"Oh," abot ni Gian ng jacket kay Charm. "Alis na diyan."
Padabog na tumayo si Faith. Away magkapatid. Ayaw kong makisali.
"Kumain na ba kayo?" Basag ni Gian sa katahimikan.
Umiling si Charm samantalang ako ay hindi sumagot. Bahala na silang mag-usap dahil hindi pa naman ako gutom. Madami rin akong nakain kaninang tanghali at paniguradong hapunan na ako magugutom. Hapon pa lang ngayon, 5pm. Palubog na ang araw.
"Faith, kuhaan mo nga ng pagkain si Charm."
Tumayo ako, "ako na. Wala naman akong gagawin eh."
"Hindi. Umupo ka."
"Hindi rin." Naglakad ako palayo bago pa niya mapigilan ang kamay ko.
Lumingon ako bago pumasok ng bahay nila. Thank you, Faith mouthed.
Ngumiti ako at pumasok na ng bahay.
"Kumusta ka rito ate Hazel?" Tanong ko. Napakaganda rin talaga ni ate Hazel, nakashort at croptop siya ngayon.
Madami na ring tao rito sa bahay. Puro mga kaibigan ni ate Hazel na tinutulungan siya sa lahat ng gawain.
"Okay lang. May mga tumutulong naman na sa akin eh. May mga bagong dating ba? Papuntahin mo rito para kumuha ng pagkain." Sabi niya at nginitian ako.
"Nando'n po sa labas si Charmaine."
"Si Charm?! Kasalan na ba ito?" She chuckles.
"Mauna ka dapat, girl." Sabi no'ng beking kaibigan ni ate Hazel. Ang cute niya at ang bait. Kahit sino ay mapapatawa niya, effortless.
"Mauuna pa 'yan si Gian, andyan 'yong childhood sweetheart niya eh. Ang sarap asarin kaya lang baka mainis at hindi mag-enjoy sa birthday niya."
"Ay true ka diyan baks!"
Nakitawa na lang din ako. Sana may ganyan din akong friendship katulad nila. Hindi ngayong na-feel ko na parang na-left over ako ni Faith. Hindi naman ako nag-eexpect na magustuhan ni Faith para kay Gian kaya lang one-side lang eh, si Charm lang ang binibida niya sa akin samantalang hindi niya ako mabida may Charmaine.
Sabagay, mas close sila kaysa sa amin. Bakit ako malulungkot?
"Ako na maghahatid sa table niyo, mauna ka na sa labas." Sabi ni ate Hazel.
Tumango ako bago lumabas.
"Si ate Hazel na raw ang bahala." Sabi ko nang makarating sa gawi nila.
Si Limuel ay kumakain pa rin, pang ilang balik na niya kaya 'yan?
"I-try niyo kaya 'yang videoke?" Ani Limuel.
"Oo nga, Gian. Ikaw magsimula." Sabi ni Charmaine at hinila patayo si Gian.
Ramdam ko ang pagiging totoo ni Charm. Ramdam na ramdam ko rin na gusto niya si Gian, gustong gusto niya pa rin.
Siguro no'ng bata sila ay nangako rin silang magpapakasal kapag tumanda na sila. They're so so cute.
Nagpahila na si Gian. Siguro ay maganda talaga ang boses niya.
Pumili siya ng kanta sa videoke. Bumalik na rin sa upuan si Charmaine.
"Ange, narinig mo na ba siyang kumanta?" Nakangiting saad niya.
Umiling ako bago ngumiti. "Hindi pa eh."
"Diyan na ako nakuha. Lagi niya akong hinaharana no'ng bata pa kami."
Tumango lang ako. Sana all.
Bigla ko tuloy naalala si Paul. Kumusta na kaya siya? Kumain na ba siya? Malungkot ba siya ngayon? Ano kayang ginagawa niya?
May napili ng kanta si Gian. Nilagay niya na ito.
"This song is for a girl who stole my heart." Panimula niya.
