webnovel

Chapter 7:

Pagkatapos mag-text ni Jared ng apology kay Cherry ay nagtungo naman siya ngayon sa isang restaurant na kung saan magkikita sila ng girlfriend niyang si Kelly. Huminga siya nang malalim bago tinahak ang daan papasok ng nasabing meeting place nila ng kasintahan.

Siya ang unang dumating at pagkaraan ng ilang minuto ay naroon na rin si Kelly.

"Kanina ka pa ba?" tanong nito na halata sa kanya ang pagmamadali.

"No. Mga ilang minuto pa lang." Mabilis niyang tugon saka nagkusang tinawag ang waiter at tumitig sa girlfriend. "Can we order now?"

"Sure..." pansin sa mukha ng dalaga ang kasabikan na magkita sila.

Madalang lamang sila magkita nito dahil kapwa busy sa kani-kanilang trabaho. Business woman din si Kelly gaya niya pero galing ito sa mayamang pamilya hindi tulad niya. Masasabing sobrang magkaiba ang mundo nila pero hindi naging hadlang para magkahiwalay sila at magkaroon ng lamat. Nagkaroon lamang ng pagbabago simula nang magkita sila ni Cherry. Nanumbalik muli ang feelings sa ex-girlfriend dahilan upang di patahimikin kanyang isipan. Dahil sa dating kasintahan bumabalik ang mga bagay na labis niyang pinagsisihan noon at lalo niyang na-realize lahat-lahat nang makita si Cherry na nahihirapan ito at nasasaktan sa kalagayan ng babaengayon.

"Sobrang na-missed ko 'to, Jared and finally, niyaya mo'kong magkita tayo at kumain sa favorite nating resto," sambit pa ni Kelly. "Sarap sa pakiramdam."

Mayamaya ay dumating na rin kanilang inorder ng pagkain.

"Can we eat first?" tanong niya rito at tumango lamang ito. Nakaramdam na rin siya ng gutom buhat pa kanina. Kape lamang ininom niya pagkagising dahil sa wala siyang gana kumain. Hindi rin kaagad siya dumiretso sa workplace niya para lamang yayain ang girlfriend na kumain sila ng sabay.

"Syempre. Gutom na rin ako. Di na nag-abala pang kumain ng breakfast sa house nang niyaya mo akong pumunta dito."

"Same. Hindi rin ako kumain sa bahay. Naisipan ko nga muna makipagkita sa'yo bago magtungo sa jewelry shop."

Pagkatapos niyon, wala na muna gaanong imikan sila pareho dahil ninanamnam nila ang masarap na pagkain sa restaurant na iyon. Kailangan niya makapag-ipon ng lakas para mamaya.

Panay buntong-hininga si Jared dahil di alam kung paano sasabihin sa girlfriend ang pagtatapat niya. Ramdam niya ang pawis sa kanyang mga kamay at medyo panlalamig lalo na malakas ang aircon sa loob ng restaurant.

"Kelly, can I ask you something?" bungad na niyang tanong. Sinusubukang labanan ang emosyon nararamdaman.

Tumango lamang ang dalaga habang ninanamnam niya ang pagkain. "Importante ba 'yan?"

Umoo lamang ang binata habang paunti-unti niyang ilalahad na nais iparating sa girlfriend. Ayaw niya ito mabigla sa kanyang pagtapat dito. Ayaw niyang masaktan si Kelly pero kung para niya pa ay mas lalo lang ito aasa at masasaktan.

"I want to break up with you," direksyahan na niyang saad. Natigilan kanyang kasintahan at hindi mapaniwala sa narinig nito.

"Huwag ka nga magbiro ng ganyan, Jared? Sarap-sarap ng kain ko dito eh."

"I'm not teasing you anymore, Kelly. What you heard is true," paliwanag niya.

Kaninang ngiti ang bumabalot sa mukha ng dalaga, ngayon ay napalitan ng lungkot at luha sa mga mata nito.

"Why, may nagawa ba akong mali na di mo nagustuhan?"

"Wala, Kelly. Mabuti kang tao at naging mabuti kang girlfriend sa akin but it is not enough para manatili ang relasyon natin." Yumuko saglit si Jared saka muling nagsalita. "Mas maigi ng nasabi ko na sa'yo ito habang di pa tayo kinakasal," dagdag pa niya at tumitig sa mata ng kasintahan na namamasa na dahil sa luhang dumadaloy doon. "I have no feelings now for you, Kelly. I just realized na hindi ikaw 'yong permanenteng tao na makakasama ko in a lifetime."

"Why? Ano ba kulang sa'kin kung bakit ganoon na lang nawala ang feelings mo for me?"

"Walang kulang pero sadyang bigla na lamang naglaho ang nararamdaman ko para sa'yo."

