webnovel

The Mafia Next Door

A dangerous kind of people that has nothing to do with you but to bear and suffered with feeling that he's just beside you. And the problem is, He is a Mafia. And by the word of Mafia alam mo na kung ano na katangian niya at pag uugali. But one day, He knocked to your door and say something that it made your life turned into miserable and danger. Because without noticing, He's being already paranoid to you. And Who is he again? The Mafia Next Door. All Rights Reserved Written By: Miesync Original 2018 Action AVAILABLE IN WATTPAD FOR DEMAND OF COMPLETE AND UPDATES.

Miesync · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
8 Chs

#TMND 6

#TMND

_____

Quennie's POV

Halos mabasag na ang screen ng cellphone ko na hindi matawagan ang magaling kong kapatid!

Nagkakagulo ang mga estyudante ngayon dahil sa nangyare kanina! May mga kalalakihan kaseng dumating na may mga dalang armas at may pinaghahanap daw! At ang mas nakakagulat ay nagbarilan sila sa mismong cafeteria namin!

"Ma'am tumatawag ang daddy niyo." Sabat ni manong.

Nasa loob ako ng kotse habang pinapanood ko ang mga estyudante mula dito na nagkakagulo.

Nasa loob ba si Kuya?

"Ma'am bilin po ng Daddy niyo na hintayin niyo siya ngayon." Manong.

Nasa labas lahat ang mga estyudante. Pinagpapaiwasan na ako dito kahit naka aircon naman dahil sa labis na pag aalala ko kay Kuya! Baka andun nga siya!

Shit naman eh! Bakit pa kase sila pumunta dito! Leche talaga. Kaya pala pamilyar saaken ang Husher na 'yun dahil isa iyon sa magaling na kinakasama nila Daddy noon!

And speaking of Husher! Palaging kinakasama ni Laila 'yun!

At baka madamay si Laila sa nagaganap ngayon! Lalo na sa pagkatao ni Husher.

Balita ko pa naman na hinahanap ang leader ng Ellsworth kase may pinatay ito mula sa Yashinski.

Hindi kaya si Husher ang hinahanap kaya nagkakagulo dito?

"M-Ma'am!" Pigil saakin ni Manong.

Lumabas agad ako mula sa sasakyan. Rinig ko na pagpapakalma ng mga prof sa mga estyudante.

"Quennie!"

Agad ko na natanaw si Blade. Ang president namin dito sa school. Siya ang kaisa isahang anak at pamamahala ng mga Zarecasada. Napili siyang presidente sa SSG dahil malaki ang ambag ng mga magulang niya dito sa school namin. Mahirap siyang kalabanin dahil likas na makapangyarihan ang pamilya niya kaya walang sumusubok na kalabanin siya. Pero mabait naman siya.

Samantalang ako ay vice president.

"Saan ka pumunta? Kanina pa kita hinahanap!" Aniya nang mapalapit ito sa akin.

"Naghahanap ng solusyon kung anong nangyayare!" Napahawak ako sa ulo ko.

"Pinaalam mo ba ito sa Daddy mo?" Tanong niya sa akin.

"Mukhang alam niya eh." Nag aalalang sambit ko.

Napamura siya.

"Sabihin mo na hindi big deal ang nangyare! Ako na bahala sa mga profs and students! Wala silang sasabihin, hindi ito makakalabas."

Napakunot noo naman ako sa pahayag niya.

"What do you mean it's not a big deal?"

He sighed. Hinila niya ako sa mga walang estyudante na maaring makarinig sa amin.

"Those guys are my father's man! May pinaghahanap lang sila dito! Kaya nagkakagulo!"

Nanlaki ang mata ko.

"What?!"

Muli siya napabuntong hininga. Ang tatay niya pala ang dahilan bakit may nangyayareng ganito?!

"Sino naman pinaghahanap nila?! This is beyond limits Blade! Sabihin mo kay Tito na may maaring mamatay na inosente sa pinag uutos niya! Bakit sa school pa Blade?"

"I don't know okay?! Hindi ko alam ano ukit ng utak ng tatay ko!"

Napatitig ako sakanya.

"I'm going there." Sambit ko.

Napatingin agad siya saakin.

"What?! No!"

I ignored him. Bago pa niya ako mahablot ay tumakbo ako papasok sa campus.

I'm going there because my brother is freaking there! Kapag may nangyareng masama sa kuya ko ay hindi ko papalampasin ang ginawa ng tatay ni Blade! Magkakagulo talaga kami ni Blade!

