webnovel

THE ONE BOOK 1

KaedeRukawa450 · Khác
Không đủ số lượng người đọc
20 Chs

CHAPTER 16

Nasa iskuwelahan ng SHOYO sina Hisashi Mitsui, Ryota Miyagi, Kicchou Fukada, Akira Sendoh, at Hanamichi Sakuragi, nakita nila na hinalikan ni Hiroto, sa pisngi si Nicole.

"Hindi ako makapaniwala si Hiroto, bayon?." Tanong ni Mitsui.

"Kilala moba ang lalakeng yon?... hinalikan pa naman niya si Nicole, sa pisngi hindi nya ba alam na may boyfriend na si Nicole, kung nakita siguro yon ni Fujima, siguradong magkakagulo." Sabi naman ni Ryota.

"Hindi pa naman sila." Sabi ni Fukuda. "Dahil akin si Nicole, bwisit ang lalakeng yon.. hinalikan nya ang my love's ko." Sabi pa ni Fukuda, na naiinis na.

"My love's? Sinong niloko mo?." Sabi ni Sakuragi, at nilapitan naman ni Mitsui, si Hiroto.

"Ba't mo ginawa yon di moba alam na may boyfriend na si Nicole?." Sabi ni Mitsui.

"Alam ko...

"Alam mo naman pala bakit mopa ginawa yon?..

"Di ko hakalahin na magtatanong sakin ang MVP noong Jr. High... Good bye kiss lang naman yon wala namang masama kung gawin ko yon sa kanya." Sabi ni Hiroto, na kinainis ni Mitsui.

"Anong sinabi mo? Good bye kiss? Kahit kailan wala pa kong nakita na good bye kiss!.." Sabi ni Mitsui, at hindi naman siya mahintindihan ni Hiroto, kaya umalis nalang ito.

"Kilala moba ang lalakeng iyon Mitsui? Ang yabang naman ng lalakeng yon." Sabi ni Sendoh.

"Sinabi mopa." Sabi ni Mitsui. "Di ko siya gusto Ewan koba kung bakit basta isa na doon ang kaibigan nya si Nicole, at dahil wala syang ginawa noong Jr. High palagi ko nalang siya nakikita na kasama si Nicole, may nagtanong sa kanya kung kaibigan lang ba talaga ang turing nya alam nyo ba kung anong sagot nya? Ang sagot nya gustong-gusto nya si Nicole, kaso di niya masabe." Sabi ni Mitsui, na may along inis.

"Parang alam ko kung sinong nagtanong ah." Napapahisip na sabi ni Sakuragi.

"Ako ren." Sabi naman nila Sendoh, Miyagi, at Fukuda.

"Basta ganon hindi ko siya gusto." Sabi ni Mitsui...

Naghintay sila sa SHOYO basketball gym para sabihin sa team ng SHOYO na birthday na ni Hanamichi Sakuragi, bukas.

Pagkalipas ng ilang oras dumating sa basketball gym sina Fujima, Hanagata, at Hasegawa, nagulat sila ng makita nila sina Mitsui.

"Invited kayo sa birthday party ko." Sabi ni Sakuragi.

"Invited? Anong handa?." Tanong ni Hasegawa.

"Secret hehehe." Sagot ni Sakuragi.

"May pa secret secret pang nalalaman ang mokong." Bulong ni Mitsui.

"Pakisabi nalang kay Nicole, na birthday party ko bukas... Hindi pa kase siya nakikita ng mga mata ko alam mona mahirap hanapit ang mga babaeng kakaiba." Sabi ni Sakuragi, na para bang may ibig sabihin.

"Birthday party? At sino ang tinutukoy mong mahirap hanapit ang mga babaeng kakaiba." Sabi ni Ashley, na dumating sa basketball gym.

"Kami bukas narin ang kasal naming dalawa." Nakangiting sabi pa ni Ashley, sabay awak sa kabilang kamay ni Fujima.

"Totoo bayon?." Tanong ni Mitsui.

"Hindi." Sabi ni Fujima, at inalis nya ang pagkaawak sa kanya ni Ashley.

Napaiya ng usto si Ashley, sa sinabi ni Fujima, kaya nagalit ito at umalis na lamang wala naman siya magawa dahil siya lang mag-isa.