"Siya pa rin ba?"

Natigilan si Jared sa tanong ni Kelly sa kanya.

"Who?" Pagkukunwaring hindi niya alam ang tinutukoy nito.

"Ofcourse, your ex-girlfriend."

Ngumisi siya bilang reaksyon. "Hindi siya. I'm only want to be honest with you."

Never sasabihin ni Jared ang tunay na dahilan kung bakit nakipag-break up siya kay Kelly. Ayaw na niyang madamay pa si Cherry dito. Ayaw na rin niyang madagdagan pa ang hate nito sa kanya. Sa halip, mapalitan man lamang iyon nang magandang pagtanggap sa kanya kahit bilang magkaibigan.

"Gusto ko muna hanapin ang sarili ko. And here, I hope you can find someone that deserve more of your love."

"How selfish you are, Jared!" giit nito sa kanya. "Nakipag-break ka and now pinu-push mo na kaagad ako sa iba? Wala kang pakialam sa nararamdaman ko. Kahit kailan you never love me and you never care for me."

Mga ilang sandali ay tumayo na si Kelly kasabay ng pagpunas ng kanyang luha at iniwan ang ex-boyfriend ng mag-isa sa restaurant.

Nagtungo naman ang binata sa kaibigan sa bahay nito pagkatapos ng trabaho sa shop na ipinatayo niya. Kailangan niya ng taong makakausap sa ngayon. Lalakasan pa niya ang loob makipag-usap sa kaibigan kahit hindi ito mahilig sa mga dramatic conversation.

Kumatok siya ng dalawang beses saka siya pinagbuksan nito.

"Oh, Jared. Naparito ka." Nabigla ang binata sa agarang pagpunta ng kaibigan sa kanya. "Sakto ang dating mo. Kagagaling ko lang sa law office."

Umupo kaagad si Jared sa malambot nitong sofa saka bumuntong-hininga.

"Teka, lalim ng paghinga ah!" pansin ng binata. "Magtitimpla muna ako ng kape."

"No, wine ang gusto ko."

Natigilan ang kaibigan sa sinabi niya at hindi tinuloy ang pagtungo sa kusina para magtimpla ng kape.

"Pambihira ka naman, Jared. Kagagaling ko lang sa work. Dami at tambak ang trabaho lalo na marami akong kliyente. Kailangan ko ng energy at pampagising."

"Ok, magkakape tayo Mar but later in the evening mag-iinom tayo."

"Anong meron? Sabihin mo nga sa'kin," saad ni Marlo na walang ideya sa pag-uusapan nila ng kaibigan. Curious siya sa kung ano man iyon dahil di niya pa nakikitang umiinom ng alak si Jared. Ngayon lang.

Naikwento nga niya sa kaibigan ang tungkol sa pakikipag-break kay Kelly. Sinabi niyang pinag-isipan niya ito nang maigi bago magdesisyon dahil di iyon kadali para sa kanya.

"Malamang sobrang nasaktan si Kelly sa ginawa mo, mate," saad ni Marlo. Pero ang tanong ko lang kung bakit naging gano'n ang desisyon mo? Ang alam ko nga ok kayo eh nang mabalitaan ko ngang engaged na kayo. I didn't understand kung bakit napunta sa ganito?"

Walang nasagot si Jared. Hindi naman niya pwede sabihin sa kaibigan ang tunay na dahilan.

"Na-realized ko lang at the end na di ako para kay Kelly."

Napangising sarkastiko si Marlo sa ganoong sagot ng kaibigan sa kanya. Masyadong inconsistent si Jared sa mga nagiging desisyon nito. Pansin na niya ito noon pa. Tanging sa pagpapatayo ng negosyo lamang ito naging consistent talaga.

"Sa tagal niyong 'yan? O baka siya pa rin iniisip at inaalala mo. Oh come on, mate. Matagal na 'yon. May kanya-kanya na kayong buhay. Bakit di mo pa rin magawang kalimutan ang nakaraan?"

"Hindi siya ang dahilan. I'm just wanted to be free and to know myself more."

Iyon lamang kanyang naging sagot sa kaibigan. Nagtagal nga si Jared sa bahay nito upang uminom. Bukas ng umaga na lamang siya makakauwi. Hindi na siya nagbalak pang magkwento tungkol sa nangyari. Kilala niya si Marlo lalo na abogado ito.

Matapos ang ilang araw na leave niya sa jewelry store ay naisipan niyang tumungo kahit sandali sa lugar ng ex-girlfriend. Alas-nuwebe na noon. Tumigil siya sa tapat ng bahay ni Cherry at biglang nakaagaw ng kanyang pansin. Ang dalawang anino sa likod ng dalawang kurtina. Napansin niya kakaiba niyon.

