webnovel

The Heiress (MayWard)

of love and lies Maymay is an orphan heiress but is a simple girl at heart. She needs to find a husband who will protect her family's fortune since it is her grandfather's will Edward is a rich heir who needs to find a wife of equal stature to avoid opportunists who are after his wealth

walakabampira · Người nổi tiếng
Không đủ số lượng người đọc
67 Chs

Chapter V

"Oo nga pala bro! Nabalitaan ko kasi na dumating ng Manila yung kaibigan ko. Gusto mong sumama? Dadalawin ko sya. Matagal ko na ring hindi nakikita si Dale."

"Babae ba yan?"

"Oo!"

"Mayaman ba yan?"

"Solong tagapagmana ng Hacienda Entrata."

"Maganda ba yan?"

"Sobrang ganda!"

"Single?"

"Ready to mingle!"

"Siguro may diperensya yan noh?"

"Diperensya?"

"Eh kasi sabi mo maganda at mayaman pero single pa rin! Baka may diperensya kaya wala pang asawa!"

"Wala noh! Actually, wala ka ng hahanapin pa sa kanya. Wife material si Mary Dale."

"Type mo?"

"Hindi!"

"Bakit hindi? Eh ikaw na rin nagsabi na wife material yun!"

"Kasi yung pinsan nya ang type ko!"

"Kaya naman pala! Sige sasamahan kita bukas! Pero tandaan mo, driver mo lang ako."

"Sabi mo eh! Teka lang paano ako magpapanggap na ikaw eh kilala nila ako?"

Nag-isip naman si Edward.

"Sige hindi na lang kita pagpapanggapin na ako. Hindi rin naman kapani-paniwala dahil mas gwapo ako sayo!"

"Gago!"

"Pero magpapanggap pa rin ako bilang driver mo."

"Ang labo mo bro! Naguguluhan na ako sayo ha! Bakit hindi mo kaya pag-isipan munang mabuti yang plano mo?"

Natahimik naman saglit si Edward sa sinabi ni Marco.

"Sabi naman kasi sayo pakasalan mo na lang si Savannah para tapos na agad ang problema mo!"

"I have no plans of trapping myself in a marriage with that woman!"

"Mayaman din naman si Savannah at mahal ka pa!"

"And that's exactly why I don't want to get married to her! Sinasabi nyang mahal nya ako pero alam kong hindi totoo yung pagmamahal na sinasabi nya! At kung sakali mang totoong mahal nya ako ay hindi ko naman masusuklian at wala akong balak suklian."

Kinabukasan....

"Ano bro? Tuloy tayo mamaya ha! Excited na akong makita si Mary Dale!"

"Sigurado kang hindi mo type?"

"Oo naman!"

"Eh sobrang excited ka nga makita!"

"Pag nakilala mo si Mary Dale, you'll understand why! Ang sarap nya kasing kasama! Sobrang good vibes!"

"If you say so!"

"So ano bro? What's your plan? Have you decided?"

"Tuloy ang plano kong maging driver mo."

"Talagang hindi ka na papaawat dyan sa kalokohan mo?"

"I'm serious Marco! I need to do this! I have to do this!"

"O sya bahala ka! You know that I always got your back right?"

"Thanks bro!"

Sa mansyon ni Lola Melba habang kumakain sila ng almusal...

"Mary Dale, maghanda ka mamaya may dadating na bisita."

Hindi sumagot si Juliana, patuloy lang ito sa pagkain.

"Nakikinig ka ba sa akin Mary Dale?"

Tsaka lang naisip ni Juliana na sya nga pala ang inaakala nitong si Mary Dale.

"Oh! Okay! Sino naman po ang dadating?"

"Anak ng amiga ko!"

"Kilala ko po ba sya?"

"Hindi ako sigurado kung naaalala mo pa sya pero ang alam ko dati nagbabakasyon sila ng pamilya nila sa probinsya nyo."

"Si Marco po ba ang tinutukoy nyo?"

"Si Marco nga!"

"As in Marco Gallo?!?"

"Sya nga iha! Naikwento ko kasi sa amiga ko na nandito ka kaya sinabi niya sa anak nya. Gusto ka daw dalawin kaya pumayag naman ako."

"Ganun po ba? Ahm, sige po lola mauna na po ako."

"Tapos ka na bang kumain?"

"Diet po ako!" sabay tayo nito at nagmamadaling pumunta sa kwarto para kausapin si Maymay.

Napangiti naman si Lola Melba sa pag-aakalang excited si Mary Dale na makita ang binata.