Ang bilis ng araw, thursday na agad at friday na ulit bukas. Pero hindi ko pa rin nahahanap ang letters ko.
May hinala na ako kung sino ito ngunit hindi pa rin ako sigurado. Hindi naman nawala 'yong letters ko no'ng umalis ako para pumuntang cr. Baka nga hindi si Limuel. Pero hindi pa rin ako sigurado, kasi si Limuel lang ang pilit akong pinapasama sa Live Pure Movement nila.
As usual, maaga akong umalis ng bahay para pumasok ng maaga. Medyo napuyat ako kagabi sa hindi ko malamang kadahilanan. Para akong laging kinakabahan, parang laging may sumusunod sa 'kin.
Nandito ako sa room, nakaupo at pinagmamasdan ang labas. Ang aliwalas ng araw. Parang maganda ang araw ko ngayon.
"Samson!" Sigaw ng president namin habang tumatakbo papasok.
"Ngayon na raw gaganapin 'yong poster making contest. Sorry 'di kita nasabihan kahapon, nakalimutan ko." Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya sa sarili.
"Ang busy kasi namin kahapon kaya nakalimutan ko, 'wag kang mag-alala, may materials sa faculty na pwede mong gamitin." Sabi niya at hinila ako palabas na saktong pagpasok ni Limuel sa classroom.
"Pwedeng manood pres?" Tanong niya ni Limuel.
"Kami lang ang excuse eh." Sabi niya at hinila ako papuntang faculty.
Medyo matagal na akong hindi nakakapag-drawing. I lost interest with everything I loved.
"Anong theme ba?" Tanong ko.
"Ang simple nga lang eh. 'What is art?' it's your own idea of what art is."
"When you can't express it by words, you can express your thoughts through art." May naisip na akong pwedeng i-draw.
"I know, you can do it!"
I feel so nervous right now. Para akong sasabak sa gera. Actually, this is really a war.
Kinuha na ni pres ang materials sa faculty at dumiresto kami sa audi. Nang makarating kami ay bumungad sa amin ang sampong tao na naka-upo sa gitna.
"Pres!" Tawag ng classmate naming si Wan.
"She's here. Umupo ka na roon." Tumungo na ako sa upuang itinuro ni pres.
Bago pa man ako makarating do'n ay narinig ko ang binulong ni Wan kay pres.
"Pres, sigurado ka ba sa kanya? Marami naman tayong classmate na magagaling din eh."
Pinanghinaan ako ng loob. Bakit ba walang naniniwala sa akin? Sa kakayahan ko?
Hindi pa nga nagsisimula ay sigurado na silang matatalo ako rito. Nakakapagod patunayang kaya ko eh. Parang gusto ko na lang mag-back out. Pero nandito na ako.
"Hoy!" Sigaw ni Gian. He's with Limuel.
Umupo na ako. Pinagmasdan ko lang silang dalawang nag-uusap.
Medyo malayo sila sa amin dahil bawal talaga sila rito. Baka pinagbigyan lang sila.
Maya-maya pa ay dumating na ang mga teachers, kasama si sir Paul, para simulan ang poster making contest. May 10 contestants at may tatlong teachers dito para mag-assist.
Ando'n pa rin ang dalawa, nakatingin lang sa amin.
Bago magbigay ng hudyat ang mga teacher ay may inilabas si Limuel na banner, nakasulat ang pangalan ko roon.
Sumigaw si Limuel, "Go! Go! Go Ange!"
Tinawanan ko na lamang ito. Nang magtungo ang mga mata ko sa pwesto ni Gian, nakatingin pala ito sa 'kin. Nginitian niya ako. Ngumiti na rin ako.
Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa ito sa 'kin.
Nagbigay na ng hudyat ang guro namin kaya agad kaming nagsimula. Binigyan lang nila kami ng isang oras.
"Good luck." Pabulong na saad ni sir Paul nang makalapit ito sa 'kin.
Saglit akong napatigil sa ginagawa ko at tinignan siya habang naglalakad palayo.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nahuhulog na ata ako sa kanya.
Pero, mali. Sa lahat ng pwede kong magustahan, bakit siya pa?
Umiling ako at nagpatuloy sa ginagawa.
Masyado akong na-distract sa presensiya niya. Hindi ko alam ang sunod kong gagawin sa poster ko.
Naalala ko ang sabi ng teacher namin kanina, kailangan daw positive ang arts namin.
How can I draw positive artwork if negativity eats my whole body?
How can I describe my art in just one word? Darkness.
After an hour, everyone's done on their own poster, including me.
Tumingin ako sa gawi nila Limuel, wala na sila do'n.
"We will post your posters at the hallway that everyone can see it. 50% of votes from your schoolmate and 50% from us. We will announce the winner on monday. Have a bless day everyone!"
Matapos no'n ay pinabalik na kami sa kanya kanya naming classroom.
Vacant na rin pala namin kaya naisipan kong pumunta sa cafeteria. Hindi ako confident sa poster ko.
Bumili ako ng makakain at nagbayad sa cashier. Nagutom ako sa ginawa ko. I need to reward myself for doing poster.
On my way on the table, Faith shouted my name. Nagtinginan sila sa gawi ni Faith. Buti na lang talaga ay kaunti lang ang tao sa cafeteria ngayon.
Tumakbo siya papalapit sa 'kin.
Umupo na ako sa table at inilapag ang pagkain ko.
"Pahingi ha?" Sabi niya at sumubo ng pagkain ko.
"Kumusta?" Tanont ko.
"Ay may chicka ako sa 'yo. Feeling ko, nagbubulakbol na naman si Gian." Kwento nito.
Bulakbol? Si Gian? Parang hindi naman.
"Pano mo naman nasabi?" Tanong ko.
"Tatlong araw na siyang hindi natutulog sa bahay. Umaga na rin siya umuuwi."
Lumunok ako at uminom ng tubig, "bakit naman daw? 'Di niyo tinatanong?"
"Ayon nga ang gusto kong alamin, kung saan siya pumupunta kapag gabi! Feeling ko may ginagawa siyang kababalaghan eh!" Sabi nito at nangalumbaba.
Hindi naman gano'ng tao si Gian. Kahit na gago 'yon, alam kong may kabutihan pa rin sa loob niya, ayaw nga lang niyang ilabas.
"Ang judgemental mo, Faith!" Sabi ko at tumawa.
Seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin. Dahil do'n ay bigla akong kinabahan. Alam ko ang nasa isip niya. Ayaw kong sumama sa mga balak niyang gawin.
"Ange, best friend mo naman ako 'di ba?"
Tumango lang ako, "bakit?"
"Tulungan mo ako." Hinawakan niya ang kamay ko dahilan upang mapahinto ako sa pag-subo.
"Tulungan mo akong alamin kung ano ang ginagawa niya tuwing gabi at kung saan siya pupunta."
"Hell no!" Umiling ako.
"Please..."