webnovel

The Heartless Heiress: Unveiling the Mystery

As the Heartless Heiress, I stand apart, shrouded in mystery. Malevolent forces seek to exploit my abilities, but as I uncover the truth, I find a potent prophecy linked to my heartless nature. The prophecy speaks of someone who possesses the power to either destroy or save the world by unlocking a mysterious force. I must navigate the treacherous world of magic and power, facing off against dark forces and making impossible choices. I must confront my fears and insecurities and trust in my own abilities. With the help of allies, I will unravel the mystery and discover the purpose of my powers. Follow me, Ylrza Ravenfolds as I embark on a journey like no other, in a world where anything is possible, and where even the impossible can come to life.

mtano92 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
12 Chs

Salamin

Ylrza's POV

"Hey, bro gumising ka na, kailangan na nating bumaba," rinig kong sabi ng isang lalaki habang pinipilit akong ginigising.

"Ang hirap mo talagang gisingin kahit kailan."

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nagulat akong makitang napakalapit ng mukha niya sa akin kaya naitulak ko siya nang malakas palayo at sumalpak naman siya sa sahig.

"Pambihira ka naman Ken, ikaw na nga ang ginigising ikaw pa ang galit?" reklamo niya habang umiiling-iling pa.

"Sino ka ba? Bakit mo ba ako ginigising?" walang ganang tanong ko sa kanya at pumikit ulit dahil sa sobrang antok.

"Aba't ang tigas mo rin ano!" narinig ko siyang tumayo at pinagpag ang kanyang damit at muling lumapit at umupo sa tabi ko.

"Alam mo Ken sinasabi ko sa'yo huwag mo ng hintayin pa na ang mahal na prinsesa pa ang gigising sa'yo dito at baka hindi mo magustuhan ang susunod na mangyayari. Hehe." bulong niya sa tenga ko.

Masyadong nakakakiliti ang ginawa niya kaya nawala ang antok ko bagkus napalitan ito ng inis at galit.

"Pwede ba tigilan mo ako. Ano ba yang mga pinagsasabi mo? Wala akong oras sa'yo kaya umalis ka na!" inis na tugon ko sa kanya.

"Teka Ken, bestfriend mo ako bakit ginaganyan mo na ako ngayon? Nakatulog ka lang ng mahimbing ganyan na agad ang pakikitungo mo sa akin? Ang sakit nun pre tagos hanggang buto. Huhuhu," maarteng drama niya na may pahawak-hawak pa sa kanyang dibdib at kunyaring umiiyak.

"Itigil mo na nga yang drama mo nakakasuka ka! At sino ka ba ha? Bakit mo ba ako tinatawag na Ken?" halos pasigaw kong sunud-sunod na pagtatanong sa kanya dahil sa magkahalong inis at galit na nararamdaman ko.

"Teka, wait. Hinay-hinay naman Ken, masyado kang nagmamadali e. Ikaw talaga ang dami mong kalokohan. Ako to si Brixx ang dakilang bestfriend mo. Di mo na ako kilala ngayon?" sagot niyang may halong pagtataka.

"Teka lang, ba't nga ba nagpapauto na naman ako sa'yo?"

"Sorry ha, pero di kita kilala at lalong-lalo nang hindi ako si Ken," tumaas ang kilay niya sa sinabi kong iyon. "Kaya pwede ba umalis ka na at huwag na huwag mo na akong lapitan, hawakan o kausapin pa!" sigaw kong tagos sa tainga.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at iniwan siyang nakatulala sa sulok. Pinagmasdan kong mabuti ang paligid at napansin kong nasa loob ako ng isang napakagarang kotse ngayon. Sobrang luwag at kakaunti lang ang upuan. Merong sala at kusina. Sobrang kakaiba ito dahil wala itong driver's seat at ang pinagtataka ko ay sa laki nito ay bakit kaming dalawa lang ng nakakairitang feeling close na lalaking iyon ang naririto. Bahala na nga.

Ganun pa rin naman ang ayos ko. Nakatirintas pa rin naman ang buhok ko at suot ko pa rin ang aking uniform pero nasaan na kaya ang mga gamit ko pati na ang envelope? Ano kaya ang talagang nangyari sa akin pagkatapos nun? Bakit at paano ako napunta rito?