Mga ilang sandali ay mas napansin niyang may nangyayaring milagro sa pagitan ng kanyang dating kasintahan at asawa nito. Naghahalikan.

"Damn. I shouldn't see them." Inis niyang saad sa sarili. Huminga siya nang malalim at pinaandar na ang sasakyan.

Habang nagmamaneho siya ay bumalik-balik sa kanyang gunita ang nakita kanina dahilan upang mas higpitan niya ang paghawak ng manibela.

"Hindi na dapat pa ako nagpunta sa kanila." Ramdam pa rin ang inis sa kanyang boses.

Tulog na si Alfred samantala gising naman si Cherry. Tinatakpan kanyang dibdib gamit na kumot at mga braso. Tinititigan niya ang asawa sa mahimbing na tulog nito. Naamoy pa niya ang alak sa katawan ng kabiyak. Sinubukan niya itong yakapin subalit bigla itong tumalikod sa kanya at natulog ng nakatagilid na posisyon.

Kinaumagahan ay naghahanda ng agahan si Cherry at binati kanyang asawa na kakalabas pa lamang ng kanilang kwarto.

"Tamang-tama, nakapagluto na ako ng almusal natin. Kumain ka na," saad niya.

Umupo si Alfred ng tahimik at hindi man lamang kinibuan ang asawa na tila walang nangyari sa kanila kagabi.

*Gusto mo ba magbaon sa trabaho niyo?" suhestiyon na tanong ni Cherry. Kaagad namang tumanggi ang asawa.

"Hindi na. Sasabay na lang kami kakain sa labas ng mga katrabaho ko," mahinahon na sabi nito na ikinapagtaka ni Cherry. May bagay pa rin sa puso niya ang pagtatampo dahil tila wala lang sa asawa ang bawat nangyayari sa kanila. Akala na niya magiging ok na ang lahat ngunit hindi pa pala.

Mga ilang sandali ay biglang tumunog ang doorbell. Wala namang inaasahan si Cherry na magde-deliver ng tubig dahil kakabili lang niya buhat kahapon. Malabo din naman sa bill ng kuryente at tubig dahil kakabayad lamang niya noong nakaraang linggo. Wala din naman siyang aasahang parcel mula sa binili niyang items online dahil naghihigpit siya ng sinturo ngayon sa dami ng gastusin at bayarin.

Siya na mismo ang nagtungo sa labas ng kanilang bahay upang tignan kung sino ang dumo-doorbell sa kanilang gate.

"Good morning, Ma'am. Dito ko raw po ipadala lahat ng mga ito," bungad sa kanya ng isang lalaki matapos niyang buksan kanilang tarangkahan. Inuutusan pa nito mga kasama na buhatin pa ang iba pa.

"I'm sorry pero wala akong alam na may binili akong oven toaster, washing machine, at electric fan sa inyo. Siguro nagkamali lang ako kaya mas maiging i-double check ang personal information ng kumuha sa inyo ng items," paliwanag ni Cherry habang buo kanyang pagtataka sa mga nakitang mga gamit.

"Dito po talaga, Ma'am. Tignan niyo po ang nakasulat sa aming record na sa inyong address ipapadala itong mga gamit," katwiran pa ng lalaki.

Mga ilang minuto pa ay lumabas din si Alfred bitbit kanyang dalawang anak. Napatitig sa mga gamit at kumunot ng husto kanyang mga noo. Nakaramdam siya ng pagkainis sa kanyang nakita.

"Pwede ko ba malaman kung sino nagpadala nito?"

"Masyadong confidential po kaya di maaaring sabihin," saad ng isa pang lalaki na katuwang sa pagbubuhat ng gamit.

Bukod pa kasi sa mga appliances mayroon pang mga pagkain kaya halos sumikip na ang daraanan sa pagitan ng kanilang sala hanggang sa palabas ng gate.

"Siya nga po pala, Ma'am..." sabay inabot sa kanya ang isang papel. "Kailangan niyo po sanang pirmahan ito bilang patunay na na-received niyo na po sila."

Ilang segundo pa bago siya pumirma upang hanapin ang pangalan ng taong nagpadala ng mga gamit sa kanilang bahay. Wala siya anumang nakita roon. Ibinigay na lang niya sa lalaki ang papel pagkatapos pumirma.

Ngumiti sa kaniya ang tatlong lalaki saka nagpaalam na mga ito.

"Sige po, Ma'am alis na kami."

Napaisip pa rin si Cherry at napatitig sa kanyang asawa na sobrang sama na ng tingin. Iniwanan lamang mga bata sa may pintuan ng kanilang bahay saka diretso ng lumabas ito at dinaanan lamang siya.

"Alis na'ko..." iyon lamang naging sambit ng asawa saka tuluyan ng lumabas ng gate.

