webnovel

The Mystery of Deaths [Filipino]

"A combination of curses, killings, ghosts and secrets all covered in a single town" Mary Carmen Lim is an ambitious student who is willing to take risks just to achieve what she desires. But when she and her family moved to a new hometown, she began to experience strange feelings that some spirit is haunting the town. As she goes through, Mary was even told that she is cursed which will only be broken if she will do a very heavy job: to take seven significant lives It's up to herself how would she resolve this conflict she is experiencing and how would she cover herself up from this mess. Will she be able to find out the secrets and undo the curse? Or will she just be put in urban legends and gossips? Note: This book is written in Filipino language

trexxle · Kinh dị ma quái
Không đủ số lượng người đọc
22 Chs

Chapter 12: Ilaw ng Tahanan

Mary's Point of View

Lumapit ako sa mga papel na nakadikit sa pader at dito bumilis ang tibok ng puso ko dahil nakasulat ito sa lingguwaheng Kastila.

"Anong binabasa mo?!"

Lumabas si Ate Rosing at mabilis niya akong hinila palayo sa pader na may mga papel na nakadikit.

Medyo nasaktan ako sa lakas ng pagkahila niya.

"Umuwi ka na nga! Gawin mo na kung ano ang gusto mong gawin"

Dagdag pa niya habang naglalaki ang kaniyang mga titig sa akin.

"A-ano po ba iyon at bakit niyo po ako hinila?"

Nanginginig na tanong ko sa kaniya. Tinarayan lamang ako ni Ate Rosing.

"Hija, siguro kailangan mo nang umuwi dahil gabi na at madilim na ang paligid"

Tumayo sa likod ko si Mang Reynaldo at dahan-dahang ginulo ang buhok ko.

Ngumiti ako nang pilit kay Mang Reynaldo at sabay na yumuko sa kaniya para magpaalam.

"Kung pupunta ka ulit sa barangay namin, huwag mong kakalimutang magbalot ng tela sa ulo mo para hindi ka paghinalaan ng mga tao rito. Iyon ang palatandaan namin na ang isang tao ay walang intensyon na gumawa ng masama dito"

Paalala ni Mang Reynaldo bago ako pinaalis sa kanilang bahay.

"At huwag na huwag mong ipagkakalat na ikaw ay sinumpa at ikaw lang ang dapat na makakapaglutas nito"

Huling paalala ni Aling Rosing sa akin habang tumapak na ako sa labas ng pinto nila.

Mabilis akong naglakad papunta kina Benedict kung nasaan man sila. Naglakad ako muli sa loob ng mga nagtatayuang mga puno ng molave. Sa bawat yapak ay nakararamdam ako ng masamang mangyayari sa akin. Lingon ako nang lingon sa aking paligid dahil pakiramdam ko ay may humahabol sa akin.

Ilang segundo ang nakalipas at nakikita ko na ang kalsada, dito ko na itinakbo nang husto ang aking sriali patungo sa labas.

Pagkarating ko sa labas ay nakita ko ang sasakyan ni Benedict na nakaparke pa rin sa gilid ng kalsada. Tila parang ghost town ang barangay na ito dahil walang tao sa labas maliban ako at kakaunti lang ang mga ilaw na nakabukas.

Nilapitan ko ang sasakyan at kinabahan ako dahil nakasarado ang pinto. Nagsimulang magsayawan ang mga puno kasabay ng pag-ihip ng hangin.

Narinig ko ang isang matining na tono ng isang babae na hindi ko malaman kung saan nanggagaling. Tumatayo ang aking mga balahibo sa bawat pag-iba ng himig.

Anong gagawin ko? Ako na ba ang susunod na mamamatay?

Lumingon ulit ako sa sasakyan para subukan muling buksan ang pinto ngunit tumigil ang paghinga ko nang iba ang repleksiyon ng sarili ko.

Napakaikli ng buhok ng repleksiyon ko na umaabot ang dulo ng buhok sa ibabaw ng balikat kahit na mahaba ang buhok ko. Mas maganda ang kutis at mukha kaysa sa akin.

Hindi ako makalingon sa sobrang tako na nadarama ko bagkus ay pinagpawisan ako lumuha.

Lalo pa akong natakot na mapansin ko na kulay pula ang luha ng repleksiyon ko kasabay ng pagluha ko.

Hindi ko alam ang aking gagawin na ipinikit ko na lamang ang aking sarili sa takot at dito ko napagtanto na wala na ang himig ng isang babae na naririnig ko kanina.

Nagdadalawang-isip ako sa pagbukas ng aking mga mata ngunit lalo pa akong pinagpawisan nang may kumalabit sa akin.

"Mwahahaha!"

