webnovel

The Mystery of Deaths [Filipino]

"A combination of curses, killings, ghosts and secrets all covered in a single town" Mary Carmen Lim is an ambitious student who is willing to take risks just to achieve what she desires. But when she and her family moved to a new hometown, she began to experience strange feelings that some spirit is haunting the town. As she goes through, Mary was even told that she is cursed which will only be broken if she will do a very heavy job: to take seven significant lives It's up to herself how would she resolve this conflict she is experiencing and how would she cover herself up from this mess. Will she be able to find out the secrets and undo the curse? Or will she just be put in urban legends and gossips? Note: This book is written in Filipino language

trexxle · Kinh dị ma quái
Không đủ số lượng người đọc
22 Chs

Chapter 19: Alipin ng Hinala

Belle's Point of View

Nagising ako sa malakas na mga huni ng mga uwak na nasa labas ng kuwarto. Hindi lang ito ordinaryong kuwarto kundi isang kuwarto kung saan aayawin mong manatili.

Kasalukuyan akong nakahiga sa isang mabatong sahig. Tumayo ako at hinawakan ang mga bakal.

"Pakawalan niyo na po ako! Parang awa niyo na! Nasaan si Carmelle?!"

Sigaw ko habang namamaos ang aking boses.

Tila wala akong maaninag sa labas ng kulungan dahil napakadilim. Wala kang makikitang kahit anong ilaw sa labas nito.

Parang napakalaki ang aking nagawang kasalanan. Wala naman akong ginawang masama, bakit ako pa ang kailangan makaranas ng ganito?

Tumaas ang aking mga balahibo nang makarinig ako ng tunog ng mga susing nagkakalampagan sa isa't-isa. Ilang segundo pa ay nakakita ako ng anino ng isang lalaking may sumbrero.

"Ms. Belle Lorenzo, may gustong kumausap sa iyo"

Nagsalita ang lalaki at dinig ko ang isang matining na boses. Nang makalapit siya sa pinto ng kulungan ay napagtanto kong isa itong pulis. Ginamit niya ang susi para buksan ito.

Napagtanto ko ring nakaposas pala ang aking dalawang kamay sa likod ko. Mahirap kapag nanlaban ako nito.

"Heh, sinabi ko na wala akong alam kung nasaan ang anak ng aking kaibigan!"

Ngumisi ako sa kaniya habang dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kulungan. Agad akong natakot nang hinawakan niya ang aking braso nang mahigpit. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking tainga.

"Huwag ka nang magsalita pa. Sumunod ka na lang kung hindi, lahat tayo mapapahamak sa mga pinaggagawa mo"

Lumabas kami ng kulungan at dito namin nakita ang isa pang pulis na may hawak-hawak na yosi. Sa kaniyang mga galaw, mukhang lasing ito.

"Papapuntahin mo ba kay Toni? Ako na diyan"

Dinig ko ang kaniyang boses na mapapaisip ka na lang kung lasing ba ito o baliw lang.

Bigla akong hinawakan ng pulis na may hawak na yosi sa kaniyang isang kamay, at agad akong hinila para maglakad.

Naiwan ang isang pulis sa aming likuran na nakatayo lamang habang naglalakad kami nang mabilis. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at sino ang Toni na iyon.

Habang naglalakad kami, naririnig ko ang mga hilik at mga halinghing ng mga tao na nsa paligid namin. Mukhang mga nakakulong itong nga ito.

"Hindi ko alam kung bakit may mga tao pa ring kayang gumawa ng mga masasama"

Naririnig ko ang mga pinagsasabi ng pulis na naglalakad sa unahan ko. Ewan ko sa iyo, manong.

Lumabas kami ng gusaling halos walang ilaw papunta sa napakalamig na parke. Mukhang kaming dalawa lang ang naririto, dahilan para makaramdam ako ng kaunting takot.

Hindi ko ring maiwasang dumikit sa pulis habang patuloy kami sa paglalakad. Ilang minuto ang nakalipas at nakikita ko na kung saan kami patungo.

"Saan po ito?"