____

Pietro's POV

"Hindi pa rin ba tapos ang kaguluhan doon?" Rinig kong tanong ni Manuel.

Kumakain ako ng hilaw na mangga habang pinapakinggan ang mga gagong 'to.

"Hindi pa daw eh." Alessio.

"Huh? Pano mo nalaman?" Tomasso.

"Ito oh! Live sa facebook." Alessio na pinakita saamin ang live ng mga nagpapanic na estyudante.

"Kanina pa tayo umalis doon. Bakit nagkakagulo pa rin?" Tanong muli ni Manuel.

"OA lang kase ang mga estyudante doon eh." Pahayag ni Alessio habang ngising ngising nanood sa live.

Napailing na lang ako at sarap na sarap kumain sa mangga.

"Oh! Pietro! Ang kapatid mo oh! Pinagkakaguluhan!" Alessio na pinakita saakin ang live.

Bago ko pa makita ang screen ay tinakpan agad ako ni Tomasso ng likod niya.

"Asan?! Asan!"

Agad ko naman sinipa ang bobong 'to.

"Gago ka! Ikaw ba ang kapatid?!" Agad ko siya tinabig at tinignan ang live.

"Tangina ang sakit nun ha!"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano? Ha?" Banta ko sakanya.

Inismiran lang ako ng gago at may binulong.

______

Tomasso's POV

"Kung hindi ka lang kapatid ng asawa ko kanina pa kita binigwasan!" Bulong ko at inis na uminom ng organic juice dito sa condo ni Boss.

"Ang tagal! Kanina pa tayo dito ha?" Asar na sambit ni Manuel.

Kahit ako rin nayayamot na.

Hinihintay kase namin si boss at ang abnormal na babaeng 'yun. Bilin kase saamin na hintayin sila dito pagkatapos namin kausapin ang tauhan ng yashinski na nahuli namin sa school.

Kausapin? Hindi pala namin nakausap ng matino. Dahil pinatay agad ng gagong Manuel.

"Hello Quennie?! Bakit mo ako hinahanap?!" Napatingin ako kay Pietro na paalis sa sala. Iniwan ang mangga niya.

"Ang harsh talaga nito sa asawa ko." Biglang sambit ko.

Natigilan lamang ako na mapagtanto kong nakatingin saakin ang lahat.

"Ano?!" Bulyaw ko sakanila.

"May gusto ka sa kapatid ni Pietro?" Seryosong tanong sakin ni Samuel.

Nanlaki ang mata ko.

"H-Huh? Hindi! Wala akong gusto sakanya!" Napainom ako at bumaling sa ibang direksyon.

Pero kita ko na sa gilid ng mata ko ang mga ngisi ng mga gago!

"Kung makatanggi kala mo papatulan ka nun? Hoy! Mangarap ka!" Natatawang saad ni Manuel.

"Anong sabi mo?" Inis na tanong ko sa bobong 'to. Akala mo naman kasing gwapo niya ang mukha ko!

Agad naman umakbay saakin si Alessio.

"Naku Tomasso. Kahit mangarap o hindi ka mangarap ay wala ka sa choices nun!" Sabay halakhak ni Alessio.

Malakas ko siya tinulak at sinapak ito.

"Tanginang gagong 'to! Sakit manapak!" Natatawang saad niya.

Napailing ako at napainom na lang. Sisiguraduhin kong mapapasaakin 'yun! Kapag nakuha ko siya, iiyak kayo sa inggit! Ay hindi! Sana matatay kayo sa inggit!

________

Laila's POV

Nagkatitigan kami ni Husher. Hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Ano daw? Lilipat ako sakanya?

"Anong lilipat?" Napabuga ako at nameywang sa harap niya.

"Hindi ako madadamay kung hindi mo ako nilapitan!"

"Babalik sila dito Laila.."

Umiling ako. Hindi. Hindi ako sasama.

"Laila please.."

Umiling ako. Anong akala niya saakin? Aso na susunod na lang sakanya? Malay ko ba kung masamang tao siya para hanapin siya diba?

"I won't come with you Husher! Bahala ka dyan!" Umupo ako sa kama at nagmatigas.

Hinding hindi ako sasama.

"Laila kukunin ka nila dahil nakita ka nilang kasama ako." Aniya pa.

"Hindi nila ako kukunin kung hindi kita palagi kasama. Kaya umalis kana!" Iniwas ko ang tingin ko sakanya.