Nagulat ako nang narinig ko ang mababang boses ni Gerald. Idinilat ko bigla ang aking mga mata.

"Kanina ka pa dito?"

Tanong sa akin ni Benedict na nasa kanan ko.

"You guys! Kakaiba ang reflection ko just now kaya natakot ako! May narinig din akong himig ng isang babae!"

Ibinababa ko ang aking boses habang pinupunasan ko ang aking mukha dahil sa pawis at luha ko.

"Where were you? We were welcomed by a weird family! Pinakain kami kaya hindi ka namin nahanap"

Sambit ni Benedict at binalewala ang aking sinabi. Wala siyang pake sa mga pinagsasabi ko?

Nanatili lamang akong tahimik at hindi na sinagot ang kaniyang tanong. Ibinuksan niya ang pinto ng sasakyan gamit ang susi ng sasakyan at saka kami dumiretso ng uwi nang tahimik at walang maibahid na emosyon sa aming mga mukha.

-•-

|11:00 PM|

Ilang oras na rin ang nakalipas nang makauwi na rin ako sa kanto namin. Papikit-pikit na ang aking mga mata bago ako bumaba ng kotse.

"Take care"

Wika ni Benedict habang nakangiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kaniya habang kumikislap ang aking mga mata sa kaniya.

"Salamat, ingat din kayo"

Tugon ko habang kumaway sa kaniya at dahan-dahan kong isinara ang pinto ng sasakyan niya.

Bihira ka lamang makakilala ng isang mabuti at matulungin na tao na sinamahan pa ng hitsura. I appreciate Benedict now.

Sa paglakad ko papunta sa aking bahay, nakita ko si Ate Freya na nakaupo sa harap ng pinto ng bahay.

"Ate Freya?"

Nang makarating ako sa harap niya, napansin ko na nakayuko siya habang umiiyak at ang mga luha nito ay nahuhulog sa lupa.

"Mary! Ang mama mo!"

Tumingala siya sa akin at nagsalita dahilan para ako'y mapaluha.

"A-anong nangyari?"

Ang labi ko ay nanginginig sa takot sa nangyari sa mama ko.

-•-

Pumasok kami ni Ate Freya sa loob ng mortuary nang tahimik kasama ang taong nag-aassist sa amin.

Sa pagtapak ko sa loob ng mortuary, hindi ko na nakayanan ang aking loob at nagsimula akong maging emosyonal.

Nakita ko si papa na nakaupo sa tabi ng isang katawan na nakataklob ng kulay berdeng kumot.

"Pa!"

Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya at niyakap nang mahigpit. Pareho kaming napakaingay dahil sa aming paghagulgol sa iyak.

Napakasamang mawalan ng ilaw ng tahanan, lalo na kung hindi mo pa naibabayaran ang mga utang na loob na isinakripisiyo niya para sa iyong buhay.

"A-anong n-nangyari kay mama, pa! Hindi ako makapaniwala!"

Ani ko kay papa. Pinatatahan niya ako ngunit useless din dahil patuloy ako sa pagluha.

"Mary, hindi ko alam! Ang hirap tanggapin dahil natagpuan lang ang mama mo sa loob ng bahay na wala nang buhay at nagdurugo ang kaniyang noo!"

Sagot ni papa. Nakakatagos sa puso na makita ang isa sa pinakamatapang na taong kilala mo ay umiiyak sa harap mo.

Natulala ako sa aking narinig. Isa na namang unsolved incident at ngayon, ang mama ko ang biktima. Ayoko na. Gusto ko nang matapos ito.

"Anak, kahit wala na si mama, pilitin mong maging matapang nang matulungan mo kami sa susunod!"

Bigkas ni papa habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Lalo pa aking naging emosyonal sa mga pinagsasabi ni papa sa akin.

"Pa! Huwag kang ganiyan! Sabihin mong panaginip lang ito!"

Binitawan ko ang pagyakap ko kay papa at tumingin sa nakataklob na katawan ni mama. Parang nawala ang aking sarili.

Naramdaman ko rin ang pagpatong ng kamay ni Ate Freya sa aking balikat habang siya rin ay umiiyak sa tabi ko.

"Anak, kahit ako hindi ko ito matatanggap pero nandito na eh! Wala tayong magagawa!"

Sambit ni papa sa aking habang nakatitig sa katawan ni mama.

Tumahimik na lamang ako at ikinalma ang aking sarili habang lumuluha sa kalungkutan. Sumandal ang aking ulo sa balikat ni Ate Freya habang binabantay si mama na payapang natutulog, forever.

-•-

|5:30 AM|

Nakaupo kami ni Ate Freya sa bench sa loob ng ospital nang makita ko si papa, kasama si Ate Belle na may dalang pandesal.

