webnovel

The Hidden God [Tagalog]

Gaia Moraitis is a human that have the ability but doesn't like to have one. For her, having a power had a big responsibility to its holder, and the big factor of that is the world's changing hierarchy that made the world chaotic. Pero paano kung mas may malaki pa siyang problema? Handa ba siya sa panibagong responsibilidad? Mas komplikado at napakahirap? Makakayanan kaya niya ito?

Jennyoniichan · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
17 Chs

The Ordinary

GAIA's POV

"So you're really a trash ordinary thing huh?"

Biglaang imik ng babaeng may abong buhok habang binabagtas namin ang girls' dorm rooms. Kami lang ang narito sa labas kasi oras pa ng klase ngayon.

"Ahm o-oo..."

Huminto ito sa paglalakad tsaka ako nilingon at tinaasan ng kilay. Inihagis nito sa akin ang isang susi na nasalo ko naman.

"This will be your room, dalawa kayo sa loob. Good luck nalang sayo kung makakaabot ka pa ng school year end."

'Yun lang ang sinabi nito at iniwan na akong nakatunganga sa harapan ng isang kulay puting pinto na siyang kulay din ng dingding. Pero teka, paano pala ang mga gamit ko?

Sinubukan kong buksan ang door knob ngunit naka lock ito kaya ginamit ko ang susi. Agad akong pumasok matapos kong mai-unlock ang pinto.

Bumungad sa akin ang di kalakihang kwarto. Nakabukod ang magiging kwarto namin, pagpasok mo ay makikita mo ang maliit na sofa at isang maliit na glass table sa gitna. Mabuti naman kahit papaano ay may TV rito.

Isinarado ko ang pinto at agad tumungo sa sofa at naupo. Kulay peach ang pintura ng pader at kulay maroon ang kulay ng tiles sa sahig. Napatingin ako sa pintuan na nakikita ko mula dito sa inuupuan ko. May nakalagay doong, 'Keep Out'.

I guess that's my roommate's room. Binitbit kong muli ang bag at handbook na dala ko at pinuntahan ang isang pintuan na kasunod lang ng isa. I guess that is mine.

Hindi naka lock ang pinto kaya agad akong nakapasok. At nangunot ang noo ko ng may makitang pamilyar na maleta sa ibabaw ng kama.

Agad akong lumapit doon at nakumpirma ko ngang akin ang maletang 'yun. Wow di man lang ako kinausap ni mama na dito na talaga ako mags-stay sa dorm. Anyways, what's new. My mom don't want me.

"Oh you're here already."

Napalingon ako ng may magsalita sa likuran ko. At nakita ko 'dun ang isang magandang babae. Di ko man lang napansin ang pagdating niya.

"Uhm hello"

Awkward kong bati dito. Ngumiti ito sa akin. I wonder if that's true. Hay Gaia 'di kana natuto.

"Can I come in?"

Nakangiting tanong nito sa akin at agad ko naman itong tinanguan.

"I'm Zeira nga pala, and i will be your roommate."

Inilahad pa nito ang kaniyang kamay. Agad ko naman iyong inabot.

"I'm Gaia, nice to meet you."

Nakangiti ko 'ring bati dito ngunit napalis ang ngiti ko ng biglang umilaw ang mata nito.

"Hmm i can't enter your mind. What's your ability?"

Nasa Supreme Tier ang babaeng ito. Dahil sa kulay na ilaw na lumalabas sa mga mata niya, kulay pink.

"Uhm I-i'm just an ordinary."

Napapalunok ko pang sagot dito. Nawala naman ang ilaw sa mata nito at tinaasan ako nito ng kilay.

"Are you serious?"

May himig na pagtataka ang boses nito. Isang tango lang ang isinagot ko dito.

"How did you managed to enter Loufnorths then? As far as i know, hindi sila tumatanggap ng mga ordinaryong tao."

Naupo muna ako sa kama bago ko ito sinagot.

"I excelled on every subject in my school and they say that my intelligence is beyond normal. They considered me as an unordinary even though i don't have an ability. My former school pass my card and high remarks dito sa Loufnorth, and surprisingly tinanggap naman nila."

Nasa kamay ko lang ang mata ko habang sinasagot ito.

"Wow that's new! Are you really sure na gusto mo rito?"

Napatingin ako dito at nakita ko ang bahid ng pag-aalala sa mukha nito o kung nag-aalala nga ba ito sa akin.

"Kakayanin ko."

Tanging sagot ko rito. Bumuntong hininga ito.

"Loufnorths is at the top among unordinary universities dito sa bansa natin. The students here are almost delinquents, hindi mapipigilan ang mga ito kung gusto nilang manakit. And knowing you, who don't have an ability. Ikaw ang magiging easy target dito. But don't mind it, since you're my roommate now and will going to be my friend. So don't worry if I'm around." Nakangiti nitong ani sa akin.

Friend? Really?

"Hey? Aren't you gonna say something?"

I shrugged away the train of memories from the past and smiled at Zeira.

"Thank you Zeira."

Ang tanging nasabi ko dito.

"Alright, just knock on my door if you need something or you want to ask something huh?"

Sambit pa nito bago lumabas ng kwarto at sabay isinarado ang pinto. Agad akong napabulagta sa kama nang mag-isa na lang ako. Napatitig ako sa kisame at napaisip sa mga naging desisyon ko.

'This is for the best.'