na ang pag-ibig ay kusang dumarating. Na ang pag-ibig ay may nakatakdang "timing." Will fate give them another chance to love? ALL RIGHTS RESERVED TO PRECIOUS PAGES CORP

EX_DE_CALIBRE · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
19 Chs

CHAPTER 11

Napapikit siya matapos alalahanin ang huling pag-uusap nila labindalawang taon na ang nakakalipas. Sa tuwing naaalala niya iyon ay napapangiti pa rin siya—hindi na nga lang kasintamis ng dati. It was how he's proposed to her. He gave up everything for her. Akala niya ay sa mga nobela lamang nangyayari iyon. She sighed. Pero kulang ang mga nobelang iyon. Bitin ang ending.

Pagkatapos magpropose ng bidang lalaki, pagkatapos nitong isakripisyo ang lahat ay nagwakas na ang kwento. Paano kung dalawang taon na ang nakakalipas? Masaya pa ba kaya ang mga bidang iyon? Natupad naman kaya ng bidang lalaki ang pangako niya sa bidang babae? Naging masaya ba ang mga ito sa kabila ng mga pagsasakripisyong ginawa ng mga ito?

She doubted it. Charge it from experience, ika nga niya. Nagbabago ang mga tao sa paglipas ng panahon. Nagbabago ang mga tao sa tuwing nahaharap sila sa mga problema. Lumipad ang tingin niya kay Lay Raven na noo'y kasalukuyang nagbabasa ng mga papeles. Simula noong nanirahan sila sa bahay nito ay nag-uuwi na sila ng mga trabahong hindi nila natatapos sa opisina.

It's been a month since they stayed at his house. Madalas pa rin sila nitong magbangayan ngunit kahit paano'y nagagawa na nilang ngitian ang isa't isa. Katatapos lang nilang kumain. Pareho silang nasa living room at nagpapahinga. Manonood kasi sila ng t.v. mamaya pagkatapos maligo ni Crystal.

Kumuha siya ng throw pillow at niyakap iyon. Medyo pagod siya kaya pakiramdam niya ay inaantok na siya agad. Isang hikab ang kumawala sa kanya mayamaya. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang ibinaba nito ang binabasa nito at napatingin sa kanya.

"Inaantok ka na?"

Had he asked it one month ago, "wala kang pakialam" ang isasagot niya rito. Ngunit sa halip ay nilingon niya ito at sinagot ng maayos. "Medyo. Napagod kasi ako."

"Please stop over working yourself."

Napangiti siya. "Look who's talking. Ikaw nga, nag-uwi pa ng trabaho rito sa bahay."

"Nag-uwi ako kasi marunong akong magpahinga. I take breaks whenever I'm tired."

Humigpit ang yakap niya sa throw pillow. "Yeah right."

Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng malaking sofa. Nakakatawa. They used to cuddle in that same sofa, ten years ago. Kadalasan ay nakahiga ito habang ang ulo nito'y nakapatong sa kandungan niya. Magkukwentuhan sila magdamag habang nilalaro niya ang malambot nitong buhok. He would always kiss her hand and smile at her.

"Kamusta ka na?" mayamaya'y tanong nito.

"Bakit bigla bigla kang nagtatanong ng ganyan?"

"Ewan. Ngayon ko lang kasi naisip itanong."

"Bakit bigla kang naging interesado?

Nagkibit ito ng balikat. "Ewan. Gusto ko lang malaman kung kamusta ka na."

"Kung itatanong mo kung kamusta ako nitong mga nakaraang taon, okay naman ako."

"Mukha ngang okay ka."

"Ikaw din."

Muling naghari ang katahimikan sa pagitan nila. It was really awkward to act cool in front of him, kapag ganong bagay na ang pinag-uusapan nila. Simula noong naghiwalay sila ay hindi na nila napag-usapan ang nakaraan. Or maybe, ayaw lang talaga nilang pag-usapan. Nakahinga siya ng maluwag nang makita niya si Crystal na pumapanaog mula sa hagdan. Sinusulit na ng anak nila ang pagkakataong iyon para maranasan iyong mga bagay na hindi nito naranasan kasama sila.

"Mommy, pakibukas naman iyong t.v. oh! Kukunin ko lang iyong popcorn na binili ko kanina. Ilalagay ko sa mangkok na sobrang laki kasi marami iyon. Dad, patulong!"

"Mukhang masaya ka yata ngayon?"

"Medyo lang mommy. Wait, kukunin ko muna yung popcorn. Daddy! Dalian mo!"

Natatawang tumayo si Lay Raven upang sumunod rito. Tumayo na rin siya upang buksan iyong t.v. Ano na naman kaya ang binabalak ni Crystal at mukhang tuwang tuwa ito? Hindi naglaon ay bumalik na rin ang mag-ama dala ang isang napakalaking mangkok na may lamang popcorn. Bumalik siya sa sofa at umupo roon. Bago pa man makaupo si Lay Raven ay mabilis na itong napigilan ni Crystal, sa pagtataka nila. Umiling ito at napangisi.

"Dito ka sa tabi ni mommy."