Nanginginig kong pagsagot. Hindi tumingin sa akin ang pulis at patuloy lang kami dumiretso sa isang malaking mansyon. Ngunit alam na alam ko kung saan at kaninong bahay ito. Walang iba kundi sa pamilyang Reponzo.

"Iyan na ba ang Mary Carmen Lim na tinutukoy nina Sir Toni?"

Wika ng security guard na nagbabantay sa labas ng gate ng mansyon. Nagulat na lamang ako nang tumawa nang malakas ang pulis na kasama ko. Teka lang, sino ba ang Toni na sinasabi nila?

"Pre, hindi eh. Malas nga at hindi ako mabibigyan ng reward nito"

Sagot ng pulis sa kaniya habang kinakamot ang kaniyang buhok.

"Ah ganoon ba? Eh sino naman iyan?"

Muling nagtanong ang security guard at sabay na itinuro ang aking sarili.

"Ang sabi nina Sir Toni, ito raw ang kasama ni Mary sa baha-"

"Good evening Mr. Erick. I'm going to my classmate's house to finish our thesis"

Nagulat kami nang biglang sumulpot si Angelia na may hawak na bag kasama ang yaya nito. Nang makita ko ang pagmumukha nitong babaeng ito, bigla na lang ako napangiti.

"Oh! What a surprise! I never thought you'd be here, Ate Belle"

Masaya akong binati ni Angelia at nakita ko sa kaniyang mukha na nagulat siya nang makita akong nakaposas.

"What happened to you, Ate Belle? Bakit siya nakaposas, sir?"

Nakabakas sa mukha ni Angelia ang gulat. Mabuti na lamang at matalik kong kaibigan itong si Angelia, siya lang ang makakatulong sa akin dito. Ngunit bigla na lamang ako hinila ng pulis palayo kina Angelia. Sa lakas ng paghila ay muntikan pa akong matumba sa daan.

"Bakit niyo ba ako pinipilit kahit wala naman akong nagawang masama?!"

Sigaw ko sa pulis na nanatiling tahimik habang naglalakad kami patungo sa pinto ng mansyon. Wala akong narinig na kahit anong salita sa kaniya, sa halip ay patuloy niya akong pinapapapunta sa loob ng mansyon.

Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kaunting kaba pagpasok sa loob. Nang makapasok kami, nakita ko ang napakalawak na space, ang nagkikislapang mga babasaging gamit katulad ng mga figurines, chandeliers at mga istastwa.

"Good evening, ano po ang kailangan nila?"

Nakita ko ang isa matandang maid dito na magalang na bumati sa amin.

"Si Sir Toni? Naririto na yung pinapahanap niya"

Seryosong sumagot ang pulis habang patuloy siya sa pagyoyosi. Agad na umkyat ang matanda sa ikalawang palapag para hanpin si Sir Toni.

Ano ba ang nagawang kaso ni Mary? Ano bang mayroon? Bakit napunta sa ganitong sitwasyon?

"Please come to the main living room at the back of the mansion"

Sumigaw sa itaas ang maid na nakausap kanina.

"Ano pang hinihintay mo? Punta na tayo doon at doon ka magpapaliwanag"

Wika ng pulis at nagpatuloy kami sa paglalakad. Dumiretso kami sa isang tahimik na hallway kung saan tanging mga kandila lamang ang nagsisilbing liwanag.

Mukhang napaka-elegante ng bahay ni Sir Toni, na palayaw ng mayor ng bayan ng Mastoniaz. Patuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa isang napakalawak na sala. Ang bawat gamit dito ay parang gamit ng reyna at hari.

Ang liwanag ay nanggagaling sa apoy sa pugon na nagsisilbi ring init sa loob ng sala.

"Belle Lorenzo"

Narinig ko ang boses na nagpatayo sa aking mga balahibo. Iba ang aming nararamdaman kapag tinatawag ng alkalde ang aming nga pangalan.

Tumayo si Mayor Jeffrey Anthony mula sa kaniyang upuan habang hawak ang isang pipe. Ngumisi siya sa akin habang lumalapit sa akin.

