Sa wakas!!! Naka-ipon na ulet ako ng pambili ng charger.. punta ako ng mall..
Sarap talaga sa mall.. ang lamig.. ang chill.. and feel ko I belong pag nandito ako.. no one knows kung ano mga struggles ko sa buhay.. feel ko, normal na teenager ako..
But like a normal guy, after kong makabili ng kailangan ko, uwian na..
Pababa na ko ng escalator.. tanaw ko ung main entrance.. Tas may nakita ako.. you got it! Nakita ko si Bianca, papasok.. nagpapa-inspect ng bag.. and dumerecho sa up na escalator.. ndi nia ko nakita kasi nkatitig sya sa cellphone nia..
Ayos! Pag baba ko ng escalator, nag U-turn ako at sumakay ulet pataas.. Oo, muka akong g*go..
Sinundan ko sya.. pumunta sya sa National Bookstore.. Yes!! Buti ndi sa Cinderella or kung saan mang damitan.. at least masstalk ko sya.. hehe..
I was so stealth.. im always behind her pero ndi nia ko nakikita.. sa bawat istante, sinisilip ko sya.. Ok, linawin naten, ndi manyakis ung datingan ha.. parang "teen inlove" lang.. lam nio un, diskarteng bagito..
Namimili sya ng mga notebooks.. oo nga pala, pasukan na sa Monday..
I know mamahalin ung mga pinili nia.. samantalang ako, sa palengke lang bumili, tatanggalan ko na lang ng spring tas tatahiin ko..
Tapos, biglang nawala sya.. "nasan na sya?".. sabi ko sa isip ko.. hinanap ko sya.. wala.. wala talaga.. Badtrip!!
Then I turned around, and oops!! Nasa likod sya.. may binabasang libro.. Sh*t!! Halatang sinusundan ko sya..
No choice, dumampot ako ng libro.. nagbasa.. ayos!! Ang swabe ng galawan.. genius na genius..
"Oi, Kuya.. Hi!".. narinig kong sabi nia.. pero ndi agad ako lumingon.. kunyari busy ako sa pagbasa.. tas dahan-dahan akong tumingin..
"ui, ma'am, Hi!".. sabi ko..
"nagbabasa ka din nian? Favorite ko yan"..
Tiningnan ko agad ung title ng book.. "ANNE OF GREEN GABLES; Chronicles of Avonlea"..
(t@%#&!na talaga!!!!! Ang daming libro sa harap ko, bakit ito pa nadampot ko!?!?! ANG KIKAY!!!)
"ah.. oo.. ok nman siya.. actually, kahit anu nman binabasa ko e.. basta libro.." imbento ko..
"haha.. uma-actually ka na nman ha.. anong book ka na??" dugtong nia..
(pwede bang wag ka ng magtanong about this book.. wala nman akong alam dito e.. naiiyak na ko)..
"uhmm.. kakasimula ko pa lang e.. ngayon ko pa nga lang bibilhin".. pinangatawanan ko na..
"eeeh wag yan.. 2nd book yan e.. simulan mo dun sa una".. hirit pa nia..
"ah talaga ba?" gusto ko ng malusaw, maging liquid at dumaloy palabas ng mall..
Luminga-linga sya.. parang may hina-hanap.. tas nagtanong dun sa sales lady na naga-ayos ng mga istante..
"excuse me miss, may copy pa kayo ng book one nito?" tanong nia..
"ay ma'am, sold out na po" sagot nung babae..
"ay sayang" sabay harap saken.. "wala ng book one".. malungkot niang sabi..
"ok lang.. it's alright.. buti nasabi mo saken.. otherwise, un sana nabili ko.. ung second book".. nakahinga ako ng maluwag..
"kuya, umamin ka nga saken.. mayaman ka talaga na nagpapanggap na mahirap, no?" mapanuring tanong nia..
I was confused; "ha?"..
"the way you speak.. it's alright, actually, otherwise.. totoo ba, mas magaling ka pang mag-english saken e.." nakangiti niang sabi..
