webnovel

The Mafia Next Door

A dangerous kind of people that has nothing to do with you but to bear and suffered with feeling that he's just beside you. And the problem is, He is a Mafia. And by the word of Mafia alam mo na kung ano na katangian niya at pag uugali. But one day, He knocked to your door and say something that it made your life turned into miserable and danger. Because without noticing, He's being already paranoid to you. And Who is he again? The Mafia Next Door. All Rights Reserved Written By: Miesync Original 2018 Action AVAILABLE IN WATTPAD FOR DEMAND OF COMPLETE AND UPDATES.

Miesync · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
8 Chs

#TMND 2

#TMND

______

Agad ako nagtago sa kabilang pinto habang pasilip silip ako sa direksyon patungo sa elevator.

Napakunot noo ako ng mga walang anino nakatayo doon. Nasaan sila? Hindi na ba pupunta dito ang mga nakakatakot na nilalang na 'yun?

Bigla tumama ang ulo ko sa pintuan ng bumukas iyon.

"Aray!"

Napatayo ako at tinignan kung sino ang hinayupak ang bumukas ng pintuan.

"Good morning.."

Napatikom ang bibig ko ng makita si Husher.

Hindi man lang siya magsosorry?

"Good morning din!"

Padabog akong tumungo sa elevator. Ewan ko pero naiinis ako eh. Lakas makahalik kagabi tapos ngayon hindi kaya magsorry. Nakakaestress umagang umaga.

Binalot kami ng katahimikan sa loob ng elevator. Sinilip ko siya sa repleksyon at hindi ko makita ang boung mukha niya dahil sa mahahaba niyang may pabangs. Psh. Ano? Hindi makamove on sa 1980's fashion? Pfft..

"Para kang tanga.."

Natigilan ako. Nawala ang ngiti ko at nilingon siya.

"Ano sabi mo?" Feeling ko mas lalo umusbong ang inis ko ng dinagdagan pa niya sinabi niya sa akin kanina!

"Ano? Nabingi ka rin na ba?"

Ano daw?

Aakmang susumbatan ko siya ng naramdaman kong bumukas ang elevator sa likod ko at nilampasan. Agad ako sumunod sa kanya.

"Hoy lalake!!! Akala mo ba papalampasin ko mga sinabi mo ngayon ha?! Hindi porket niligtas mo ako kagabi aabusohin mo ako ngayon at sabihin na kung ano ano na nakakainis ha?!"

Hindi siya lumilingon sa akin kahit binubunganga ko na siya sa daan patungong school.

"Ang lakas ng bayag mo manghalik kagabi tapos ito sasabihin mong sasabay tayo kinabukasan?! Hah! Ito pala 'yun! Eh punyemas naman pala!" Hinding makapaniwalang sinabi ko habang nanlalaki ang mga mata ko.

"Sinong matinong babae sasama sayo kung ganyan ang ugali mo?! Hindi ka na nga nagsorry kanina kung ano ano pa sinasabi mo sa akin!"

Hindi ko namalayan ay nasa loob na pala kami ng Campus. Napapatingin na sa amin ang mga naglalakad na estyudante habang naririnig ang mga pinagsasabi ko.

"Hoy!!! Ano?! Hindi mo ako lilingunin?! Hoy lalake!"

"Hindi talaga 'yan lilingon kung hindi mo sinasabi pangalan niya.."

Ha?

Napansin kong natigilan si Husher sa paglalakad at napalingon. Lumingon rin ako at agad ko natanaw ang limang matatangkad na lalakeng nakatayo sa harap namin.

Ngumiti sa akin ang lalakeng nagsalita kanina. Siya na ata ang pinakamaputla sa kanila. Hindi ko na idedescribe ang mga mukha nila dahil lahat naman sila may maipagmamayabang.

Tumingin lang ako sa mga paligid namin. Ang dami ng mga babaeng pasimpleng nanonood sa kanila. Ibig sabihin gwapo sila. Tama ba?

"What the..."

Natauhan ako sa bulong ni Husher.

"Dito na kami mag aaral bossing!" Ngisi ng isang lalake.

"Gulat ka nuh?" Sabi naman ng isa. Agad ko pinigilan ang tawa ko. Shez parang nasa commercial 'yun ha?

"Let's talk later." Diin na sagot ni Husher sakanila at tinalikuran sila.

Napakunot noo ako.

"Hoy lalake! Hindi pa ako tapos!"

