I am a risktaker. Kung para sa 'kin ay para sa 'kin, tingin ko naman ay para sa 'kin si sir Paul.
Handa ako sa lahat ng consequences dahil sa gagawin namin. Sawa na akong gawin lagi ang tama. Gusto ko lang naman ng makakasama, sawa na akong mag-isa.
Gusto kong maging masaya. Kalabisan ba 'yon? Kahit ito lang.
Agad kong hinanap si sir Paul. Pero wala siya sa classroom or sa faculty.
Sinuyod ko na ata ang buong school ngunit hindi ko pa rin siya nakikita.
Teka, may isa pa pala akong hindi napupuntahan, ang rooftop.
Sa mga katulad kong laging nag-iisa ay alam ang lugar na 'yon dahil do'n, walang masyadong tao. Mas malaya ka.
Minsan nga ay naisip ko nang tumalon sa rooftop kaya lang ay may tao sa baba no'n kaya 'di ko na natuloy. Ayaw ko namang may makakita sa 'kin tapos maging issue ng buong school.
Nang makarating sa tuktok ay agad kong binuksan ang pinto nito.
Finally!
Pagkabukas ko ay siya agad ang tumambad sa 'kin, parang inaasahan niya na talaga ako.
"Sir..."
"Call me Paul, tayo lang naman dalawa ang nandito eh." Sabi niya at naglakad papalapit sa 'kin.
Dahan-dahan niyang isinara ang pinto. Hindi ako nakagalaw. Para akong nawalan ng dila. 'Di ako makapagsalita.
"So, risktaker ka nga." Sabi niya at ngumiti. Ngayon ko lang napansing may maliit na nunal pala siya sa pisngi
Ang lakas ng dating para sa 'kin.
Naglakad siya pabalik sa pwesto niya kanina at sumandal sa pader, "so?" Basag niya sa katahimikang namumutawi sa pagitan naming dalawa.
Mariin siyang tumingin sa 'kin habang ako ay parang tinakasan ng dila dahil wala akong masabi.
"Paul, I will take a risk." Buong pasyang isinambit ang mga katagang 'yon.
Para akong nabawasan ng tinik sa dibdib. Nabawasan lang dahil napaka-rami nito.
"Loving is hard, Ange." Nakangisi niyang sambit, "and painful."
Tumango ako, "alam ko."
Buo na ang loob ko. Sana lang ay maging worth it lahat.
"Loving is submitting," nakatitig lang siya sa 'kin.
Naguluhan ako sa sinabi niya.
"What do you mean?" Dinadaga ang puso ko. Kabado akong nakikipag-usap sa kanya habang siya ay kalmado lang.
Medyo humahaba na rin ang buhok niya. Mas kumikinang siya ngayon dahil sa araw na tumatama sa mapuputi niyang balat. Karamihan sa mga babae rito sa school ay nagkakagusto sa kanya. Mukha kasi siyang anghel.
"We need to make rules." Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin habang ako ay dahan-dahang umaatras.
"What rules?" Tanong ko.
Patuloy lang siya sa paglalakad, "Our primary rules." Matapos no'n ay na-corner niya na ako gamit ang kanan niyang kamay.
"Think of it wisely."
"Argh! Ang hirap." Sabi ko at umiwas sa pagtitig sa kanya.
I must admit, kinikilig ako sa acts niya.
"Ikaw muna." Sabi ko at lumabas sa pagkaka-corner niya sa 'kin.
Hinimas niya ang sintido niya, "submit yourself to me. That's a primary."
"What do you mean, Paul?" Bakas sa boses ko ang kuryusidad.
As in submit?
"Submit yourself. Physically, mentally, emotionally. Once I've shared you something about a threat? Make sure you'll leave that person no matter what."
Saglit akong napaisip sa mga sinabi niya.
"Oh ayan palang 'di mo na kaya for sure." He shrugged his shoulders.
"As in physically?"
"Kung ano 'yong naiisip mo, tama ka."
Tumaliko ako sa kanya. Kaya ko ba?
"Hindi ko maipapangako 'yong physically. And I'm not always there for you. But I can submit myself mentally and emotionally."
Here I am again, diving into something not to sure. Stupid mind, stupid heart, stupid self.
"No, ayaw."
"Please? Just this one."
"No, it's not that I'm asking you to do it right away."
Hinarap ko siya, "please?"
"Its something i am afraid of too. Yet my mind and heart really requires it before giving in."
"Okay, I can."
"Can't? Kulang ng t, Ange."
My hearttt. Argh. Sinasabi ng puso ko, go. Pero 'yong isip ko, wag.
"Physically? Hmmm."
"Hesitation can ruin everything, darlin'. It's too way complicated than you could imagine."
"I can't be forever on your side but when we get married, I can."
"Primary nga eh. Show me, show me you could submit your whole self to me."
"Kasama ba 'yong...."
"Hesitation down. Go back to your class now."
"Please. 'Wag mo ng isama 'yong isa. Pleasee. I can love you. I can stay forever by your side. So, please, give me your exemption." I can't. I want him but I can't do his primary rules. It's just I have traumatic experience back then and he knows it.
"But for a person like me? That's the only way to show me that you could submit yourself. It's part of your submission."
"I got your point. But---"
Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay sumabat na siya. "No hesitation is the key. It's a ride or die actually. You can't ride? Just die already."
Ouch. Ang sakit. Gusto ko siya. Gustong-gusto.
"Listen to me, please..."
"I know you can't. Don't even try. I know your talking about. Hindi tamang mag-risk sa 'kin. Settlement ang standards ko."
Hinawakan ko ang braso niya habang siya ay nakatalikod pa rin sa 'kin. Kahit anong oras ay pwede niya akong iwan dito.
"You gotta see my worst side. Leave, now."
'Di ako makagalaw. Tae, ang sakit. Bakit kasi may primary rules pa? Kailangan ba ganito?
"I'm not ready." Sabi ko at binitawan ang braso niya. Ang sakit na gusto ko siya pero may standard siyang hindi ko kayang gawin.
"Gusto mo ako 'di ba?"
"Yeah."
"So, why?"
Bumuntong-hininga siya.
"I'm not ready, I'm sorry." I may regret this but I need to choose myself now.
"Of course, no body is." Humarap siya at hinawakan ang pisngi ko.
"Thank you for trying. It's an almost you hooman. Almost built a phobia in me. Nagkakaroon na ako ng ideas and stuffs sa utak ko. Leave now. I'm tired of this. It's an open door, darlin'. Go, leave me." Matapos niyang bitawan ang pisngi ko ay ginawa ko ang sinabi niya.
Iniwan ko siya sa rooftop.