Habang iniisip ko ang mga kasagutan sa tanong ko ay may tumapik sa braso ko at bumulong.

"Tama na nga yang drama mo Kentoy kailangan na talaga nating bumaba bago pa dumating si Sye. Malapit na rin kasing magsimula ang opening ceremony nating mga freshmen. Kanina pa tayo hinihintay ng barkada sa baba," seryoso niyang sabi sa akin.

"Ano ba? Hindi ka ba talaga nakakaintindi?" galit kong tugon sa kanya.

"Hoy, ano naman ba yan? Bakit ba ang tagal niyong bumaba? Kanina pa kayo dito ah!" sigaw ng isang babaeng may matinis na boses kaya napalingon kaming dalawa.

"E, kasi Princess Sye itong si Ken kung anong drama ang pinapalabas kala niya maloloko na na naman niya ako,"pagsusumbong ng lalaki sa babaeng dumating.

Lumapit bigla sa akin ang babaeng iyon na may nakakalokong tingin.

"Ikaw Kentoy, ayan ka na naman diyan sa kalokohan mo e. Kaya ang dapat sa iyo ito," at piningot niya ng malakas ang aking tainga habang tatawa-tawa naman itong katabi ko.

"Hali ka na't bumaba na tayo at baka malate pa tayo sa ceremony," sabi niyang may halong pagkainis.

"Aray, bitawan mo nga ako! Sino ka ba sa akala mo para gawin iyon? Ang kapal mo naman. Magsama nga kayo nitong lalaking ito. Parehas kayong walang kwenta!" malakas na bulyaw ko sa kanya.

Nagulat silang dalawa sa ginawa ko. Biglang namutla at halatang takot na takot ang nakakairitang lalaki nang makita niyang nag-iba ang itsura ng mukha nung babae.

"Ah..eh.. K.. Ken, Sye, exit na muna ako ah. Bye! " nangininig niyang sabi at nagmamadaling bumaba ng sasakyan.

Hindi ko na lang pinansin ang babaeng parang kamatis na ang mukha sa galit at nang bababa na sana ako ay bigla na lang niyang hinawakan ang braso ko at pinagsusuntok ako sa mukha at tinadyakan ng maraming beses hanggang sa natumba ako sa sahig.

Hindi man lang ako nakapalag sa ginawa niya dahil sa gulat. Hindi ko akalaing ganun siya kalakas. Sa liit niyang iyan nakaya niya akong patumbahin nang ganun ganun na lang.

"Hoy, makinig kang mabuti Kendrian Eryu Nates. Hinding-hindi ko mapapatawad ang pagpapahiya mo sa akin kanina sa harap ng mukhang bading mong bestfriend! Hindi ba sabi ko sa'yo bawal akong suwayin o kalabanin? Lalong-lalo na ang galitin ako. AKO ANG BATAS. Tandaan mo yan!" matigas niyang sabi at binigyan ako ng mapang-asar na ngiti bago tuluyang bumaba ng sasakyan.

Ilang sandali akong nakatulala sa kawalan dahil sa ginawa at sinabi sa akin ng babaeng iyon. Hindi ko matanggap sa sarili kong nagpabugbog ako sa isang katulad niya lang. Hindi ito maari! Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya. Lintik lang ang walang ganti. Nakaramdam ako ng matinding galit at patakbong lumabas at bumaba ng sasakyan upang habulin ang babaeng iyon. Ni hindi ko ininda ang sakit ng katawan ko dahil sa umusbong na galit na ngayon ko pa lang naramdaman.

Subalit biglang napalitan ng pagkamangha ang galit ko ng makita ko kung ano ang bumungad sa akin. Nasa may bangin pala ang kinalalagyan ng sinakyan ko kanina at nakita kong may mga nakalutang na lupa na pinapaligiran ng mga bahaghari at tubig na umaagos na parang mga falls at ilog. Grabe ang ganda. Ngayon lang ako nakakita ng ganito maski sa picture di pa ako nakakakita ng ganito. Kakaibang tanawin talaga. Nakakamangha.

"Ken, itikom mo na ang bibig mo't baka mapasukan pa yan ng kung ano. Hahaha."

Liningon ko kung sino ang nagsasalita at nakita ko ang isang matangkad at kalbong lalaking mukhang weird na nakasuot ng salamin. Nakatayo siya kasama ang mga kabarkada niyang mga weirdo rin. Sino na naman kaya to? Teka, Ken na naman?