Nang makaalis na si Alfred ay mabilis niyang nilapitan kanyang mga anak na naghihintay sa kanya. Pinisil niya mga mukha nito upang sandali lamang i-comfort sa nangyari kanina. Samantala, mas lalong nag-isip pa si Cherry sa kung sinuman ang taong nagmagandang-loob na bilhan siya ng ilang kagamitan.

Tahimik lamang pinagmamasdan ni Jared ang bahay ng ex-girlfriend habang dinedeliver doon ang mga gamit na pinamali niya. Dahil kahit papaano matutulungan niya pa rin ang babaing iniibig. Kahit piniga ang kanyang puso nang hindi niya sinasadyang makita ang nangyari ng gabing iyon ay pinili niya pa rin manatili sa pagmamahal niya para kay Cherry. Ang gusto lang naman niya ay makatulong at makabawi dito.

Sumunod na araw pa ay nakatanggap si Cherry ng mga groceries sa magkatulad na oras. Mas lalong sumama ang tingin ng kanyang asawa.

"May inorder ka nanaman bang mga ganito?" naiinis nang bungad nito sa kanya. Kaaga-aga at kumakain sila ng almusal ito ang tumambad sa kanila. "Noong nakaraang appliances at ngayon mga grocery items. Huwag mo laspagin ang mga pera natin dahil sa kapritsuhan mo."

"Wala akong binili na mga ganito, Alfred. Eh hindi ko nga alam kung saan galing," katwiran ni Cherry.

"Siguraduhin mo lang..." Hindi na katulad ng dati ang tono ng boses nito kung paano makipag-usap sa kanya subalit may halo pa rin na kaunting pagsisita sa kanya. "Malalaman ko rin, 'yan."

Pagkatapos niyon ay iniwan na siya nito at di na pinakinggan pa ang kanyang sasabihin. Sa pag-alis ng asawa saka naman lumabas si Daryl mula sa kwarto nito.

Hindi niya pinaalam sa asawa na dito nakikitulog kanyang kapatid. Kapag nandito si Alfred saka niya ipinatatago sa kwarto si Daryl.

"Sige na, kumain ka na muna. Tapos, pakibantayan mo muna sila at maliligo muna ako," bilin niya sa binata saka sila kumain ng sabay. Tumango lamang ito.

Katatapos lamang niya magluto. Mayamaya nandito na rin kanyang dalawang anak. Nagtungo siya sa guest room kung saan tumatambay ang kapatid.

Kusa itong bumukas. Madilim ang kwarto kaya pinindot niya kaagad ang switch. Tumuloy lamang siya hanggang sa napansin niyang walang tao doon.

Mga ilang segundo pa ay tumambad sa kanya ang isang sulat. Nagpaalam muna si Daryl na uuwi ito saglit sa kanila. Gusto lang nito dalawin at makita mga kapatid. Kaya, no choice siya kundi sunduin ang mga bata sa eskwelahan. Nagbihis kaagad siya sa kanyang kwarto saka sinarado ng husto ang bahay.

Kasalukuyang inaabangan ni Jared ang dalawang anak ni Cherry. Gusto lang niya ito makita at makausap man lang. Natutuwa siya sa mga bata. Mayamaya pa'y lumabas na rin ng gate sina Carina at Cyprus at tila hinahanap na nito ang magsusundo sa kanila. Nilapitan niya ang mga bata.

Napakunot ng noo ang babae sa kanya habang nakangiti lamang ang batang lalaki.

"Who are you?" tanong nito sa kanya habang yakap-yakap ang kapatid. "We don't talk to strangers."

Napangiti lamang si Jared sa naging reaksyon ni Carina.

"I'm not a bad stranger. Hindi ko kayo kikidnapin . Kakausapin ko lang kayo. Ok lang ba?" malambing niyang tinig sa mga bata.

Unti-unti namang napabitaw si Cyprus sa mahigpit na pagkakapit sa kanyang ate.

"I'm just want to talk with you kids. Gusto ko lang din makipagkaibigan. Ok lang ba?"

"No. Hindi kami nakikipag-friends sa di namin kilala," tugon ni Carina.

"Ok, ganito na lang. Magpapakilala ako sa inyo para quits na tayo." Sandaling tumigil siya at muling nagsalita. "I'm Jared, 33 years old and your mother's old friend."

Mas lalong kumunot ang noo ng batang babae. "No, you're lying."

"Nagsasabi ako ng totoo. Sa ngayon di niyo po maiintindihan but soon." May inabot siyang chocolates sa bulsa.

Nanlaki ang mata ni Cyprus at kaagad niya sana kukuhanin iyon nang biglang may sumigaw sa di kalayuan.

"Ano ginagawa mo sa mga anak ko?"