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.. I hate to think na iniisip nia na mayaman ako.. pero it's cool to know na somehow, cguro impressed sya sa pananalita ko.. buti na nga lang at mahilig din talaga akong mgbasa ng mga english pocketbooks.. medio nae-enhance ung English ko..
"ala, nahiya nman ako.. ndi po ako mayaman.. maglalako ba ako ng kakanin kung mayaman ako?".. sabi ko..
"haha.. joke lang kuya".. bawi nia..
"wag mo na kong tawaging kuya, ma'am".. sabi ko..
"cge ate, hahaha".. kalog sya..
"I mean, hiskul pa din lang ako".. sabi ko..
"I know, nakita kita nkasakay sa jeep.. nka-uniform".. sabi nia..
"yeah, right.. hindi mo man lang ako hinagisan ng donut".. sabi ko..
"hahaha.. sira.. sana lumapit ka.. hehehe.. cge ndi na kita tatawging kuya.. pero wag mo na din akong tatawaging ma'am".. si Bianca..
"sure, sir! Walang problema".. bawi ko..
"hahahahaha.. buset ka.. baliw".. tumatawa sya..
Am I dreaming? Nangangarap na naman ba ako? seryoso ba to? Kausap ko si Bianca.. and at this very moment, it's as if, magka-level kami.. Hindi sya diwata.. ndi ako tindero ng puto..
"I'm Bianca" and inabot nia ung kamay nia.. tas, tumugtog na ung "Puzzle of My Heart" ng Westlife.. Yeeaaahhhh..
Ngayon ndi ko na alam gagawin ko.. Ndi nagpapawis kamay ko, pero alam kong may kalyo ako.. nakakahiya.. pero alangan nmang magtanga-tangahan ako dito..
"Edward".. nilakihan ko boses ko para malupet..
"Pogi ng name mo ha".. nasambit nia..
(name lang?? sure ka sa name ko lang ikaw napopogian?)
"so as yours".. ndi ko alam kung bakit ang landi ng dila ko ngayon..
"che!.. so san ka nian?" tanong nia?
"wala.. pauwi na ko.. napadaan lang dito.. baka may bagong book e".. (napakasinungaling ko..)
"bookworm ha.. teka, first time ko dito sa SM North.. san ung sakayan pabalik ng Malanday?" tanong niya??
"seriously? Wala kang sundo?? Sino kasama mo?" gulat kong tanong..
"ako lang.. and wala, naka day off ung driver namen, si manong Edwin pag Sabado".. sagot nia..
"alam mo bang gabi na?? madali lang sumakay pa-Malanday..pero ung papasok sa subdivision nio, delikado".. Seryoso, nagaalala na ko..
"talaga ba?? Wala bang buma-byaheng trike don??" tanong nia..
"meron naman.. kaso ang dilim dun sa inio.. You know that. Buti sana kung kilala mo ung maghahatid sayo.".. sabi ko..
"hoy Edward, wag mo kong tinatakot.. nakaka-inis ka.".. I can sesnse takot na nga sya..
Pano ko sasabihin sa kania na gusto ko syang ihatid na hindi ako magsa-sound na I'm making an advance..?
"matagal ka pa ba dito??" tanong ko
"uhmm.. babayaran ko lang tong mga notebooks ko tas uwi na ko.. baket?" tanong din nia..
"kung gusto mo, ihahatid kita.. hanggang sa inio.".. ayun, nasabi ko din..
"sure ka? Ndi mo nman ako pagsasamantalahan 'no?" nakangiti sya..
"hey, let's clear things out here.. ihahatid kita kasi gusto kong makauwi ka ng maayos sa inio.. kasi pag may ngyari po sa inio, baka ndi ka na bumili saken ng puto at kutsinta.. mababawasan ang mga suki ko? Ok?" depensa ko..
"Ok! Thank you! Bayaran ko lang 'to saglit.." And nanghina na nman ako kasi ngumiti sya..
Nakasakay agad kami ng bus.. and bumaba sa kadiwa..
Nakita ko ung pedicab ni Barok, pero wala sya..
"wait lang ha.. may hinahanap lang ako" sabi ko kay Bianca..