"Kilala mo si Mary Carmen Lim diba?"

Aniya habang naaamoy ko na ang usok na galing sa kaniyang sigarilyo.

"P-paano niyo po n-nalaman kung gayon?"

Paputol-putol kong pagsasalita. Agad niyang hinwakan ang aking balikat.

"That's none of your business. Ang sasabihin ko lang, iyang Mary na yan ay pinatay ang aking asawa. I want to ask, nasaan si Mary?"

Tugon niya. Paano makakapatay si Mary ng tao? At bakit siya papatay ng isang sikat na tao? Nakakainis itong alkalde na ito.

"Wala kang ebidensiya! Napakabait ni Mary sa kaniyang kapwa! At hindi ba maraming misteryo itong bayan natin? Bakit hindi mo iyon binibigyang-diin dahil baka na-"

"Patuloy naming pinag-iimbestigahan ang ating bayan pero habang tumatagal, alam kong may isa o higit pang tao ang pumapatay sa ating sibilyan, including my wife"

Agad niya akong pinatigil sa pagsigaw.

"Wala akong alam kung nasaan si Mary. Hindi ko na alam ang aking gagawin! Tapos makukulong pa ako! Anong klaseng buhay ito?!"

Napayuko ako habang pinag-iisipan ang mga pangyayaring mabilis na dumarating sa akin. Hindi ko namalayang umiiyak na ako.

"Ate Belle!"

Narinig ko bigla ang isang boses ng bata na nagpatigil sa akin sa pag-iyak. Tumingala ako at nakita si Carmelle na nakangiti sa akin habang siya'y akay ng isang maid.

"Oops, no touching our baby!"

Nagulat ako nang hinarang ako ng isang babaeng nasa edad na 40 pataas. Kasama niya ang dalawang kabataan.

"Sorry po"

Wika ng isang batang babae na may mahabang buhok.

"Pak pak, shupi ka nga sa kaniya girl!"

Biro ng isang baklang kasama ng babae.

"Ah, nakalimutan ko palang sabibin na Carmelle is Rhea's hanggang hindi naisasauli sa amin si Mary. Hindi naman namin siya ikukulong, instead, magpapaliwanag lamang siya haha!"

Ang tawa ni Jeffrey ay nakakabingi sa sobrang lakas. Pinapanood ko lang si Carmelle na nagsasaya habang akay siya ng maid at habang nilalaro siya ng dalawang kabataan.

Lumapit sa akin ang babaeng nakatali ang buhok nang nakangisi.

"Well, narinig mo iyon? Sa akin daw si Carmelle! I can't wait to raise her into a great woman"

Ang matining na boses ng babae na nagngangalang Rhea ay umaalingawngaw sa buong sala. Napaluhod na lamang ako sa sahig habang ang lahat ng tao sa aking paligid ay nagsasaya habang ako'y nababalot na ng hinagpis at takot.

Lumapit sa akin si Mayor Jeffrey habang nakangiti. Bagama't may hitsura siya, hindi mo maipagkakaila na may tinatago nga siyang kademonyohan.

"Go get Mary and you'll live happily ever after"

Wika niya sa akin at naglakad na muli papalayo. Nagsimula muli akong lumuha habang nakikita ko kung paano kinakarga ni Rhea si Carmelle.

"Pakawalan mo na ulit itong Belle na ito, hanapin ulit natin siya kapag gusto natin"

Utos ni Mayor Jeffrey. Saka ako dinala ng pulis papunta ng labasan nang tahimik. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata habang iniisip ang mga nangyayari. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Miss ko na si Lolo Andrew na dating mayor ng Mastoniaz na may malasakit sa kapwa. Hindi ko alam king bakit naging ganito ang anak niya. Naging masama na sa kapwa.

Naalala ko na ang pumatay sa aking lola ay napatay ng mga tauhan ni Lolo Andrew at doon pakiramdam kong nakamtan na ng lola ako ang hustisya. Napakagaling talaga ng ama ni Mayor Jeffrey. Sana naging ganoon din siya ngayon.