webnovel

THE ONE BOOK 1

KaedeRukawa450 · Khác
Không đủ số lượng người đọc
20 Chs

CHAPTER 17

NICOLE SATO Point Of View..

Nandito ako ngayon sa library... Abang nagbabasa ako ay bigla na lamang akong sinabunutan ng isang babae siya yung babaeng sinabi na fiance nya si Fujima.

"Nakakaiya kang babae ka.." Sabi nya sakin abang awak-awak ang buhok ko.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw nga ang nakakaiya eh." Sabi ko at sinabunutan ko narin siya.

"Bitawan mo nga siya pwede.." Sabi ni Hiroto, na dumating sa library.

"Sino ka namang lalake ka? Pwede ba bitawan mo ko nasasaktan ako." Malakas na sabi ng babae.

"Ops.. Pasensya na nakalimutan kong isa ka nga palang babae isa pang sabunot sa kaibigan ko hindi ako nagbibiro ako mismo ang sasabunot sayo kahit babae kapa wala akong pake-alam sa iba." Sabi ni Hiroto, first time kong makitang magalit si Hiroto.

"Bwisit." Inis na sabi ng babae at bago ito umalis nagpakilala muna ito biglang fiance ni Fujima, at sinabi nya ang pangalan niya siya si Ashley.. Ang ganda nga ng pangalan ang pangit naman ng ugali.

Nilapitan ako ni Hiroto.

"Okay kalang ba?." Pag-aalalang sabi ni Hiroto, at niyakap nya ko ng mahigpit.

"Okay lang naman ako." Sabi ko at inalis na niya ang pagkayakap nya sakin.

"Pasensya na.." Sabi ni Hiroto. "Pwede ba tayong mag-usap ngayon may gusto sana akong sabihin sayo noon kopa sana ito sinabi torpe nga ko." Natatawa na lang na sabi ni Hiroto.

"May nililigawan kaba? Kwento ka dali.. Sino siya? Saan mo siya nakilala? At pano ka nagkagusto sa kanya?." Sunod-sunod kong tanong kay Hiroto, nakangiti ako abang tinatanong ko sa kanya ang mga yon.

"Gusto mong malaman kung sino?." Seryosong sabi ni Hiroto.

"Dali na sabihin mona kung sino... Binibitin mo naman ako eh." Sabi ko.

Hindi nako natuwa ng sinabi ni Hiroto, na ako ang tinutukoy nya.

"Ah?." Tanong ko na parang wala akong narinig.

"Ikaw.. Pwede bang maging tayo matagal konang pinag-iisipan na sabihin sayo." Sabi ni Hiroto.

"Nagbibiro kalang di ba?." Tanong ko.

"Yun ba ang tingin mo? Nagbibiro lang ako? Di ako nagbibiro seryoso ako Nicole, kaya pwede gustuhin morin sana ako hindi bilang isang kaibigan." Sabi ni Hiroto.

"Sorry." Na sabi ko nalang.

"Dahil ba doon kay Fujima, kaya hindi mo ko pwedeng mahalin? Hindi naman ako nagmamadali gusto kolang maramdaman na gusto murin ako.. Hindi ako nangengelan sa buhay ng may buhay hindi moba narinig yung sinabi nung Ashley, fiance nya si Fujima, kaya ibig sabihin malapit na silang ikasan." Sabi ni Hiroto.

"Hindi totoo yung sinabi ni Ashley, tungkol sa kanilang dalawa." Nakayuko kung sabi. "Mauuna nako." Pagpapahalam ko at iniwan ko siya.

Habang naglalakad ako papunta sa classroom ay nasalubong ko si Nancy, papunta siya sa basketball gym niyayaya nya ko ngunit ayaw ko.

"Ayaw mobang makita si Fujima?." Tanong ni Nancy.

"Wala na kong oras para pumunta pa sa basketball gym late nako." Sabi ko.

"Late? Kung late ka ode late din ako." Sabi ni Nancy, at inila nya ko papunta sa basketball gym.

Hindi ko alam kung bakit gustong pumunta ni Nancy, sa basketball gym.. Wala naman siyang boyfriend doon at hindi naman niya nakakasundo ang kapatid niya na si Hasegawa, sino nga ba ang nandoon na gustong makita ni Nancy, baka crush nya sino kaya iyon?..