"Mary! Freya! Okay lang kayo? Ito pandesal"

Sigaw ni Ate Belle sa amin at inalok kami ng pandesal na aking tinanggi dahil wala pa akong ganang kumain.

Tinanggap naman ni Ate Freya ang pandesal at tahimik na naglaro sa kaniyang word hunt na libro.

"Anak, payag ba kayo na tumira muna kina Ate Belle dahil medyo nagiging busy na ang papa eh?"

Tanong ni papa sa akin at kay Ate Freya. Nakatitig lamang ako sa pader at iniiwasang tumitig sa kanila. Nakangiti lang sa akin si Ate Belle habang hinihintay ang aking sagot.

"Ano? Maliban na lamang kung kaya mong pagtustusin ang mga kapatid mo"

Dagdag pa ni papa habang kumakain ng isang pirasong pandesal.

"Sige po"

Sagot ko nang medyo paos ang boses habang nakatitig kay papa.

"Suspended ka pala sa school? Bakit? Anong nangyari?"

Iniba ni papa ang pinag-uusapan namin. Lumaki ang aking mga mata nang sinabi niya iyon.

"Pa, itinuro nila ako na ako ay nakapatay ng estudyante na hindi ko naman kayang gawin. That is why I want to solve this town's mystery"

Mabilis kong sinagot ang tanong niya habang sinusuklay ko ang aking buhok.

"Bakit kailangan ikaw ang lumutas ng mga problema dito sa Mastoniaz kung kaya naman gawin ng alkalde natin?"

Sumingit si Ate Belle sa usap nang nakangisi.

"Because I am curious, Ate Belle"

Walang gana kong sinagot si Ate Belle na ikinanguso lamang niya.

"Basta dapat siguraduhin mong mashe-shape mo ang future mo ha! Sige uuwi muna si Ate Belle sa bahay nila"

Wika ni papa sa akin at ginulo ang aking buhok sa itaas ko na medyo ikinainis ko. Painis akong tumango sa kanila.

Tuluyan na silang umalis mula sa amin at iniwan kami rito sa labas habang nasa loob pa rin ng mortuary si mama.

"Uyy, hired na pala ako as a storekeeper sa municipal hall tapos may party na naman sila doon!"

Nagsalita sa tabi ko si Ate Freya na kinakalabit ako.

May party na naman? Tapos kapag pumunta ako roon, may mamamatay? Naiisip ko na nga na ang sumpa ko ay may namamatay na kakilala ko.

"Isasama sana kita kaso bawal daw"

Sabi niya at ngumuso sa akin. Bakit niya pa sinabi sa akin kung useless din naman para sa akin ang party?

"Anyways bakit namatay yung kaklase mo?"

Iniba niya ang pinag-uusapan namin. Huminga ako nang malalim para sabihin sa kaniya ang sikreto.

"Ate Freya, hindi mo ba nararamdaman na may mga namamatay lagi rito sa Mastoniaz? Gusto kong malaman kung ano ang nasa likod nito subalit hindi ko pa alam kung saan magsisimula"

Wika ko sa kaniya at naging seryoso ang mukha ni Ate Freya habang nakikinig sa akin.

"Huwag mong ilagay ang sarili mo sa kapahamakan. May mga kailangan ka pang gawin sa buhay mo"

Tugon niya s aaking habang ng kaniyang mga kamay ay nakapatong sa ibabaw ng mga balikat ko.

"Bibili muna ako ng pagkain"

Tumayo si Ate Freya sa upuan at naglakad paalis. Naiwan akong tahimik habang pinagmamasdan ang patay-sindi ng ilaw sa itaas ko.

Nagdesisyon na muna akong pumasok sa morgue para bantayan si mama na mahimbing na natutulog, kasama ang isang nurse na inaasikaso ang isang katawan sa isang sulok ng kuwarto.

"Mary"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumingon ang nurse sa akin at nakita ko ang hitsura na ikinilabot ng aking mga balahibo.

Hindi ako nagkakamali na ito ang babaeng nakita ko sa itaas ng library.

"Pumunta ka sa piging sa municipal hall"

Nagsalita siya sa akin na may malamig na boses.

"Bakit po? Ano pong mayroon?"

Tanong ko sa kaniya at tumayo sa upuan ko.

"Para maiwasan mo ang isang malaking trahediya. Kung hindi ka pupunta roon ay maaring ikaw ang susunod sa yapak ng ina mo"

Nakangiti niyang pagsagot. Ang kaniyang mga ngisi ay lalong nagtataas ng aking mga balahibo.

"Maging matapang ka sa iyong pagganti para sa akin"

Dagdag pa niya habang ang kaniyang ngiti ay lalong lumalaki.

Anong pagganti ang ibig niya bang sabihin?