webnovel

The Last Letter (COMPLETED)

In this world, depression has no face. They tend to smile, but that doesn't mean they're not in pain. Some people pretend they are strong when infact they're broken inside. Find out the life of Angelica Samson, a girl who always display her beautiful smile, a girl who used to pretend that she's strong in order to survive in this cruel world. Buckle up as you find out how she deals with her own monster — How she deals with her own thoughts.

SoDamnGlam · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
50 Chs

Finding Stealer 7

Umuwi akong luhaan. As usual, I cut my wrist. I want to die right now.

You know why I'm always hunted by the thoughts of suicide? 'Cause suicide is my only solution to end this pain. It is just a permanent solution to a temporary problem.

I want to be gone, permanently. Depression really kills. And it kills me.

They are fool. They didn't see what's inside me. I'm always smiling but deep inside, it's killing me.

And I'm so tired of pretending that I'm okay. I'm tired 'cause no one can hear me. I'm tired when everytime I express my feelings, they'd always says that I'm overacting... That it's just only my thoughts. No, it's not.

Kung gano'n lang sana kadali ang lahat. Kung may nakikinig lang sana sa 'kin. Kung sana, nandito lagi si sir Paul, katulad no'ng unang beses niya akong pinakinggan, maybe I'm on my way now to healing.

But no, it's just a one time big time. Super rare lang talaga kung makakahanap ka ng tao na masasandalan mo tuwing kailangan mo.

Hawak-hawak ko pa rin ang blade. Diniinan ko ito sa kamay ko kaya umagos ang malalapot kong dugo. "Ahhhhhhhh!" Bulalas ko.

I'm in pain. Not just physically but also mentally and spiritually.

Iyak lang ako nang iyak. Kasabay no'n ang paghiwa ko sa hita ko gamit ang blade na kaninang pinanghiwa ko sa kamay ko. My body's full of wound as my heart.

I need somebody to heal. Am I?

I don't want to live anymore! I just want to end my life!

Gusto kong sumigaw at magwala. Wala akong pakialam sa kung sino mang taong unang makakita sa bangkay ko. Basta, gusto ko na lang mawala sa mundo. Pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na akong isip ko. Pagod na pagod na ang puso ko. Pagod na pagod na ang katawan ko.

Pwede na ba akong magpahinga?

Ininaas ko ang blade at mariing tinignan. Punong-puno ito ng malalapot kong dugo.

Kaya kaya nitong gilitan ang leeg ko?

Dahan-dahan kong ipinuwesto ang blade sa leeg ko. Hindi ko pa man nadidikit ang blade ay sunod-sunod na doorbell ang narinig ko.

Who's that?

Itinapon ko ang blade sa basurahan at kinuha ang tuwalya upang ipangtakit sa hubad kong katawan.

Sinilip ko sa bintana ang kung sino mang kumakatok.

Si Faith.

Dali-dali akong pumasok sa cr upang linisin ang katawan ko. Hindi niya ako pwedeng makita ng ganito. Paniguradong magagalit siya. Nilinis ko na rin ang cr upang kahit pumasok siya rito ay wala siyang makikitang kahit ano.

Matapos no'n ay nagbihis na ako. Suot-suot ang cardigan na nagtatakip ng mga hilaw kong sugat.

Nang makalabas ay agad namang tumigil ang pag-doorbell niya.

"Musta?" Sabi ko habang papalapit sa kanya.

"Tara?" Paanyaya niya.

"Saan?"

"Sa bahay ka na muna ngayon matulog. Tutulungan mo ako mamaya sa pagsunod kay Gian."

Hindi na ako nagpapilit pa at agad na kumuha ng damit at underwear. Nilagay ko na rin sa bag ko ang toothbrush ko.

Tinago ko ang letters sa drawer ko at ini-lock ito.

Binulsa ko ang cellphone ko at agad na ni-lock ang pinto ng bahay.

Hindi ko nararamdaman ang sugat ko. Manhid na talaga siguro ako.

Nang makarating kami sa bahay nila ay nando'n si Gian. Palabas ng bahay nila.

"Oh, bakit ka nandito?" Bungad niya. Hindi man lang ako inalok ng maiinom o na pumasok. Ayan agad ang bungad. 'Di halatang ayaw niyang nandito ako ha.

"Ayaw mo?"

Umiling ito, "isasarado ko lang tindahan." Sabi niya at lumabas na.

Bakit siya nagpapaalam sa 'kin?

"Lapag mo gamit mo, sundan natin. 6pm na eh."

Tumango ako at inilapag na ang bag. Gabi na rin pala.

Pinagmasdan lang namin siya sa maliit na awang ng pinto nila.

Hinintay naming dumaan siya sa harap ng bahay nila.

"Ano kayang inaatupag ni Gian 'no? Ang laki na ng eyebags niya. Baka nagda-drugs niya siya?" Bakas sa mukha niya ang biglang pagkatakot.

"Hindi naman siguro. Gago 'yon pero 'di naman siguro siya mag aadik." Sabi ko at tumawa dahil sa sinabi.

"Ayan na siya!" Dahil sa gulat ay napapasok kami sa kwarto ni Faith.

Narinig naming bumukas ang pinto ng bahay nila. Maya-maya pa ay ang tunog ng mga plato.

Kakain ata siya.

"Bakit hindi pa siya umaalis?" Bulong ko.

"Operation failed tayo. Hindi ata siya aalis ngayong araw." Bumuntong hininga ito.

"Sayang naman." Sabi ko at binuksan ng bahagya ang pinto ng kwarto ni Faith.

"Marunong ba siyang magluto?" Tanong ko nang makita siyang naghahanda ng makakain.

"Oo, kaya lang bihira lang siyang sipaging magluto."

Nakisilip na rin siya. "Oo nga pala, magbi-birthday na si Gian. Tulungan mo naman kami sa paghahanda."

"Ako? Ano namang maitutulong ko?"

"Madami!" Sabi niya at kinindatan ako.

"Alam mo ba, si Gian, simula ng mamatay ang lola namin naging bulakbol na siya. Naaawa nga ako sa kanya eh." Umupo siya sa kama niya.

Naki-upo na rin ako. Nacu-curious ako kay Gian. Bakit nga ba siya naging gago?

What is Gian's story?

"Lola's boy pala siya?"

"Oo, simula kasi nang umalis si nanay at tatay ay si lolo at lola na nag-alaga sa 'min. Kaya mas naging close sila ni nanay."

"Ilang taon ba kayo no'ng umalis sila tita?"

"No'ng pinanganak si Gian, nag-abroad na sila. Tapos nang mabuntis si nanay ay umuwi siya pansamantala upang isilang ako at nagtagal siya rito ng tatlong tao."

Tumango ako. Si Gian lang pala ang hindi nakatikim ng pagmamahal simula bata pa lang. That's why he is longing for attention. Siguro gago siya dahil gusto niyang mabigyan siya ng atensyon ng magulang niya.

"Basta, Ange ha? Tulungan mo ako sa birthday ni Gian. Tsaka may pinadala na ring pera sila nanay at tatay para sa birthday ni Gian. Ayaw nga niyang ipaghanda siya eh. Pero mapilit kami," sabi niya at bakas sa mukha niya excitement.

"Sige, basta free ako." Sabi ko at ngumiti na parang hindi ko sinubukang tapusin ang buhay ko kanina.