Alam naman namin kung para kanino 'yon eh, para 'yon kay Charmaine.
What is that sad look in your eyes
Why are you crying
Tell me now, tell me now
Tell me, why you're feelin' this way~~
Nakatingin lang ako sa kanya. Nakatitig habang siya ay kumakanta.
Ang ganda nga talaga nga ng boses niya.
I hate to see you so down, oh baby
Is it your heart
Ooh, that's breakin' all in pieces
Makin' you cry
Makin' you feel blue
Is there anything that I can do~~
Tumingin siya sa gawi ko. Hindi ko alam kung ako ba ang tinitingnan niya o si Charm.
Why don't you tell me where it hurts now, baby
And I'll do my best to make it better
Yes, I'll do my best to make those tears all go away~~
Sana ay may nasasabihan din ako. Sana masabi ko rin na nasasaktan ako. Ang sakit sakit. Gustuhin ko mang maiyak kaya lang makukuha ko ang atensyon nila. I'm trying my best not to cry kaya kinakagat ko na lang ang ibabang labi ko.
Just tell me where it hurts now, tell me
And I love you with a love so tender
Oh and if you let me stay
I'll love all of the hurt away~~~
Feel na feel niya ang pagkanta, may papikit-pikit pa kaya sigurado akong kung sino man ang inaalayan niya ng kanta ay mararamdaman niya ang pagkanta ni Gian.
Where are all those tears coming from
Why are they falling
Somebody, somebody, somebody left your heart in the cold
You just need somebody to hold on, baby
Give me a chance to put back all the pieces
Take your broken heart
Make it just like new
There's so many things that I can do~~
Tumingin siya sa gawi ko bago kinanta uli ang chorus. Sigurado akong sa akin siya nakatingin. Pero alam kong hindi niya iniaalay sa akin ang kanta, alam kong kay Charm 'yon.
Why don't you tell me where it hurts now, baby
And I'll do my best to make it better
Yes, I'll do my best to make those tears all go away
Just tell me where it hurts now, tell me
And I love you with a love so tender
Oh and if you let me stay
I'll love all of the hurt away~~
Kitang-kita ko ang ningning ng kanyang mga mata. Ang gandang pagmasdan.
Ooh I'm gonna take it all away, baby
Is it your heart
Ooh, that's breakin' all in pieces
Makin' you cry
Makin' you feel blue
Is there anything that I can do~~~
Kung wala lang akong boyfriend ay baka nahulog na rin ako sa kanya. Kaya lang, may boyfriend na ako. My heart belongs to Paul, only him. Siya lang ang nagparamdaman ng kakaibang pagmamahal na hindi ko pa nararanasan. Siya ang una at huling mamahalin ko. Bigyan man ako ng Diyos ng madaming tukso, magiging matigas ako.
Why don't you tell me where it hurts now, baby
And I'll do my best to make it better
Yes, I'll do my best to make those tears all go away
Just tell me where it hurts now, tell me
And I love you with a love so tender
Oh and if you let me stay
I'll love all of the hurt away~~
Iniwas na niya ang tingin niya sa akin at tumalikod. Medyo ngarag na rin ang boses niya sa hindi ko malamang dahilan. Sa videoke lang siya nakatingin kaya hindi ko alam kung umiiyak ba siya o hindi.
Tell me, baby
Tell me, ooh yea
Is there anything I can do, baby
Just tell me where it hurts now, tell me
And I love you with a love so tender
Oh and if you let me stay
I'll love all of the hurt away~~
Nagpalakpakan kami. Bigla niyang pinunasan ang pisngi niya. Dahil ba iyon sa pawis o sa pag-iyak? Hindi ako sigurado dahil hindi ko naman nakikita ang mukha niya o kung umiyak ba siya o pawis lang.
Ang alam ko lang, buong puso niyang inalay ang kantang 'yon para sa taong mahal niya, sa taong nakakuha ng puso niyo.
At alam kong hindi ako 'yon.