Nang makarating kami sa mall ay agad kaming nagtungo sa McDo.
"Sa jollibee na lang kaya tayo, Ange?"
"Ha? Bakit?" Tanong ko at pumila.
"Kasi doon bida ang saya. Dito kasi marami nangh nag-break. Hindi pa nga tayo mag-bebreak na agad?" Sabi niya ngunit hindi ko narinig ang huling salitang sinabi niya.
"Anong sabi mo? Ba't mo kasi binulong?"
"Wala. Tara naaaa." Hinila niya ako paalis sa McDo.
Ang arte naman. Kakain na lang pipili pa ng kakainan.
Malapit lang naman ang jollibee rito kaya agad kaming nakarating.
"Kukunin ko lang sa bag 'yong pera ko." Sabi ko at inilahad ang palad ko ngunit umiling siya.
"Ako na oorder. Gusto ko bumili ng McFloat." Malakas na saad niya kaya napatingin ang mga tao sa kanya.
McFloat sa Jollibee? Aware kaya siyang pinagtatawanan siya sa isip ng mga taong nakarinig nang sinabi niya?
"Joker!" Sabi ko at tinangkang agawina ang bag ngunit mabilis niyang nailayo.
"Umupo ka na roon. Ako na oorder."
"Hati tayo sa bill."
"Hindi ako nagpapahati sa babae. Kaya kong manlibre." Natapakan ko ata ang ego niya.
"Sige, uupo na ako roon." Tinuro ko ito at agad naman siyang tumango.
Pumunta ako sa bakanteng upuan at umupo. Paano ko kaya makuluha ang bag para maibigay ang letter ko at mabati ko na rin siya.
Ang boring naman. Na sa kanya pa ang cellphone ko dahil nilagay ko iyon sa bag ko. Gosh, nakakahiya namang tumingin sa mga tao rito.
Kaya imbis na sa kanila tumingin ay tumingin ako sa labas. May nakita akong cake shop at jewelry shop malapit dito.
Doon na lang ako bibili. Isasabay ko na lang din ang pagbibigay ng letter ko sa kanya.
"Ang layo ng iniisip ah? Saan ka na ba nakarating?"
Tumingin ako sa kaya. Ngayon ko lang napansin na naka-all black siya. Medyo messy rin ang buhok niya kaya gustuhin ko mang ayusin 'yon ay hindi ko ginawa. Hindi ko nga maayos ang buhay ko, buhok niya pa kaya?
"Ang tagal kasi. Gutom na ako."
Napatingin ako sa pagkaing hinain niya kasabay no'ng tray na inihain ng crew.
"Ito na, señora. Kain ng madami ha?"
Ang dami niyang in-order kaya lumaki ang mata ko. Paano namin ito mauubos?
"Ang dami namin naman nito, Gian!"
"Hindi ko kasi alam ang gusto mong kainin kaya in-order ko lahat ng meal." He chuckles.
"What?!"
"Pili ka na lang ng gusto mong kainin at itake out para sa kanila Faith." Inilapit niya sa akin ang beef steak. Hindi niya alam na allergic ako sa mushroom.
"I agree. Ito na lang ang ibigay natin, allegic ako sa mushroom eh."
"Oww. Now I know. Next time hindi na ako bibili ng pagkaing may mushroom kapag kasama kita."
Ngumiti ako dahil sa sinabi niya. "Thank you, ang bait mong kaibigan." Sabi ko at kinuha ang spaghetti.
Inabot niya rin sa akin ang burger, fries at cokefloat.
"Sunod mong kainin itong may rice. 'Wag kang mag-diet kasi lalo kang papayat. Ang payat-payat mo na nga eh."
"Ouch. Grabe ka naman sa payat-payat. Payat lang, okay naman katawan ko eh."
"Wala ka kasing laman."
"Edi sana all may laman. Paano ba kasi magkalaman?"
"Jowain mo ako."
Nasamid ako sa sinabi niya. Gosh.
"Ito tubig." Abot niya sa akin ng tubig.
Agad kong kinuha ito at ininom. Inabutan niya na rin ako ng tissue.
"Hinay-hinay lang kasi sa pagkain." Pinunasan niya rin ang labi ko dahilan upang mailang ako.
"Okay na. Ako na, Gian. Ibalik mo na ang bag ko."
Sinamaan niya ako ng tingin, "para-paraan ah."
Umiling ako. Paano ko ba makukuha sa kanya ang bag ko?
"Kain na."
Kumain na kami. Hindi na rin ako nagsalita kasi baka masamid ulit ako. Nakakahiya baka may makakitang iba.
Nakakamiss din palang kumain sa jollibee ng may kasama. Dati kasi tuwing birthday ko ay hinahandaan ako nila mommy at daddy rito sa jollibee. Nakakamiss.