"Uy, uy, masyado mo yatang ginalit si Princess kaya bugbog sarado ka na naman. Hahaha!" panunukso naman ng isang babaeng kulay puti ang buhok na inaakbayan ng kalbo.

Wala ba talagang alam ang mga ito kung hindi pagtawanan ako. Masyado naman yatang feeling close ang mga ito. Nakakainis na.

"Kumusta Ken? Buhay ka pa pala? Akala ko talaga tinuluyan ka na ni Master Sye. Pffft,"natatawang sabi ng isang tsinitang babaeng katabi ng lalaking kasama ko sa sasakyan kanina.

Kasamahan niya pala ang mga ito. Nakita kong sumulyap lang siya at para bang worried at concerned siya sa nangyayari sa akin. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko kaya sinigawan ko silang lahat.

"SINO BA TALAGA KAYO? HINDI KO KAYO KILALA AT HINDI AKO SI KEN!" halos maubusan ako ng boses sa pagsigaw ko sa kanila pero imbes na katakutan ako ay pinagtawan pa nila ako lalo.

"HAHAHAHAHAHA!" nakakabinging tawanan nilang lahat.

"Tama na nga yan. Wala kayong mapapala sa lalaking iyan. Puro kalokohan lang ang alam! Nababaliw na ata yan. Siguro nakalog ang utak niyan kanina,"seryosong sabi ng babaeng gumulpi sa akin kanina.

"Pfffttt. Iba ka talaga tol. Hindi bagay sayong mag-artista trying hard ka masyado kaya nabugbog ka pa tuloy. HAHAHA!"maluha-luha at natatawang sabi ng kalbo.

Akmang susugurin ko na sana ang prinsesa ay humarang sa akin ang dalawang babae at tinutukan ako ng mga armas na dala nila. Teka saan nanggaling iyong mga armas nila?

"Easy, anong binabalak mong gawin? Hindi mo siya magagalaw hanggang buhay pa kami," pagbabanta ng babaeng puti ang buhok.

Nakatingin naman sa akin ng masama ang tsinita. Lumapit naman kaagad ang bestfriend ko raw at pumagitna sa aming tatlo.

"Teka, chill lang naman kayo. Masyado naman kayong seryoso,"sabi niya sa aming tatlo at bigla akong inakbayan at inilayo sa kanila, "Bro, ano bang balak mo? Gaganti ka? Di mo magagawa iyon. Nakalimutan mo na bang magagaling na assasin iyong dalawa? Patay tayo niyan di pa nga tayo nakakatuntong sa school e. Relax ka lang."

"Bwisit! Bitiwan mo nga ako!" inis na tugon ko at tuluyan nang lumayo sa kanila. Naririnig ko pang tinawag nila ako pero hindi ko sila pinansin. Gusto ko sanang bumalik sa sasakyang pinanggalingan ko kanina ngunit wala na ito.

Ilang sandali pa ay may humarang sa aking dalawang men in black.

"You're not going anywhere young man,"asinta sa akin ng malaki at matipunong lalaking parang secret agent.

"What do you care?" sarcastic kong sagot sa kanya at agad naman akong sinampal ng kasama niya. Sobra sobra na yata ang nangyayari sa akin sa araw na ito. Kanina pa ako nabubugbog at naguguluhan. Lalaki ba talaga ang itsura ko?

"How dare —"

"Buy some manners boy. You're in the school premises and you are obliged to follow our rules and regulations. So, whether you like it or not, you must come with us!"

Hindi na ako nanglaban pa dahil sayang lang ang oras ko kung papatulan ko pa sila at wala rin naman akong ibang mapuntahan kaya sumama na lang ako sa kanila ng kusa kahit na labag sa kalooban ko.

Dinala nila ako sa harap ng sasakyang puro salamin. Nang makita ko ang sarili ko sa salamin, di ako makapaniwala sa aking nasaksihan. Natulala na lang ako habang pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Ibang tao ang nakikita ko. Isang bugbog saradong binata na nakauniform kagaya ng mga lalaking weirdo kanina. Pabalik-balik ang tingin ko sa salamin at sa sarili ko. Ano nga ba talaga ang nangyari sa akin? Ako'y lubos na nagugulumihanan.