"Ok" sagot nia..
Ayun si Barok, nasa sulok.. nakikinood ng basketbol sa tv..
"Barok, pre pahiram muna ako ng trike mo".. sabi ko..
"baket?! G*gu nkapila ako.. babyahe ako" sagot nia..
"cge na pre, please. Parang awa mo na pre.. 10mins lang".. pilit ko..
"t@#%&!na mo.. bumalik ka agad ha.." ayos!
"sakay na" sabi ko kay Bianca..
"sino ung hiniraman mo?" tanong nia..
"si Barok, kaibigan ko".. sagot ko..
Literally, para akong nasa alapaap.. umalis ako ng bahay kanina na ang tanging goal ay makabili ng charger.. ends up, hinahatid ko na si Bianca pauwi sa bahay nila..
"hala kuya, nakakatakot nga pala dito pag gabi".. medio umusod papalapit sa side ko si Bianca
"Sabi ko sayo e.. kaya dapat.. teka.. anong tawag mo saken?".. tanong ko..
"sorry (naka-peace sign).. Edward".. bawi nia.. (ang cute nia talaga)..
"kaya dapat, wag ka ng magpapa-abot ng gabi dito"..
"opo".. sabi nia..
"opo ka jan".. sabi ko..
Malayo pa lang tanaw ko na ung tita nia sa harap ng gate nila.. inaaninag kung si Bianca nga ba ung nakasakay.. at pinipilit ding kilalanin kung sino ung driver ng pedicab..
"sabi ko sayo wag na wag kang papagabing babae ka!".. mataas ang boses ng tita nia..
"sorry tita, medio natagalan ako dun sa bahay nung classmate ko e.. wag ka ng magalit".. panunuyo nia..
Inabutan nia ako ng P100.. "bayad po".. si Bianca..
"ndi po.. ok na po ma'am".. sagot ko.. (ayokong ipahalata sa tita nia na magkakilala na kame..)
Dun lang ako nakilala nung tita nia..
"ikaw ung nagtitinda ng puto dba?".. tanong nia..
"opo".. mahina kong sagot..
"naku buti naman ikaw nasakyan nitong pamangkin ko.. kinakabahan na ko kanina pa".. sabi nia..
"cge po ma'am" at unti-unti na kong nagpadyak pabalik.. tas may humabol na "thank u ulet".. si Bianca..
Whoa!! What a day.. pano ako makakatulog neto..?
Nakahiga na ko sa papag ko.. pero ndi ako makatulog.. nakangiti lang ako.. ini-isa isa ko sa isip ko ung mga ngyare.. kung pano ngyari ang lahat.. is it fate na maisipan kong bumili ng charger ngayong araw at makita ko sya sa mall..? na walang sundo at takot umuwing mag-isa?? Ang galing ng pagkaka-arrange..
Pero sa isang sulok ng isip ko, may ume-epal na killjoy na boses.. "brad, wag tayong umasa.. friendly lang sya.. mabait.. pero hanggang dun lang un.. naka-higa sya sa malambot na kama ngayon, ikaw sa matigas na papag.. mayaman sila, mas mahirap ka pa sa dagang mahirap.. malamang may jowa na yun.. tsaka sa lunes, pang-umaga ka na.. ndi ka na makakapagtinda ng kakanin"..
Napabalikwas ako.. honga pala.. pang-umaga na nga pala ako.. unti-unti akong nawalan ng ngiti.. sumaya lang ako ng isang araw..
Anong gagawin ko?? Pano ko sya makikita?? So ayun nga no.. the possibilities are endless..
Magtitinda ako ng balut sa gabi tas dadaan ako sa kanila.. kumakain ba sya ng balut? Tsaka lalabas ba talaga sya para bumili??
Magtitinda ako ng lobo sa tapat ng skul nila?? Anu un simbahan??
Wala.. wala akong maisip.. sabi ulet nung epal na KJ na boses; "wala brad.. wag mo ng ipilit.. si Catherine na lang.. mas malapit-lapit pa sa katotohanan.".. "Buset ka!" sabi ko sa sarili ko..