Mabilis naubos ni Gian ang kinakain niya kaya tinitigan niya na lang akong maubos ang burger na kinakain ko.
Inabutan ko siya ng fries, "kain pa."
Kinuha niya iyon at kumain. Nagbukas siya ng ketchup at inilagay sa lagayan ng gravy.
Matapos no'n ay ang fries ko naman ang kinain ko. Nakisawsaw ako sa ketchup niya at isinawsaw ulit sa coke float ko.
"Weird."
Natawa na lang kaming parehas. Masarap naman kasi.
"Try mo. Isawsaw mo sa ketchup tapos sa cokefloat."
"No way!"
Matapos naming kumain ay pumunta kami sa cake shop. He insisted to pay the cake pero hindi ako nagpatalo, kaya ang ending ako ang nagbayad.
Balak ko naman talagang bilhan siya ng cake eh.
"Ako na dapat ang nagbayad eh." He pouted.
"Plano ko na talaga ito. Kaya behave ka lang diyan."
Labag sa loob siyang tumango na ikinatawa ko.
"Ma'am ano pong ilalagay sa cake?"
"Happy birthday, Gian. As simple as that." Sagot ko.
"Mali, ang pogi mo Gian. Ayan ang ilagay mo sa cake." He said between his laughers.
"Joker! Ako 'yong magbabayad kaya ako po ang sundin mo." Tumango ito.
"Ang cute niyo pong mag-jowa." Sabi niya at nginitian kami.
"Hin--"
Bago ko pa man masabi na hindi ko boyfriend si Gian ay umalis na ito.
Tumawa si Gian. "Mukha ba tayong mag-jowa?"
"Hell no!"
Umarteng nabaril sa bandang puso si Gian na hindi ko na lang pinansin. Bahala siya.
Matapos no'n ay nagpasalamat kami at pumuntang jewelry shop.
"Bibili na ng kwintas mo? Gusto mo bilhan kita?" Sabi niya.
Umiling ako. "Hindi para sa akin."
"Ang mahal nito ah. Tapos ipangreregalo mo lang?"
"Bakit? Hindi ba pwedeng mag-regalo ng mahal?"
"Special ba 'yang reregaluhan mo? Ako ba 'yan? Special ba ako sa 'yo." Ngumisi ito.
"Oo."
"Talaga?" Nagningning ang mga mata niya.
"Oo, ikaw ang reregaluhan ko pero hindi ka special." Tumatawang saad ko at agad na naghanap ng bracelet sa jewelry shop.
Hindi ko alam kung sumunod ba siya sa akin o hindi basta magkikita na lang kami mamaya sa labas.
"Got it!" Sabi ko at in-assist ng staff nila.
The bracelet is pure silver. Medyo pricey siya pero worth it naman. Maganda ang disenyo nito, angels. Panglalaki naman daw ito sabi ng staff kaya binili ko na. Ang pinaka-center ng bracelet ay malaking star.
Matapos no'n ay lumabas na ako.
Agad kong hinanap si Gian ngunit hindi ko siya nakita. Na sa kanya pa naman ang bag ko.
"Boom!"
Muntik ko nang mabitawan ang hawak ko dahil sa gulat samantalang siya ay tawang-tawa.
"Gulat ka 'no?" Sabi niya habang tumatawa pa rin.
Magaan sa pakiramdam na may napasaya ako, na napasaya ko siya. At least kahit paano ay nagawa ko siyang pasayahin sa birthday niya.
"May kukunin ako sa bag ko."
Tumigil siya sa pagtawa at inabot ito.
Kinuha ko agad ang letter ko. Kinakabahan akong batiin siya. Hindi naman siguro ako 'yong unang bumati sa kanya ng happy birthday 'no?
Inabot ko ang letter kasabay ng bracelet. "Happy birthday, Gian." Nginitian ko siya.
"T-thank you." He was teary-eyed when he get my gifts.
"Ikaw 'yong unang beses na bumati sa akin at may pa-gift pa. Salamat sa effort."
Ngitian ko lang siya. I am more than happy with his reaction.
"Paki-suot naman sa akin?"
"Sure." Kinuha ko ang bracelet at agad na isinuot sa kanya.
"Wow, angels pala ito. May star pa, did I shine like a star?" Tanong niya at ngumisi.
"No." Nawala ang ngisi niya at napalitan ng ngiwi.
"Talikod."
"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"Basta."
Tumalikod ako. Na-curious ako kung bakit niya ako pinapatalikod. May tagos ba ako?
Nagulat ako ng may maramdamang malamig na bagay sa leeg ko.
Agad kong kinapa ito nang ma-realize na kwintas pala ito.
"Nagandahan lang ako sa pendant. Angel kasi and it reminds me of you."