webnovel

The Heiress (MayWard)

of love and lies Maymay is an orphan heiress but is a simple girl at heart. She needs to find a husband who will protect her family's fortune since it is her grandfather's will Edward is a rich heir who needs to find a wife of equal stature to avoid opportunists who are after his wealth

walakabampira · Người nổi tiếng
Không đủ số lượng người đọc
67 Chs

Chapter XXI

Samantala sa mansyon ni Melba...

Madaling araw pa lang ay gumising na si Maymay. Dahan-dahan sya sa pagkilos para hindi maistorbo ang pinsan na si Juls.

Inayos nya ang mga gamit nya sa maleta.

Pati na rin ang sa pinsan. Mabigat ang pakiramdam nya habang nag-eempake. Nakapagdesisyon na syang bumalik sa hacienda.

Hindi nya alam kung paano sya makakahanap ng mapapangasawa sa natitirang palugit sa kanya pero hindi nya na gustong manatili pa sa mansyon ng lola Melba nya.

Hindi nya alam kung bakit ganun na lang sya naapektuhan sa mga sinabi sa kanya ni Dodong.

Hindi sya kilala nito para ganun na lang sya husgahan at ang pagiging magkaibigan nila ni Marco.

Kahit pa sabihin na ang akala nito ay yaya sya ni Mary Dale ay wala itong karapatan na bigyan ng malisya ang pagiging malapit nila ni Marco.

"Ano ka ba Mary Dale? Dahil lang sa Dodong na yun sumusuko ka na sa misyon mo? Paano na ang hacienda at ang maisan? Ang mga pamilya na umaasa sayo?" ang pagalit nya sa sarili.

Mali ako sa pag-aakala na makakahanap ako ng pag-ibig sa loob ng tatlong buwan.

Hindi siguro ako katulad ni ama at ina na natagpuan ang isa't-isa at nagmahalan ng wagas.

Pati ang lolo Joe nya na maagang nabyudo sa lola Ludy nya ay tunay at wagas ang pagmamahalan kaya hindi na ito nag-asawa pang muli at binuhos na lang ang buhay sa anak na si Lorena. Maging ang tito Ricardo nya ay natagpuan ang tunay na pag-ibig sa katauhan ng kanyang tita Lucia.

At mukhang pati ang pinsan na si Juliana at kaibigan na si Marco ay gayun din sa isa't-isa.

Hahayaan nya na lang sigurong ang tito Ricardo nya ang mamili ng mapapangasawa nya.

Natututunan naman siguro ang pagmamahal?

Ganun na lang ang gagawin nya sa kung sino man ang ipagkakasundo sa kanya. Ang importante ay hindi mapunta sa iba ang hacienda.

May iniwan namang malaking halaga sa kanya ang lolo at magulang nya kaya pwedeng pwede syang mamuhay ng marangya. Ngunit mahalaga sa kanya ang hacienda at maisan dahil dun sya lumaki at tinuturing nyang pamilya ang mga tao doon.

Naiayos nya na ang lahat ng gamit nila.

Hinintay lang nyang mag-umaga bago gisingin si Juliana.

Naligo na rin sya at nagbihis ng pang-alis.

"Juls.... Juls, wake up!"

"I'm still sleepy Dale!"

"We have to go!" ang mahina pero may diin sa tono nitong sabi.

"Where are we going?" ang naguguluhan pang tanong nito.

"Home."

"We are home!" nagmulat na ng tuluyan si Juliana sa sinabi ni Dale.

Napansin nya ang mga maleta nila na nakaayos na.

"This is not our home, Juliana."

"But why?"

"Because I said so!"

Napabuntung-hininga si Juliana sa sinabi ni Dale.

Naramdaman nyang desidido na ito na bumalik sa hacienda.

Sa pagkakakilala nya sa pinsan ay alam nyang wala ng makakapagpabago ng desisyon nito.

Mas lalo tuloy nyang gustong malaman kung ano ang nangyari kagabi sa Tagaytay at ganun na lang ang kagustuhan nitong umuwi na sa probinsya.

Tumayo na sya para maligo. Alam nyang wala syang maririnig na paliwanag dito. Wala syang magagawa kung hindi hintayin na magkwento ito sa nangyari.

Napagdesisyunan na rin ni Dale na wag na lang din sabihin ang totoo sa lola Melba nila na sya ang totoong Mary Dale at hindi si Juliana.

Hindi na mahalaga iyon para sa kanya dahil wala na rin naman syang balak pang bumalik dito sa mansyon.

Nakapagpabook na sya ng taxi na maghahatid sa kanila sa bus station.

Hindi na sya nag-abala na magpasundo sa tauhan nila dahil madali lang naman ang magcommute.

Pagkatapos maligo at magbihis ni Juliana ay bumaba na sila ng kwarto. Nadatnan nilang nasa kusina ang lola Melba nila.

Lumapit si Juliana dito para magpaalam na.

"Lola, we're going back to the hacienda. Some important matter came up and they need me there." ang pagdadahilan nito.

"Ganun ba iha? O sya sige mag-ingat ka! Ikumusta mo na lang ako sa tito Ricardo mo!"

"Ah sure lola, no problem! We have to go!"

"Hindi na ba kayo magpapahatid?"

"Hindi na po! May taxi na pong naghihintay sa amin!" at bumeso na sya dito.

Nauna na si Dale na dala ang mga maleta nila.