webnovel

THE ONE BOOK 1

KaedeRukawa450 · Khác
Không đủ số lượng người đọc
20 Chs

CHAPTER 2

"Nicole, muntikan nalang nakarating ka ng buhay dito." Birong sabi ni Nancy.

"Syempre naman." Sabi ni Nicole.

"Paano mo pala nalaman ang daan papunta dito sa classroom?." Tanong ni Nancy.

"Nagtanong ako sa isang lalake." Sagot ni Nicole.

"Gwapo ba?." Tanong ni Nancy.

"Medyo." Sagot ni Nicole.

"Gwapo? Ang swerte mo naman paano ka nagtanong?." Tanong ni Nancy.

"Gwapo lang siya yun lang ang maisasagot ko sayo." Sabi ni Nicole.

"Dali na." Sabi ni Nancy na pinipilit si Nicole, na sabihin.

"Bakit ba gusto mong malaman?." Tanong ni Nicole.

"Hindi ba sabi mo gwapo siya? At malay mo naman siya na ang the one." Ngiting sabi ni Nancy.

"Anong kala mo sakin porket gwapo magugustuhan kona." Sabi ni Nicole.

"Hindi ba ganon ang gusto mo sa isang lalake?." Tanong ni Nancy.

"Hinde. Ang the one para sakin ay yung perfect." Sabi ni Nicole.

"Perfect? Ano ba ang perfect para sayo sa isang lalake?." Tanong ni Nancy.

"Ang dami mo namang tanong." Sabi ni Nicole.

Dumating na ang teacher kaya tumigil na sa kakatanong si Nancy, kay Nicole, ng kung ano ang the one para sa kanya.

[SHOYO BASKETBALL GYM]

"Bakit kaya hanggang ngayon wala pa si Fujima?." Tanong ni Hanagata.

"Hindi kaya may nagyari kay captain kaya hanggang ngayon wala pa siya." Sabi naman ni Hasegawa.

"Ako ba ang pinag-uusapan nyo?." Tanong ni Fujima, na dumating na sa gym.

Nagsimula ng mag practice ang mga player ng SHOYO naghahanda sila para sa papalapit na practice game nila sa mga player ng SHOHOKU na tinalo sila sa elimination.

KINABUKASAN...

Tren Station...

Sa pangalawang pagkakataon ay nagkita ulit sina Nicole Sato, at Kenji Fujima, ngunit hindi nila alam ang pangalan ng isa't-isa.

"Bakit kaya ang daming tao ngayon sa loob ng tren?." Tanong ni Nicole, at sumagot si Fujima.

"Talagang maraming tao ang sumasakay ng ganitong oras." Sagot ni Fujima, napalingon naman si Nicole, kay Fujima, at nakilala naman niya ito kaagad ngunit hindi niya alam ang pangalan ni Fujima.

Biglang tumigil ang tren na sinasakyan nila kaya napalapit ang mukha ni Nicole, kay Fujima.

"Pasenya na." Nakayukong sabi ni Nicole, kay Fujima, ng nakalayo na ito ng konte sa mukha ni Fujima.

"Bakit ka naman humihingi ng pasenya diyan eh wala ka namang ginawa." Sabi ni Fujima, at ngumiti si Nicole, na pinagtaka ni Fujima.

"Bakit ganyan ka makangite?" Tanong ni Fujima.

"Ngayon ko nalang kaseng ulit narinig ang salitang wala ka namang ginagawa at bakit ka humihingi ng pasenya." Sabi ni Nicole.

"Mas maganda ka pala sa hinahakala ko." Mainang sabi ni Fujima.

"Ha?." Ngiting tanong ni Nicole.

"Wala." Sabi ni Fujima.

Dahil hindi pa nila alam ang pangalan ng isa't-isa ay una ng nagpakilala si Fujima.

"Kenji Fujima." Pagpapakilala ni Fujima at hinilahad ang kanyang kabilang kamay.

"Nicole Sato." Pagpapakilala naman ni Nicole, at naki pag kamay.

Sabay na bumaba sina Nicole, at Fujima, sa tren.

"Sino ba ang babaeng yang makapag-usap naman kay Fujima, kala mo naman sila." Bulong ng isang babae abang masama ang tingin kay Nicole.