"Papaano ako makakaalis kung hindi kita kasama?" Natigilan ako.

"Bakit mo kase ako kailangan isama pa? Madadamay talaga ako kung isasama mo pa ako sayo!" Sigaw ko.

Nanlumo siya.

"They will kill you Laila.."

Kinabahan ako sa sinabi niya. Papatayin nila ako kapag nakita nila ako? Bakit? O baka naman natatakot lang si Husher na isumbong ko siya sakanila kaya niya ako pinipilit na isama ako.

"Are you scared that I would tell them about you?"

Umiling siya saakin at lumapit. Hinawakan ako sa braso at nag aalalang tinignan ako.

"No baby, I'm scared tha—"

"Ha?! Anong baby?!" Agad ko siya tinulak. Halos kilabutan ako sa narinig.

"I-I mean Laila, please." Pagmamakaawa niya pero agad ako umiling.

Grr!

"N-No! Umalis ka na nga!" Sabay tulak ko sakanya paalis.

Hindi ako madadamay dito!

Tsaka b-baby?!

Gosh!!! I felt so cringe!

Wala siyang nagawa kundi mapabuntong hininga.

"Fine, but believe me Laila. They'll comeback at you. And I don't know if I could protect you since I'm not here anymore."

Naningkit ang mata ko sakanya. Tinatakot ba niya ako?

"Kung mangyayare iyon ay sasabihin ko sakanila na wala akong kilalang Husher na pangalan." Ngiti kong plastik sakanya.

"Do you think they'll believe that?"

Tumango ako. Kahit medyo tagilid ako sa sinabi ko. Alam ko naman na delikado sila pero syempre may pangdefense din ako nuh! Truths won't be defeated!

But am I even telling the truths?

Gaya ng sabi niya nakita na nila akong kasama siya pero nagsasabi ba siya ng totoo? Baka siya pa nga masamang tao eh.

"Ah basta! Kaya ko sarili ko!" Tinulak ko siya paalis sa kwarto ko.

"Umalis ka na!"

Aakmang tutulakin ko pa siya nang tinabig niya ako sa leeg at mariin na hinalikan sa labi.

"I will wait Laila.." Binitawan niya ako at umalis na.

Hindi ako nakatulog ng boung gabing iyon. Hindi ko alam kung anong unang iisipin ko eh. Ang mga delikadong tao o ang halik niya?!

Napahawak ako sa labi ko at hindi ko napigilan kagatin iyon! Shems!!! Ang lambot ng labi niya! Feeling ko nakadikit pa rin saakin! Pangalawa na 'to! Pangalawa na!

Ibig sabihin nito may gusto siya saakin? Kase hinalikan niya ako!

Kaya niya ako tinawag na baby?

Hindi ko napigilan mapatili at pagsuntukin ang unan! Bakit ako kinikilig?! Hindi ako dapat kiligin sa lalakeng 'yun! Daig niya pa ako na may bangs!

Kinabukasan ay inaasahan kong may mag aabang na mga kalalakihan sa apartment ko gaya ng sabi ni Husher pero wala naman. Napuyat din ako sa mga sinabi niya pero mas napuyat ako sa halik niya.

Okay. Tama na Laila. Wag kang kainin ng kalandian mo.

Tahimik at payapa naman pagkadating ko sa school. Nagtaka lang ako ng makitang walang mga estyudante.

Bago ako makapasok ay hinarangan agad ako ni kuya guard.

"Bakit ka nandito? Diba wala kayong pasok ngayon?"

Napakunot noo ako.

"Ha?"

Napakunot noo din si kuya guard.

"Hindi mo alam?"

"Ang alin po?" Wala akong nabalitaan na walang pasok ngayon.

Tinignan ko muli ang phone ko. Baka sakaling sabado ngayon o linggo.

"Nagkagulo dito kahapon. Kaya sinuspend nila ang klase ngayon. Pero bukas may pasok na." Kuya Guard.

Napatango tango ako. Ganun ba. Bakit hindi man lang ako sinabihan ni Quennie? Mukha tuloy akong tanga dito.

"Ah sige kuya guard. Uwi na po ako."

Tumawa ito at kumaway saakin.

Naglakad lang ako dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nag iisip pa ako kung saan ako tatambay. Gusto ko sana tawagan si Quennie para may kasama ako. Pero mag iisip muna ako kung saan kami pwede tumambay.

"Oh Laila?!"

Nagulat ako na makita si Blade na nagmamaneho sa gilid ko.

"U-Uy!"

