Nagdalawang isip ako kung papayag ba akong sumama sa kanya sa Live Pure Movement nila.
Hindi sa ayaw ko pero nahihiya ako. Sa dami ko nang kasalanan ay baka masunog ako kapag pumunta ako. Kidding aside, I'm no longer pure. I mean, I am full of sins. Everybody does pero iba ako. I am living in a sinful life.
"You know what? That assembly gives me hope..." Mariin niya akong tinitigan, "that even if you are the most sinful person living in His creation, you will be heal by His name and you will be pure again if you'll repent on Him." Sabi niya na para bang nabasa niya ang mga salita na tumatakbo sa isipan ko.
His words hit me like a knife stabbing on my chest. Parang pakiramdam ko ano mang oras ay tutulo na lamang ang mga luha ko.
Pwede pa ba akong magbago? Pwede ko pa bang baguhin ang lifestyle ko? Pero, paano? Ang hirap!
Alam mo 'yong pakiramdam na gigising ka isang umaga na wala kang maramdaman? Kahit lungkot, galit, kasiyahan o kahit anong emosyon ay hindi mo maramdaman dahil manhid ka na? Manhid ka na sa lahat ng sakit na pinagdaanan mo.
Wala ka nang ganang mabuhay. Nawawalan ka na ng interest sa mga bagay na ginagawa mo parati. Lagi mong iniisip na saktan ang sarili mo. Napapagod ka. Hindi ka makatulog at hindi ka na rin makakain. Nafu-frustrate ka at iritable sa lahat ng bagay. You always feel that you are unworthy.
I am so worthlessness. Minsan kinukwestyon ko 'yong sarili ko kung karadapat-dapat ba akong mabuhay? Kung may halaga pa ba ako?
Nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Sabay-sabay silang pumasok at maingay na kumakanta.
"Aringkingking~"
"Aringkingking~"
"Aringkingkingking~"
"Aringkingking~"
Masaya silang umupo sa mga kanya-kanya nilang upuan. How I wish I have a squad like them.
I have but not like them. Still, I am thankful to have them in my life.
They are the reason why I'm still breathing even I have so many reasons to just stop breathing.
Gano'n pa rin ang nangyari sa buong araw ko. Si sir Paulo ay nagtuturo pa rin sa section namin. Hindi na rin nila masyadong pinag-uusapan 'yong issue namin ni sir Paulo marahil ay alam na nila ang totoo.
Matapos mag-ring ang bell hudyat na uwian na ay nilapitan ako ng president namin. "Angelica," aniya.
Sandali ko munang tinigil ang pag-aayos ng gamit ko. "Bakit?"
"Ano kasi..." Nagdadalawang isip niyang saad.
Kita ko sa mukha niya ang kaba. Nakatingin na rin ang mga kaklase ko sa aming dalawa, ang mga matang 'yon ang mga matang mapanghusga.
"May poster making contest kasi. Baka gusto mong sumali... Balita ko kasi magaling kang mag drawing." Nakayukong sabi nito.
"Ahm, sure." Tipid kong sagot at hinintay ang sasabihin niya.
"Talaga? Thank you!" Masayang pasasalamat niya. Mukha naman siyang sincere pero bakit parang ang OA? Kasi 'yong reaksyon niya ay parang nanalo siya sa lotto.
Isa-isa nang nagsilabasan ang mga kaklase ko. Kung gusto ko pumasok ng maaga, gusto ko namang umuwi ng late. Ayaw ko silang sabayan.
Si Limuel ay naka-upo pa rin sa tabi ko. Inaayos pa rin niya ang gamit niyang magulo. No, inilalagay niya lang pala sa bag niya ang mga gamit niya.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Hindi niya ako tinignan dahil busy siya sa paglalagay ng gamit niya sa bag niya.
Akala ko tuloy iba ang kinakausap niya dahil hindi naman siya sa 'kin nakatingin.
"Sabay na tayo?"
"What? Me?" Tinuro ko ang sarili ko. Malay ko bang ako 'yong kinakausap niya.
"Ayaw mo ba?"
Umiling ako.
"Okay, text me if you get home." Sabi niya at umalis.
Inantay ko lang na mawala ang mga tao sa classroom bago ilabas ulit ang paper ko.
Tinapos ko muna ang letter ko for Rose bago simulan ang letter para kay Jade.
Jade is my bestfriend in crime. When we're together, we are not afraid doing shits. When shit happens, she is the right person you can run to. You can do all the crazy and shity stuffs that you want together.
She's brave as soldier. Kapag may nang-aaway sa 'min ay sinusugod niya talaga. Prangka at maingay din siyang kasama.
I wish I can talk to her like before. Pero, lahat nga talaga nagbabago.
Simula no'ng nagkahiwa-hiwalay na kami ay nagbago na lahat.
Lahat ng masasakit na alaala ay bumalik, mas nadagdaga pa ito.
Inilabas ko ang envelopes sa bag ko. Lagi ko itong dala-dala kahit saan man magpunta.
"Angelica?"
Nahulog ko ang envelopes dahil sa gulat. Si sir Paul pala ang tumawag sa 'kin. Bakit naman kasi basta-basta na lang siyang sumusulpot?
"S-sir?"
Dali-dali kong pinulot 'yong envelopes sa sahig at agad na hinarap si sir Paul.
"Why are you still here? Malapit nang dumilim." Aniya at lumapit sa 'kin.
Tumingin ako sa labas, "Oo nga. Hindi ko po kasi napansin sir eh."
"Do you want to eat?"
"E-eat s-sir?"
"Yeah. Sa'n mo gusto? My treat!"
"Sorry sir. Hindi po kasi ako nagugutom at isa pa baka may makakita na naman sa 'tin maissue na naman po tayo."
"Kung gusto mo, ngayon, dito." Ngumiti siya.
"Sir?
"Bukas? Weekend. Gusto ko lang bumawi sa 'yo." Nginitian niya ako. Mukha talaga siyang anghel na nahulog sa lupa.
"Hindi mo naman po kailangang bumawi eh."
"Hindi ko naman sinabing kailangan ko. Ang sabi ko, gusto ko."
"Bakit po?"
"Wala lang gusto ko lang." Hinawi niya ang bangs niya dahil natatakpan na nito ang mga mata niya.
Kung hindi ko lang siya teacher ay baka nahulog na ako sa kanya. Hindi ako pwedeng mahulog sa kanya. Teacher ko siya at estudyante niya ako.
"Hoy!" Sabay kaming napatingin sa kung sino mang kontrabidang sumigaw mula sa labas.
"Ay sorry, sir." Aniya. It was Gian.
Sabi ko na nga ba eh, kung si sir anghel si Gian ay... Gosh!
Dali-dali kong isinukbit ang bag sa balikat ko at lumabas. Ramdam kong sumunod din si sir Paul dahil narinig ko rin ang mga hakbang niya kasunod ko.