Aakmang hahawakan ko balikat niya nang may humawak sa braso ko para matigilan.

"Sa amin mo nalang sabihin kung ano kailangan mo sa kanya." Makalmang sabi ng lalakeng nasa harap ko.

"Ano?! Bakit ko naman sainyo sasabihin?! Close tayo?!"

"So kayo ang close ganun?"

Natigilan ako ng may umakbay sa akin. "Hindi pala kami aware na may side pala si Bossing na nakikipag close what the pfftt.."

Agad naman lumapit sa akin ang iba nilang kasama.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Inis na singhal ko sa lalakeng nasa harap ko ngayon habang hawak niya braso ko.

Pilit kong tumingin sa direksyon ni Husher ngunit wala na siya sa paningin ko! Tanging mga estyudante lang nakatingin sa amin!

"Ipangako mo sa akin na hindi mo siya hahawakan." Nakangiting sabi ng lalakeng nasa harap ko. Ano daw? Pangako?

"Ano ka jowa niya?!" Lakas makabawal ha.

Agad naman natawa ang mga kasama niya.

"Tangina Pietro nabara ka! HAHAHAHA!" Sabi ng kasama nila.

Tumaas lang kilay ng lalakeng nasa harap kong nangangalang Pietro. What a weird name! Parang Petron sa gasolinahan.

Agad naman niya binitawan ang braso ko.

"Oo nga pala. Hindi mo pala kami kilala.." Ngumisi siya at nilampasan ako.

Agad ko naman tinanggal ang brasong nakaakbay sa akin.

"Wala akong pake kung sino man kayo!" Sigaw ko sakanila pero ang sigaw ko ay sapat para marinig niya.

"Hey hey! Your mouth... Better shut up." Ngiting nakakatakot na sabi sa akin ng isa at nilampasan ako.

"Bye lady!" Sabi rin ng isa at sumabay sa lakad ng lalake kanina.

Napatingin ako sa dalawang natira. Tumingin lang sa akin ang isa at walang sabi sabi nilampasan lang ako. Ano 'yun? May topak lang?

"Ako na magsosorry sa kung ano man kasalanan ni Husher."

Napatingin ako sa lalakeng naiwan kasama ko.

Napaiwas ako ng tingin. Bakit siya ang magsosorry? Hindi naman siya— natigilan ako. Shit.

"Kayo ba 'yun nagligtas sa amin kagabi..." Napatitig ako sa kanya. Teka. Kaya pala sila pamilyar ang tindig at awra nila kanina.

Pinigilan niya ang ngiti niya at tumango.

"Ngayon mo lang ata narealized?"

Napaantras ako. Sila nga! Napahawak ako sa bibig ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

A-Anong ginagawa nila dito?!

"It's okay—"

"Sorry! Sorry!"

Natawa siya.

"I'm Samuel."

Napatingala ako ng makita ang palad niya sa tapat ko.

Napakurap ako. Hindi niya ako paparusahan? Babarilin?

"S-Siguro naman wala kayong balak sa akin diba?" Medyo kinakabahan na tanong ko sa kanya.

Nakagat niya ang labi niya tila pinipigilan matawa. Napahawak siya sa kanyang labi at tumingin sa akin mga mata.

"We are not bad boys." Ngisi niya sa akin.

Nagsimula siya maglakad kaya agad naman ako sumabay sa kanya.

"Edi mas mabuti..." Bulong ko sa sarili ko.

Hindi na siya nagsalita at aakmang papasok ako sa subject ko ngayon nang hinawakan niya kamay ko at pinigilan.

"You are Laila right?"

Napakunot noo ako. "P-Paano mo nalaman?"

Ngumiti lang siya at huminga ng malalim.

"I just heard your name from the girls at my back earlier.."

Ahh.. Tumango nalang ako at binitawan niya naman ako.

"Sorry for the bad morning." Last statement niya bago siya umalis sa harap ko.

Agad na nang init ang mga pisnge ko habang papasok sa room.

Quennie's POV

"Manong! You don't have to wait for me! You can go nalang. Itetext ko nalang kayo." Sabi ko sa driver ko habang inaayos ang gamit ko sa bag.

"Ma'am naman! Baka tumakas nanaman kayo at pagalitan ako ng Daddy niyo."

Tumingin ako kay Manong.

"Do you trust me ba manong? Kase I am not going anywhere at bawal magpalabas ngayon ang school." Sinungaling ko.