Tumigil ako nang makita ang sasakyan niya.

"Saan ang punta mo?! Sabay na tayo!" Tanong niya mula sa loob ng sasakyan niya.

Lumapit ako at napakamot.

"Hindi ko nga alam eh. Ayaw ko pa umuwi." Awkward na tawa ko.

"Oh? Sumama ka nalang sakin! Tatambay din ako. Walang magawa eh." Aniya.

Pumasok naman ako at nahiya.

"H-Hindi mo kasama si Quennie?" Tanong ko sakanya.

Nagsimula siya magmaneho. Lumingon siya saakin.

"Saan mo gusto pumunta?" He ignored my question.

"Kahit saan.."

Tumango siya at maya maya ay nilingon ako.

"Ano pala ginagawa mo sa school?"

Bigla ako natawa sa sarili. Naalala ang kaoutdated ko.

"Pumasok ako na hindi alam na suspend pala ang klase." Saad ko.

Natawa siya at muli ako nilingon.

"Hindi mo pala nabasa ang announcement sa facebook? Tungkol sa school natin?" Tanong niya.

Tumawa na lang ako ng plastik. Papaano ko mababasa iyon eh puro si Husher ang laman ng utak ko kagabi?

"Nagkagulo kahapon kaya sinuspend." Aniya.

"Oo nga." Sabi ko nalang at hindi na nagtanong kung bakit.

Ilang minuto kami naging tahimik. Medyo awkward nga dahil hindi ko naman kaclose 'tong si Blade. Si Quennie ang palagi niyang kinakausap nito eh. Kaya nakilala ko na rin siya dahil kay Quennie.

Isa siya sa hinahangaan sa school namin. Matalino kase at gwapo din. Matalento at sporty. Matangkad tsaka marami nagkakagusto. Mabait din at napakayaman kaya siguro pinagkakaguluhan din ng mga babae saamin.

Kaya nga nakapagtataka na rin kung bakit niyaya ako isama sa mga tambayan niya. Hahaha. Siguro dahil alam niyang kaibigan ko si Quennie.

"Kumain ka na ba?" Biglaang tanong niya sa gitna ng traffic.

"Breakfast oo.." tumingin ako sa relo. Hindi pa naman lunch.

"Mahilig ka sa coffee?" Tanong niya.

Hindi. Pero nakakahiya naman kung tanggihan ko diba? Feeling ko nag isip pa ito kung saan tatambay eh.

"O-Oo." Sabay awkward kong tawa.

Napatango siya at nagmaneho.

Nakarating na rin kami sa wakas. Lumabas ako at sumabay sakanya pumasok.

"Dito ka.." Aniya na pinag aksayahan pa ako ng oras sa upuan.

"Salamat.." Umupo agad ako at pinagmasdan ang loob.

Hindi naman kami nakikita sa labas pero halatang mamahaling coffee shop to. Dahil puro gray and black ang mga designs nila tila sinadya nila ito para sa mga elite lang. Parang parte lang sa isang five star hotel na coffee shop. Hindi pa ako nakakapunta dito.

Siguro ganitong klaseng tambayan ang mga mayayaman na estyudante. Tulad ni Blade.

"Inorder na kita." Napatingin ako sakanya.

"Ha? Hala! Wag na!" Iling ko sakanya. Nakakahiya talaga!

"Abala ka kase kakatingin sa paligid eh kaya inorder na kita." Natatawang sabi niya.

"Don't worry it's my treat naman." Dagdag niya sabay kindat.

Napatikhim ako at napaiwas ng tingin.

"S-Salamat.." Ganito ba siya kay Quennie? Or sa mga babae?

"Anyway Laila.." Nagulat ako nang lumapit siya saakin.

"I have a favor to ask.."

Napakunot noo ako. Tinignan ko siya. Ngunit tumagos ang tingin ko sa likuran niya nang may pamilyar na kakapasok lang.

"It's okay if you don't want to, but I really want you to be that position." Blade said.

Nagulat ako na mamukhaan ko kung sino papalapit saamin. Si Husher.

Nagtama ang mata namin ni Husher. Malamig at blanko habang papalapit ito saamin.

"A-Ano 'yun?" Nilingon ko si Blade. At hindi pinansin ang lalakeng papunta dito.

"Please be my secretary Laila, I want you to be my secretary."

Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Blade dahil dumating na sa tapat namin si Husher.

Medyo madilim ang aura niya kahit natatakpan ito ng mahabang pabangs niya.

____

@Messync