Napangiwi siya. Another matchmaking act, she irately thought. Nagkibit balikat naman si Lay Raven bago sinunod ang gusto ni Crystal. Her body tensed when he sat beside her. Nitong mga nakaraang araw ay iniiwasan niya ito, hanggat maaari. Ayaw niyang maulit iyong mga pagkakataong hinayaan niya itong muling mapalapit sa kanya.

Ipinagpasalamat niya rin na hindi na nito inulit iyong panunukso sa kanya tungkol sa epekto nito sa kanya. Pero nagbago ito ng pakikitungo sa kanya. Lalo itong bumait. Lalong naging gentleman at biglang naging maalaga sa kanilang mag-ina. Maybe it was his way of asking for her forgiveness. Simula kasi noong humingi ito ng tawad sa kanya sa grocery store ay unti unti na itong nagiging mabait sa kanya. diyata't bumabawi ito sa kanya.

"Ayan, mas bagay ka diyan sa tabi ni mommy." Sumalampak ito sa carpet, malapit sa paanan nila. "Manood na tayo," anito na hindi man lang sila nilingon. Nakatalikod ito sa kanila.

She rolled her eyes. Nang mapalingon siya kay Lay Raven ay naiiling din ito. He was smiling. Napangiti rin tuloy siya. Minsan ay nakakatawa rin ang mga ginagawa ni Crystal. Itinutok niya ang paningin sa t.v. kung saan nagsisimula nang mag-play ang Fifty First Dates. It was one of the most romantic movies sh's ever watched.

"Daddy, pwede magtanong?"

"Nanonood tayo," saway niya kay Crystal.

"Sige na," pamimilit nito. "Hindi ko kayo bibigyan ng popcorn!" banta pa nito.

Narinig niya ang pagak na pagtawa ni Lay Raven sa tabi niya. Inirapan niya ito. Kahit na sa loob loob niya ay natatawa na rin siya. Pasimple siya nitong siniko na tila ba sinasabing, "pagbigyan na natin iyong bata." She mouthed an irritable "fine."

"Sure, ano iyon?" sagot ni Lay Raven.

"Paano mo niligawan si mommy noon?"

Nasamid siya sa kasusubo niyang popcorn. Namumula ang mukhang napabaling siya kay Lay Raven na noo'y natigilan at nabigla rin sa tanong ng anak nila. Noon niya naisip kung bakit bigla itong naupo sa paanan nila at nakatalikod pa. She silently groaned. Nakikinita na niya ang mala-Kris Aquino nitong pang-iintriga sa kanila. Kinakabahang binalingan niya si Lay Raven.

Ilang saglit lang nang tila makahuma rin ito. Mayamaya'y lumingon din ito sa kanya. His eyes held hers. Biglang bumilis ang tahip ng dibdib niya, lalo na noong ngumiti ito—ngiting kay tagal rin niyang hindi nakikita. Pakiramdam niya tuloy ay nagbalik siya sa panahong labindalawang taon din ang nakalilipas. She missed that boyish grin of his. His cuteness.

"Paano nga ba? Parang hindi ko matandaan. Hindi ko naman kasi niligawan ang mommy mo noon," nakangisi nitong sagot habang nakatitig pa rin sa mukha niya.

Her face flushed harder. "Ang kapal ng mukha mo ah! Bakit hindi mo sabihin sa anak natin kung paano ka naghabol sa kagandahan ko noon?"

"Hindi ba't ikaw ang naghahabol sa akin noon?"

"Asa! Ikaw kaya! Bakit, sino ba ang nagpapalipad ng eroplanong papel sa bintana para lang magpadala ng love letter? Ako ba?"

"Bakit, sino ang nagpapacute sa tuwing dumadaan ako sa hallway?"

"For your information, sa team mate mo ako nagpapacute noon!"

"Kanino, kay Sedrick? Pwede ba! Eh mas gwapo pa ako dun eh."

"Eh siya naman talaga ang type ko noon ah!"

"Ang sabihin mo, excuse mo lang na gusto mo si Sedrick pero ang totoo, sa akin ka naman talaga nagpapacute noon!"

"H-hindi ah!"

"Narinig ko kaya na sinabi mo kay Vina yun. Sabi mo, "nakaka-guilty, ipinagkakalat ko na si Sedrick ang type ko kahit na si Lay Raven naman," gagad nito.

Napipilan siya. She really did say that. At pinagsisihan niya iyon dahil narinig nito iyon mimso. Simula noon ay lagi na siya nitong tinutukso. Naitakip niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Narinig niya ang nakakalokong tawa nito.

"Ibig sabihin, hindi mo talaga niligawan si mommy noon?" hindi makapaniwalang tanong ni Crystal. Ipinagpasalamat niyang hindi siya nakikita ng kanyang anak dahil nakatalikod ito.

"Syempre niligawan ko. Iyong mga panunukso ko, kumbaga eh warm up ko lang noon."

Natigilan siya. She did not dare to look up and turn to him, baka kasi kung ano na namang kabulastugan ang ibuking nito sa anak nila eh. Nanatili siyang nakayuko habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin. She held her breath while she waited for him to continue.

"Paano nga?" pangungulit ni Crystal.