Binuksan ko na ang pintuan. "I am just being kind lang manong okay? Baka maumay ka lang sa kakahintay sa akin." Ngumiti ako sa driver ko at lumabas na.

Habang papasok ako sa Campus nilabas ko ang phone ko at tinext si Laila.

Where are you biatch

Lumingon ako at napangisi ako ng mawala na ang sasakyan namin. Buti naman at naniwala sa akin ang driver namin. Hindi pa ako lulubayan. Hay naku.

"Gwapo nung isa oh!"

"Sino sila? Ngayon ko ata sila nakita"

"Hala grabe ano nangyayare?"

"He's fucking hot beh!"

"Swerte ni girl huh."

Napakunot noo ako ng mapansin kong medyo madaming estyudante na nanonood sa paligid.

Anong ganap dito?

"Hoy lalake!!! Hindi pa ako tapos—"

Laila? Boses 'yun ni Laila ha? Agad ako nagmadali patungo sa direksyon na 'yun.

Sumilip rin ako sa kaganapan dito ngunit ganun nalang ang antras ko nang mamukhaan ko ang mga nilalang na mga nakita ko ngayon.

"O-Okay ka lang ate?"

Napatingin ako sa babaeng nanonood din gaya ko. Tumango ako at inayos ang sarili.

Nagmadali akong tumungo sa hallway pero agad ako may nabanggaan.

Shit.

"I-Im sorry..."

Tumingala ako pero nagulat ako nang makita ko ang mukha ni Husher.

"H-Husher.."

Hindi niya ako pinansin at nilampasan ako. Napahawak ako sa puso ko at tumakbo patungo sa room.

Agad ko naalala ang kaibigan ko. What the hell Laila? Anong kagagahan ang ginawa mo!!!

Umupo ako at napatingin sa mga kaklase ko. Puro chismis naririnig ko pero ang utak ko puro tanong.

What are they doing here?

Pietro's POV

"Walang kwentang paaralan ang pinasukan ni Boss ha. Wala man lang magagandang babaeng nagpakita sa akin dito." Sulsol na sabi ni Tomasso.

"Bakit naman sila magpapakita sa'yo? Mahalaga ka ba?" Sabay inom ng shakefrost si Alessio.

"Ang bobo mo naman Alessio! Ang dami ngang gusto humingi ng facebook account ko eh." Ngisi ni Tomasso.

Punyeta. Ganun na ba kabig deal sa kanya 'yun?

Napailing si Alessio na parang nadepressed kay Tomasso sa mga pinagsasabi niyang walang kakwenta kwentang bagay.

"Ang tagal ni Boss ah." Reklamo ni Manuel.

Tumango ako at kumuha ng isang pirasong fries habang nanonood sa mga estyudanteng namimili sa mga pagkain nila.

"Pre! Ang ganda nun!" Siko sa akin ni Tomasso.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng gagong 'to. Kanina halos isumpa ang paaralan na 'to dahil walang makitang maganda.

Uminom ako ng tubig at sinundan ang daliri ni Tomasso.

"Ang ganda pre! Ang nakapink na skirt!"

Agad ko naman hinanap ang nakapink na skirt kuno. Nang mahanap ko ang babaeng sinasabi ni Tomasso, agad ko naman tinignan ang mukha pero

Potangina.

"Shit Pietro!"

"Fuck ka tol! Hindi ka ba marunong uminom?!"

"Tsk."

Reklamo nilang lahat ng madamay sila sa tubig na nasamid ko. Agad nandilim ang paningin ko at tinignan si Tomasso.

"O-Oh? B-Bakit ganyan na ang tingin mo sa akin?" Gulat na tanong ni Tomasso sa akin.

"She's Pietro's sister" Nakasandal na ani ni Samuel.

"Jackpot ka Tomasso!" Tumatawang pang aasar ni Manuel.

"Ano?! B-Bakit hindi ko alam?!" Gulat na gulat na sambit ng gagong 'to.

Kumibit balikat lang si Samuel habang sila Alessio at Manuel ay tumatawa.

Aakmang sasakalin ko ang manyak na 'to nang bigla may nagsalita sa harap namin.

"Explain."

Natigilan kami lahat at sabay na napatingin sa taong nakatayo sa harap namin.

"Explain why the fuck are you here." Madidiin at galit na tanong niya sa amin.

Okay. Goodbye philippines.

_______

Updated.